You are on page 1of 13

REHIYON VIII

SILANGANG KABISAYAAN
(BILIRAN, LEYTE, TIMOG LEYTE, SAMAR, HILAGANG SAMAR, SILANGANG SAMAR)

I. INTRODUKSYON SA REHIYON VII


Ang Silangang Kabisayaan ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Pilipinas. Binubuo
ng tatlong mayor na pulo ang rehiyon ng Silangang Visayas na kung saan nakapaloob ang
mga lalawigang bubuo ng rehiyon. Ito ay ang Biliran, Silangang Samar, Samar, Hilagang
Samar, Leyte, at Timog Leyte. Tinaguriang “LUKLUKAN NG KASAYSAYAN” dahil sa mga
makasaysayang pangyayari sa rehiyong ito tulad ng pagdating ni Magellan, unang misa sa
Pilipinas at ang pagbabalik ni Gen. Douglas McArthur. Isa ang rehiyon ng Silangang Visayas
sa tatlong rehiyon na nag-uugnay sa Luzon at Mindanao sa pamamagitan ng National
Maharlika Highway.
Karagdagan:

Ang rehiyong ito ay binubuo ng anim na lalawigan: Leyte, Timog Leyte, Samar,
Kanlurang Samar, Silangang Samar, at Hilagang Samar. Ito ay mayroong 12 na distrito, 7 na
syudad, 136 na munisipalidad, at 4,390 na barangay. Napaliligiran ng tubig ang rehiyon kaya
ang pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan nito. Ang rehiyon ay
binubuo ng mga bundok, malalalim na lambak at dalampasigan. Mabundok ang gitna ng
Leyte, samantalang maburol at walang kapatagan ang gitna ng Samar. Malimit dalawin ng
bagyo ang rehiyong ito dahil ito'y nasa “Typhoon Belt”. Ang mga pangunahing kalakal ay
tabako, troso, ceramics at yantok. May mga uri rin ng mina na nakukuha sa lugar na ito.
Waray-Waray, Cebuano, Abaknon, at Baybay ang mga lingwaheng ginagamit ng mga taga
rito. Ang mga Bisaya ay kilala rin sa kanilang pagiging relihiyoso. Sila ang unang nakatanggap
ng handog ng pananampalatayang Kristyano na dinala ng mga Kastila. Isa sa mga
pinakakilalang paraan ng pagpapakita nito ay ang pagdiriwang ng kapyestahan ng mga santo.

II. PAGKILALA SA MGA LALAWIGAN NG REHIYON I BILIRAN


• Kabisera: Naval
• Sukat: 555.4 km2
• Bayan: 8
• Pangunahing Pangkabuhayan: Pagmamanupaktura, pangingisda at pagtatanim ng
palay, mais, niyog, tubo, at saging
• Pangunahing Tanawin: Tinago Falls, Sambawan Island at Ulan Ulan Falls
• Wikang Umiiral: Waray at Cebuano
Karagdagan:

Ang Biliran ay binubuo ng isang distrito, walong munisipalidad, at isang daan at


tatlumpu't dalawang barangay. Ito ay isa sa mga pinakamaliit na lalawigan sa Pilipinas at
matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas. Isang pulong lalawigan, nasa ilang mga
kilometro lamang ang Biliran sa pulo ng Leyte. Naval ang kapital nito at minsan naging bahagi
ng Lalawigan ng Leyte ito hanggang naging hiwalay na lalawigan noong 1992. Pagsasaka
ang pangunahing hanapbuhay dito
LEYTE

• Kabisera: Tacloban
• Sukat: 5,712.8 km2

Bayan: 40
Lungsod:3
• Pangunahing Pangkabuhayan: Pagmamanupaktura at pagtatanim ng palay, mais,
niyog, tubo, at saging
• Pangunahing Tanawin: San Juanico Bridge, Kalanggaman Isand
• Wikang Umiiral: Waray at Tagalog
Karagdagan:

Ang Leyte ay binubuo ng limang distrito, apat na pung minisipalidad, tatlong syudad, at
1,641 na barangay. Noong mga naunang taon ng pamamahala ng mga Kastila, ang Leyte ay
nasa ilalim ng kapangyarihan ng Cebu. Noong 1768, nagkahiwalay ang Samar at Leyte.
Naging ganap na lalawigan ang bawat isa. Naging kabisera ng Leyte ang Casigawa, sumunod
ay Palo, pagkatapos ay Tanawan at ngayon ay Tacloban.

