Professional Documents
Culture Documents
Wika
Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon na ginagamit ng mga tao para sa
pagpapahayag ng kanilang mga ideya, damdamin, at saloobin.
Kultura
Ang kultura naman ay ang kabuuan ng mga kaugalian, paniniwala, alamat, sining,
musika, panitikan, at iba pang mga aspeto ng buhay na nagbibigay ng kahulugan at
direksyon sa buhay ng mga tao.
Ugnayan
Ang dalawang ito ay magkasama sa paghubog sa ating pagkakakilanlan at sa ating
pag-unlad bilang isang tao at bilang isang komunidad.
Simula ng wika
Ang simula ng wika ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng tao. Noong
unang panahon, ang tao ay gumagamit ng simpleng paraan ng komunikasyon, na
unti-unti ay umunlad hanggang sa magkaruon ng mas malalim na kahulugan at
estruktura ang kanilang mga salita.
Wika sa pilipinas
Ang pagsasalita
ay pagbibigay at pagbabahagi ng kaisipang mensahe sa pamamagitan ng berbal na
paraan na ginagamit ang wika na may wastong tunog, tamang gramatika, upang
malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.
Malaya nating naigagalaw ang ating panga at dila kaya't dahil dito, nagagawa nating
pagbagu-baguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig. Maraming posisyon
ang nagagawa ng ating dila.
Kwerdas Pantinig
(Vocal Cords)
- ang dalas ng pagpalag ng mg kwerdas patinig ay nakokontrol sa pamamagitan ng
pag- iiba-ba ng tensyon ng mga ito.
Phonatory process/phonotation
-ang proseso na kung saan ang ating Kwerdas Pantinig ay nakakalikha ng tunog sa
pamamagitan ng "vibration".
-sa ibang larangan ng mga Phoneticians gaya ng Linguistic Phonetics, ay Voicing
ang kanilang tawag sa prosesong ito
Proseso
▪︎Nangyayari sa tuwing ang hangin na nalilikha o napapalabas natin sa
ating diaphragm na dumadaan sa ating baga na napapalabas sa
pamamagitan ng ating glottis ay kung saan nakakalikha ng presyon ng
hangin sa ating laringhe at iyon ang nagiging dahilan ng pagpapalag ng
ating kwerdas pantinig.
▪︎Ang pagpapalag ng ating mga kwerdas pantinig ay ang nagsisilbing
taga ayos/adjust ng presyon at daloy ng hangin sa pamamagitan ng
ating laringhe, at ang hanging ito ay ang pangunahing sangkap sa
proseso ng Voicing
Babae
• Magkaibang laki ng kwerdas pantinig
• Between 1.25 cm and 1.75 cm (approx
0.5 to 0.75) in lenght
• May mas maputing kwerdas pantinig
• Dahilan kung bakit magkaiba ang tono
ng babae at lalaki dahil sa magkaibang
haba at kapal ng kanilang mga kwerdas
pantinig
Lalaki
• Magkaibang laki ng kwerdas pantinig
• Between 1.75 cm and 2.5 cm (approx
0.75 to 1.0) in lenght
• May mas mababang tono dahil sa
mahaba at makapal na mga kwerdas
pantinig
Mga palatuntunan
. Labi (lips)
- Ang mga labi ay isang mahalagang bahagi ng pag-produce ng tunog. Ito ay
ginagamit sa pagbubukas at pagtatakip ng bibig upang makabuo ng iba't ibang
tunog tulad ng /p/, /b/, /m/, /f/, at /v/.
2. Dila (tongue)
- Ang dila ay isang malikot na bahagi ng katawan na ginagamit sa paggalaw at
pagkontrol ng tunog. Ito ay ginagamit sa pag-produce ng mga tunog tulad ng /t/,
/d/, /s/, /z/, /l/, /r/, /n/, at marami pang iba.
3. Ngipin (teeth)
- Ang mga ngipin ay ginagamit bilang suporta o hulmahan sa pag-produce ng ilang
mga tunog tulad ng /th/ sa salitang "think" at /th/ sa salitang "that".
4. Lalamunan (throat)
- Ang lalamunan ay isang bahagi ng katawan kung saan dumadaan ang hangin na
ginagamit sa pag-produce ng mga tunog tulad ng /k/, /g/, /h/, /ng/, at iba pa.5. Ilong
(nose) Ang ilong ay ginagamit sa pag-produce ng mga tunog na nasal tulad ng
/m/, /n/, at /ng/.
