You are on page 1of 18

Ang Pantig at

Pagpapantig
Bago pa man talakayin ang diptonggo at klaster ay
mas maganda kung magkaroon muna ng kabatiran
ang mga iskolar tungkol sa palapantigan dahil ito
ang paraan upang makilala at maunawaan ang
dalawa (2) pang uri ng ponemang segmental.
Ang pantig ay ang isa o bawat saltik ng dila o
walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng
salita. 
Halimbawa:

a-ko
sam-bit
i-i-wan
mang-ya-ya-ri
it-log
ma-a-a-ri
Kayarian ng Pantig

Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa


kayarian nito, ay sa pamamagitan ng
paggamit ng simbolong K para sa
katinig at P para sa patinig. 
P - u-po, a-so, i-sa, a-a-sa
KP - ma-li, ba-ro, ku-mot, ba-ba-lik
PK - is-da, ak-lat, a-liw-iw, am-paw
KPK - han-da, bi-gas, ka-hon, pak-pak
KPKK - ri-serts, kard, nars, a-part-ment
KKP - pri-to, pro-se-so, dru-ga, kla-se
PKK - eks-perto, eks-tra, ins-truk-tor, ins-tru-
men-to
KKPK - plan-tsa, trum-po, trak tran-sak-syon
KKPKK - mag-drayb, tsart, klerk, trans-por-ta-
syon
KKPKKK - shorts
Pagpapantig

Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaha-


bahagi ng salita sa mga pantig.
1. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang
patinig sa pusisyong inisyal, midyal at final na salita
ito ay hiwalay na mga patinig.
Aalis - a-a-lis
Maaga - ma-a-ga
Totoo - to-to-o
2. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod
sa loob ng isang salita, maging katutubo o hiram man, ang
una ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang pangalawa ay
sa patinig na kasunod.

Buksan - buk-san
Pinto - pin-to
Tuktok - tuk-tok
Kapre - kap-re
3. Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang
katinig na magkakasunod sa loob ng isang salita, ang
unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at
ang huli ay sa patinig na kasunod.

Eksperimento eks-pe-ri-men-to
4. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na
dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ts, ang unang katinig (m o n) ay sa sinusundang
patinig ay kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.

asambleya - a-sam-ble-ya
alambre - a-lam-bre
balandra - ba-lan-dra
simple - sim-ple
sentro - sen-tro
kontra - kon-tra
plantsa - plan-tsa
5. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang
unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling
dalawa ay sa patinig na kasunod.

Ekstradisyon - eks-tra-di-syon
Eksklusibo - eks-klu-si-bo
Transkripsyon - trans-krip-syon
Pag-uulit ng Pantig
1. Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o
batayang salita ay patinig, ang patinig lamang
ang inuulit
alis - a-a-lis
iwan - i-i-wan
ambon - a-am-bon
ekstra - e-eks-tra
mag-alis - mag-a-a-lis
mag-akyat - mag-a-ak-yat
umambon - u-ma-am-bon
2. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay
nagsisimula sa KP (katinig-patinig), ang katinig at ang
kasunod na patinig lamang ang inuulit.

basa - ba-ba-sa - mag-ba-ba-sa


la-kad - la-la-kad - ni-la-la-kad
takbo - ta-tak-bo - nag-ta-tak-bo
lundag - lu-lun-dag - mag-lu-lun-dag
nars - nag-nars - nag-na-nars
3. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay
may KK (klaster na katinig) na kayarian,
dalawang paraan ang maaaring gamitin. Batay ito
sa kinagawian ng nagsasalita o varyant ng
paggamit ng wika sa komunidad.
a. Inuulit lamang ang unang katinig at
patinig
plantsa - pa-plan-tsa-hin mag-pa-plan-tsa
prito - pi-pri-tu-hin mag-pi-pri-to
kwento - ku-kwen-tu-han mag-ku-kwen-to
b. Inuulit ang klaster na katinig kasama
ang patinig

plan-tsa - pla-plan-tsa-hin mag-pla-plan-tsa


prito - pri-pri-tu-hin mag-pri-pri-to
kwento - kwe-kwen-tu-han mag-kwe-kwen-to

You might also like