You are on page 1of 155

Alpabeto at Ortograpiya ng Wikang

Pambansa
Ang mga mananaliksik ay
naniniwala na ang ating mga
ninuno ay may sarili ng
kalinangan at sibilisasyon bago
pa man dumating ang mga
Kastila.
• Bukod sa pagkakaroon ng
sistema sa kalakalan at
pamamahala, sila ay
maalam nang sumulat at
bumasa.
• Meron silang sistema ng
pagsulat na tinatawag na
baybayin.
• Ang baybayin ay binubuo
ng 17 titik:

• 3 patinig
• 14 na katinig.
• alibata
• Kapag ang isang katinig ay
may tuldok sa ibabaw,
binibigkas iyon nang may
kasamang tunog na E o I.
• Kapag nasa ilalim
naman ang tuldok, ang
kasamang patinig ay O
o U.
• Ipinagpapalagay na tama ang
teorya ni Padre Pedro Chirino na
ang mga sinaunang tao ay
sumusulat nang pavertikal mula
sa itaas paibaba at pahorizontal
mula kaliwa pakanan.
Sumusulat sila sa mga:

• kahoy at kawayan,
• sa malalaking dahon,
• sa lupa
• at mga bato
Gamit nila ang:
• balaraw o anumang matutulis na
bagay bilang panulat
• dagta ng mga puno at halaman
bilang tinta.
• Sa pagdating ng mga Kastila ay
napalitan ang baybayin ng alpabetong
Romano.

• Ang mga titik ay tinawag nang pa-


Kastila (Abecedario)
• Isa si Rizal sa mga hindi yumakap
nang ganap sa bagong sistema ng
pagsulat.

• Pinangunahan niya ang kampanya


ng Pilipinasyon ng Ortograpiya
• Dapat daw gamitin ang k
at w sa halip na c at o.

• salacot-salakot;
• arao-araw
Ginamit ni Rizal ang isina-Pilipinong
ortograpiya sa pagsasalin sa Tagalog
ng William Tell ni Schiller at Fairy Tales
ni Andersen habang siya ay nasa
Leipzig noong 1886.
• Muli niya itong ginamit sa
pagsulat ng kanyang unang
nobelang Noli Me Tangere sa
Berlin noong 1887
• Habang siya ay naglalakbay sa
Brussels, nalathala sa La Solidaridad
noong Abril 15, 1890 ang artikulong
Sobre la Nueva de la Lengua Tagala
(Hinggil sa Bagong Ortografiya ng
Wikang Tagalog)
Dito ay inilahad niya ang mga tuntunin ng
bagong ortograpiyang Tagalog at, nang
may pagpapakumbaba at katapatan,
ibinigay niya ang kredit ng adapsyon ng
bagong ortograpiya kay Dr.Trinidad H.
Pardo de Tavera, may akda ng El Sanskrito
la Lengua Tagala (Ang Sanskrito sa
Wikang Tagalog) na nalathala sa Paris
noong 1884
• “…nang kapag inugat ang kasaysayan
ng ortograpiyang ito na siya nang
ginagamit ng mga mulat na Tagalista,
ay maibigay kay Caesar ang kay Caesar.
Ang inobasyong ito ay bunga ng mga
pag-aaral sa Tagalismo ni Dr. Pardo de
Tavera. Ako ay isa lamang sa mga
masigasig niyong propagandista…”
(Zaide & Zaide, 199;169-170)
• Nong 1940 pinahintulutan ang
pagpapalimbag ng diksyunaryo at
aklat sa gramatika ng Wikang
Pambansa at ang pagpapasimula
ng pagtuturo ng Wikang Pambansa
sa mga pribado at pampublikong
paaralan
• Binalangkas ni Lope K.
Santos ang bagong
alpabeto at ito ay tinawag
na ABAKADA mula sa
unang apat na letra nito.
• Ang Abakada ay binubuo ng 20 titik:
15 katinig at 5 patinig