3. Mga Malapatinig
- ay hindi katulad ng patinig na isang nucleus, ito ay mabilis na binibigkas.
Punto ng Artikulasyon
Ito ay tumutukoy sa kung anong bahagi ng bibig naisagawa ang pagbigkas ng
ponema.
Paraan ng Artikulasyon
mga sangkap sa pagsasalita ay gumagana at kunInilalarawan at ipinakikita kung
papaanong ang g papaanong ang ating hininga ay lumalabas sa bibig o ilong sa
pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig.
Mga Katinig- / p, t, k, ?, b, d, g, m, n, h, s, h, l, r, w, y
Klaster ay ang mga dalawa o higit pang magkatabing katinig SA loob ng isang
pantig ng isang salita.
Inirepresenta ng gitling (-) kapag ito’y nasa loob ng salita sa pagitan ng katinig at
patinig. may-ari mag-alis
Morponolohiya
makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita gamit ang iba’t ibang morpema.
Morpema
mula sa salitang Griyego na morph (anyo o yunit) at eme (kahulugan)
pinakamaliit na yunit ng salita
Morpemang panlapi
sa ibang salita ay tinatawag na morpemang hindi malaya; morpemang maituturing
sapagkat ito’y nagtataglay ng kahulugan at maaaring magpabago ng kahulugan
kapag isinama sa isang payak na salita o salitang-ugat.
Uri ng morpema
Leksikal na morpema
may mga pagkakataon na pinagsasama-sama ang malaya at di-malayang morpema
na magbubunga ng panibagong anyo ng salita gayundin sa kahulugan.
Infleksyonal na morpema
paggamit ng mga morpemang panlapi sa pandiwang pamanahon o aspekto ng
pandiwa na hindi kakikitaan ng pagbabago sa kategoryang sintaktika ng mga salita o
morpema kung saan sila nakakabit.
Halimbawa:
a. Naglaba siya.
b. Naglalaba siya.
c. Maglalaba siya.
Deravasyonal na morpema
ang alinmang uri ng morpema o salitang kinabitan ng isang morpema
ay nagbabago ng uring panggramatika.
a. awit (song) — mang-aawit (singer)
Pagbabagong morpoponomiko
Ito ay anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa
impluwensya ng kaligiran nito.
Uri
a. Asimilasyong Parsyal o hindi ganap - yaong karaniwang pagbabagong nagaganap
sa pailong na /ng/ dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog.
.Ang /ng/ ay nagiging /n/ kapag ang salitang-ugat na inuunlapian ay nagsisimula
alin man sa /d, l, r, s, t/.
B. Asimilasyong Ganap – bukod sa pagbabagong nagaganap sa /ng/ ayon sa punto
ng artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng
nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.
Pagpapalit ng ponema
/e/ - /i/
Ang ponemang /e/ sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian ay nagiging /i/.
Halimbawa: ka- + lalake + -han = kalalakihan
/d/ - /r/
Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang
napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.
Halimbawa: ma- + dapat = marapat
Ma- + dunong = marunong
/h/ - /n/
Sa ilang halimbawa, ang /h/ ng panlaping [-han] ay nagiging /n/.
Halimbawa: tawa + -han = tawahan – tawanan
na-+tuto+-han=natutuhan – natutunan
Paglilipat o metatesis
nangyayari ito sa salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ na ginigitlapian ng [-in-].
Nagkakapalitan ng posisyon ang /n/ ng gitlaping [-in-] at /l/ o /y/ ng salitang-ugat.
lipat + -in- = linipat – nilipat
Pagkakaltas ng ponema
nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat
ay nawawala sa paghuhulapi upang mas madaling bigkasin at napapadulas ang
pagbigkas ng mga salita
Halimbawa: takip + -an = takipan – takpan
Pagdaragdag ng ponema
Bahagi ng pananalita
1. Mga nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop,
bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.
b. PanghaliP (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan
Pangkayarian
Mga Salitang Pangkayarian (Function Words) - tumutukoy sa bahagi ng pananalita
na nagbibigay ng impormasyon kung paano ginagamit ang salita sa pangungusap,
kabilang ang pagpapalit ng itsura ng salita depende sa sitwasyon at konteksto.