You are on page 1of 2

PT2. Ipakita at ipaliwanag ang mga sangkap sa pananalita ng isang tao.

Ito ang Sagittal Diagram o mas kilala sa tawag o pangalan na Oscar.And Oscar dayagram ay
nagpapakita ng mga Prinsipal na sangkap sa pananalita ng isang tao,dito natin malalaman kung
ano ano nga ba ang sangkap o parte sa ating bunganga ang ginagamit upang tayo ay
makipagtalastasan at makabuo ng isang tunog.

Bago yan May Tatlong Salik tayo upang makapagsalita ang isang tao at ito ay ang mga
sumusunod:
● Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya-ang enerhiya ay isa sa
pinakamalaking sangkap upang tayo ay makabuo ng tunog o makapagsalita
dahil mula dito may kakayahan tayo o lakas upang ipahayag ang ating
damdamin.
● Ang artikulador o mga pumapalag na bagay-Ito kung saan nakakabili tayo ng
isang tunog gamit ang enerhiya na nagbubuhat sa ating baga para tayo ay
makalikha ng isang salita o ponema.
● Ang resonador o palatunugan-Dito naman kung saan kakain na tayo ng tunog
dahil sa guwang ng ating ilong na ibig sabihin pala kapag ang gumuwang ang
ating ilong tayo ay nakapag lilikha din ng iba't ibang klase ng tunog.
May mga prinsipal na sangkap din ang ating pananalita o artikulasyon kung saan at
paano tayo makakabuo ng isang tunog gamit ang ponema o ng ating wika.At mayroon
tayong lima(5).Ito ay ang mga sumusunod;

1. PANLABI –ang ibaba ng labi ay dumidikit sa labi ng itaas


-/p, b,m/
2. PANG NGIPIN –ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob ng mga ngipin sa itaas
-/t,d,n/
3. PANGILAGID –ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidikit sa puno ng gilagid
-/s,l,r/
4. VELAR (PANGNGALAN NGALA) –ang ibabaw ng puno ng dila ay dumidikit sa velum
o malambot na bahagi ng ngalangala
-/k,g, π/
5. GLOTTAL –ang babagtingang tinig ay nagdidilig to nalalapit at hinaharang o inaabala
ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog
-/’,h)
At mayroon ding Anim (6) na Paraan ng artikulasyon.ito ay ang mga sumusunod;
1. PASARA-ang daanan ng hangin ay harang na harang
-/p,t,k,’,b,d,g/
2. PAILONG-ang hangin na haharang dahil sa paglikom ng mga labi, pagtukoy ng
dulo ng dila sa itaas ng mga ngipin o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum ay hindi sa
bibig kung isa lang lumalabas
-/m,n,π/
3. PASUTSOT-ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila
at ng ngalangala o kaya’y mga babagtingang tinig
-/s,h/
4. PAGILID-ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulo ng dila
ay nakadiit sa punong gilagid
/l/
5. PAKATAL – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa
pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulong nakaarkong dila
/r/
6. MALAPATINIG-dito ay nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng labi o
dila patungo sa ibang posisyon
/w,y.
Ito ay ang mga Sangkap/Paraan upang tayo ay makapagsalita,kaya naman lagi nating
tandaan na ito ay mahalaga din dahil itong mga sangkap na ito ay kasama o kaagapay
natin sa bawat oras o araw na tayo ay makikipagtalastasa.

Marian Mae L.
Alvarado

You might also like