•A B K D E G
H I L M N
NG O P R S T
U W Y
• Noong 1971, nadama ang di
kasapatan ng dating Abakada sa
malawakang panghihiram ng
mga salita at sa pagbabaybay ng
mga pantanging ngalan.
• Nilikha ng SWP ang Lupong
Sanggunian na siyang magsasagawa
ng pag-aaral. Nagkaroon ng mga
public hearings. Makalipas ang 3
buwan, inilahad ng LS ang kanilang
pasyang dagdagan ng 11 titik ang
Abakada.
• (C, CH, F, J, Ñ, LL, Q, RR,
V, Z at X)

• na gagamitin sa pagbabaybay ng
mga salitang hiram at mga
pantanging ngalan.
• Ang ilan sa naging
problema ay kung ano
ang magiging
pagkakasunud-sunod
nito sa Abakada.
pagpipilian
• A B K D E G H I
• /a/ /ba/ /ka/ /da/ /e/ /ga/ /ha/ /i/
• L M N NG O P R S
• /la/ /ma/ /na/ /nga/ /o/ /pa/ /ra/ /sa/
• T U W Y C CH J LL
• /ta/ /u/ /wa/ /ya/ /si/ /a-che/ / jey/ /elye/
• Ñ Q RR V X Z
• /enye/ /kyu/ /erre/ /vi/ /eks/ / /zi/
pagpipilian

•A B C CH D E F
G H I J K L LL
M N Ñ NG O P Q
R RR S T U V
W X Y Z
Mga argumento sa ipinalabas na alpabeto (1976)

• Hindi malinaw kung paano


tatawagin ang mga letra at
kung paano pagsusunud-
sunudin
Mga argumento sa ipinalabas na alpabeto
(1976)

• Ang pagsasama ng
digrapong ch, ll, rr at ng
ay paraang di-pagtitipid.
Digrapo – tawag sa kumbinasyon ng dalawang
titik/letrang pinagsama para katawanin ang
isa/dalawang tunog.
/ng/
/ch/
/ll/
/rr/
Mga argumento sa ipinalabas na alpabeto
(1976)

• Mismong Malakanyang ang


tumanggi sa pagsasama ng
digrapo at iminungkahing 27
letra lamang ang gamitin
• Bunga ng pagtutol at pag-aalalang
ang mga ganitong pagbabago ay
magdudulot ng kalituhan sa mga
batang nag uumpisa pa lamang mag
aral bumasa at sumulat, ang
mungkahing ito ay hindi tinanggap
ng taong bayan.
• Nagkaroon lamang ng malawakang
pagtanggap sa mga pagbabago noong
mga huling buwan ng 1987 nang
ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto
6, 1987 na may pamagat na Ang
Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino
• Mula noon, ang ating alpabeto ay nagkaroon
na ng 28 titik na tinatawag nang pa Ingles
maliban sa ñ at may pagkakakasunud-sunod na
ganito:

• A B C D E F G
• H I J K L M N
• Ñ NG O P Q R S T
U V W X Y Z
• Samakatwid, ang
pasalitang pagbaybay
ng mga sumusunod
na salita ay ganito:
•GSIS=
•/ji es ay es/
• at hindi

•/ga sa I sa/
• KINTIN =
• /key ay en ti ay en/
• at hindi

• /ka i na ta i na/
• IBON =
• /ay bi o en/
• at hindi

• /I ba o na/
•BOTE =
•/bi o ti i/
• at hindi

•/ba o ta e/
Mga GRAPEMA

• Ito ang tawag sa pasulat na


simbolo ng mga letra
• (Alpabeto naman ang tawag
sa serye ng mga letra)
Ang grapema ay binubuo ng

• 1. LETRA na bumubuo sa 28
alpabetong Filipino.
Tilde ang tawag sa kilay na nasa
itaas ng letrang enye
Ang grapema ay binubuo ng

2. DI-LETRA na maaring buuin ng

a. Gitling (-) at paiwa (\) na sumisimbolo sa impit


na tunog (?)
b. Tuldok (.) na sumisimbulo sa diin o haba
c. Bantas pananong(?) padamdam (!) tutuldok
(:) kudlit (‘) kuwit (,) tuldok kuwit (;)
Kalikasan ng leksikal na korpus sa
Filipino
AYTEM LEKSIKAL -maaring dalawa o tatlong
magkakaibang salita, maaring may ibat-
ibang anyo at maari ring hiwalay na
dalawang aytem.

