You are on page 1of 16

KOMPLEMENTO NG

PANDIWA
 Ang Komplemento ng pandiwa ay bahagi ng panaguri sa
pagpapahaba ng pangungusap at nagpapahayag din ito ng
ganap na kahulugan ng pandiwa.
1. Kaganapang Tagaganap

 O aktor ang bahagi ng pananguri na siyang gumaganap ng


kilos o gawaing isinasaad ng pandiwa. Binubuo ito ng
pariralang pangngalan o pinangungunahan ng panandang
ng o ni, ng panghalip na Panao tulad ng ko, no, niya,
natin, nila, naming, o panghalip na pamatlig tulad ng
niyo, niyan, nito.
1. Kaganapang Tagaganap

 Halimbawa:

• Simulan natin ang pulong.


• Iminungkahi ni Roberto na magkaroon ng basurahan sa
bawat kalye.
2. Kaganapang Ganapan

 Ang pariralang pangngalan sa panaguri na siyang


pinagganapan ng kilos o gawaing isinasaad ng pandiwa.
 Maaaring ito’y isang tao, bagay o lugar. Pinangungunahan
ito ng panandang sa o kay, panghalip na panao tulad ng
akin, kanila, atin, at panghalip na pamatlig tulad ng
doon, dito, diyan.
2. Kaganapang Ganapan

 Halimbawa:

• Nagsayaw ng ballet si Lisa sa tanghalan ng masa.


• Tumanggap siya ng parangal kay G. Santos.
3. Kaganapang Tagatanggap

 Ang pariralang pangngalan sa panaguri na siyang


tumatanggap ng kilos na sinasaad ng pandiwa.
Pinangungunahan ito ng mga panandang ng o ng mga.
3. Kaganapang Tagatanggap

 Halimbawa:

• Ang mga bata ay kumakain ng mga masustansyang


gulay.
• Ang mga tao ay naglilinis ng kalat.
4. Kaganapang Direksyunal

 Ang tawag sa bahagi ng panaguri na nagsasaad ng sanhi


ng pagkaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Pinangungunahan ito ng panandang dahil sa o dahil kay:
panghalip na panao tulad ng sa akin, kanila, kanya,
atin, natin, amin at panghalip na pamatlig tulad ng
doon, diyan, dito, at dine.
5. Kaganapang Direksyunal

 Halimbawa:

• Pupunta siya sa ibang bansa upang mag-aaral.


• Namasyal ang mga turista sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas
5. Kaganapang Sanhi o Dahilan

 Ang tawag sa bahagi ng panaguri na nagsasaad ng sanhi


ng pagkaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Pinangungunahan ito ng panandang dahil sa o dahil kay.
4. Kaganapang Sanhi o Dahilan

 Halimbawa:

• Naapula ang apoy dahil sa mga bombero.


• Nakaligtas ang mga tao sa baha dahil kay Tasyo.
6. Kaganapang Pangganap o Kagamitan

 Ang tawag sa bahagi ng panaguri na nagsasaad kung


anong bagay, kagamitan o instrumento ang ginagamit
upang maisagawa ang kilos o gawain ng pandiwa.
Pinangungunahan ito ng mga panandang sa pamamagitan
ng o sa pamamagitan ni.
6. Kaganapang Pangganap o Kagamitan

 Halimbawa:

• Nakaahon siya sa kahirapan sa pamamagitan ng


paggawa ng kabutihan.
• Nakapagtapos din siya sa pag-aaral sa pamamagitan ng
pagtatrabaho.
7. Kaganapang Layon

 Ang tawag sa bahagi ng panaguri na nagsasaad kung


anong bagay na tinutukoy sa pandiwa.
7. Kaganapang Layon

 Halimbawa:

• Nagpasadya ako sa Paranaque ng Binurdang Anghel.


• Kumain ako ng fried chicken sa Jollibee.

You might also like