TIMOG LEYTE

• Kabisera: Maasin
• Sukat: 1,734.8 km2
• Bayan: 18
• Lungsod:1
• Pangunahing Pangkabuhayan: Pagmamanupaktura at pagtatanim ng palay, mais,
niyog, tubo, at saging
• Pangunahing Tanawin: Alto Peak at Masaba Falls
• Wikang Umiiral: Waray at Cebuano
Karagdagan:

Ang Timog Leyte ay binubuo ng labing walong munisipalidad kasama ang apat na
pulong Pandan, San Pablo, Limasawa at San Pedro, may isang distrito, isang syudad at
limang daang barangay na may kabuuang sukat na humigit-kumulang sa 172, 920 ektarya
ng lupa. Ang kabisera nito ay ang Maasin. Napalilibutan ito ng ilog.

SAMAR

• Kabisera: Catbalogan
• Sukat: 5,591.0 km2
• Bayan: 24
• Lungsod: 2
• Pangunahing Pangkabuhayan: Pagmamanupaktura, pangingisda at pagtatanim ng
palay, mais, niyog, tubo, at saging
• Pangunahing Tanawin: Sohoton Cave at Natural Bridge
• Wikang Umiiral: Waray at Cebuano
Karagdagan:

Ang Samar ay binubuo ng dalawang distrito, dalawang syudad,


dalawampu't apat na munisipalidad at siyam na raan at limampu't isang barangay.
Ang lalawigan ng samar ay dating kilala sa pangalang kanlurang samar kasama
ang Catbalogan na siyang kabisera nito. Dahil sa RA Blg. 5650, ang dating Kanlurang
Samar ay napalitang Samar na lang. Ito'y nasa gawing hilaga ng Hilagang Samar at
Silangang bahagi ng Silangang Samar sa gawi ng timog ng Golpo ng Leyte at nasa
Kanluran ng dagat ng Samar.
Kilala ito noon sa pangalang Ibuhao. Ang Boranggan ang sentro ng kalakalan,
subalit noong 1768 inihiwalay ang Samar Cebu at ginawang kabisera nito ang
Catbalogan
HILAGANG SAMAR

• Kabisera: Catarman
• Sukat: 3,498.0 km2
Bayan: 24
• Pangunahing Pangkabuhayan: Pangingisda at pagtatanim ng palay, mais, niyog, tubo,
at saging
• Pangunahing Tanawin: Biri Island
• Wikang Umiiral: Waray at Inabaknon
Karagdagan:

Ang Hilagang Samar ay binubuo ng dalawang distrito, dalawampu't apat na


munisipalidad, at limang daan at anim na pu't siyam na barangay. Ito ay dating bahagi ng
Samar subalit noong Hunyo 9, 1965 sa bisa ng RA 4221 ay naging isa itong bukod sa
lalawigan. Ito ang pinakamaliit na probinsya ng rehiyon na may humigit-kumulang na 347, 690
ektarya, pangatlo sa may pinakamalaking populasyon. Nahahati ito sa dalawampu’t apat na
munisipalidad at limang daan at pitumpu’t limang barangay.
SILANGANG SAMAR

• Kabisera: Borongan
• Sukat: 4,660 km2
• Bayan: 22
• Lungsod: 1
• Pangunahing Pangkabuhayan: Pangingisda at pagtatanim ng palay, mais, niyog, tubo,
at saging
• Pangunahing Tanawin: Calicoan Island
• Wikang Umiiral: Waray at Cebuano
Karagdagan:

Ang Silangang Samar ay binubuo ng isang distrito, isang syudad, dalawamput


dalawang munisipalidad at limang daan at siyam na pu't pitong barangay. Ang Silangang
Samar ay matatagpuan karatig ng Samar hinahangganan ng Philippine Sea sa Silangan at
Gulpo ng Leyte sa Timog. Ang buong Samar ay mabundok.
III. PANGUNAHING PRODUKTO