ISTRUKTURANG LEKSIKAL - tumutukoy sa


homonym at antonym.
Aytem leksikal
1. Tatlo o dalawang magkakaibang gamit ng
isang salita

a. Sarado na ang isip - ayaw nang tumanggap


ng paliwanag
b. Sarado ang pinto – literal na hindi
nakabukas ang pinto
c. Sarado ang puso – ayaw nang magmahal
Mga halimbawa ng Tatlo o dalawang magkakaibang
gamit ng isang salita

Agos ng ilog Agos ng buhay

Mababa ang puno Mababa ang presyo

Daan sa pag uwi ng Daan sa pag unlad


bahay
Aytem leksikal
2. May ibat-ibang anyo ang salita

a. Nangingisda - nagaganap pa
Nag-isda/nangisda - naganap na
Mangingisda - magaganap pa
Aytem leksikal

3. Dalawang hiwalay na aytem

Langisan ang makina – lagyan ng langis ang


makina (literal na kahulugan)

Maglangis sa amo – magpalakas sa amo


(konotatib na kahulugan)
Halimbawa ng dalawang hiwalay na
aytem
Matalas ang ulo Matalas ang itak
(Matalino)
Tabla ang mukha Gawa sa tabla ang
(makapal ang mukha) mesa
Kabiyak ng dibdib Kabiyak ng pakwan
(asawa)
Bilugin ang ulo Bilugin ang clay
(lokohin)
Istrukturang leksikal
1. Homonym - ang relasyon ng kahulugan ng
isang leksikal aytem na napapaloob sa
kahulugan ng iba
Homofon – parehong tunog, magkaibang
kahulugan at (ispeling)

Homograp - parehong ispeling, magkaiba ng


kahulugan
Uri ng homonym
Mahal (love) Mahal (expensive)

Higit (more) Higit (pull)

Kuha (get) Kuha (picture)


Istrukturang leksikal

2. Antonym – kasalungat na
relasyon ng mga leksikal na
aytem
Mga halimbawa ng salungatan
Nagluluto nagpapaluto kutsara tinidor

itaas ibaba Matanda bata,

nagbibili Bumibili gatas kape-

Mainit malamig kanin- Ulam

Matangkad Pandak Patay buhay


Istruktura ng Wikang Filipino
PONOLOHIYA/PONOLOJI –

Pono - galing sa Ingles na phone na


nangangahulugang tunog

Lohiya - nangangahulugang pag-aaral


Ang Ponolohiya
ay pag-aaral ng
tunog ng ating
wika.
Ponema naman ang tawag sa
mga tunog ng ating wika.

/p/, /b/, /s/, /t/ atbp.


Kasa, pasa, basa, tasa, masa,
lasa, nasa, gasa, hasa
Uri ng Ponema
Ponemang Segmental – pag-aaral ng mga tunog
na may katumbas na titik o letra para mabasa
o mabigkas. Binubuo ng mga katinig, patinig,
klaster, diptonggo at iba pa.
Ponemang Suprasegmental – tumutukoy ito sa
pag-aaral ng makabuluhang yunit ng tunog.
Ponemang segmental
1. Ponemang patinig
2. Ponemang katinig
3. Diptonggo
4. Klaster
5. pares-minimal
6. Ponemang malayang nagpapalitan
1. Ponemang patinig
Binibigkas sa ating dila na binubuo ng harap,
sentral, at likod na bahagi

Ang tinutukoy na patinig ay ang mga


/a, e, I, o, u/
2. Ponemang katinig
Inaayos ito sa dalawang artikulasyon – paraan at punto
ng artikulasyon
Paraan ng artikulasyon – naglalarawan kung paano
pinatutunog ang mga ponemang katinig sa ating
bibig.
Punto ng artikulasyon – nagsasabi kung saang bahagi
ng bibig ang ginagamit upang makalusot/lumabas
ang hangin sa pagbigkas ng isang ponema.
3. Diptonggo
Alinman sa ponemang patinig na /a, e, I, o, u/ na
sinusundan ng malapatinig na /w/ o /y/ sa loob ng
isang pantig.

sabaw reyna
baliw bahay
Kahoy atay
Baduy
4. Klaster

Binubuo ng dalawang magkasunod na katinig sa isang


pantig.

