You are on page 1of 5

MODYUL 8: KABANATA V.

BIGKAS AT PORMASYON
A. Apat na uri ng Bigkas
B. Tatlong Salik ng Pagsasalita
C. Pormasyon ng Pantig at Pagpapantig
a. Kahulugan ng Pantig
b. Kayarian ng Pantig
c. Kahulugan ng Pagpapantig
d. Paraan ng pagpapantig

BILANG NG LINGGO: 8
ORAS NA ILALAAN: 3 oras
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakikilala ang apat na uri ng bigkas at ang kaukulang tuldik na ginagamit dito.
B. Naipapaliwanag ang mga tuntunin sa pagpapantig sa wikang Filipino.
C. Naibabahagi ang halaga ng pagpapantig sa pag-aaral ng wikang Filipino.

PAMPAGKATUTONG NILALAMAN
BIGKAS AT PORMASYON
Introduksyon
Ang wika ay masistemang balangkas. Hindi posibleng matuto ang tao ng
pagbuo ng mga salita bago siya natuto ng pagbigkas ng mga tunog. Ang wika ay natutuhan
ng tao ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan nito. Kapag nangyayari ito, nagiging
mas matibay at matatag ang kasanayan ng tao sa paggamit ng wika tungo sa kanyang
tagumpay.

Pagtatalakay
A. Apat na uri ng Bigkas
a. Malumay (Gentle)
• Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang
pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o
palatandaan. Maaaring magtapos ang salitang malumay sa patinig o
katinig.
• halimbawa: sábong, amíhan, kilikíli
b. Malumi (Grave)
• Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y
binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa
hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na ito ay ang
impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa
tunog patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik na paiwa (\) sa
pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.
• halimbawa: samò, kulanì, kutà
c. Mabilis (Fast)
• Ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay
nasa huling pantig. Wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos ang
mga salitang binibigkas nang mabilis sa katinig o patinig. Ginagamitan
ito ng tuldik na pahilis (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng
salita.
• halimbawa: talóng, tutubí, sapín-sapín
d. Maragsa (Marked with a circumflex accent in old Tagalog books)
• Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng
mga salitang binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang
tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog
na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (/\) na inilalagay sa
ibabaw ng huling patinig ng salita.
B. Tatlong Salik ng Pagsasalita
a. Enerhiya (Energy) – nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa
baga.
b. Artikulador (Articulator) – nagpapakatal sa mga babagtinga ng pantinig.
c. Resenador (Resonator) – nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng
ilong ang itinuturing na resonador.
C. Pormasyon ng Pantig at Pagpapantig
a. Kahulugan ng Pantig
• Ang pantig ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng
lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
b. Kayarian ng Pantig
• P (Patinig) - pantig na binubuo ng patinig lamang, kaya't tinatawag na
payak
Halimbawa:
✓ a-ba-ka
✓ I-go-rot
✓ a-so
✓ a-wit
✓ e-le-men-tar-ya
• PK (Patinig/Katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may
tambal na katinig sa hulihan
Halimbawa:
✓ es-trang-he-ro
✓ un-tog
✓ al-pom-bra
✓ ak-sa-ya
✓ it-log
✓ am-bon
• KP (Katinig/Patinig) - pantig na binubuo ng pantinig na may tambal
na katinig sa unahan, kaya't tinatawag na tambal una.
Halimbawa:
✓ ka–ro
✓ pu–sa
✓ ba-ta
✓ ma-ta
✓ te-la
• KPK (Katinig/patinig/katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig
na may tambal na katinig sa unahan at hulihan kaya tinawag na kabilaan.
Halimbawa:
✓ bas–ton
✓ bun-dok
✓ Buk-lat
✓ sam-pal
✓ bi-sik-leta
✓ suk-li
✓ tin-da
• PKK (Patinig/Katinig/Katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig
na may tambal na klaster sa hulihan.
Halimbawa:
✓ ins-tru-men-to
✓ eks –tra
✓ eks-pe-ri-men-to
✓ obs-truk-syon
✓ blo-awt
✓ ins-pi-ras-yon
✓ eks-per-to
• KKP (katinig-katinig-patinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na
may tambal na klaster sa unahan.
Halimbawa:
✓ plo-re-ra
✓ kla-se
✓ pro-tes-ta
✓ tra-ba-ho
✓ bra-so
• KKPK (Katinig/Katinig/Patinig/Katinig) - Ito ay pantig na binubuo
ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at katinig sa hulihan.
Halimbawa:
✓ plan-tsa
✓ trak-to-ra
✓ trum-po
✓ tray-si-kel
✓ kwad-ra
• KPKK (Katinig/Patinig/Katinig/Katinig) - Ito ay pantig na binubuo
ng patinig na may tambal na klaster sa unapan at sa hulihan.
Halimbawa:
✓ nars
✓ kard,
✓ airport
✓ tung-ku-lin
✓ keyk
• KKPKK (katinig-katinig-patinig-katinig-katinig) - Ito ay pantig na
binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at hulihan.
Halimbawa:
✓ trans-por-tas-yon
✓ tsart
c. Kahulugan ng Pagpapantig
• Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.
d. Paraan ng pagpapantig
• Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa pusisyong
inisyal, midyal at final na salita ito ay hiwalay na mga patinig.
✓ Aalis - a-a-lis
✓ Maaga - ma-a-ga
✓ Totoo - to-to-o
• Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng
isang salita, maging katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig
na sinusundan, at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod.
✓ Buksan - buk-san
✓ Pinto - pin-to
✓ Tuktok - tuk-tok
✓ Kapre - kap-re
• Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa
loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na
sinusundan at ang huli ay sa patinig na kasunod.
✓ Eksperimento eks-pe-ri-men-to
• Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang
kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ts, ang unang katinig
(m o n) ay sa sinusundang patinig ay kasama at ang huling dalawa ay sa
kasunod na patinig.
✓ asambleya - a-sam-ble-ya
✓ alambre - a-lam-bre
✓ balandra - ba-lan-dra
✓ simple - sim-ple
✓ sentro - sen-tro
✓ kontra - kon-tra
✓ plantsa - plan-tsa
• Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang
unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang
huling dalawa ay sa patinig na kasunod.
✓ Ekstradisyon - eks-tra-di-syon
✓ Eksklusibo - eks-klu-si-bo
✓ Transkripsyon - trans-krip-syon
• Pag-uulit ng Pantig. Ang mga sumusunod ang tuntunin sa pag-
uulit ng pantig.
✓ Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay
patinig, ang patinig lamang ang inuulit
• alis - a-a-lis
• iwan - i-i-wan
• ambon - a-am-bon
• ekstra - e-eks-tra
• mag-alis - mag-a-a-lis
• mag-akyat - mag-a-ak-yat
• umambon - u-ma-am-bon
✓ Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP
(katinig-patinig), ang katinig at ang kasunod na patinig lamang
ang inuulit.
• basa - ba-ba-sa - mag-ba-ba-sa
• la-kad - la-la-kad - ni-la-la-kad
• takbo - ta-tak-bo - nag-ta-tak-bo
• lundag - lu-lun-dag - mag-lu-lun-dag
• nars - nag-nars - nag-na-nars
✓ Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klaster na
katinig) na kayarian, dalawang paraan ang maaaring gamitin.
Batay ito sa kinagawian ng nagsasalita o varyant ng paggamit
ng wika sa komunidad.
a. Inuulit lamang ang unang katinig at patinig
• plantsa - pa-plan-tsa-hin mag-pa-plan-tsa
• prito - pi-pri-tu-hin mag-pi-pri-to
• kwento - ku-kwen-tu-han mag-ku-kwen-to
b. Inuulit ang klaster na katinig kasama ang patinig
• plan-tsa - pla-plan-tsa-hin mag-pla-plan-tsa
• prito - pri-pri-tu-hin mag-pri-pri-to
• kwento - kwe-kwen-tu-han mag-kwe-kwen
Buod:
Sa aralin na ito natutuhan ang apat na uri ng bigkas, mga salik ng pagsasalita
ang kahulugan ng pantig at pagpapantig, natukoy din ang pormasyon at paaraan ng pantig
at pagpapatnig.

