You are on page 1of 27

FILIPINO 5

Unang Markahan
Ikalawang Linggo
Paggamit Nang Wasto sa mga
Pangngalan at Panghalip sa
Pagtalakay Tungkol sa Sarili,
sa Tao, Hayop, Lugar, Bagay
at Pangyayari sa Paligid
F5WG-la-e-2, F5WG-lf-j-3
Unang
Araw
Ang pangngalan ay salitang tumutukoy sa ngalan
ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari

Halimbawa:
tao - Alex, guro, lola
bagay - pahayagan, sapatos, bag
lugar - palengke, bukid, Lungsod ng San Francisco
hayop - aso, kalabaw, isda
pangyayari - paligsahan, Buwan ng Wika, Pasko
Panuto: Bilugan ang uri ng pangngalang tinutukoy sa loob
ng panaklong.

1. Si Aira ay naligo nang maaga para pumasok sa kaniyang


klase. (tao)
2. Nagbigay-pugay ang mga tao kay Dr. Jose Rizal sa
Luneta Park. (pook)
3. Tuwing ika-labindalawa ng Hunyo ay ipinagdiriwang
natin ang Araw ng Kalayaan. (pangyayari)
4. Nag-aalaga ng mga pusa ang aming kapitbahay. (hayop)
5. Nakakuha ng gintong medalya ang aking kuya sa
paligsahan sa pagsusulat ng balita. (bagay)
Panuto: Bilugan ang uri ng pangngalang tinutukoy sa loob ng panaklong.

1. Si Aira ay naligo nang maaga para pumasok sa kaniyang klase. (tao)


2. Nagbigay-pugay ang mga tao kay Dr. Jose Rizal sa Luneta Park.
(pook)
3. Tuwing ika-labindalawa ng Hunyo ay ipinagdiriwang natin ang
Araw ng Kalayaan. (pangyayari)
4. Nag-aalaga ng mga pusa ang aming kapitbahay. (hayop)
5. Nakakuha ng gintong medalya ang aking kuya sa paligsahan sa
pagsusulat ng balita. (bagay)
Takdang Aralin:
Punan ang talahanayan ng apat pang pangngalan
na tumutukoy sa ngalan na tao, hayop, bagay,
pook at pangyayari. Tularan ang unang ibinigay sa
bawat hanay.
Ikalawang
Araw
Pagsagot sa takdang aralin
Ano ang panghalip?
Ano ang panghalip?
Ang panghalip ay ang salitang ginagamit na
pamalit sa pangngalan. Ito ay ginagamit kung ang
pangngalan ay magkasunod na ginagamit sa
pangungusap.

Halimbawa
ako, ikaw, siya,
tayo, kayo, sila
ito, ire, iyon
dito, doon
Ang panghalip na panao ay mayroon ding
kailanan. Ang kailanan ng panghalip ay
tumutukoy sa dami o bilang ng tinutukoy ng
panghalip. Ang panghalip na panao ay maaaring:

1. Isahan- kapag iisang tao lamang ang


tinutukoy ng panghalip.

2. Maramihan- kapag dalawa o higit sa dalawa


ang ang tinutukoy ng panghalip.
Makikita sa ibaba ang talahanayan ng
panghalip na panao.
Pagyamanin:
Panuto: Basahin ang mga pangungusap.
Tukuyin ang panghalip na ginamit.

1. Trixie ang pangalan ng aking bagong kaibigan..


2. Siya ay nakatira malapit sa aming bahay.
3. Araw-araw kami ay magkasabay na pumapasok
sa paaralan.
4. Ako ay natutuwa na siya ay aking kaibigan.
5. Siya ay isang mabuting tao.
Pagyamanin:
Panuto: Basahin ang mga pangungusap.
Tukuyin ang panghalip na ginamit.

1. Trixie ang pangalan ng aking bagong kaibigan..


2. Siya ay nakatira malapit sa aming bahay.
3. Araw-araw kami ay magkasabay na pumapasok
sa paaralan.
4. Ako ay natutuwa na siya ay aking kaibigan.
5. Siya ay isang mabuting tao.
Takdang Aralin:
Gamitin ang mga sumusunod n panghalip sa
pagbuo ng pangungusap.

1. ako
2. ikaw
3. sila
4. kayo
5. natin
Ikatlong
Araw
Pagsagot sa Takdang Aralin:
Gamitin ang mga sumusunod n panghalip sa
pagbuo ng pangungusap.

1. ako
2. ikaw
3. sila
4. kayo
5. natin
Ano ang mga uri ng
panghalip?
Ano ang mga uri ng
panghalip?
Uri ng Panghalip:
1. Panghalip na pananong
2. Panghalip na pamatlig
3. Panghalip na panaklaw
1. Panghalip na pananong- inihahalili sa
pangngalan kung nagtatanong. Ang mga ito ay
kumakatawan o pumapalit sa pangngalang
itinatanong. Ang panghalip na pananong ay may
kailanang isahan o maramihan. Nabubuo ang
maramihan ng isang panghalip na pananong sa
pamamagitan ng pag-uulit ng salita o unang
dalawang pantig.

Halimbawa:
Isahan-sino, ano, kanino, alin, ilan, kailan
Maramihan -Sino-sino, ano – ano, alin-alin, ilan-ilan
2. Panghalip na pamatlig-
ay inihahalili sa pangngalang
nagtuturo ng lugar na
kinalalagyan ng pangngalan.

Halimbawa: heto, dito, diyan,


iyan, ayan, iyon, doon, hayun
3. Panghalip na panaklaw- ay
ginagamit para tukuyin ang bilang ng
pangngalan.

Halimbawa:
bawat, anuman, ninuman, alinman,
saanman, gaanuman, sinuman,
saanman, lahat, marami, kapwa, ilan,
pawang.
Panuto: Tukuyin ang panghalip na ginamit sa bawat
pangungusap.

1. Kanina lamang ay bitbit niya ang payong, bakit kaya


nawala iyon?
2. Sino ba ang dapat managot sa paglaganap ng epidemya?
3. Anuman ang mangyayari, magtutulungan pa rin ang mga
mamamayan upang tuluyang masugpo ang pagkalat ng
epidemya.
4. Ano ba ang nararapat gawin upang sumunod ang mga tao
sa pinaiiral na social distancing?
5. Dito lamang sa ating bayan ang hindi nagpatupad ng No
Movement Day.
Panuto: Tukuyin ang panghalip na ginamit sa bawat
pangungusap.

1. Kanina lamang ay bitbit niya ang payong, bakit kaya


nawala iyon?
2. Sino ba ang dapat managot sa paglaganap ng epidemya?
3. Anuman ang mangyayari, magtutulungan pa rin ang mga
mamamayan upang tuluyang masugpo ang pagkalat ng
epidemya.
4. Ano ba ang nararapat gawin upang sumunod ang mga tao
sa pinaiiral na social distancing?
5. Dito lamang sa ating bayan ang hindi nagpatupad ng No
Movement Day.
Mahusay!

You might also like