You are on page 1of 4

Pang-ugnay

Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap,


maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Pang-ukol
Ang Pang-ukol (Preposition sa wikang Ingles) ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o
panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
sa

para sa

para kay

ayon

tungkol sa

kina
na may

Halimbawa:
Ang kanyang nilutong tinola ay para sa kanyang asawa at mga anak.

Mga Gamit ng Pang-ukol


Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.
Halimbawa:
Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Coby.

Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.

Halimbawa:
Ang bagong damit ay para kay Lita.

Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip.

Halimbawa:
Ang kanyang talumpati ay para sa kababaihan.
Marami siyang kinuwento tungkol sa pagpapalago ng negosyo.

Pangatnig[baguhin]
Ang Pangatnig (Conjunction sa salitang Ingles) ang tawag sa mga kataga o salitang naguugnay sa
dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap:
at

pati

kung

saka

bago

upang

ni

maging
sana

subalit

dahil sa

ngunit

sapagkat

Gamit ng Pangatnig[baguhin]
Dalawang salitang pinag-ugnay[baguhin]
Halimbawa:
Ang langis AT tubig ay hindi mapagsama.

Dalawang pariralang pinag-ugnay[baguhin]


Halimbawa:
Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng bahay ang kanyang hanapbuhay.
Tatlo ang pang-angkop na ginagamit. Ito ay ang mga sumusunod: 1. na - inilalagay sa
pagitan ng salitang naglalarawan at inilalarawan na ang nauuna'y nagtatapos sa katinig.
Isinusunod sa mga salitang nagtatapos sa katinig maliban sa n.Halimbawa : masarap na
pagkain, malinis na bahay, masinop na tao, matatag na kinabukasan, marangal na paguugali. 2. ng - ikinakabit ito sa salitang nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u). Ikinakabit sa
nauunang salitang nagtatapos sa patinig sa magkasunod na salitang inilalarawan at
naglalarawan.Halimbawa : bago+ng bayani - bagong bayani, magandang binibini, mabuting
anak, matinding takot, makataong pulitiko. 3. g - ikinakabit sa mga salitang nagtatapos sa
letrang n.Halimbawa : bayan+g magiliw - bayang magiliw, mahinahong pakikipag-usap,
makabuluhang gawain, maalinsangang lugar, pahayagang makatotohanan.

Uri ng Pangatnig[baguhin]
Panimbang[baguhin]
Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
at

saka

pati

Halimbawa:

ngunit

maging

datapuwat

subalit

Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera.


Naglinis muna si Hannah, saka siya nagluto.

Pantulong[baguhin]
Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay.
kung

kapag

upang

para

nang

sapagkat

dahil sa

Halimbawa:
Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit.
Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.

Pang-angkop[baguhin]
Ang Pang-angkop (Ligatures sa wikang Ingles) ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan (na, ng, g)
Halimbawa:
Maayos na pamumuhay ang hangad nina Jaime.
Masayang naglalaro si Ben.

Mga salitang inuugnay ng pang-angkop[baguhin]


Pang-uri at Pangngalan[baguhin]
Halimbawa:
Masama sa may diabetes ang matatamis na pagkain.

Pang-abay at Pang-abay[baguhin]
Halimbawa:
Sadyang mabilis lumangoy ang isda.

Pang-abay at Pang-uri[baguhin]
Halimbawa:
Likas na maputi ako.

Pang-abay at Pandiwa[baguhin]
Halimbawa:
Si Calix Ramos at Allyanna Buenaventura ay biglang nagsapakan nang asarin siya.

Wastong Paggamit ng Pang-angkop[baguhin]

Ang na ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig.

Ang g ay ginagamit kapag ang salitang dinurugtungan ay nagtatapos sa titik, n

Ang ng ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig.

You might also like