Karagdagang Kaalaman sa Pagkatuto


1. Pantig at Pormasyon | Wikang Filipino.
https://www.youtube.com/watch?v=hk_lQshRpFw

SANGGUNIAN:
1. Forxado, A. R (2020) MODYUL SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA:
ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO
2. Gallo, R. V., Mendoza, R. M., at Sultan, R. P (2020). Pagtuturo ng Filipino sa
Elementarya I. Sampaloc, Manila. Rec Book Store, Inc.
GAWAIN PAMPAGKATUTO
MODYUL 8
PANGKALAHATANG DIREKSIYON
1. Ang mga kasagutan ay maaaring isulat sa buong papel o sa Bond Paper kasama
ang inyong buong pangalan, program at taon, kowd at titulo ng kurso.
2. Ito ay kukuhanan ng malinaw na larawan gamit ang Cam Scanner.
3. Isusumite ang sa pamamagitan ng Microsoft Teams (direktang mensahe sa guro)
4. Maaari rin itong isumite na encoded at may file name na < Huling Pangalan, unang
Pangalan>< Learning Task>< FIL 002>

GAWAIN 6. 1. “Panuto: Pag-aral mabuti ang mga sumusunod na salita. Pantigin ang mga
sumusunod na salita at bilangin kung ilang pantig meron ito. (30pts)
Pagpapantig Kayarian ng
Salita Bilang ng Pantig
Pantig
Halimbawa: lu- mi – li - pad KP – KP – KP -
4
Lumilipad KPK
1. Blikat

2. Daliri

3. Ngipin

4. Madumi

5. Transportasyon

6. Dumudugo

7. Edukasyon

8. Apartment

9. Tsokolate

10. Liwayway

Inihanda ni:

REYMALYN D. COMA, LPT,MAED


English Instructor

Sinuri at Inaprubahan ni:

ANGELO K. LAHINA, LPT, MAT


Program Head, Teacher Education

You might also like