You are on page 1of 10

MGA KAKANYAHAN NG

PANGALAN
Ni Maybelyn Ramos
APAT NA URI NG KAKANYAHAN NG
PANGNGALAN 
Kausap o Panauhan
Uri ng kakanyahan ng Pangngalan na nagsasabi kung ang pangngalan ay
tumutukoy sa taong nagsasalitab, taong kumakausap, o taong pinag-uusapan. 
Unang Panauhan- taong nagsasalita 
(ako, akin, tayo, atin, amin,, kami, ko, natin, naming, kita)

Ikalawang Panauhan- taong kinakausap/ kumakausap


(ikaw, ka, kayo, mo, iyo, inyo, ninyo)

Ikatlong Panauhan- taong pinag-uusapan


(kanya, nila, kanila, siya, niya, sina, sila)
Kailanan ng Pangngalan
Uri ng kakanyahan ng Pangngalan na nalalaman
kung ang Pangngalan ay tumutukoy sa isa, dalawa
o higit pang tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.
Ito ay maaring isahan, dalawahan, o maramihan.
Kasarian ng Pangngalan
Uri ng Pangngalan na may kasarian maaaring matukoy ayon sa
pangkat na kinabibilangan nito. 

Panlalaki (maestro, tindero, prinsipe)


Pambabae (maestra, tindera, prinsesa)
Di-tiyak (bata, kaibigan, kalaro, guro)
Walang Kasarian (aklat, sasakyan, damit)
Kaukulan ng Pangngalan
Ang Kaukulan ng Pangngalan ay may tatlong
uri. 
Palagyo- Ang kaukulang ito ay ginagamit bilang simuno ng
pangungusap, pantawag, kaganapang pansimuno, o pangngalang
pamuno. 
Simuno ng Pangungusap
Si Eric ay nag-aaral nang Mabuti.
( Ang pangngalan na “Eric” ay ang pinag-uusapan sa pangungusap)
Pantawag 
Eric, ilang oras ka nag-aaral araw-araw?
(Ang pangngalang “Eric” sa pangungusap na ito ay ginagamit bilang
pantawag sa tao.)
Kaganapang pansimuno 
Si Eric ay isang masipag na trabahador. 
(Ang salitang “trabahador” ay isang kaganapang pansimuno dahil
ito ay nasa bahagi ng panag-uri at ito ay may kaugnayan sa
simuno ng pangungusap, ang salitang “Eric” 
Pangngalang Simuno 
Si Dante, ang masipag na mag-aaral, ay nakatapos na sa
kolehiyo.
Palayon- ang pangngalan ay ginagamit bilang
layon ng pandiwa at layon ng pang-ukol.
Layon ng Pandiwa
Binigyan ng pagkain si Martha ni Noel. 
(Ang salitang regalo ang tumatanggap ng salitang kilos na
“binigyan” 
Layon ng Pang-ukol
Ang basket na ginawa niya ay para kay ate.
(Ang salitang basket ay pinaglalaanan ng salitang kilos na ginawa
at ito ay sumusunod sa isang pang-ukol)
Paari- ang pangngalang paari ay isang salitang sinundan nito ay isa
ring pangngalan. Nagpapakita ito na ang pangalawang pangngalan
ang siyang may-ari ng anumang pangngalan. 

Hal. Ang mga alagang baboy ni Mang Jose ay malulusog.

You might also like