• BILIRAN - Palay, niyog, camote, cassava, gabi, saging, hipon, milkfish, mango,
jackfruit, guava
• LEYTE - Binagol, talyan, moron, suman-latik, roscas, bukayo, fried jackfruit
• TIMOG LEYTE- Gulay, palay, mais, prutas, tuna, flying fish, mackerel, shells
• SAMAR- Niyog, saging, mais, palay, tuna, gulay, alimango, seaweed, at shells
• HILAGANG SAMAR- Mais, gulay, niyog, saging, pinya, tuna mackerel, alimango, shell
at seaweed
• SILANGANG SAMAR- Palay, tubo, niyog, mais, abaka, gulay, at prutas
Karagdagan:
HAYOP
Philippine Eagle, Flying Lemur, Civet Cat, Long-tailed Macaques,
Golden Crown Flying Fox at King Cobra.

WIKA
Waray

KLIMA
- Halos walang tagtuyo sa hilaga at silangang Samar at timog-silangang
Leyte
- Malakas na pag-ulan mula Nobyembre hanggang Enero
- Madalas daanan ng bagyo dahil nasa Typhoon belt
-Sa kanlurang bahagi ng Leyte at Samar nararanas ang pantay na
pagkakabahagi ng ulan sa halos buong taon.
IV. MGA KULTURA AT PANINIWALA’T KAUGALIAN

KULTURA AT TRADISYON

• Pagdiriwang ng Kapistahan
• Paghahanda ng pagkain sa mga namayapang kamag-anak tuwing Araw ng Patay sa
paniniwalang bumibisita sila
• Pagsasa-ulog ng Santacruzan o Flores de Mayo
• Visita Iglesia tuwing Mahal na Araw
• Pagpapakasal bago magkapamilya

• Mahigpit na pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga


anak MGA KAUGALIAN SA PANLILIGAW
• Kuratsa
> Isang tradisyunal na sayaw ng panliligaw kung saan ang
lalaki ay lalapit at susuyuin ang babae sa isang anyo ng
isang sayaw.
> Nangngahulugan na ang panliligaw ay nasa pagitan ng
mga tandang at inahing manok
> Mataas na napaboran sa pamamagitan ng mga Bisaya
na tao, higit sa Waray na ipinapakita sa bawat
mahahalagang okasyon sa komunidad.

• Bigay-kaya o Dote
> Maaaring pera, ginto o bagay na mahalaga sa
seremonya ng kasal na idinaraos sa pamumuno ng
Babaylan o Katalonan
Sa panahon ng mga ninuno natin, ang pagtatagpo ng babae at
lalaki ay hindi pinapayagan. Gawain ng mga lalaki sa tahanan ng babae
ay:
■ Magsibak ng panggatong
■ Mag-igib ng tubig
■ Tumulong na magkumpuni ng bahay

MGA KATUTUBONG PANINIWALA

• Umalagad
> Kinilala bilang espirito ng mga yumaong kamag-anak
• Diwata
> Kinilala bilang mga Diyos
> Inaalayan at umalagad para sa kasaganahan at
kalusugan
• Babaylan
> Namumuno sa pagsamba
> Tulay ng mga hiling ng tao
> Manggagamot ng mga sakit buhat sa mga ispirito

SINAUNANG RELIHIYON

• Paganismo
> Pagsamba sa mga Diyos at Diyosa
• Dalikmata
> Diwatang hinihingian ng tulong sa mata
• Makabosog
> Nag-uudyok sa tao upang maging matakaw
• Magwayen
> Naghahatid ng kaluluwa papunta sa impyerno
• Pandaki
> Sumasagip sa mga kaluluwa patungo sa maayos na
• Lalahon

> Diwatang nakatira sa Bulkang Kanlaon na pinaniniwalaang nagbubuga ng apoy


Mga Mahahalagang Pagdiriwang
BILIRAN

• Ginalutan Festival
> Ipinagdiriwang sa Maripipi na kung saan ipinapakita ng pistang ito ang isang
masaganang aktibidad.
> Paggawa ng mga "pots out of clay” kilala ang Maripipi

• Bagasumbol Festival
> Ang pistang ito ay ipinagdiriwang batay sa kapanganakan ng Kristiyanismo sa
bayan ng Naval sa panahon ng mga Espanyol.