INISYAL MIDYAL PINAL


Blusa Sombrero kard
Kwento Ekspresyon biks
Digrapo – tawag sa kumbinasyon ng dalawang
titik/letrang pinagsama para katawanin ang
isa/dalawang tunog.
/ng/
/ch/
/ll/
/rr/
5. Pares-Minimal

binubuo ng pares ng salitang


magkaiba ang kahulugan ngunit
waring magkatulad na
magkatulad sa bigkas.
Pares-Minimal

Ponemiko – uri ng tunog na


nagbabago ang kahulugan
Pares-Minimal

Misa Mesa Tila Tela

Uso Oso Pala Bala

Kain Hain Durog dulog


6. Ponemang Malayang Nagpapalitan
Binubuo ng pares ng salitang nagtataglay ng
magkaibang ponemang matatagpuan sa
magkatulad na kaligiran na di-nababago ang
kahulugan.
kahit na nagpapalitan ang ponemang ito, hindi
pa rin nagbabago ang kahulugan ng salita kaya
tinawag itong malaya.
Ponemang Malayang Nagpapalitan

Ponetiko ang tawag sa ganitong


uri ng tunog dahil walang
pagbabagong nagaganap sa
kahulugan.
Ponemang Malayang Nagpapalitan

Marami madami Pareho pariho

Nuon Noon Gayon ganon

Tutuo Totoo Lalaki Lalake

Babae Babai Hindi Hinde


Ponemang Malayang Nagpapalitan

Batak Hatak Antay intay

Maestra Maistra Dine dini

Ganon Ganun Tindi Tinde

Maigi Maige Bakit Baket


Ponemang Suprasegmental
1. Diin
2. Tono
3. Intonasyon
4. Hinto/juncture
1. Diin
Pagbibigay pansin sa pagbigkas ng isang salita.
Ginagamit ang simbolong / . / upang ipahiwatig
na ang bahagi ng salita ay may diin
Diin

/bu.hay/ /buhay/ /ba.ba/ /baba/


life alive Chin low
/pi.to/ /pito/ /pu.no/ /puno/
whistle seven Tree full
/pu.tol/ /putol/ /ba.sa/ /basa/
bar cut Read wet
/sa.ya/ /saya/ /tu.boh/ /tuboh/
Pipe
Skirt Happy/ /tu.boh?/ sugarca
sprout ne
Diin

/habu.lin/ /Habulin/
/pa.sa/ /pasa/
/ka.sa/ /kasa/
/pa.ko/ /pako/
/su.ka/ /suka/
/ki.ta/ /kita/
2. Tono
• Ginagamit kapag tinutukoy ang tindi
ng damdamin sa pagsasalita.
• Malalaman dito ang kahulugan na
nais sabihin ng kausap
3. Intonasyon
• Tungkol ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa
pagsasalita na maaring maghudyat sa
kahulugan ng isang pahayag.
• Ang punto ay tumutukoy sa rehiyunal na
tunog o accent
• Totoo ang sinabi niya.
(nagsasalaysay)

• Totoo ang sinabi niya?


(nagtatanong)
• Alam niya iyon. (nagsasalaysay)
• Alam niya iyon? (nagtatanong)
• Bababa ?

• Bababa.
4. Hinto/Juncture
• Saglit na pagtigil sa pagsasalita.
• Sa pangungusap, ito ang bahagi kung
kailan dapat huminto - kuwit (,) at
tuldok (.)
Hinto/Juncture

• ( / ) – samantalang paghinto
gaya ng kuwit

• ( // ) - matagal na paghinto
gaya ng tuldok
Hinto/Juncture
• Tito / Jose Alberto ang pinsan ko //.
(Ipinakikilala ang buong pangalan ng pinsan)

• Tito Jose / Alberto ang pinsan ko //.


