You are on page 1of 7

MGA BAHAGI NG PANANALITA SA WIKANG FILIPINO

1. Pangngalan
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, pook, ideya, o pangyayari. Ito ay
tinatawag na noun sa wikang ingles.

May dalawang uri ng pangnaglan:


a. Pangngalang Pantangi (proper noun sa wikang ingles) ay tumutukoy sa
tiyak na pangalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari. Palagi itong
nagsisimula sa malaking titik o letra.
Halimbawa:
Dr. Jose P. Rizal, Bugbog Elementary School, Valentine’s Day,
Victorya Park
b. Pangngalang Pambalana (common noun sa wikang ingles) ay ang mga
pangngalan na ginagamit sa pagtukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao,
hayop, bagay, pook o lugar, pangyayari at iba pa.
Halimbawa:
Bayani, paaralan, okasyon, parke, at iba pa.
2. Panghalip
Ang panghalip ay salitang ginagamit na panghalili o pamalit sa pangalan ng
tao, bagay, lunan o lugar, at pangyayari na hindi na ibig pang ulitin.
Pinapalitan ng panghalip ang isang pangngalan sa pareho o kasunod na
pangungusap. Iniiwasan ng mga panghalip ang pag-uulit at pinapasimple
ang mga pangungusap. Ito ay tinatawag na pronoun sa wikang ingles.

Halimbawa:
ako, ikaw, siya, nila, kanila, kanya, natin, atin at iba pa.

Si Ginoong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. ang nanalo sa


pagkapangulo noong nakaraang eleksyon. Siya ang panglabing-pitong
nahalal na presidente sa ating bansa.
3. Pandiwa
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ginagawa ng paksa
ng pangungusap. Ito ay maaaring maglarawan (pisikal o mental) ng mga
kilos, pangyayari, at estado ng pagkatao. Ito ay tinatawag na verb sa
wikang ingles. Ang pandiwa ang mga salitang nagpapakilos o nagbibigay-
buhay sa isang lipon ng mga salita.

Halimbawa:
sumasayaw, kumakanta, lumalangoy, nagtatanim at iba pa.

4. Pang-uri
Ang pang-uri o adjective sa wikang ingles bahagi ng pananalita na
naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga bagay, tao, lokasyon, kaganapan
at marami pang ibang bagay. Ito ay kadalasang ginagamit para bigyan linaw
ang isang uri ng pangngalan (noun) o panghalip (pronoun).
Halimbawa ng pang-uri na naglalarawan sa pangngalan ay pula (kulay),
anim (bilang), apat na kilo (dami), mahaba (laki), Maganda (hitsura), at
bilog (hugis).

5. Pang-abay
Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan ng mga pang-uri, pandiwa at
kapwa pang-abay.

Mga Uri ng Pang-abay


a. Pang-abay na Pamaraan- ay naglalarawan kung paano naganap,
nagaganap o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa.
Ginagamit ang panandang nang o na/ng. Ito ay sumasagot sa tanong na
paano.
Mga halimbawa ng Pang-abay na Pamaraan
 Natulog si Anna nang patagilid.
 Umalis si Mary na umiiyak.
 Naluluha si Mysie nang magpapasalamat siya sa akin.
b. Pang-abay na Pamanahon- ay nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Mayroon itong tatlong uri:
-may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas.
 Pamanahong may pananda – ito ay ginagamitan ng mga panandang
nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, o
hanggang.
Mga halimbawa ng Pamanahong may Pananda:
 Ako ay magtitinda umpisa bukas.
 Tuwing bakasyon ay namamasyal kaming magkakapatid.
 Buhat ng ako’y magkaisip ay nagtatrabaho na ako habang nag-
aaral.
 Kapag sabado ay naglilinis ako ng bakuran.
 Kung iba ang panahon ngayon.
 Mula noon hindi na ako kumakain ng matatamis.
 Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya
 Bibili ako sa palengke bukas.
 Pamanahong walang pananda- ito ay ginagamitan ng mga
panandang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at
marami pang iba.
Mga halimbawa ng Pamanahong Walang Pananda:
 Mamaya ay mag-iikot sila
 Kahapon ay pumunta kami sa mall ni Mysie.
 Bukas ay mamasyal kami ni Khylie sa parke.
 Si Anastacia ay kanina pa naghihintay kay Jherico.
 Ngayon ang laban ni Lysa Valdez.
 Umpisa bukas ay dito ka na matutulog.
 Pamanahong nagsasaad ng dalas- ito ay ginagamitan ng mga salitang
nagsasaad ng dalas. Hlimbawa nito ay ang mga salitang araw-araw,
taun-taon, tuwing, oras-oras, lingo-linggo, at marami pang iba.

Mga halimbawa:
 Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming barangay ng
Santakrusan.
 Kumain ng gulay araw-araw upang mapanatili ang ating
kalusugan.
 Siya ay masaya tuwing buwan ng Disyembre

You might also like