You are on page 1of 41

A woman without her man is nothing.

A woman without her man is nothing.

A woman, without her man, is nothing.


A woman: without her, man is nothing.
Sa alinmang wika, mahalaga ang mga
tunog. Makabuluhan ang mga tunog
sapagkat napag-iiba-iba nito ang
kahulugan ng salita. Bukod sa pagkilatis sa
tunog, may iba pang paraan upang
makilala ang kahulugan ng salita o
pahayag gayundin ang layunin, intensyon,
at saloobin ng nagsasalita.
MAHALAGANG IPAHAYAG ANG
WASTONG MENSAHE O
INTENSIYON SA
PAKIKIPAGTALASTASAN, PASALITA
MAN O PASALITA.
Sa pagsulat, makikilala ang kahulugan ng salita o
pahayag sa tulong ng mga bantas tulad ng tuldok,
tandang pananong, o tandang padamdam. Sa pasalitang
pakikipagkomunikasyon, matutukoy ang kahulugan,
layunin, o intensyon ng pahayag ng nagsasalita sa
pamamagitan ng ponemang suprasegmental o ng mga
tono, haba, diin, at antala sa pagbigkas at pagsasalita.
Higit nitong napapalinaw o nadaragdagan ang kahulugan
ng mga ponemang segmental na bumubuo sa mga salita.
Tulad ng pag-awit, may tono rin sa pagsasalita: mababa,
katamtaman, at mataas.
PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
Inihanda ni: Bb. Ferlyn Mae P. Fernandez, LPT
PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
Ito ay tumutukoy sa mga makabuluhang yunit ng tunog
na walang katumbas na letra sa pagsulat. Notasyon o
simbolo ang ginagamit kung kailangang isulat upang
matukoy ang wastong paraan ng pagbigkas.

TATLONG (3) URI:


1. Haba at Diin
2. Tono at Intonasyon
3. Hinto o Antala
Mga gabay na tanong:

1. Ano ang ponemang segmental??


2. Ano ang kahulugan ng suprasegmental?
Alam mo ba na….

ang tawag sa yunit ng tunog o


pinakamaliit na bahagi ng wika na may
kahulugang tunog. Ang ay tinatawag
na makahulugang tunog samantalang ang
ay tinatawag na pantulong sa
ponemang segmental na ang tinutukoy na
ginagamit bilang pantulong ay ang tono (pitch),
haba (length), diin (stress), at antala (juncture)
A. HABA AT DIIN
Ang haba (length) ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa
patinig ng isang pantig. Ang diin (stress) ay tumutukoy
naman sa lakas ng bigkas ng pantig. Ang pagbabago sa
haba at diin ay maaaring makapag-iba sa kahulugan ng
mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng
baybay (spelling).
Halimbawa:

haPON -bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (Japanese)


HApon -bigkas malumay at may diin sa unang pantig (afternoon)
A. HABA AT DIIN
Ang haba (length) ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa
patinig ng isang pantig. Ang diin (stress) ay tumutukoy
naman sa lakas ng bigkas ng pantig. Ang pagbabago sa
haba at diin ay maaaring makapag-iba sa kahulugan ng
mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng
baybay.
Halimbawa:
HAmon -isang pagsubok
BUkas -susunod na araw
haMON -uri ng pagkain na
buKAS -hindi sarado gawa sa laman ng
baboy
A. HABA AT DIIN
B. TONO AT INTONASYON
Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang
damdamin, makapagbigay-kahulugan, at
makapagpahina ng usapan upang higit na maging
mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais
ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita
ay may mababa, katamtaman, at mataas na tono.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2
sa katamtaman , at bilang 3 sa mataas.
B. TONO AT INTONASYON

1
3
2
1
B. TONO AT INTONASYON
C. HINTO O ANTALA
Saglit na pagtigil ng pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang mensaheng
ibig ipahayag sa kausap. Ito ang
paghahati ng pahayag sa pamamagitan
ng kuwit (,) at ng tuldok (.) sa katapusan
ng pangungusap. Ang panandang / ang
katumbas ng (,) at // sa (.).
C. HINTO O ANTALA
HALIMBAWA:

Doktora ang kapatid ko.


Doktora ang kapatid ko//

Doktora, ang kapatid ko.


Doktora/ang kapatid ko//
C. HINTO O ANTALA
Halimbawa:
1. Hindi siya si Kessa.
Nasa dulo ang hinto at nagsasaad na hindi si Kessa ang pinag-uusapan.

2. Hindi, siya si Kessa.


Ipinahahayag ng hinto pagkatapos ng “hindi” na si Kessa ang pinag-uusapan

3. Hindi siya, si Kessa.


Ipinahahayag ng hinto pagkatapos ng “siya” na hindi ibang tao ang
nasa isip kundi si Kessa.
AKTIBITI
A. PANUTO: Piliin ang tamang salitang binibigyang-kahulugan
ng pahayag. Isulat ang titik lamang.

a. buNOT b. BUnot

____1. bao ng niyog na ginagamit na


pagpapakintab ng sahig

____2. pagkuha sa suksukan


PANUTO: Piliin ang tamang salitang binibigyang-kahulugan
ng pahayag. Isulat ang titik lamang.

