You are on page 1of 23

Ano nga ba ang Morpolohiya?

• Ito ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema


(morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may
kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan ng
mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o
kumplikadong kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang
buong salita, panlapi, artikulo, o metalinggwistikal na yunit ng
kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin.
Morpemang Ponema /a/ at /o/ :
• Kung nagbabago ang kahulugan ( kasarian) dahil sa
pagdagdag ng ponemang /a/ o kontradiksyon ng /o/ sa /a/,
ang /a/ o /o/ ay itinuturing na ponema.
• Halimbawa : – Gobernador - Gobernadora – Konsehal -
Konsehala – Kapitan - Kapitana – Abogado - Abogada
Morpemang Salitang-Ugat:
• Ito ay uri ng morpema na walang panlapi. Ito ay ang
payak na anyo ng isang salita.
• Halimbawa :

Indak ganda payat


sayaw sipag bunso
sulat bata buti
4 na Kayarian ng Salita

• payak - salitang-ugat
• maylapi - salitang-ugat at may panlapi
• inuulit - kapag ang salitang-ugat ay inuulit
• tambalang-salita - dalawang magkaibang salitang
pinagsama upang makabuo ng bagong kahulugan
Mga halimbawa ng Payak:

• Alay • Dasal
• Kahoy • Dahon
• Bango • Lakad
• Araw • Gabi
Maylapi:
• Ang mga panlapi ay mga katagang idinaragdag sa unahan, sa gitna,
o sa hulihan ng mga salitang-ugat. May ibat’ibang uri ng mga
panlapi: Unlapi, Gitlapi at Hulapi
Maylapi:
• Morpemang Panlapi Kahulugan Salitang-ugat, Bagong Morpema
Ma- Pagkakaroon ng katangiang taglay ng salitang ugat: Bait
Mabait
• Um- Pagganap sa kilos Awit Umawit
• -an Lugar na pinaglalagyan Aklat Aklatan
• Ma- Nagsasaad ng pagkakaroon Pera Mapera
Maylapi:
Halimbawa:
Ma- + tubig matubig (maraming tubig)
Tubig + -an tubigan (lagyan ng tubig)
Pa- + tubig patubig (padaloy ng tubig)
Lakad + -um lumalakad
Tubig + -in tubigin (pinarusahn sa tubig)
Sagot + -in Sinagot
Inuulit:
• Pag-uulit na Ganap - inuulit ang salitang-ugat
Halimbawa:
Taon: taon- taon
Bahay: bahay-bahay
Araw: araw-araw
Inuulit:
• Pag-uulit na Parsyal o Di-ganap - ang isang salita ay nasa pag-uulit
na PARSYAL kapag ang bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit
Halimbawa: usok- uusok
balita- bali-balita
tahimik : tahi-tahimik
kanta: kakanta
Tambalan

• ang pagbubuo ng salitang-ugat -dalawang salitang


pinagsasama para makabuo ng isang salita -may
dalawang uri ng tambalan ang tambalang ganap at
di-ganap.
Tambalan
• a) Tambalang Di-ganap -ang taglay na kahulugan ng bawat
dalawang salitang pinagtambal ay hindi mawawala -Tambalang
salitang nanatili ang kahulugan
Halimbawa:
asal-hayop kulay-dugo
bahay-ampunan pamatid-uhaw
Tambalan

b) Tambalang Ganap - ang dalawang salitang pinagtambal ay nakabubuo


ng ikatlong kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsama. -
Tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan.

Halimbawa:
bahaghari dalagangbukid
hampaslupa anakpawis
Limang Uri ng Pagbabagong
Morpoponemiko

1. Asimilasyon
2. Pagpapalit ng Ponema
3. Metatesis
4. Pagkakaltas ng Ponema
5. Paglilipat-diin
Asimilasyon

Sakop ng uring ito ang ma pagbabaging nagaganap


sa /ŋ/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng
ponemang kasunod nito.
Uri ng Asimilasyon
Asimilasyong Ganap – Pagbabago ng kapwa panlapi at salitang ugat.
Halimbawa: mang + tahi = manahi
pang + palo = pamalo
pang + takot = panakot
Asimilasyong Parsyal o di ganap – pagbabago sa unang morpema
Halimbawa: pang + bansa = pambansa
sing + bait = simbait
mang + batas = mambabatas
Paglilipat-diin
kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago
kapag ito'y nilalapitan.
Halimbawa:
laro + an = laruan
dugo + an = duguan
Pagkakaltas ng Ponema
Mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema.
Halimbawa:
takip + an = takpan
sara + han = sarhan
labahan = labhan
dalahin = dalhin
Metatesis
 Pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-in / kapag ang kasunod na
ponema ay ang mga ponemang (l,y,o)
Halimbawa:
lipadin -nilipad
yakapin -niyakap
Pagpapalit ng Ponema
 Kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y
pinapalitan ng ponemang r.
Halimbawa:
ma + damot = maramot
ma + dunong = marunong
SALAMAT PO SA PAKIKINIG!

You might also like