You are on page 1of 105

WIKA

KONSEPTO SA WIKA NG MGA


DALUBHASA
HENRY GLEASON
Ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga
sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitaryo at
nagsisilbing daan sa pagtupad ng tungkulin ng
pagpapabatid.
LEE WHORF
Binubuo ang wika ng mga payak na salitang nalilikha
bunga ng pagtugon ng indibidwal sa kanyang
kapaligaran.
ARCHIBALD HILL
Pinakapangunahing katangian ng wika ang
gumagamit ng mga simbulo.
Mga Katangian ng Wika
1. Ang wika ay isang masistemang balangkas
BALANGKAS NG WIKA
Ang wika ay napakahalaga sa pakikipagtalastasan kaya
napakahalaga na maunawaan at matutunan ang wastong
balangkas ng wika. Ang balangkas ng wika ay tinutugon ng
sumusunod:
1. Balarila ng wika o Gramatika – pinahahalagahan nito
ang tatlong salik sa pagbuo ng salita. Kabilang mga salik
nito ay :
1. Ponolohiya o Fonoloji – ang siyentipikong pag-aaral
ng mga makabuluhang tunog o ponema. Isa pang
katawagan nito ay palatunugan.
• Ang mga ponema o tunog ay ang
pinakamaliit ngunit may kahulugang yunit ng
tunog sa isang wika. Ponolohiya ang tawag
sa makaagham na pag-aaral ng mga tunog
sa wika.Binubuo ang wikang Filipino ng
dalawang uri ng tunog: ang mga ponemang
segmental at ponemang suprasegmental.
Kabilang sa mga segmental ang mga
katinig, patinig, diptonggo, at kambal
katinig o klaster. Kasama naman sa
suprasegmental ang diin, tuno,
intonasyon, punto at hinto.
A. Ponemang Segmental
- Ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga
katumbas na letra o titik upang mabasa at
mabigkas.
Pahapyaw na kasaysayan ng ortograpiya
ng Wikang Filipino

1. ANG BAYBAYIN: SINAUNANG PALATITIKAN


NG PILIPINAS
Ito ang kinikilalang unang sistema ng pagsulat ng
mga Pilipino. Mula sa ALIFBATA ng Arabia na
nang lumaon ay naging ALIBATA.
- Binubuo ito ng tatlong (3) patinig: a,e/ I at
o/u. Mayroon din itong labinlimang katinig: ba,,
ka, da, ga, ha, la, ma, na, nga, pa, sa, ta, wa at
ya
2. ABAKADANG TAGALOG
Ang Abakadang Tagalog ay binuo ni Lope K. Santos
nang kanyang sulatin ang Balarila ng Wikang Pambansa
noong 1940.
Ang Abakadang Tagalog ay binubuo ng dalawampung
letra (20) + impit na tunog (?)
Limang patinig : a, e, i, o, u

Labinlima ang katinig : b, k, d, g, h, l, m, n,


ng, p, r, s, t, w, y
3. ALPABETONG FILIPINO
Ito ay binubuo ng dalawampu’t walong letra (28), mula
sa dalawampung letra (20) ito’y dinagdagan ng walong letra.
a.1 Ponemang Katinig
• / b / d /g / h / k/ l / m / n / ng / p / r / s / t / w / y /
• Ang walo na letrang idinagdag sa makabagong alpabeto
ay may tiyak na ponemikong kalagayan sa palatunugang
Ingles: C, F, J, Ñ, Q, V, X at Z. Ang mga letrang ito
ang gagamitin kapag binaybay sa Filipino ang mga
salitang Hiram. Isa itong paraan sa pagpapaunlad ng
wikang Filipino at gayundin at sa poagbuo ng mga
pangngalang pantangi.
a.2 Mga Ponemang Patinig
• /a/e/i/o/u/
Pantig
• Ay isa o bawat saltik ng dila o walang
antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng
salita.

