You are on page 1of 8

Ponemang Suprasegmental

Ano ang Ponemang Suprasegmental?


• Ginagamit ang ponemang suprasegmental upang
madaling malaman ang kahulugan ng isang salita o
pangungusap.
• Ang tatlong ponemang suprasegmental ay:
1. Intonasyon, Tono, at Punto
2. Diin at Haba
3. Hinto o Antala
Intonasyon, Tono, at Punto
• Ang INTONASYON ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na
iniuukol sa pagbigkas ng bawat pantig sa salita.
• Ang TONO ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng
damdamin.
• Ang PUNTO naman ay ang rehiyonal na tunog o ang tinatawag
na “accent”.
Halimbawa ng Intonasyon at Tono
• Nagtatanong: Ang ganda ng tula?
• Nagsasalaysay: Ang ganda ng tula.
• Nagpapahayag ng kasiyahan: Ang ganda ng tula!

• Nagtatanong: Masaya siya?


• Nagsasalaysay: Masaya siya.
Diin at Haba

• Ang HABA ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng


pantig ng salita.
• Ang DIIN ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa salita.
Halimbawa ng Diin at Haba

• Paso (flower pot) • Man:gaga:mot (doctor)


Pa:so (burn) Manga:gamot (to treat)
• Balah (bullet) • Kaibi:gan (friend)
Bala (threat) Ka:ibigan (lover)
Hinto o Antala

• Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang maging


malinaw ang mensaheng ipinapahayag. Ginagamit ang
kuwit, tuldok, semi-kolon, at kolon sa pagsulat upang
maipakita ito.
Halimbawa ng Hinto o Antala

• Hindi maganda. (sinasabing hindi maganda)


• Hindi, maganda. (sinasabi na maganda ang isang bagay)
• Padre, Martin ang tatay ko. (Ipinapakilala ang tatay sa
padre)
• Padre Martin ang tatay ko. (Ipinapakilala ang tatay na
padre)

You might also like