( ipinakikilala sa kanyang Tito Jose si Alberto)

• Tito Jose Alberto / ang pinsan ko//.


(ipinakikilala ang pinsan kay Tito Jose Alberto)
Morpolohiya
Pag-aaral o pagsusuri sa mga morpema ng isang
wika at pagsasama-sama nito upang makabuo
ng isang salita.

Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita na


nagtataglay ng kahulugan
Halimbawa ng morpema
MAGANDA – binubuo ng 2 morpema

MA – di-malayang morpema o panlapi


GANDA - malayang morpema o salitang-
ugat
Halimbawa ng morpema
Ang mga nasabing morpema ay may kahulugang
taglay.
MA - isang morpema dahil may taglay na
kahulugan ng pagkamayroon.
PA – nagsasaad ng paraan
paikot, patakbo, pakaliwa, pakanan

KA – nagpapakita ng pagiging isa o kasama


Kasapi, kasama, kaibigan, kakampi
Anyo ng Morpema
1. Morpemang ponema
2. Morpemang panlapi
3. Morpemang salitang-ugat
1. Morpemang ponema

• Ponemang marka ng gender sa mga salitang


hiram sa Kastila na tumatayong morpema
tulad ng mga sumusunod
• Abogado, abogada
• Senador, senadora
• Edukado, edukada
• Kapitan, kapitana
2. Morpemang panlapi

• Ikinakabit sa salitang-ugat na may kahulugang


taglay at matatawag ding di-malayang
morpema dahil hindi nakakatayong mag-isa.
• Aglutinativ – tawag sa pag-aaral ng paraan ng
paglalapi.

Ang mga panlaping idinudugtong sa salitang-ugat ay


maaring makabuo ng salitang makangalan, makauri
o makadiwa

Mag + laro=maglaro (makadiwa)


Ma + sipag= masipag (makauri)
Mag + ama=mag-ama (makangalan)
• mag + aral=mag-aral
• Ma + ganda=maganda
• Ma + laki=malaki
• Mag + kapatid=magkapatid
• Mag + salita=magsalita
3. Morpemang salitang-ugat

• Maituturing na malayang morpema dahil


nakakatayong mag isa. Binubuo ito ng mga
morpemang may taglay na kahulugan kahit
walang panlaping nakakabit.
• Dagat, sulat, takbo, hiram
• Linis, bata, aral, sikap,
Uri ng morpema ayon sa kahulugan
1. Morpemang may kahulugang pangnilalaman
o leksikal
2. Morpemang may kahulugang pangkayarian
3. Derivasyunal
4. Infleksyunal
1. Morpemang may kahulugang pangnilalaman o
leksikal

• binubuo ng pangngalan at panghalip bilang


nominal, pandiwa at mga panuring na pang-abay
at pang-uri.

Aso=pangngalan Tumatakbo=pandiwa
Maganda=pang-uri Kahapon=pang-abay
Siya=panghalip
2. Morpemang may kahulugang
pangkayarian
• Walang kahulugang taglay hanggat
di-naisasama sa iba pang morpema
na magpapalinaw ng kahulugan ng
buong pangungusap.
2. Morpemang may kahulugang
pangkayarian
• Ito ay binubuo ng mga pananda at mga pang-
ugnay tulad ng:
• Pananda=si, sina, ng, mga, ang, ang mga, ay
• Pang-angkop=ukol sa/kay, alinsunod sa/kay,
ayon sa/kay, atbp.
• Pangatnig= at, subalit, datapwat, ngunit
3. Derivasyunal
• Morpemang may pinaghanguan o pinagmulan
• Nabubuo sa pagkakabit ng alinmang uri ng
morpema o salitang kinakabit sa ibang
morpema na nagpapabago sa uri ng gramatika
3. Derivasyunal
• May pagbabago sa kahulugan ng salita dahil
sa pagbabagong nabubuo ng salita.