• Halimbawa:
• A-ko mang-ya-ya-ri
• Sam-bit it-log
• i-i-wan ma-a-a-ri
Kayarian ng pantig
• Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa
kayarian nito, ay sa pamamagitan ng
paggamit ng simbolong K para sa katinig
at P para sa patinig.
Halimbawa:
• P- u-po a-so i-sa a-a-sa
• KP- ma-li ba-ro ku-mot ba-ba-lik
• PK- is-da ak=lat aliw-iw am-paw
• KPK- han-da bi-gas ka-hon pak-pak
• KPKK- a-part-ment kard nars
• KKP- pri-to dru-ga kla-se
• PKK- eks-perto ins-truktor
• KKPK- plan-tsa trum-po
• KKPKK- mag-drayb tsart klerk
a.3 Mga Diptonggo
- Binubuo rin ng diptonggo o mga
magkakasamang tunog na isang patinig at
ng isang mala-patinig ( iw, iy, ey,ay, aw,
oy, uy)
- a.4 Kambal Katinig o Klaster
- Kambal-katinig ang taguri sa magkasunod
na ponemang katinig sa iisang pantig na
pagbigkas. Klaster din ang tawag dito.
Kasuy
B. MGA PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
• Tumutukoy ito sa makahulugang yunit ng
tunog na karaniwang hindi tinutumbasan
ng mga letra sa pagsulat. Sa halip,
sinisimbolo nito ang mga notasyong
ponemiko upang matukoy ang paraan ng
pagbigkas. Binubuo ito ng diin, tuno,
intonasyon, punto at hinto.
b.1. Diin
• Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng
pantig na binibigyang-diin, karaniwang
nagbabago ang kahulugan ng salita.
• Halimbawa:
• /ba:lah/ - bullet /paso?/ - flower pot
• /bala?/ - threat /pa:so?/ - burn
• /tu:boh/ - pipe /pasoh/ - expired
• /tu:bo?/ - sprout /kaibi:gan/ - friend
• /tuboh/ - sugar cane / ka:ibigan/ - lover
• /pa.ko?/ “nail /pako?/ “fern”
• /a/: búnga, gáya, hiléra, kúya, lása, múra, nípa, páta, ráya,
tinóla
• /e/: áte, babáe, dóte, gábe, héle, kaliwéte, líbre, mónghe,
putáhe
• /i/: anáki, dáti, halígi, ígi, laláki, mabúti, ngísi, rámi, síbi
• /o/: anímo, búko, dáyo, góto, hílo, kúto, líbo, magkáno,
púto, táo
• /l/: almusál, bukál, gatól, halál, kurál, lindól, mahál, pasyál,
sugál
• /m/: alám, dilím, gutóm, hirám, kimkím, lagím, malalím,
pahám
• /n/: bunton, doón, gaán, hagdán, kariktán, lakán, masdán,
panahón
• /ng/: abáng, bintáng, gulantáng, hilíng, kangkóng, lusóng,
singsíng
• à/: binatà, diwà, galà, hinà, kalingà, lupà,
malayà, pinsalà
• /è/: nenè, tiyanggè
• /ì/: amukì, busisì, dalirì, gusì, harì, kawalì,
lipì, munì, ngingì, susì, tiyanì
• /ò/: alò, birò, dapò, guhò, hangò, kurò,
ligò, pugò, siphayò, tibò
/á/: amá, buká, dalá, gandá, hiningá, iná, limá, masayá, nilá,
puntá
/é/: ataké, baldé, ditsé, gulpé, helé, kapé, plaké, sisté, tangké
/í/: aní, bilí, dumí, gabí, kamí, liksí, marumí, nirí, putaktí,
tutubí, wilí
/ó/: anó, butó, damó, guló, hiló, kayó, litó, noó, pitsó, sikó,
tuliró
/b/: dibdíb, habháb, kintáb, lublób, marubdób, subsób, tigíb
/d/: agád, bilád, gadgád, kidkíd, lingíd, manhíd, sunód,
tagudtód
/g/: alóg, bibíg, dalág, kulóg, labág, pintíg, sahíg, tagtág,
untág
/k/: anák, biták, dikdík, hibík, katók, lubák, purók, sinók, tiyák
/p/: atíp, dahóp, ganáp, hagíp, kisáp, langkáp, mailáp, saráp,
takíp
/s/: aklás, bigás, dahás, gasgás, malakás, puspós, sintás, tamís
/t/: aklát, bigát, dikít, gupít, kidlát, lahát, malagkít, payát, sibát,
tuyót
/b/: álab, dagítab, hílab, kútab, lúsob, pangánib, súkob, taláhib,
úkab
/d/: ánod, búkid, hinúhod, káyod, malápad, páhid, súyod,
tagúyod
/g/: bísig, dúmog, káhig, masípag, pag-íbig, sigásig, táyog, ulínig
/k/: álak, bátak, dágok, gáwak, kákak, lúsak, pílak, súlok, tútok
/p/: ágap, di-maísip, hagílap, kálap, língap, panagínip, sinop,
úsap
/s/: ágas, búhos, dílis, gápas, hímas, kílos, lítis, páwis, siláhis,
tíkas
• /t/: áwat, bíngit, dúlot, gámit, hílot, kuyápit, lígat, maínit, súlat,
talúlot
• /â/: akdâ, biglâ, digmâ, gawâ, hiyâ, likhâ,
kutyâ, ngatâ, pisâ, tugmâ
• /ê/: tulê
• /î/: balî, daglî, gawî, hapdî, lunggatî, kimî,
malî, ngitî, pigî, suhî, tupî
• /ô/: bungô, gintô, hapô, kulô, pulô, samyô,
tagô, upô, wastô, yukô
b.2 Tono, Intonasyon at Punto

