You are on page 1of 18

PALATUNUGAN

FILIPINO 1 – WEEK 8
ANG
PALATUNUGAN
• - Ang palatunugan o ponolohiya ay pag-aaral ng mga
tunog o tangkas ng mga tunog na bumubuo ng mga
salita sa isang wika.
• - Sa wikang Pilipino, ponema ang tawag sa isang
makabuluhang tunog.

• May tatlong salik na kailangan ang tao sa pagsasalita:


• 1.ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya.
• 2. ang kumakatal na bagay o artikulador
• 3. ang patunugan o resonador
• - Ang mga kabilusang nangyayari sa tatlong salik na
ito ay lumilikha ng alon ng mga tunog. Ang hangin
ang nagsisilbing midyum ng mga alon ng mga tunog
na siyang naririnig nito.
• - Artikulador ang tawag sa lakas na nagmumula sa
baga (presyur ng hangin) na syang nagpapakatal sa
babagtingan. Lumilikha ito ng tunog na
minomodipika ng bibig. Nagiging resonador naman
ang guwang ng bibig at guwang ng ilong.
• Ang bibig ng tao ay may apat (4) na mga
bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog
sa pagsasalita:
• 1. dila at panga
• 2. ngipin at labi
• 3. matigas na ngalangala
• 4. malambot na ngalangala
• Ang pangunahing sangkap ng pananalita ay:
• 1. guwang ng ilong
• 2. guwang ng bibig
• 3. mga labi
• 4. mga ngipin
• 5. dila (harap, gitna at likod)
• 6. ngalangala (matigas at malambot)
• 7. titilaukan
• 8. babagtingang pantinig
• 9. paringhe
• 10. laringhe
• 11. epiglotis
PONOLOHIYANG FILIPINO

• 1. Ang mga ponemang segmental.


• a. Patinig – Itinuturing na pinakatampok na
bahagi ng isang pantig. Walang pantig sa
Pilipino na walang patinig.
• b. Katinig – Ang mga katinig ay maiaayos
ayon sap unto at paraan ng artikulasyon at kung
ito ay may tinig o walang tinig.
• c. Klaster – tinatawag itong kambal-katinig.
Nagkakaroon tayo ng mga pantig na may klaster
bunga ng pagpasok ng mga hiram na salita sa
ating wika. Matatagpuan ang klaster sa unahan
at/o hulihang pantig ng salita.
• d. Diptonggo – Anumang patinig na sinusundan
ng malapatinig na y o w sa loob ng isang pantig ay
tinatawag na diptonggo tulad ng ay, aw, iw, iy, ey, ew,
oy, ow, uy, iw. Ngunit dapat natandaan na kapag ang y
at w ay napapagitan sa dalawang patinig, ito ay
napapasama na sa mga sumusunod na patinig kaya’t
hindi na maituturing na diptonggo.
• e. Pares Minimal – Ito ay pares ng salita na
magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa
bigkas at kaligiran maliban sa isang ponema.
• f.Mga ponemang malayang nagpapalitan – ang
magkaibang ponema na nasa magkatulad na
kaligiran at nagpapabago ng kahulugan ng mga
salita ay mga ponemang malayang nagpapalitan.
Karaniwang nangyayari ito sa mga ponemang
patinig na i at e, gayundin sa o at u. Maaaring
mangyari rin ito sa mga katinig na d at r.
2. Mga Ponemang
Suprasegmental
• a.Tono – tumutukoy ito sa taas-baba ng bigkas ng pantig ng
isang salita upang higit na maging mabisa an gating
pakikipag-usap.

• b. Haba at Diin – ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas


na inuukol ng nagsasalita sa pantig samantalang ang diin naman
ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.

• c.Antala – ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na


maging malinaw ang ipinararating na mensahe sa kausap. Ito ay
makikita sa pamamagitan ng kuwit, tuldok, tuldokuwit at
tutuldok.
Diptonggo – kapag magkasama sa iisang
pantig ang patinig na a, e, i, o at u at
malapatinig na w at y
Halimbawa:
ba-hay ka-hoy sa-baw
sa-liw si-taw ka-soy
rey-na bey-wang la-ngaw
Klaster – kambal-katinig o
magkasamang katinig sa iisang pantig
Halimbawa:
trak re-kord nars is-kawt
bleyd pru-tas bra-so kard
kru-do
Pantig – saltik ng dila o walang
antalang bugso ng tinig sa
pagbigkas ng salita
Pagpapantig – paraan ng
pagbaha-bahagi ng salita ng mga
pantig
Kayarian ng Pantig
P – u-pa
KP – ma-li
PK – is-da
KPK – han-da
KKP - pri-to
PKK – eks-per-to
KKPK – plan-tsa
KKPKK – trans-por-ta-syon
KKPKKK - shorts
GAWAING INTERAKTIBO

1. Bumuo ng 10 salita na may diptonggo. Pantigin muna


ang mga salita at salungguhitan ang diptonggo.
2. Umisip ng 10 salita na may klaster. Pantigin muna ang
mga salita at salungguhitan ang klaster.
3. Gumawa ng tig 3 salita sa bawat kayarian ng pantig.
Pantigin muna ang mga salita at ibigay ang kayarian
ng pantig nito.

You might also like