LEYTE

• Sto Nino de Leyte Fiesta

> Ipinagdiriwang nito ang pagbawi ng Tacloban sa kanilang


patron Karagdagan:
Ipinagdiriwang tuwing ika-30 ng Hunyo sa Tacloban, Leyte

• Pista ng Pintados
> Ipinapakita ang mayamang kultura ng Samar at Leyte
sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga
katutubong sayaw at musika

• Leyte Kasadyaan Festival of Festivals


> Nagpapakita ng bukod-tanging kultura at makulay na
kasaysayan ng probinsya ng Leyt
TIMOG LEYTE

• Lilo- Lilo Festival


> Ipinagdiriwang taon-taon, na kalaunan ay pinalitan
angkatawagan na naging Lilo-Wawa Festival
> Pistang nakatulong sa pagpapaunlad ng turismo ng
bayan

• Ajonay Festival
> “Ajonay Festival” termino na tumutukoy sa dayalekto ng
Leyte na ang ibig sabihin ay tawag sa “bayanihan”.

SAMAR

• Pahoy- Lahoy Festival


> Engrandeng parada ng mga makukulay na scarecrows atstreet dance upang
ipagdiwang ang isang magandang ani.

Karagdagan:

Ipinagdiriwang tuwing ika- 25 ng Mayo sa Calbiga,


Samar

• Banigan-Kawayan Festival
> Tinatawag ding “Kawayan-Banigan Festival”
> Ipinapakita ng pagdiriwang na ito ang
dalawang mahahalagang trabaho sa Basey.
o Bamboo weaving
o Tangle weaving
HILAGANG SAMAR

• Embajada Festival
> Ipinagdiriwang sa Catarman at Catubic ng Hilagang Samar
> Ipinapakita ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng Christians at Muslim.

• Bankaton Fesstival
> Ipinagdiriwang upang magbigay pugay sa Nueva SenioraDe Salvacion, ang
patron ng Lavezares, Samar

• Manoglaya Festival
> Pistang ipinagdiriwang ang kasanayan sa pangingisda ng mga bayan
> Ang Pista ay binubuo ng "sugod-sugod sa plaza” o ang isang gabing libangan
ng musika at iba pang pagtatanghal mula sa mga nangungunang lokal na
tagapalabas sa komunidad.

SILANGANG FESTIVAL

• Homonhon Landing Festival


> Ipinagdiriwang bilang paggalang kay Ferdinand Magellan, isang Portuges na
explorer na umiikot sa mundo at natuklasan ang Pilipinas.

• Padul-ong Festival
> Ang Padul-ong Festival ay ang paraan ng lalawigan upang magbigay pugay sa
Patroness nito, ang Mahal na Birheng Maria.
> Ang pagdiriwang ay paggunita sa araw na natanggap nila ang imahe (Birheng
Maria).

• Balangiga Incident Festival


> Tumutukoy sa isang lokal na kaganapan sa umaga ng Sabado, Setyembre 28,
1901

Karagdagan:

Sinulog ha Malitbog

> Ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Enero sa Malitbog, Southern


Leyte Pagpupugay sa Batang Jesus

V. MGA POOK PASYALAN

BILIRAN
• Tinago Falls
> Isa sa
pangunahing
atraksyon sa
lalawigan ng
Biliran na
binansagan
din na
"Tagong
Paraiso”.

• Sambawan Island
LEYTE
> Matatagpuan
sa Biliran
• San Juanico Bridge
>> Tinatawag
Tinaguriang
ding "Marcos Bridge”, ang tinaguriangpinakamahabang tulay sa
"Undiscovere
Pilipinas na pinagdugtong ang mga isla ng Leyte at Samar na ipinagawa ni
d Paradise”

• Ulan Ulan Falls


dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na sinasabing regalo at pagpapakita ng
kanyang pagmamahal sa kanyang misis na si Imelda Marcos.