Intonasyon.
Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas
at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na
maaaring maghudyat ng kahulugan ng
pahayag.
• Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa
punto at tono ng pagsasalita.
• Ang punto ay tumutukoy sa rehiyunal na
tunog o accent. Iba ang punto ng Ilokano sa
Maranao o ng Cebuano sa Ilonggo. Maging
sa rehiyong Tagalog, iba ang punto ng mga
Batanggenyo at kahit mga taga-Cavite. Sa
probinsiya ng Quezon, karaniwang iba’t iba
ang punto sa iba’t ibang bayan.
• Samantala, ang tono ng pagsasalita ay
nagpapahayag ng tindi ng damdamin.
Maaaring magkaiba-iba ang punto at tuno
bagamat iisa ang intonasyon.
• * Pagsasalaysay/paglalarawan
Dumating sila kanina.
Maganda talaga si Rona.

• * Masasagot ng HINDI o OO
Totoo?
Sila iyon, di ba?
• * Paghahayag ng matinding damdamin
Naku, may sunog!
Hoy! Alis dyan!
• *Pagbati
Kumusta ka?
Magandang umaga po
Salamat sa iyo.
• Pagsagot sa tanong
Oo, aalis na ako.
Hindi. Hindi ito ang gusto ko.
• b.3. Hinto/antala
• Nangangahulugan ito ng pagtigil sa
pagsasalita. Maaaring huminto nang
panandalian habang sinasabi ang isang
pangungusap, at maaari ring sa katapusan
ng pangungusap ang paghinto. Sa
pagsulat, sinisimbolo ng kuwit (,) ang
panandaliang paghinto at ang tuldok (.)
ang katapusan ng pangungusap.
Tito Juan Anton ang pangalan
niya// (Sinasabi ang buong pangalan ng
ipinakikilala.)
Tito/ Juan Anton ang pangalan
niya// (Kinakausap si Tito, o kaya’y isang
tiyo, at ipinakikilala Si Juan Anton)
Tito Juan/ Anton ang pangalan
niya// (Kausap ang isang tiyo na Juan ang
pangalan. Ipinakikilala si Anton)
Tito/ Juan/ Anton ang pangalan
niya// (Ipinakikilala kina Tito at Juan Si
Anton)
MORPOLOHIYA
• Tumutukoy ang morpolohiya sa pagbuo ng
mga morpema o mga makahulugang yunit
ng salita. Kung ang ponolohiya ay
tumutukoy sa makaagham na pag-aaral
ng pangkat ng mga tunog na bumubuo ng
mga salita ng isang wika, ang morpolohiya
ay isa ring makaagham na pag-aaral sa
pagbuo naman ng mga salita sa
pamamagitan ng iba’t ibang morpema.
• Mga Anyo ng Morpema
• Tulad sa ibang wika, iba’t iba ang mga
anyo ng morpema sa wikang Filipino.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
a.1) Makahulugang Tunog
• May dalawang makahulugang tunog sa
Filipino na matatawag ding morpema
sapagkat nagpapakilala ng pagkakaiba ng
sex o kasarian. Ito ang mga morpemang
ponema na o at a.
• Halimbawa:
• o a
• maestro maestra
• kusinero kusinera
• abugado abugada
• tresurero tresurera
• Mario Maria
• Lito Lita
• Ignacio Ignacia
• a.2) Salitang-ugat
• Tumutukoy ito sa simpleng salita na
walang panlapi. Tinatawag din itong payak
na anyo ng salita. Halimbawa:

