You are on page 1of 5

Ang Pantig ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng

lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita


Mga Pormasyon ng Pantig
Sa Wikang Filipino, ang sampu na pormasyon ng pantig ay ang mga sumusunod:

P - (patinig), halimbawa: a-so

KP -(katinig-patinig), halimbawa: ba-ta

PK -(patinig-katinig), halimbawa: es-trang-he-ro

KPK -(katinig-patinig-katinig), halimbawa: bun-dok

PKK - (patinig-katinig-katinig), halimbawa: ins-tru-men-to

KKP -(katinig-katinig-patinig), halimbawa: pro-tes-ta

KKPK -(katinig-katinig-patinig-katinig), halimbawa: plan-tsa

KKPKK -(katinig-katinig-patinig-katinig-katinig), halimbawa: tsart

KPKK -(katinig-patinig-katinig-katinig), halimbawa: nars

KKPKKK - (katinig-katinig-patinig-katinig-katinig-katinig), halimbawa: shorts

Pormasyon ng Pantig
Ang pantig ay binubuo ng isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa
pamamagitan ng isang walang bugso ng tinig.
9 na Pormasyon ng Pantig
1. P - (Pantinig)
- pantig na binubuo ng patinig lamang, kaya't tinatawag na payak.
halimbawa:
a-wit
e-le-men-tar-ya
2. KP - (Katinig, Patinig)
- pantig na binubuo ng pantinig na may tambal na katinig sa unahan, kaya't
tinatawag na tambal una.
halimbawa:
ma-ta

te-la
3. PK - (Patinig, Katinig)
- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa hulihan, kaya't
tinatawag na tambal huli.
halimbawa:
it-log
am-bon
4. KPK - (Katinig, Patinig, Katinig)
- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at sa hulihan,
kaya't tinatawag na kabilaan.
halimbawa:
suk-li
tin-da
5. KKP - (Klaster, Patinig)
- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan.
halimbawa:
tra-ba-ho
bra-so
6. PKK - (Patinig, Klaster)
- pantig na binubuo ng patinig na may tambal klaster sa hulihan.
halimbawa:
ins-pi-ras-yon
eks-per-to
7. KKPK - (Klaster, Patinig, Katinig)
- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at katinig sa
hulihan.
halimbawa:
plan-tsa
kwad-ra
8. KPKK - (Katinig, Patinig, Klaster)
- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at klaster sa
hulihan.

halimbawa:
nars
keyk
9. KKPKK - (Klaster, Patinig, Klaster)
- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at hulihan.
halimbawa:
tsart
trans-por-tas-yon
Ang Pantig at Pagpapantig
Ang Pantig at Palapantigan
Bago pa man talakayin ang diptonggo at klaster ay mas maganda kung magkaroon
muna ng kabatiran ang mga iskolar tungkol sa palapantigan dahil ito ang paraan
upang makilala at maunawaan ang dalawa (2) pang uri ng ponemang segmental.
Ang pantig ay ang isa o bawat saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa
pagbigkas ng salita. Halimbawa:
a-ko sam-bit i-i-wan
mang-ya-ya-ri it-log ma-a-a-ri
Kayarian ng Pantig. Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa
pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig.
Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.
P - u-po a-so i-sa a-a-sa
KP - ma-li ba-ro ku-mot ba-ba-lik
PK - is-da ak-lat a-liw-iw am-paw
KPK - han-da bi-gas ka-hon pak-pak
KPKK - ri-serts kard nars a-part-ment
KKP - pri-to pro-se-so dru-ga kla-se
PKK - eks-perto eks-tra ins-truk-tor ins-tru-men-to
KKPK - plan-tsa trum-po trak tran-sak-syon
KKPKK - mag-drayb tsart klerk trans-por-ta-syon KKPKKK - shorts

Pagpapantig. Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga


pantig.
1. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa pusisyong inisyal,
midyal at final na salita ito ay hiwalay na mga patinig.
Aalis - a-a-lis

Maaga - ma-a-ga
Totoo - to-to-o
2. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita,
maging katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang
pangalawa ay sa patinig na kasunod.
Buksan - buk-san
Pinto - pin-to
Tuktok - tuk-tok
Kapre - kap-re
3. Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng
isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay
sa patinig na kasunod.
Eksperimento eks-pe-ri-men-to
4. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na
dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ts, ang unang katinig (m o n) ay sa
sinusundang patinig ay kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.
asambleya - a-sam-ble-ya
alambre - a-lam-bre
balandra - ba-lan-dra
simple - sim-ple
sentro - sen-tro
kontra - kon-tra
plantsa - plan-tsa
5. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang
dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa
patinig na kasunod.
Ekstradisyon - eks-tra-di-syon
Eksklusibo - eks-klu-si-bo
Transkripsyon - trans-krip-syon

Pag-uulit ng Pantig. Ang mga sumusunod ang tuntunin sa pag-uulit ng pantig.


1. Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig
lamang ang inuulit
alis - a-a-lis
iwan - i-i-wan
ambon - a-am-bon
ekstra - e-eks-tra
mag-alis - mag-a-a-lis

mag-akyat - mag-a-ak-yat
umambon - u-ma-am-bon
2. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP (katinig-patinig),
ang katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.
basa - ba-ba-sa - mag-ba-ba-sa
la-kad - la-la-kad - ni-la-la-kad
takbo - ta-tak-bo - nag-ta-tak-bo
lundag - lu-lun-dag - mag-lu-lun-dag
nars - nag-nars - nag-na-nars
3. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klaster na katinig) na
kayarian, dalawang paraan ang maaaring gamitin. Batay ito sa kinagawian ng
nagsasalita o varyant ng paggamit ng wika sa komunidad.
a. Inuulit lamang ang unang katinig at patinig
plantsa - pa-plan-tsa-hin mag-pa-plan-tsa
prito - pi-pri-tu-hin mag-pi-pri-to
kwento - ku-kwen-tu-han mag-ku-kwen-to
b. Inuulit ang klaster na katinig kasama ang patinig
plan-tsa - pla-plan-tsa-hin mag-pla-plan-tsa
prito - pri-pri-tu-hin mag-pri-pri-to
kwento - kwe-kwen-tu-han mag-kwe-kwen-to
Ang pantig ay pagkakahati ng salita na ang bawat isa ay may sariling tunog.

You might also like