• Kalanggaman Island

> Matatagpuan sa dalampasigan ng Palompon, na nasa kanlurang bahagi ng


Leyte TIMOG LEYTE
• Alto Peak
> Pinakamataas na bundok sa Silangang Kabisayaan

• Masaba Falls
> Isa sa mga tanyag na pasyalan sa Palompon, Leyte

SAMAR

• Sohoton Cave at Natural Bridge


> Isang hugis arkong yungib na nag-uugnay sa dalawang bundok na dinadaanan
ng ilog Sohoton sa Basey, Samar

HILAGANG SAMAR

• Biri Island
> Matatagpuan sa Hilagang Samar na dinarayo ng mga rock-climber dahil sa
magandang rock formation namatatagpuan dito.
SILANGANG SAMAR

• Calicoan Island
> Kilala sa mga higanteng alon kung saan nagsusurfing ang mga turista

Mga Tinaguriang Makasaysayang Lugar sa Rehiyon

• Palo, Leyte
> Lugar kung saan isinakatuparan ang pangako ni Gen. Douglas MacArthur na "I
Shall Return”. Dito nagsimula ang pagbawi ng Pilipinas laban sa mga Hapon.

• Isla ng Limasawa
> Ito ay matatagpuan sa Timog Leyte na sinasabing unangdinaungan ni Magellan.
Sa isla ring ito naganap ang kauna-unahang Misang Katoliko sa Pilipinas.

VI. MGA KILALANG PERSONALIDAD

• LT Leon G. Puno
> Ang "Forgotten Hero of Borongan”
> Kinilala din bilang "Hero of Magtaon”

• Lapu-Lapu
> Ipinanganak sa Mactan, Cebu
> Visayan Commander na pumatay kay Ferdinand MAgellan

• Manuel Roxas
> Ipinanganak sa Capiz
> Namatay sa Clark Field, Philippines

• Graciano Lopez
> Isang Propagandista na ipinanganak sa Jaro, Ilo-Ilo
> Namatay sa Madrid, Spain
• Jaime Lachica Sin
> Ang Archbishop ng Jaro at Titular Bishop ng Massa Lubrense
> Namatay sa San Juan, Manila
VII. MGA KILALANG MANUNULAT

• Illuminado Lucente
> Siya ang pangunahing kinikilalang mandudula sa literaturang Waray.
Pinamatnugutan niya ang kauna-unahang pahayagang Waray, ang "Kaadlawon”
na ipinalimbag sa Leyte noong 1901 at iba pang mga pahayag sa Leyte.
> Ilan sa mga karapat-dapat na banggitin na kanyang isinulat ay ang mga dulang:
o Up Limit An Gugma (Love is Off Limit Too) o
Abugho (Jealousy)
o Diri Daraga, Diri Bulo Diri Imasaw-an (Not a
Maiden, Not a Widow, Not a Married
Woman)

• Eduardo Makabenta
> Unang nag-aral sa Leyte at nagtapos sa Liceo
de Manila ng Peretaje Mercantel ng may
karangalan. Ang kanyang mga tula ay larawan
ng mga tao at mga puna sa mga buhay-buhay.
> Ang kanyang mga pinkamagandang tula ay
mapambatikos at katatawanan. Mababasa ang
kanyang mga tula sa kalipunan: "Verses at
Pinarungpong Nga Mga Siday ng mga
Garaygaday”.

• Fidel Makapena
> Siya ay may dalawang tula na nailathala sa
iba’t-ibang pahayagan. Ang isa ay ang "Equinoy
I”, isang antolohiya sa mga bagong katha sa
Pilipinas na sinuri ni F. Sionil Jose.

• Timothy Montes
> Nagtapos ng M.A sa Ingles sa Siliman
University kung saan din siya nagtuturo ng
Ingles at literatura.
> Nagkamit ng Gawad Palanca sa isang
kuwentong kanyang isinulat. Ang aklat na
kalipunan ng kanyang maikling kuwento ay may
pamagat na "The Black Man and other Stories”.

• Elizabeth Rose Orteza


> Isang batang manunulat. Dalawampu’t
dalawang taong gulang pa lamang siya nang
gumawa siya ng isang pagsusuri tungkol sa
"The Heart of Emptiness is Black”, isang dula ni
Prof. Ricaredo Demifilo.