• abala gimbal laro


• bagsak husay taas
• daganan kaway sulat
a.3 MAYLAPI
Salitang –ugat na kinakabitan
ng mga panlapi
5 uri ng Maylapi:

a. Unlapi
panlapi + salitang ugat
ma + tibay = matibay
ka + dugo =kadugo
i + sayaw = isayaw
b. Gitlapi
Ang panlapi ay ikinakabit sa pagitan
ng unang katinig at kasunod nitong
patinig.
um + tibay = tumibay
um + dugo = dumugo
in +kain =kinain

c. Hulapi
salitang ugat + panlapi
dugo +an =duguan
kain +in = kainin
basa +han = basahan
d. Kabilaan
panlapi + salitang ugat +
panlapi
ka + tibay + an =
katibayan
san + dugo + an =
sanduguan
e. Laguhan
= ang panlapi ay makikita sa unahan,gitna at
hulihan ng salita.
mag + in + an +dugo =magdinuguan
ipag + um + an + hiyaw =
ipaghumiyawan
a.4 Inuulit
• Makabubuo ng mga salita sa tulong ng
redukplekasyon ng salitang –ugat.
Maaaring ulitin ang salitang-ugat nang-

• Parsyal o di-ganap na pag-uulit. Inuulit


lamang ang isa o higit pang pantig ng
salitang-ugat.
• Halimbawa:
• alis a + alis = aalis

• lipad li + lipad = lilipad

• tao tau + tauhan = tau-tauhan


• Buo o ganap na pag-uulit. Inuulit ang
buong salita nang may pang-aangkop o
wala.

• Halimbawa:
• araw araw + araw = araw-araw
• iba iba + ng + iba = ibang-iba
• ayaw ayaw + na + ayaw =ayaw na ayaw
• Magkahalong parsyal at buo:

lipad li + lipad + lipad = lilipad-lipad


tatlo ta + tatlo + tatlo = tatatlu-tatlo
ilan i + ilan +ilan = iilan-ilan
a.5 Tambalan
dalawang magkaibang salita na pinagsasama
upang makalikha ng isa pang salita.
2 uri:
Malatambalan o di –ganap
- Dalawang magkaibang salita na pinagtatambal
na nananatili pa rin ang kahulugan.

bahay + kubo =bahay – kubo


tubig + ulan = tubig – ulan
pulis + trapiko = pulis - trapiko
Tambalang ganap
dalawang magkaibang salita na pinag-iisa
na kung saan nawawala na ang dating
kahulugan at nakabuo ng panibagong
kahulugan.

hampas + lupa = hampaslupa


bahag + hari = bahaghari
dalaga + bukid = dalagambukid
MGA PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO

• Ang Morpoponemiko ay ang pag-iiba ng


anyo ng mga tunog ng isang salita dahil sa
ilang kadahilanan. May iba’t ibang
pagbabagong morpoponemiko sa Wikang
Filipino. Kabilang dito ang sumusunod:
• c.1) Asimilasyon. Tumutukoy ito sa
pagbabago ng anyo ng morpema dahil sa
impluwensya ng mga katabing tunog.
Kabilang ditto ang mga panlaping
nagtatapos sa –ng katulad ng sing- na
maaaring magkaroon ng allomorph na sin-
o sim- gayundin ang pang- na may
allomorph na pan- o pam- dahil sa
impluwensiya ng kasunod na ponemang
katinig.
• Halimbawa:
• sing + kapal = singkapal
sin + talino = sintalino
• pang + halo = panghalo
• pan + sukat = pansukat
• pang + anim = pang-anim
• pam + bata = pambata
• Ang morpemang pang- ay nagiging pan-
kapag ito ay ikinabit sa mga salitang-ugat
na nagsimula sa d, l, r , s , at t. Ito rin ay
nagiging pam- kapag ikinakabit sa mga
salitang-ugat na nagsisimula sa p at b.
• Halimbawa:
• pang + dakip = panakip
• pang + lakbay = panlakbay
• pang + puno = pampuno
• pang + benta = pambenta
• Samantala, walang pagbabago sa
panlaping pang- kapag ito ay iuunlapi sa
mga salitang nagsisimula sa patinig at sa
iba pang katinig na hindi binanggit sa
unahang talata gaya ng mga ponemang k,
g, h, m, n, ng, w, at y.
• Halimbawa:
• pang + alis = pang-alis
• pang + usig = pang-usig
• pang + grap = panggrap
• pang + nanay = pangnanay

