You are on page 1of 5

PORMASYON NG PANTIG

P ( Patinig )
• Pantig na binubuo ng patinig lamang, kaya't tinatawag na
payak.
Halimbawa:
1. a-ba-ka
2. a-so
3. i-go-rot
4. a-wit

PK ( Patinig/ Katinig )
• Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
katinig sa hulihan.
Halimbawa:
1. es-trang-he-ro
2. un-tog
3. al-pom-bra
4. ak-sa-ya

KP ( Katinig /Patinig )
• Pantig na binubuo na may tambal na katinig sa unahan,
kaya't tinatawag na tambal una.
Halimbawa:
1. ka-ro
2. pu-sa
3. ba-ta
4. ma-ta

KPK ( Katinig/Patinig/Katinig)
• Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
katinig sa unahan at hulihan kaya tinawag na kabilaan.
Halimbawa:
1. bas-ton
2. bun-dok
3. buk-lat
4. sam-pal

PKK ( Patinig/Katinig/Katinig )
• Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
klaster sa hulihan.
Halimbawa:
1. ins-tru-men-to
2. eks-tra
3. eks-pe-ri-men-to
4. ins-pi-ras-yon

KKP ( Katinig/Katinig/Pantig)
• Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
klaster sa unahan.
Halimbawa:
1. kla-se
2. pro-tes-ta
3. tra-ba-ho

KKPK ( Katinig/Katinig/Patinig/Katinig
• Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
klaster sa unahan at katinig sa hulihan.
Halimbawa:
1. plan-tsa
2. trum-po
3. kwad-ra

KPKK ( Katinig/Patinig/Katinig/Katinig
• Ito ay pantig na binubuo ng katinig sa unahan at may
patinig na may tambal na klaster sa hulihan.
Halimbawa:
1. nars
2. kard
KKPKK ( Katinig/Katinig/Patinig/Katinig/Katinig)
• Ito ay pantig na may tambal na klaster sa unahan at
hulihan.
Halimbawa:
tsart

KKPKKK
(Katinig/Katinig/Panitig/Katinig/Katinig/Katinig)
Halimbawa: shorts

Pagpapantig -paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga


pantig.
Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa
pusisyong inisyal, midyal at final na salita. Ito ay hiwalay na mga
patinig.
Halimbawa:
1. Aalis ( a-a-lis )
2. Maaga ( ma-a-ga )

Kapag may dalawang magkaibang katinig na


magkasunod sa loob ng isang salita, maging katutubo o
hiram amn, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan
at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
1. Buksan ( buk-san )
2. Pinto ( pin-to )
3. Tuktok ( tuk-tok )
3. Kapre ( kap-re )

Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na


magkakasunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa
ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa
patinig na kasunod.
Halimbawa:
1. Eksperimento ( eks-pe-ri-men-to )
Kapag ang unang sa tatlong magkakasunod na katinig ay
( m, n ) at ang kasunod na dalawa ay alainamn sa ( bl, dr,
pl, tr, ts ). Ang unang katinig ( m,n) sinusundang patinig
ay kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
1. Alambre ( a-lam-bre )
2. Asambleya ( a-sam-ble-ya )
3. Balandra ( ba-lan-dra )
4. Simple ( sim-ple )
5. Platsa ( plan-tsa )
Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng
isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa
patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig
na kasunod.
Halimbawa:
1. Ekstradisyon ( eks-tra-di-syon )
2. Eksklusibo ( eks-klu-si-bo )
3. Transkripsyon ( trans-krip-syon)

Pag-uulit ng Pantig
Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay
patinig, ang patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
1. Alis ( a-a-lis )
2. Iwan ( i-i-wan )

Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula


sa KP (katinig-patinig), ang katinig at ang kasunod na
patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
1. Basa - ( ba-ba-sa, mag-ba-ba-sa )
2. Takbo - ( ta-tak-bo, mag-ta-tak-bo )
3. Lundag - ( lu-lun-dag, mag-lu-lun-dag )
Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK
(klaster na katinig) na kayarian, dalawang paraan ang
maaaring gamitin. Batay ito sa kinagawian ng nagsasalita
o variant ng paggamit ng wika sa komunidad.
a. Inuulit lamang ang unang katinig at patinig
Halimbawa:
1. Kwento ( ku-kwen-tu-han , mag-ku-kwen-to )
b. Inuulit ang klaster na katinig kasama ang patinig
Halimbawa:
1. Kwento ( kwe-kwen-tu-han, mag-kwe-kwen-to )

You might also like