You are on page 1of 2

1.

Palapantigan
Ang palapantigan ay binubuo ng isang salirta o bahagi ng isansg salita na binibigkas sa
pamamagitan ng isang walang antalang bugso ng tinig. Bawat pantig sa Filipino ay may
patinig na kalimitan ay may kakabit na katinig o mga katinig sa unahan, sa hulihan o sa
magkabila.
Mga Pormasyon ng Pantig:
1.  P - tinatawag na payak, ito ay binubuo ng isang pantig lamang.
Halimbawa: o-ras, pa-a, i-sip, mag-a-a-ral

2. KP - tinatawag na tambal una (kung saan una ang katinig), ito ay binubuo ng isang
katinig na sinusundan ng isang patinig.
Halimbawa: ka-sa-ma, mo, sim-ba-han, ba-nga (tandaan na sa alpabetong filipino, ang NG
ay isang titik lamang)

3. PK - tinatawag na tambal huli (kung saan nasa huli ang katinig), ito ay binubuo ng isang
patinig na sinusundan ng isang katinig.
Halimbawa: ak-si-den-te, it-log, im-bes-ti-ga-dor, ta-on

4.  KPK - tinatawag na kabilaan, ang pantig na ito ay binubuo ng isang patinig na may
kasamang katinig sa unahan at sa hulihan.
Halimbawa: sa-man-ta-la, hin-tay, mag-a-ral, dam-da-min

5.  KKP - tinatawag na klaster-patinig, ito ay binubuo ng dalawang magkasunod na katinig


at isang patinig sa hulihan.
Halimbawa: ka-kla-se, pla-no, gra-sa, plo-re-ra

6. PKK - tinatawag na patinig-klaster, ito ay binubuo ng isang pantig at dalawang


magkasunod na katinig.
Halimbawa: ins-pek-tor, eks-per-to, ins-tru-men-to

7.  KKPK - tinatawag na klaster-patinig-katinig, ang pantig ay binubuo ng isang kambal


katinig sa unahan, isang patinig at isang katinig sa hulihan.
Halimbawa: trak, kwin-tas, prin-si-pe, ak-syon

8.  KPKK - tinatawag na katinig-patinig-klaster, ang pantig ay binubuo ng isang katinig,


isang patinig, at isang kambal katinig sa hulihan.
Halimbawa: nars

9. KKPKK - tinatawag na klaster-patinig-klaster, ang panting ay binubuo ng isang kambal


katinig sa unahan, isang patinig at isa pang kambal katinig sa hulihan.
Halimbawa: trans-por-tas-yon
2. PALAGITLINGAN
Bukod sa pangkaraniwang gamit ng gitling sa paghahati ng salita sa magkasunod na
taludtod, mayroon pang ilang sadyang gamit ito sa palabaybayang Filipino.
Halimbawa: (malayung-malayo), (Matamis-tamis)

3. Kudlit
Ginagamit ang kudlit(‘) bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o mga letrang
nawawala kapag ang pang-ugnay o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa
unang salita.
Halimbawa: (paniniwala’t paninindigan), (Wika’t panitikan)

4. Salitang Hiram sa Ingles

Nagsimulang pumasok ang maraming salitang Ingles noong 1899 nang sakupin ang


Pilipinas ng mga Amerikano. Noong mawala ang ating maikling kasarinlan (1898-1901),
ang mga Pilipinong bilingwal sa sariling wika at Kastila, ay natuto ng pangatlong wika —
Ingles.Sa unang sampung taon ng pananakop ng mga Amerikano, dumating ang tinatawag
na Thomasites na nagturo sa mga Pilipino sa wika ng bagong mananakop. Ginamit na
midyum o wikang panturo ang Ingles, at mabilis na napalitan ang wikang Kastila.

Hlimbawa: (Komisyoner – commissioner) ,( Basketbol – basketball)

You might also like