You are on page 1of 24

ANG ALPABETO AT

PATNUBAY SA ISPELING
NG WIKANG FILIPINO
Ang Alpabetong Filipino
28 letra na ang ayos ay ganito:

A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K,

L, M, N, Ñ, NG, O, P, Q, R, S, T,

U, V, W, X, Y, Z,
Pagbasa ng mga Letra:
Ang tawag sa mga letra ng
alpabetong Filipino ay ayon
sa bigkas-Ingles ng mga
Pilipino maliban sa ñ (enye)
na tawag-Kastila.
ABCDE
/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/
FGHIJ
/ef/ /dzi/ /eyts/ /ay/ /dzey/

KLMNÑ
/key/ /el/ /em/ /en/ /enye/

NG O P Q R
/endzi/ /o/ /pi/ /kyu/ /ar/

STUVW
/es/ /ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/
XYZ
/eks/ /way/ /zi/
Mga Tuntuning Panlahat
1. Pagbigkas ng Pagbaybay
• Ang pagbigkas o pasalitang pagbaybay sa
Filipino ay patitik at hindi papantig. Ang
ispeling o pagbaybay ay isa-isang
pagbigkas sa maayos na pagkakasunud-
sunod ng mga letrang bumubuo sa isang
salita,pantig,daglat,akronim,inisyal,simbolon
g pang-agham.atbp.
Halimbawa:
Salita boto = /bi-o-ti-o/
plano = /pi-el-ey-en-o/
Fajardo = /capital ef-ey-dzey-ey-ar- di-o/
Pantig kon- = /key-o-en/
trans- = /ti-ar-ey-en-es/
Daglat Bb(Binibini) = /kapital bi- bi G (Ginoo) =
/kapital dzi/
Gng.(Ginang) = /capital dzi-endzi/
Akronim GAT (Galian sa Arte at Tula) =
/dzi-ey-ti/
LIRA (Lirika, Imahen, Retorika at Arte) = /el-ay-ar-
ey/
PANDAYLIPI (Pandayan ng Literaturang Filipino)
/pi-iy-en-di-ey-way-el-ay-pi-ay/
Inisyal ng Tao - MLQ (Manuel L. Quezon) = /em-el-kyu/
MAR (Manuel A, Roxas) =
/em-ey-ar/

Samahan/Paaralan
KBP (Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas)
/key-bi-pi/
UP (Unibersidad ng Pilipinas) /yu-pi
Simbolong Pang-agham - Fe /ef-i/
H2O /eyts-tu-o/
C /si/
• Sa panghihiram ng salita na may katumbas
sa Ingles at sa Kastila, unang preperensya
ang hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng
salitang Kastila ang pagbaybay sa Filipino.
Halimbawa:
Ingles Kastila Filipino
check cheque tseke
liter litro litro
liquid liquido likido
• Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon
man ay maaaring hindi maunawaan ng
nakararami, hiramin nang tuwiran ang katawagang
Ingles at baybayin ito ayon sa mga sumusunod na
paraan:
o Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito nang
walang pagbabago.
Halimbawa:
Salitang Ingles Filipino
reporter reporter
editor editor
soprano soprano
• Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito
at baybayin nang ayon sa simulaing “kung ano ang
bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay
siyang basa”.
Halimbawa:
meeting miting
leader lider

• Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaaring


baybayin sa dalawang kaanyuan, ngunit kailangan ang
konsistensi sa paggamit
Halimbawa:
barangay - baranggay
kongreso - konggreso
tango - tango (sayaw)
• May mga salita sa Ingles ( o sa iba pang banyagang wika na
makabubuting hiramin nang walang pagbabago sa ispeling
o Mga salitang lubhang di konsistent ang ispeling o lubhang
malayo ang ispeling sa bigkas sapagkat kapag binaybay
ayon sa alpabetong Filipino ay hindi na mababakas ang
orihinal na ispeling nito
Halimbawa:
coach rendezvous
pizza pie sausage
clutch champagne
a . salitang pang-agham at teknikal
Halimbawa:
calcium x-ray
quartz Xerox
zinc oxide
3. Mga Salitang May Magkasunod na Patinig
• Ang mga salitang hiram na may magkasunod na patinig ay maaaring
baybayin sa dalawang kaanyuan, ngunit kailangan may konsistensi sa
paggamit ng alinmang kaanyuan.
Magkasunod na Patinig
Halimbawa:
a. ia = ya, piano = piano, piyano
dialect = dyalekto, diyalekto
` iya cristiano = kristyano, kristiyano
Provincial = probinsya, probinsiya
b. ie = ye, tiempo = tyempo, tiyempo
beines = byenes, biyenes
iye infierno = impyerno, impiyerno
c. io = yo, Dios = Dyos, Diyos
violin = byolin, biyolin
iyo bibliografia = bibliyograpya, bibliyograpiya
rosario = rosaryo, rosariyo
• d. ua = wa, guapo = gwapo, guwapo
• cuarto = kwarto, kuwarto
• uwa aguador = agwador, aguwador
• santuario = santwaryo, santuwariyo
• e. ue = we, cuento = kwento, kuwento
• uwe suerte = swerte, suwerte
• absuelto = abswelto, absuwelto
• f. ui = wi, buitre = bwitre, buwitre
• uwi perjuicio = perhwisyo, perhuwisyo
4. Ang Pantig
• Ang Pantig ay isang saltik ng dila o walang
antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng
salita. Ang bawat bigkas ng bibig ay laging
may isang patinig.
• Halimbawa:
• a-ko sam-bot
• i-i-wan mag-a-a-ral
• it-log ma-a-a-ri
• Tradisyunal na Kayarian Halimbawa
• P u-pa
• KP ma-li
• PK ma-is
• KPK han-da
Karagdagang kayarian Halimbawa
• KKP pri-to
• PKK eks-perto
• KKPK plan-tsa
• KPKK kard
• KKPKK trans-kripsyon
• Ang Pagpapantig
• Ang pagpapantig ay paraan ng paghati ng salita sa
pantig o mga pantig.
o Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig
sa pusisyong inisyal, midyal at pinal ng salita, ito ay
hiwalay na mga pantig.
• Halimbawa:
• Salita Mga Pantig
• aalis a-a-lis
• maaga ma-a-ga
• totoo to-to-o
• Kapag may mga katinig na magkasunod sa loob ng:
o Katutubong salita, ang una ay kasama sa patinig na
sinusundan at ang pangalawa ay sa patinig na
kasunod.

Halimbawa:

Buksan - buk-san
pinto - pin-to
tuktok - tuk-tok
Kutsara – kut-sa-ra
o Hiram na salitang naasimila sa talasalitaang Filipino:
 Na may magkasunod na dalawang katinig ay karaniwang
kasama sa kasunod na patinig.
• Halimbawa:
• Salita Mga Pantig
• sobre so-bre
• kopya ko-pya
• kapre ka-pre
 Na may tatlong katinig na magkasunod, ang unang
dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli
ay sa patinig na kasunod.
• Halimbawa:
• Salita Mga Pantig
• eksperto eks-per-to
• transportasyon trans-por-ta-syon
• eksperimento eks-pe-ri-men-to
• Pansinin:Kapag ang una sa tatlong magkakasunod
na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay
bl, br, dr, pl, tr, ang unang katinig (m o n) ay sa
sinusundang patinig kasama at ang huling dalawa
ay sa kasunod na patinig.
• Halimbawa:
• Salita Mga Patinig
• asambleya a-sam-ble-ya
• alambre a-lam-bre
• balandra ba-lan-dra
 Na may apat na katinig na magkasunod, ang unang dalawa ay
kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa
patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita Mga Patinig
ekstra eks-tra
ekstradisyon eks-tra-dis-yon

Ang Pag-uulit ng Pantig


Ang mga tuntuning sinusunod sa pag-uulit ng pantig ay:
• Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig,
ang patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
a-lis a-a-lis
am-bon a-am-bon
• Kung ang unang pantig ng salitang-ugat o
batayang salita ay may klaster na katinig,
dalawang paraan ang maaring gamitin. Ito ay batay
sa kinagawian ng nagsasalita.

• Inuulit lamang ang unang katinig at patinig.


• Halimbawa:
• plan-tsa pri-to
• pla-plan-tsa-hin pri-pri-tu-hin
• mag-pla-plan-tsa mag-pri-pri-to
• Ang tuntuning ding ito ang sinusunod kahit may unlapi ang
salita.
• Halimbawa:
• mag-alis mag-a-a-lis
• maiwan ma-i-i-wan
• umambon u-ma-am-bon

o Kung ang unang pantig ng salitang-ugat o batayang


salita ay nagsisimula sa katinig-patinig, ang katinig at
ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.
• Halimbawa:
• ba-sa ba-ba-sa mag-ba-ba-sa
• la-kad la-la-kad ni-la-la-kad
• lundag lu-lu-ndag nag-lu-lu-lun-dag
Paggamit ng Gitling (-)
• Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa
isang pantig ng salitang-ugat.
• Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at
ang salitang nilapian ay nagsisimula sa
patinig.
• Kapag may katagang nawawala sa pagitan
ng dalawang salitang pinagsama.
• Kapag may unlapi ang tanging pangalan ng
tao, lugar, bagay at sagisag o simbolo.
• Kapag ang panlaping ika- ay inuunlapi sa
numero at tambilang.
• Kapag isinusulat nang patitik ang mga yunit
at praksyon.
• Kapag nananatili ang kahulugan ng
dalawang salitang pinagtambal.
• Kapag pinagsama ang apelyido ng babae
at ng kanyang asawa.
• Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng
isang linya.

You might also like