You are on page 1of 3

MGA URI NG TAYUTAY

SIMILI (PAGTUTULAD)

- di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng


mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-,
magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.

MGA HALIMBAWA:

1. Ikaw ay tulad ng bituin.


2. Ang puso mo ay gaya ng bato.
3. Ang gerilya ay tulad ng makata.
4. Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao.
5. Ang paghihintay sa paghinog ng prutas ay gaya ng pagbubuntis.

METAPORA

- Ang metapora o pagwawangis ay isang tuwirang paghahambing na ang


dalawang bagay na pinagtutlad ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa at
ipinahahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian,
o gawain ngisang bagay sa bagay na ihinhahambing.

MGA HALIMBAWA:

1. Si Elena ay isang magandang bulaklak.


2. Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.
3. Si Inay ay ilaw ng tahanan.
4. Si Miguel ay hulog ng langit.
5. Ang balat niyang gatas.

PERSONIPIKASYON

- Ang personipikasyon ay isang tayutay na nagkakapit ng katalinuhan at mga


katangian ng tao sa mga bagay na walang talino tulad ng hayop, ibon, at bagay.
Tinatawag din itong pagtatao, pagsasatao, o pagbibigay-katauhan.

MGA HALIMBAWA:

1. Humagulgol ang hangin.


2. Lumipad ang mga oras.
3. Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
4. Sumayaw ang mga bituin sa langit.
5. Inanyayahan kami ng ilog na maligo.
PAGMAMALABIS O HYPERBOLE

- Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao,


bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o
katayuan.

MGA HALIMBAWA:

1. Narinig ng buong mundo ang iyong pag-iyak.


2. Namuti ang buhok ko sa kahihintay.
3. Abot langit ang pagmamahal ko sa iyo.
4. Kasing-laki ng elepante ang anak mo.
5. Napakasama ng kaniyang tingin na kaya na nitong pumatay ng tao.

METONOMIYA (PAGPAPALIT TAWAG)

- isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na


magkakaugnay.

MGA HALIMBAWA:

1. Si Prince Charles ang magmamana ng Korona ng Ingglatera.


2. Apat na bote ang nawawala sa itinago niyang kahon.
3. Matatamis na ngiti ang naging bunga ng kanyang kabayanihan.

IRONYA (PAGUYAM)

- Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong
nakakasakit ng damdamin.

MGA HALIMBAWA:

1. Ang galing mong sumayaw, natatapakan mo nga lang ang aking mga paa.
2. Ang kaibigan ko ay kasing bait ni Judas.
3. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay.
4. Ang ganda ng kanyang mga kamay, pwede mong gawing pangkudkod sa
semento sa bahay.
5. Ang galing mong kumanta, nasisigawan mo nga lang ako sa tenga.
APOSTROPE (PAGTAWAG)

- isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

MGA HALIMBAWA:

1. tukso! Layuan mo ako!


2. Katapangan, lumapit ka sa akin.
3. Kamatayan nasaan ka na? Wakasan mo na ang aking kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Ama, huwag ninyo po kami pababayaan.

PANGHIHIMIG (ONOMATOPEYA)

- ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

MGA HALIMBAWA:

Himutok na umaalingawngaw.

Ang lagaslas nitong batis,alatiit nitong kawayan,halumigmig nitong hangin, ay bulong ng


kalikasan.

Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.

Ang busina ng bus ang nangingibabaw sa kalye.

Sinundan niyaang twit twit na narinig niya. Mula pala ito sa ibong nakadapo sa kanilang
balkonahe.

You might also like