Awit Mang-aawit Sulat manunulat

Tula Manunula Sayaw Mananayaw


4. Infleksyunal
• Nagagawa ito sa pamamagitan ng mga
morpemang panlapi sa pandiwa sa ibat-ibang
aspekto.
• Walang pagbabagong nagaganap sa
kategoryang sintaktika ng mga salita kung saan
ito nakakabit.
Halimbawa ng infleksyunal

Sumulat Sumusulat susulat

Lumakad Lumalakad Lalakad

Kumuha Kumukuha Kukuha

Kumain Kumakain kakain


Alomorp ng morpema
• Tawag kapag ang isang panlapi ay
nagkakaroon ng tatlong anyo
dahil sa impluwensiya ng kaligiran
nito.
Halimbawa ng Alomorp ng morpema

• Pang = /k, g, h, m, n, ng, w, y/


• Pam = /p, b/
• Pan = / d, l, r, s, t/
Ilang pagsubok

• Ibigay ang kahulugan ng mga


salitang may salungguhit.
1. Gumuhit kayo ng isang
malaking bilog sa inyong
papel.

• 2. Bilog ang mundo.


• 3. Habang wala ang kanyang
asawa ay naglalaro ng apoy si
Aling Marta.

• 4. Mabilis kumalat ang apoy sa


kubo.
• 5. Maghain na kayo’t gutom na
ang tatay ninyo.

• 6. Maraming tao ang ang nagtitiis


ng gutom ngayon dahil sa
kahirapan ng buhay.
• 7. Isang maglalaba sa aming lugar
si Aling Auring.

• 8. Maglalaba ako bukas bago


pumasok sa paaralan.
• 9. Mahirap subalit marangal ang
buhay ng isang magsasaka.

• 10. Uuwi na sa probinsiya sina Mang


Luis at magsasaka na lamang sa
kanilang bukid.
• 11. Baka may pilay ang batang
iyan kaya nilalagnat tuwing
hapon.

• 12. Tinulungan niyang makatawid


ang lalaking pilay.
• 13. Naglalaro ang bata sa
dalampasigan.

• 14. Higit siyang bata kaysa akin.


15. Totoo bang bata mo na
ang kapitbahay nating
dalaga?

16. Ayon sa usap-usapan,


bata raw ng alkalde si hepe.
• 17. May sakit sa baga ang
kanyang ama.

• 18. “Saan ka baga nag-aaral


ngayon, ha?
• 19. Patayin mo ang baga sa kalan
matapos mag-ihaw.

• 20. Kailangang maoperahan si Maria


upang alisin ang baga niya sa dibdib.
• 21. Makalawang na ang ating mga
tubo, kaya kulay-putik ang
dumadaloy na tubig sa ating mga
gripo.

• 22. Malaki ang naging tubo niya sa


pagtitinda kahapon.
• 23. Sa tubo nanggagaling ang
asukal.
• 24. Ang saya ng pagdiriwang ng
Buwan ng Wikang Pambansa.

• 25. Labis ang haba ng iyong saya


kaya natatapakan mo.
• 26. Malaki na ang butas ng ating
bubong kaya tumutulo.

• 27. Butas pala ang bag mo kaya


nahuhulog ang iyong mga gamit.
• Mga panlahatang
Tuntunin sa
Pagbabaybay at
Pagbigkas
PANGKALAHATANG TUNTUNIN I

 Pinaluluwag ang paggamit ng bagong


karagdagang walong letrang C, F, J, Ñ, Q,
V, X, Z sa pagsulat ng Filipino para isama,
hindi lamang ang mga salitang
nakapailalim sa tatlong uri na orihinal na
binabanggit sa Kautusang
Pangkagawaran, gaya ng:
• pangngalang pantangi tulad ng pangalan ng
tao, lugar, insitusyon, at iba pa;