dalawang uri ng asimilasyon

• Asimilasyong parsyal o di-ganap. Tanging


ang pagbabago ay sa pinal na panlaping –
ng lamang kapag ikinakabit sa mga salita.
• Halimbawa:
• Sing +Halimbawa:
• Sing + dali > sin + dali > sindali
• Pang + sara > pan + sara > pansara
• Sing + palad > sim + palad > simpalad
• Asimilasyong ganap. Nangyayari ang
asimilasyong ito kapag matapos na
maging /n/ at /m/ng panlapi dahil sa
pakikibagay sa kasunod natunog ay
nawawala pa ang sumusunod na unang
titik ng salitang-ugat at nananatili na
lamang ang tunog na /n/ o /m/.
• Halimbawa:
• Pang + pukaw > pam + pukaw > pamukaw
• Mang + pitas > mam + pitas > mamitas
• c.2) Pagpapalit. Nagpapalit ang
sumusunod na ponema:
• / o / at / u /, Kapag inuulit ang pantig na
may tunog na / o /, karaniwang nagiging u
ang unang o at maaaring gamitan ng
linker o pang-angkop ang unang bahagi
ng inuulit na salita.
• Halimbawa:
• gust0 + -ng + gusto = gustung-gusto
• / e / at / i /. Nagkakapalit din ang /e / at / i /
kapag inuulit ang pantig na may /e/.
Nagiging I ang e at kinakabitan ng linker
ang unag bahagi ng salitang inuulit.
• Halimbawa:
• lalake + -ng + lalke/lalaki = lalaking-
lalake/lalaki
• babae + -ng + babae = babaing-
babae
• /d / at / r /. Napapalitan ang ponemang / r / at / d / kapag
ponemang patinig ang tunog na sinusundan ng / d /.
• Halimbawa:
• ma + dami = marami
• lakad + an = lakaran
• Sa ilang pagkakataon, may mga salitang magkaiba ang
kahulugan kaya hindi dapat magkapalitan ang / d / at / r
/.
• Halimbawa:
• madamdamin ( puno ng emosyon )
• maramdamin ( sensitibo )
• madilag ( maraming babae o kadalagahan )
• marilag ( maganda )
• c.3 Paglilipat/Metatesis. Tinatawag din itong
metatesis na nangangahulugan ng paglilipat
ng posisyon ng mga ponema, kapag
nagsimula sa /l/ o /y/ ang saltang-ugat at ito’y
nilagyan ng gitlaping –in-, nagkakapalit ang /i/
at /n/ at nagiging /ni-/.
• Halimbawa:
• y + -in + aya = yinaya = niyaya = niyayaya
• l + -in + ini = lininis = nilinis = nililinis
• -In + lipad = linipad = nilipad
• Totoo rin ang paglilipat sa mga
sumusunod na mga salita, bagama’t may
kinaltas ding ponema.
• Halimbawa:
• Tanim + an = taniman = tanman =
tamnan
• Atip + an = atipan = atpan = aptan
• Silid + an = silidan = sildan = sidlan
• c.4. Pagkakaltas. Nangangahulugan ito
ng pagkawala ng isang ponema o
morpema sa isang salita. Maaari itong
mangyari sa unahan o gitna ng salita.
• Halimbawa:
• Magpa+tahi= magpatahi = patahi
• Ipa + tapon = ipatapon = patapon
• Bili + han = bilihan = bilhan
• Putol + in = putulin = putlin
• c.5. Pagdaragdag. Nangangahulugan ito
ng pagsudlong ng isa pang morpema sa
hulihan ng salitang-ugat (hulapi) kahit
mayron nang dating hulapi ang salitang-
ugat.
• Halimbawa:
• Paalala + han = paalalahan =
paalalahan + an = paalalahanan
• Totoo + han = totoohan =
totohan + in = totohanin
• c.6. Pag-aangkop. Sa uring ito,
pinagsasama ang dalawang salita upang
makabuo ng isang bagong salita.
Nagkakaroon din ng pagkakaltas upang
mapaikli ang anyo ng nabuong bagong
salita.
• Halimbawa:
• Hintay + ka = teka
• Tingna + mo = tamo
• Hayaan + mo = hamo
• Wika + ko = kako
SINTAKSIS
• Ang sintaks o sintaksis na binigyang diin
ng katugong salitang Filipino na
palaugnayan, ang pag-aaral o ang pag-
uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo
ng mga pahayag gaya ng mga pariralang
(phrase), sugnay (clause) at ang
pangungusap.
Parirala
• Ito ay karaniwang tinatawag na sambitla:
• Sambitlang panawag