• Casiano Trinchera
> Pinakamaganda sa kanyang nasulat ay ang "An
Kalitog” (Pinching and Twisting the Ear),
nalathalang koleksyon ng kanyang mga
mapang-uyam na mga tula.

• Leon Ogaro Ty
> Nagsulat tungkol sa Panginoon at ang
magandang buhay na kanyang dinanas. Siya ay
nagtatag ng sarili niyang pahayagan, ang
"Examiner”, at "Philippine News Weekly”.
> Karamihan sa mga sanaysay niya ay nailathala
sa Free Press. Hindi rin malilimutan ang
• Pedro Zapanta
> Siya ay nakapagsulat ng dalawang aklat - isang nobela at aklat ng iba’t-ibang
katha. Siya ay may labing apat na maiikling kwentong nailathala at mahigit isang
libong artikulo ang naibigay sa magasing Express Week.

VIII. MGA AKDANG PAMPANITIKAN • Tula


Sa Leyte, ang patula ay ginagawa nilang
libangan. Ang mga tulang katutubo ay binibigkas
nang paawit sa mga pagtitipong ginaganap sa gabi
at sa mahahalagang okasyon.
Ilan sa mga anyo ng literaturang patula sa Leyte
ay:

□ Balak- Ito ay isang tulang metaporiko.


Tumatalakay ito sa mga bagay na may kaugnay sa
pag-ibig na itinatanghal ng isang lalaki at ng isang
babae.
o Lupang Tinubuan o Oras ng
Pagsamba, Arturo Bautista o Ina Ko,
Merlie Alunan Wenceslao
□ Ambahan- Ito ang pinakakilalang
katutubong tula ng mga taga- Leyte. Ito rin ay
binubuo ng dalawang taludtod na binubuo
Ako ay sapa, an inaawasan
naman ng pitong patnig bawat taludtod.
Halimbawa: Kamatayan, bubuyab ini Mga kusog

ng kalingawan sugas han Nga anud

ng imo mulayan Ako: mawawara sa

lubngan

Salin:

Ako’y isang ilog na umaagos papuntang kamatayan;

Ang kalikasan at kaligayahan ay lilisanin ko Tulad

ng mga anod na iyong nilalaro Ako: Ako ay

mawawala sa akin libingan

Iba pang halimbawa ng tula sa Rehiyon VIII:

• Ang Hinugma (Ang Pagmamahal) - ni Eduardo Makabenta

• Ang Ating Bandila (1956) - Illuminado Lucente

• Andres Bonifacio (1940) - Eduardo Makabenta

• Iroy Nga Tuna (Lupang Tinubuan)