Hal: Villar, Quezon province


• teknikal na mga terminong hindi madaling
maasimileyt sa sistema ng ispeling sa Filipino o
hindi madaling baguhin ang ispeling nang
hindi nawawala ang kahulugan
• Hal: zinc
• mga salita mula sa mga etnikong minoryang
wika sa Pilipinas na may dala-dalang
natatanging pangkulturang kahulugan
• CaÑao = panseremonyang sayaw ng mga
Igorot
• Hadji = lalaking Muslim na nakarating na sa
Mecca
• Azan = unang panawagan sa pagdarasal
• kundi maging ang lahat ng mga hiram na salita
anuman ang varayti nito kasama ang pang-araw-araw
na wika na nabibilang sa informal o kumbersasyonal
na varayti, na naglalaman ng mga salitang gumagamit
ng alinman sa walong letra. Ang hiram na salita ay
maaaring bahagi ng nakasulat na diskurso na
nasasaklaw ng varayting informal, akademikong
formal o teknikal, at varayting frozen, literari o
rituwalistiko.
PANGKALAHATANG TUNTUNIN II

Ang mga hiram na salitang naglalaman ng alinman sa


walong karagdagang letra na nabago na ang ispeling
ayon sa orihinal na sistema ng pagsulat sa Filipino at
umangkop na sa wika ay dapat na manatili ayon sa
pagkakabaybay sa orihinal na alfabetong Filipino at
dapat na ituring na lehitimong mga varyant ng
ispeling.
• Tinatanaw na sa mahigpit na pagtupad sa mga
bagong tuntunin sa paglipas ng mga taon, higit
na pipiliin ang mga tuntunin sa paggamit ng
walong karagdagang hiram na letra at ang mga
naunang varyant ng ispeling ay ituturing na
makaluma, bibihira, diyalekto, o vulgar.
PANGKALAHATANG TUNTUNIN III

Dapat ng gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X (bawat


isa ay hindi eksklusibong kumakatawan ng isang
tunog sa Ingles kundi natutulad ng ibang letra sa
pagkatawan ng isang tunog o sunuran ng mga
tunog)
• kapag ang hiram na salita na naglalaman ng
letra ay binabaybay nang buo ayon sa
orihinal nitong anyo tulad sa

• X-ray,
• quo vadis,
• esprit de corps,
• niña bonita.
• Ang salita ay hinihiram nang buo ayon sa
orihinal nitong anyo alinsunod sa mga
sumusunod na kondisyon:
• Ang salita ay isang pangngalang
pantangi-
• pangalan ng tao,
• lugar (heograpikal na lokasyon, gusali)
• bagay (institusyon, organisasyon);
• Ang salita ay teknikal or
siyentifiko;
• Ang salita ay may natatanging
pangkulturang kahulugan
• pizza
• Ang salita ay may iregular na
ispeling, ibig sabihin
gumagamit ng dalawa o higit
pang letra na “silent” o hindi
ikinakatawan ang kanilang
pagbigkas; at
• Ang salitang hiniram sa Ingles at iba pang
wika ay malaganap na ginagamit sa
buong mundo at madaling makilala tulad
ng taxi, fax, at iba pa.
PANGKALAHATANG TUNTUNIN IV

• Kapag ang salita na naglalaman ng mga letrang C, Ñ,


Q, X ay hindi napapailalim sa alinman sa limang
kondisyon, ngunit binabago ang ispeling sa Filipino,
ang letra ay pinapalitan ng letrang kumakatawan sa
tunog; kaya ang C ay ginagawang letrang [S] kapag
tunog /s/ at ginagawang letrang [K] kapag tunog
/k/.
Pangkalahatang Tuntunin V

• Ginagamit ang mga letrang F, J, V, at Z upang


katawanin ang mga tunog F, J, V, Z sa mga
hiram na salita na binago ang baybay sa
Filipino.
• Pinananatili ng tuntuning ito ang konsistensi
sa paggamit ng mga fonemikong simbolong ito
at iniiwasan ang iregular na ispeling para
katawanin ang mga kaukulang tunog.
Pinatatatag din nito ang kalakasan ng Filipino
sa pagtuturo ng pagbabasa na nagmula sa
regulariti ng fonemikong alfabeto nito.
Mga
Hakbang
sa Panghihiram
Sa paghahanap ng panumbas sa mga hiram na salita
buhat sa wikang Ingles, maaaring sundin ang mga
sumusunod na paraan:

1.Ang anumang pinagkukunan ng mga salitang maaaring


itumbas ay ang leksikon ng kasalukuyang Filipino, kung
mayroon.