• Halimbawa: Nanay! Ate!


• Neneng! Lolo!
• Sambitlang nagsasaad ng damdamin
• Halimbawa: “Aruy!” “Naku po!”
“aba!”
• Sambitlang panagot sa tanong
• Halimbawa: “Opo!” “Oo!”
“Hindi po!”
• Sambitla ng pagtawag
• Halimbawa: “Halika!” “Halina!”
“Halikayo!”
• Sambitla ng matinding damdamin
• Halimbawa: “Sunog!”
• Sambitlang Pautos
• Halimbawa: “Layas!” “Takbo!”
“Sulong!”
• Formulasyong Panlipunan
• Halimbawa: “Magandang umaga po!”
“Tao po!”
• “Salamat”
• Pangungusap na pamanahon
• Halimbawa: “Umuulan” “Bumabagyo”
“Kumikidlat!”
• Pangungusap na eksistensyal
• Halimbawa: May magandang tanawin
doon.
• Walang tao sa bahay.
• Maraming pananim sa bukid.
• Ang pangungusap na may panaguri at
paksa.
• Halimbawa:
• Nagtuturo ako sa aming baryo.
Mga ayos ng pangungusap

• Karaniwan/ganap - Nagsisimula sa
Panaguri at Nagtatapos sa simuno.
Halimbawa: May bagong tsinelas si Ana

• Di- Karaniwan - Nagsisimula sa Simuno


at Nagtatapos sa Panaguri. Halimbawa: Si
Ana ay bumili ng bagong tsinelas
DI-KARANIWAN
KARANIWAN/GANAP
• Diskurso- makahulugang palitan ng mga
pangungusap ng dalawa o higit pang tao.

(katangian ng wika)
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
3. Ang wika ay pinipili at isinaayos.
4. Ang wika ay ginagamit.
5. Ang wika ay nagbabago.
KAHALAGAHAN NG WIKA

1. Instrumento ng komunikasyon.
2. Nag-iingat at nagapagpalaganap ng mga
kaalaman.
3. Nagsisilbing instrumento sa
pagbubuklod ng bansa.
4. Lumilinang ng malikhaing pag-iisip.
ANG MGA BARAYTI NG WIKA
1. Dayalek o Dayalekto o sa mga
tradisyonal pa ang tawag ay wikain.
Hal. ( Maynila) Ang layo naman!
( Batangas) Ala, ang layo eh!
(Bataan) Ang layo ah!
Hal: (Cavite) Sir, ano po ba ang bugong ninyo
ngay-on? Mangyari po kasi, ako’y namaraka
kahapon. Kayo po ba’y nakain ng tinumis
na baboy?
(Maynila) Sir, ano po ba ang baon ninyo ngayon? Namalengke po kasi
ako kahapon. Kumakain po ba kayo ng dinuguang baboy?
ano ang napansin ninyo sa dalawang nag-uusap gamit ang
parehong tagalog- tagalog Cavite at Tagalog Maynila?