• Ang Aking Dampa (1941) - Iluminado Lucente

• Kuwentong Bayan
Mga Halimbawa ng kuwentong bayan:
Ang Alamat ng Samar at Leyte

Noong unang panahon, ang Pilipinas ay binubuo ng dalawang malaking isla. Ang isa ay
nasa Hilagang-Silangan. Ang pinuno nito ay ang higanteng si Amihan. Ang isa pa ay nasa
Timog-Kanluran. Ang pinuno nito ay ang higanteng si Habagat. Magkalaban si Amihan at si
Habagat. Namuhay na masagana ang mga tao sa dalawang isla. Dahil maaksaya ang mga
nasasakupan ni Amihan, unti-unting naubos ang yaman sa kanilang lugar.
"Pinunong Amihan, wala na tayong mahuling isda dito sa ating karagatan. Ano na ang
gagawin natin?” tanong ng mga tao kay Amihan. Nag-isip nang malalim si Amihan. "Pumalaot
kayo sa dakong Timog ng ating karagatan. Doon kayo mangisda. Magkaroon sana kayo ng
maraming huli.” Sinunod nila si Amihan. Sakay ng kanilang Bangka, pumalaot sila sa dakong
Timog. "Aba! Ang dami nating nahuling isda. Tiyak na matutuwa nito si Amihan!” masayang
sabi ng isang mangingisda. "Mas mainam kung pupunta tayo sa mas malayo. Tiyak na mas
marami ang ating mahuhuli,” udyok ng isa. Ganun nga ang ginawa nila. Sabik na sabik sila
kaya hindi nila napansing napasok na nila ang karagatang sakop ni Habagat. "Mas mabuting
umuwi na tayo. Hindi na ito sakop ni Pinunong Amihan. Bilis! Bumalik na tayo,” sigaw ng
pinakamatandang mangingisda.
Huli na nang mapansin nila ito. Nakita na sila ng mga tauhan ni Habagat. At agad silang
isinumbong sa kanilang pinuno. "Mga walang galang! Hindi ako makapapayag na basta-basta
na lamang nila papasukin ang ating lugar. Hindi sila dapat makialam sa pag-aari natin!” galit si
Habagat. "Ihanda ang barko at mga armas! Lahat ng malalakas na mandirigma, maghanda.
Ituturo natin kay Amihan ang salitang paggalang! At naghanda ang hukbong pandigma ni
Habagat. Lumipas ang ilang araw, natanaw ni Amihan ang barkong pandigma ni Habagat na
palapit sa kanilang isla. Agad niyang tinipon at pinasakay ang kanyang hukbo sa kanilang
bangkang pandigma. Sinalubong nila sa gitna ng karagatan ang barko ni Habagat.
Sa kanilang pagtatagpo, nilusob ng mga tauhan ni Habagat ang barko ni Amihan.
Nagsimula na ang labanan. Nawasak ang kanilang mga barko. Nakapasok ang tubig at dahil
dito, nalunod ang maraming tao. Pero nagpatuloy ang labanan. At sa wakas, nagtagpo sina
Amihan at Habagat. "Amihan! Wala kang galang! Bakit mo pinapasok sa karagatan ko ang
mangingisda mo?”. "Wala akong alam sa sinasabi mo!” sagot ni Amihan. "Hindi mo ako
maloloko!” sagot ni Habagat. Sinunggaban ni Habagat si Amihan at tinangkang lunurin. Nang
makita ito ng mga tauhan ni Amihan, agad silang sumigaw. "Pinunong Habagat, kasalanan
namin ang nangyari.” Nang marinig ito ni Habagat, bibitawan na sana niya si Amihan nang
biglang nasungaban siya nito at hinilang pailalim.
Pareho silang nalunod. Kasabay nito, lumubog pati ang kanilang mga barko. Lumipas
ang mahabang panahon at may lumitaw na dalawang isla sa lugar kung saan lumubog ang
kanilang barko. Mula noon, naniwala ang mga tao na ang dalawang islang ito ang dalawang
hignteng pinunong sina Amihan at Habagat na tinawag na Samar at Leyte.
Ang Pinagmulan ng Sampaguita (Timog Leyte)
Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway
ang pangalan. Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan.
Hindi naging kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw. Mula sa
hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway.
Sa kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ang inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay
dinala sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pang-unang lunas. Iyon ang naging daan ng
paglakalapit nila. Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa'y isa sa maikling panahon ng
pagkikilala. Nang gumaling si Tanggol ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya.
Anang binata ay susundin ang ama't ina upang pormal na hin gin ang kamay ng dalaga. Puno
ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol. Subalit dagling naglaho ang pa-asa
ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako.
Ilang pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang
natanggap. Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na
hindi na babalik si Tanggol dahil may asawa na ito. Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng
loob at panibugho ang puso ni Liwayway. Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang
makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang linggo lang ay naglubha ang dalaga at
namatay. Bago namatay ay wala siyang nausal kungdi ang mga salitang, "Isinumpa kita!...
sumpa kita!" Ang mga salitang "Isinusumpa kita!... sumpa kita!" ang tanging naiwan ni Aniway
kay Tanggol. Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang
mga magulang. Anito ay hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi matanggap ng
binata na wala na ang babaing pinakamamahal. Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay
halos madilig ng luha ni
Tanggol ang puntod ni Liwayway. Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan upang
mabantayan ang puntod ng kasintahan.
Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong
halaman doon, halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga luha. Nang mamulaklak ang
halaman ay may samyo iyon na ubod ng bango. Tinawag iyong sumpa kita, ang mga huling
salitang binigkas ni Liwayway bago namantay. Ang sumpa kita ay ang pinagmulan ng salitang
sampaguita.