Halimbawa:

Hiram na Salita Filipino

rule tuntunin
ability kakayahan
skill kasanayan
2. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa
Ingles at sa Kastila, unang preperensya ang
hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang
Kastila ang pagbabaybay sa Filipino.

Halimbawa:

Ingles Kastila Filipino

check cheque tseke


liter litro litro
education educacion edukasyon
3. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay
maaaring hindi maunawaan ng nakakaraming tagagamit ng
wika, hiramin nang tuwiran ang katawagang Ingles at
baybayin ito ayon sa mga sumusunod na paraan:

A. Kung consistent ang ispeling ng salita, hiramin ito nang


walang pagbabago.

Halimbawa:

Ingles Filipino

reporter reporter
editor editor
soprano soprano
alto alto
B. Kung hindi konsistent ang ispeling ng salita,
hiramin ito at baybayin nang consistent sa
pamamagitan ng paggamit ng 20 letra ng
dating Abakada.

Halimbawa:

Ingles Filipino
control kontrol
meeting miting
leader lider
teacher titser
truck trak
C. Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaaring
baybayin sa dalawang kaanyuan, ngunit kailangan ang
konsistensi sa paggamit.
Halimbawa:
barangay baranggay
kongreso konggreso
tango tanggo (sayaw)
kongresista konggresista

*May mga salita sa Ingles ( o sa banyagang wika) na


maaaring pansamantalang hiramin ng walang pagbabago
sa ispeling.
Halimbawa:
coach rendezvous
sandwich pizza pie
clutch champagne
D. Mga salitang hiram sa ibang katutubong wika
na nagtataglay ng unikong katangiang cultural.
Gayunpaman, walang magiging problema kung
iayon man kaagad ang ispeling ng mga ito sa
palabaybayang Filipino sapagkat kitang- kita
naman na ang ispeling ng mga wikang katutubo
ay isinunod lamang sa palaybaybayang Kastila.

Halimbawa:

cañao = kanyaw
hadji = hadyi
masjid = masdyid
E. Mga simbolong pang-agham.

Halimbawa:

Fe (iron)
H20 (water)
C (carbon)
NaCl (salt)
ZnO (zinc oxide)
Panghihiram sa
Salitang Dayuhan
•Binabaybay ayon sa patakaran ng pagbabaybay
sa Filipino

nitric asid - nitric acid kalsyum - calcium


kanser - cancer sodium - sodium
kemistri - chemistry epilepsya - epilepsy
kolaytis - colitis bakterya - bacteria

ematurya - hematurya haydrogen – hydrogen

•Mga salitang ingles na maaring di na baguhin


ang baybay.
Mga Terminong Banyaga na Palasak nang Ginagamit,
Walang Tiyak na Katumbas kayat Isinusulat na Walang
Pagbabago

Habeas corpus-paglilitis ng taong dinakip sa ibang hukuman


Prima facie- sa unang kita
Bona fide- walang pandaraya (tunay)
De jure- karapatan ayon sa batas
Ex-officio- sa ngalan ng opisyal na tungkulin
Status quo- kasalukuyang kalagayan
Per diem- sa bawat araw
Modus operandi- paraan ng pagganap
Vox populi- tinig ng tao/lipunan
Quo warranto- pagpapasya ng awtoridad ng opisyal
Pro tempore – pansamantala
x-ray Ultrasound Iris Photosynthesis

Phylum Mutant Microwave Allotrope

Eugenics Lethal Elysuria Cerebral

carbunacle gland
Ang mga salitang nasa itaas, kung
babaybayin sa ortograpiyang
Filipino ay maaring di na
mauunawaan kaya hinahayaan na
ito sa baybay Ingles.

You might also like