dalitat sakit, Ang dalawang matay bukal ang kaparis; Sa luhang nanatak at tinatangis-tangis Ganitoy damdamin Mahiganting langit, bangis moy nasaan, Ngayoy naniniig sa pagkagulay-gulay, Bagoy ang bandila ng lalong kasama-an, Sa Reynong Albanyay .Sa loob at labas ng bayan kong sawi, Kaliluhay siyang nangyayaring hari, Kagalingat bait ay nalulugami, Ininis sa hukay ng dusat pighati. Ang magandang asal ay pinupukol Sa laot ng dagat ng kutyat linggatong, Baling magagaling ay ibinabaon At inililibing na walang kabaong. Ngunit, ay ang lilot masasamang loob, Sa trono ng puri ay iniluluklok, At sa baling sukab na may asal-hayop, Mabangong insenso ang isinusuob. Kaliluhat sama ang uloy nagtayo At ang kabaitay kimit nakayuko Santong katwiray lugami at hapo, Ang luha na lamang ang pinatutulo At ang balang bibig na binubukalan Ng sabing magaling at katotohanan, Agad binibiyak at sinisikangan Ng kalis ng lalong O taksil na pita sa yamat mataas! O hangad sa puring hanging lumilipas! Ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat, At niring nasapit na kahabg-habag. Sa korona dahil ng Haring Linseo. At sa kayamanan ng dukeng ama ko, Ang ipinangahas ng Konde Adolfo, Sabugan ng sama ang Albanyang reyno. Ang lahat nang ito, maawaing Langit, iyong tinutunghay anot natitiis? mula ka ng buong katuwirat bait, pinayagan mong ilubog ng langit. Makapangyarihang kamay moy ikilos pamimilantikin ang kalis ng poot, Sa Reynong Albanyay kusang ibulusok, ang iyong higanti sa masamang loob. Bakit, kalangitay bingi ka sa akin, ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin? diyatat sa tapat na pananalangin sampung tainga moy ipinangunguling? Datapwat sino ang tatarok kaya sa mahal Mong Lihim, Diyos na dakila? walang mangyayari sa balat ng lupa, di may kagalingang Iyong ninanasa. Ay saan ngayon ako mangangapit? saan ipupukol ang tinangis-tangis, kung ayaw na ngayong dinigin ng langit, ang sigaw ng aking malumbay na boses! Kung siya mong ibig na akoy magdusa, Langit na mataas, aking mababata, isagi mo lamang sa puso ni Laura, akoy minsan-minsang mapag-alaala. BUOD Nailarawan dito ang kalagayan ng Albanya. Nababalot ito ng kasamaan sa paghahari ng isang lilo na si Adolfo. Inagaw niya ang trono ng hari, sa mapangahas na paraan at pinatay ang lahat ng mga kaginoohan sa palasyo kasama ng hari at duke . Ang pagtataksil na iyon ay dulot ng pag-iimbot ni Adolfo. Sadyang nagdurusa si florante sa sinapit ng bayang Albanya at ng kanyang Ama. Sa panaghoy ni Florante ay hindi niya maiwasan na maghinanakit sa Diyos dahil sa masaklap na sinapit. Ngunit sa bandang huli'y nanaig pa rin ang pagpuri niya sa kadakilaan ng Diyos, anuman ang mangyari sa kaniyang buhay. SIMBOLO Naipaalam ni balagtas ang kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng panaghoy ni Flotante. Lihim niyang naipahayag ang paghihimagsik laban sa maling pamamalakad ng pamahalaan ng Kastila. BUOD Nagsimula ang tagpo sa isang liblib na gubat na halos hindi nasisinagan ng araw dahil sa malalaking puno ng higera na may malalapad na mga dahong nagpapadili, sa buong kagubatan. May mga baging din na namimilipit sa sanga ng kahoy na dumadagdag sa kapanglawan ng nagsusuka at mabahong amoy ng kagubatan. Nababalot ang buong kagubatan ng lagim at habag dahil sa mga gumagalang mababangis na hayop. Sa kalagayang iyon, may isang lalaking nakagapos na kung ihahalintulad ay parang si SIMBOLO Ang paglalarawan sa masaklap na gubat ay maihahalintulad sa kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng Kastila. Lugmok sa kahirapin ang buong taongbayan dahil sa walang kasiguruhang pamamalakad ng mga prayle. Ang walang katarungan pagkasidlak ni Florante sa gubat na iyon ay sinapit din ni