• Dula
Halimbawa:
Abugho (Selos) - Iluminado Lucente na isinalin sa Filipino ni Ma. Evangelina Lumen-
Pundavela
• Bugtong

Mahilig sa bugtong ang mga taga-Samar, ibinabahagi nila ang mga ito sa kanilang
mga kaibigan kung sila’y magkakatipon o magkukuwento.
Mga Halimbawa ng Bugtong:
Titiguhon- Huhulan
1. Ang dagat ay binalutan ng
langit Ang langit ay binalutan ng
buto Ang buto ay binalutan ng
bulbol
Ang bulbol ay binalutan ng
balat. (Niyog)
2. Sa sahig bumagsak
Sa ilong isinaksak. (Utot)
Karagdagan:
1. Paghitapon han ang bulbon,
An kalibut nagsirom. (Piro han mata)
Ang langit ay binalutan ng buto
2. Balay ha lungib, puno hin tigib.
(Bibig)

• Salawikain

Ang mga Samaron ay mahilig


din sa mga salawikain na ginagamit sa
kanilang pang-araw- araw na
pamumuhay.

Mga Halimbawa:

• Kakadtuon ko ikaw diri abuton

kaluton.

Hahanapin kita na ikaw ay parang

kati na hindi makamot.

• Kon makuri an waray banig, labi na

an waray diri.

Kung ang matulog nang walang

banig ay mahirap, mas lalo na ang


May isang hinihintay ngunit matagal

dumating • Awiting Bayan


Ang katutubong waitin ng rehiyon ay
napakarami at ilan dito ang naging kilala sa
ibang
bayan.

DANDANSOY

Dandansoy hayaan ta ikaw Pauli isko sa payaw Ugaling kon ikaw hikdlawon Ang payaw imo

lang lantawon

AWIT NG MAGTUTUBA

Pumupukpok ako sa mga kahuyan Rat-a-tat-tat-tat Rat-a-tat-tat

Pinakikintab ko’y takil ng kawayan Ang pinupukpok ko’y tutok ng niyugan Rat-a-tat-tat

Karagdagan:

LAWISWIS KAWAYAN

(Katutubong Awitin ng Leyteno)


Ako’y nagtatanim lawiswis kawayanAkon lakanpikoy palataylatayanBulahan ha pikoy
an’imo paghuneNaghatag ha kalag hin ate kapalayanMurayaw ha pikoy, tikang paninga on.
Nagpilihin sanga hinugdon hinapon. Uni
na malupad, paglipiad iya hiring yaponKondi pagkakulop mabalik gihapon.

• Maikling Kuwento

Ang samaranon ay mayroon ding mga maikling kuwento. Narito ang isang
halimbawa ng maikling kuwento:
> Salamagan - Ni: Santiago Figueroa

• Alamat
> Ang Alamat ng Catbalogan

TALASANGGUNIAN • LIBRO
Literatura ng Iba't ibang Rehiyon ng Pilipinas (Binagong Edisyon) [pp. 270-
288]
• INTERNET

http://www.academia.edu/31807381/region 8.pptx https://prezi.com/urqws ca7kk2/region-viii/

http://leyte16.blogspot.com/2016/03/leyte-blog 3.html?m=1

https://www.haikudeck.com/region-viii-education-presentation-U4muzUNksn#slide16

http://m.authorstream.com/presentation/proggviq-1176023-region-8/

https://prezi.com/hfckb3lgomim/ang-silangang-visavas-o-rehivon-viii-av-matatagpuan-sa-gitna/

https://www.google.com.ph/amp/s/www.choosephilippines.com/amp/go/festivals/4418/lilo-

wawa-festival-liloan-southern-leyte

https://www.biliranisland.com/festivals/ginalutan-festival-highlights-maripipi-fiesta-2015/

https://www.google.com.ph/amp/s/wondersofnorthernsamar.wordpress.com/2015/03/22/festiva
ls/amp/

https://www.slideshare.net/mobile/ieirellv/kultura-wika-tradisvon-turismo-at-pista-sa-mga-
rehivon-ng-cordillera-administrative-regioncar-national-capital-regionncr-kanlurang-visavas-
silangang-visavas-at-gitnang-visavas
https://brainlv.ph/question/1726582

https://www.slideshare.net/mobile/CellOriginalZ/rehivon-viii-ok

You might also like