a. SAya b. saYA

____3. ligaya

____4. isinusuot ng babae


PANUTO: Piliin ang tamang salitang binibigyang-kahulugan
ng pahayag. Isulat ang titik lamang.

a. LAmang b. laMANG

____5. nakahihigit

____6. natatangi
PANUTO: Piliin ang tamang salitang binibigyang-kahulugan
ng pahayag. Isulat ang titik lamang.

a. LInga b. liNGA

____7. paglingon

____8. buto ng halamang ginagamit na


pampabango sa pagkain
PANUTO: Piliin ang tamang salitang binibigyang-kahulugan
ng pahayag. Isulat ang titik lamang.

a. Aso b. aSO

____9. hayop na inaalagaan

____10. usok
B. PANUTO: Suriin kung alin sa mga pangungusap ang
tinutukoy ng pahayag.

1. Ipinapakilala mo ang iyong kaibigang si Julie sa iyong ate.


A. Ate, si Julie ang kaibigan ko.
B. Ate Julie, ang kaibigan ko. 4. Niyaya mo ang iyong
kaibigang si Roan sa
2. Sinasabing hindi si Jose ang humiram magsimba.
ng libro. A. Roan, samba tayo.
A. Hindi, si Jose ang humiram ng libro mo. B. Roan, samba tayo.
B. Hindi si Jose ang humiram ng libro mo.
5. Ipinagbabawal na dalhin ang
3. Itinuturo sa tatay si Mang Pedro. isang bagay.
A. Tatay, si Mang Pedro. A. Huwag, ito ang dalhin mo.
B. Tatay si Mang Pedro. B. Huwag ito ang dalhin mo.
B. PANUTO: Suriin kung alin sa mga pangungusap ang
tinutukoy ng pahayag.

1. Ipinapakilala mo ang iyong kaibigang si Julie sa iyong ate.


A. Ate, si Julie ang kaibigan ko.
B. Ate Julie, ang kaibigan ko. 4. Niyaya mo ang iyong
kaibigang si Roan sa
2. Sinasabing hindi si Jose ang humiram magsimba.
ng libro. A. Roan, samba tayo.
A. Hindi, si Jose ang humiram ng libro mo. B. Roan, samba tayo.
B. Hindi si Jose ang humiram ng libro mo.
5. Ipinagbabawal na dalhin ang
3. Itinuturo sa tatay si Mang Pedro. isang bagay.
A. Tatay, si Mang Pedro. A. Huwag, ito ang dalhin mo.
B. Tatay si Mang Pedro. B. Huwag ito ang dalhin mo.
C. Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag sa layunin
nito.Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa
katamtaman, at bilang 3 sa mataas.

1. kanina = ____, pag-aalinlangan


kanina = ____, pagpapatibay, pagpapahayag
2. mayaman = ____, pagtatanong
mayaman = ____, pagpapahayag
3. magaling = ____, pagpupuri
magaling = ____, pag-aalinlangan
4. kumusta = ____, pagtatanong na masaya
kumusta = ____, pag-aalala
5. ayaw mo = ____, paghamon
ayaw mo = ____, pagtatanong
QUIZ
A. Panuto:
Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy ang ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa


pagsasalita, na maaaring maghudyat ngkahulugan ng
pahayag.

A.Tono
B.Intonasyon
C.Diin
D.Haba
A. Panuto:
Piliin ang titik ng tamang sagot.

2. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas


sa isang pantig ng salitang binibigkas.

A.Punto
B. Hinto o Antala
C. Diin
D. Intonasyon
A. Panuto:
Piliin ang titik ng tamang sagot.

3. Ang ______ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig


(a, e, i, o, u ) ng bawat pantig.
A. Punto
B. Hinto o Antala
C. Intonasyon
D.Haba
A. Panuto:
Piliin ang titik ng tamang sagot.

4. Ito ay tumutukoy sa saglit na pagtigil upang higit na


maging malinaw ang mensaheng ibig ipahayag sa
kausap.
a. Antala
b. Diin
c. Haba
d. Intonasyon
A. Panuto:
Piliin ang titik ng tamang sagot.

5. Ang ___________ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog


sa isang wika.
a. Ponolohiya
b. Ponema
c. Suprasegmental
d. Segmental
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga
halimbawa ng mga salita. Ibigay ang isinasaad na
kahulugan ng mga ito.

1. a. BUkas: __________ b. buKAS: _____________


2. a. LIgaw: __________ b. liGAW: ____________
3. a. buKO: ___________ b. Buko: _____________
4. a. TAla: ____________ b. taLA: _____________
5. a. buHAY: __________ b. BUhay: __________
B. Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung
anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay sa
paggamit ng hinto at intonasyon. Magbigay ng dalawa (2)
sa bawat bilang.

1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.


2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.
3. Hindi siya ang kaibigan ko.
C. Sumulat ng tig isang pangungusap sa mga sumusunod.

1. Nagsasalaysay
2. Masasagot ng Oo o Hindi
3. Paghahayag ng matinding
damdamin
4. Pagbati
5. Pagsagot sa tanong
D. MAIKLING SANAYSAY. Paano
nakatutulong ang ponemang
suprasegmental sa pagpapahayag
ng saloobin, pagbibigay ng
kahulugan, layunin at intensyon?
Ipaliwanag.

You might also like