2. Idyolek – ito ang pinakaliberal na barayti. Umaayon ang


barayting ito sa personal o indibidwal na gamit ng wika o
umaayon sa indibidwal o kakanyahan ng gumagamit ng
wika.
hal. Paggamit ng SIYA - istriktong gramar- panghalip panao
Mare, natikman mo na ba siya? Masarap pala siya! Tikman
mo rin siya.
Tignan mo siya. Mukhang mahirap siyang isuot. Pero di
bale, bibilhin ko pa rin siya
siya – ang ginamit sa halip na iyon at iyan.
3. Sosyolek o sosyal o register na barayti bunga naman
ng interaksyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at
aspekto ng gawain at pagkilos sa loob ng komunidad.
hal. Salitang JEJEMON
1. Banayad (Mild) –
“eOw pU.mxTAh pOeh.”(Hello po.Kumusta po)
2. Katamtaman (Moderate)
“eOw pfOw,nAh m1sZ pfOh qtAh.MwAhxx!”
(Hello po. Na-miss po kita.Mwah!)
3. Matindi (Severe)
“3ow Po3h anOh pO3h gWa U? TxT nA LhErN PO36h
zA giZing pFa!!
( Heloo po! Ano po ang gawa ninyo. Text na
rin po sa gising pa!
4. Malubha (Terminal)
“3ow pOEh. M3N4 p!pOl! nUa m1Xz
kO pHoU k3o!”
( Hello po. Morning pipol! Na-miss ko
po kayo!)
ANG KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay tunay na


maipagmamalaki ng bawat Pilipino. Ito ay mabisang kasangkapan
sa pagbubuklod ng sambayanan na kung saan ang mga
mamamayan ay madaling magkaunawaan sa anumang uri ng
pakikipagtalastasan.

Iba't ibang wika ang ginagamit ng mga mamamayan sa buong


kapuluan ng Pilipinas kaya ito ang nag bubungsod sa ating nahirang
Pangulong Manuel L. Quezon upang ang Pilipino ay magkaroon ng
isang kinikilalang wika ng lahat.

Mga hakbang na kanyang isinagawa:

1935 - Hinirang ni Pangulong Quezon ang kongreso sa


pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay
sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
1936 - Lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at
pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt
Blg. 184 na ang pangunahing tungkulin ay magsasagawa
ng masusing pag-aaral ng mga wikang katutubo sa
Pilipinas at pipili ng isa para siyang maging batayan ng
wikang pambansang Filipino.

1937 - Hinirang ni Jaime C. de Veyra bilang tagapangulo at di


naglaon ay patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa.
Sila ay nagpalabas ng resolusyon na ipinahayag na ang
Tagalog ay siyang umiiral na katutubong wika. (Tagalog =
59.6%, Sebuwano = 48.2%, Hiligaynon = 46.6%, Bikol =
39.5%, Ilokano = 31.1%).
Ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog.
1940 - Paglilimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng
Wikang Pambansa ay itinakda mula Hunyo 19, 1940 ang
pagsisimula ng pagtuturo ng Pilipino sa lahat ng paaralang bayan at
pribado sa buong bansa.

- Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na


nagproklama na ang wikang pambansa na tatawaging Wikang
Pambansang Pilipino ay isa nang Wikang Opisyal.

1954 - (Marso 26) Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang


Proklama Blg. 12 na simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 ay
ipagdiriwang ang Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon.

1955 - (Set. 23) Proklamasyon Blg. 186; Inilipat ni Pangulong


Magsaysay ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.

1967 - (Okt. 24) Nagpalabas ng kautusan ang nasirang Pangulong


Ferdinand E. Marcos na ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan
ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
1978 - (Hulyo 21) Juan L. Manuel, Kalihim ng edukasyon at
Kultura: Ang Filipino (I at II) ay bahagi na ng
pangkolehiyong kurikulum simula sa unang semestre ng
taong 1979-1980.

1987 - Lourdes R. Quisumbing, Kalihim ng Departmento ng


Edukasyon, Kultura at Palakasan; Nagpalabas ng kautusan
sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng
antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda
sa patakaran ng edukasyong bilinggwal.
- Itinakda ang bagong alpabeto at patnubay sa
pagbaybay ng wikang Filipino.

1990 - (Marso 19) Pinalabas ng Kalihim Isidro Carino ng


Edukasyon, Kultura at Palakasan ang kautusang
Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang
Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa
Saligang-Batas at sa bayan natin.
- Ang Pilipino ang sinasabing nukleo
ng Filipino. Ginagamit itong wikang
pambansa ayon sa nilagdaang
Memorandum ni Kalihim Jose Romeo
noong Agosto 13,1959.
-Ang Konstitusyon ng 1987 ang
nagtatadhana ng Filipino bilang wikang
pambansa.
- Bunsod ng Sistemang
Edukasyong Baylingguwal ng 1987
naging dalawa ang wikang ginagamit
sa paaralan. Ang Filipino ang wikang
pambansa samantalang ang Ingles
ang wikang institusyunal.

You might also like