You are on page 1of 21

DASMARIÑAS WEST NATIONAL HIGH SCHOOL

Wika at
Gramatika:
Ponemang
Suprasegmental
Haba, Diin, Tono at Antala
Inihanda ni:
Bb. Kristine Joy C. Ongray
PANIMULA:

Sa alinmang wika, mahalaga ang mga tunog.


Makabuluhan ang mga tunog sapagkat napag-iiba-
iba nito ang kahulugan ng salita.
Bukod sa pagkilatis sa tunog, may iba pang paraan
upang makilala ang kahulugan ng salita o pahayag
gayundin ang layunin, intensyon at saloobin ng
nagsasalita.
Basahin ng wasto ang mga salita at pahayag batay sa bantas na ginamit.

A. 1. Totoo? Maganda siya? 2. Magagaling sila?


Totoo! Maganda siya. Magagaling sila.
Sa pagsulat, makikilala ang kahulugan ng salita o pahayag
sa tulong ng mga bantas tulad ng tuldok, tandang
pananong, o tandang padamdam.

Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon, matutukoy ang


kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag ng nagsasalita
sa pamamagitan ng ponemang suprasegmental o ng mga
tono, haba, diin, at antala sa pagbigkas at pagsasalita.
Higit nitong napapalinaw o nadaragdagan ang kahulugan
ng mga ponemang suprasegmental na bumubuo sa mga
salita. Tulad ng pag-awit, may tono rin sa pagsasalita:
mababa, katamtaman at mataas.
ALAM MO BA NA...?
Ang ponolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa
mahahalagang tunog na nagbibigay kahulugan sa
pagsambit ng salita na nagpapabago sa kahulugan
ng mga salitang halos magkakatulad ang kaligirang
baybay.

Ang salitang "Ponema" ay mula sa salitang griyego na


"Phoneme" na nangangahulugang makatuturang
tunog at ng "Phono" na nangangahulugang salitang
tinig o boses na naaasimila sa wikang Filipino bilang
Ponema.
Ang segmental ay tinatawag na
makahulugang tunog samantalang ang
suprasegmental ay tinatawag na
pantulong sa ponemang segmental na
ang tinutukoy na ginagamit bilang
pantulong ay ang tono (pitch), haba
(length), diin (stress), at antala
(juncture).
PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan,


layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa
pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto
sa pagbigkas at pagsasalita.

1. DIIN - Ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig


sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. ang diin ay
isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang
tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay
nakakapagpabago ng kahulugan nito.
Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin
ang malaking titik.
Mga halimbawa:

a. /BU:hay/ - kapalaran ng tao


/bu:HAY/ - humihinga pa lamang

b. /LA:mang/ - natatangi
/la:MANG/ - nakahihigit, nangunguna
2. TONO/ INTONASYON - ang pagtaas at
pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla, makapagpahayag ng iba't
ibang damdamin , makapagbibigay-
kahulugan, at makapagpahina ng usapan
upang higit na maging mabisa ang ating
pakikipag-usap sa kapwa.
Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong
nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.
Sa pagsasalita ay may mababa,
katamtaman, at mataas na tono, Maaaring
gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa
katamtaman at bilang 3 sa mataas.
Mga halimbawa:

a. kahapon = 213,
pag-aalinlangan

kahapon = 231,
pagpapatibay,
pagpapahayag
Mga halimbawa:

b. talaga = 213,
pag-aalinlangan

talaga = 231,
pagpapatibay,
pagpapahayag
3. ANTALA/ HINTO - bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit
na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring
gumamit ng simbolo ng kuwit (,) dalawang guhit na pahilis ( // ) o
gitling ( - )
Mga halimbawa:
a. Hindi// ako si Joshua
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI.
Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay
nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya'y
napagkamalan lamang na si Jose)
b. Hindi ako, si Joshua
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Paghihiwatig
ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng
isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi
siya ang gumawa kundi si Joshua.
c. Hindi ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto.
Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay
nagsasabing hindi siya si Joshua.)
Mga Bigkas sa Filipino
Mga Uri ng Bigkas
Malumay/Malumi/Mabilis/Maragsa
Malumay
Binibigkas ito ng marahan at may diin sa ikalawang pantig buhat
sa hulihan. Hindi ginagamitan ng tuldik.
Maaari itong matapos sa katinig o patinig.

halimbawa:
kuya pasa
ate libre
lalaki mabuti
buko upo
Malumi
Binibigkas ito ng malumay. May impit sa dulo ang mga salita. Lagi
itong nagtatapos sa patinig. Ginagamitin ito ng tuldik na paiwa (`).

halimbawa:
hinà lupà
harì susì
pasò pugò
Mabilis
Binibigkas ito nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig.
Nagtatapos ang salitang mabilis sa katinig o patinig.
Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis ( ′ ).

halimbawa:
iná gandá pasá
kapé baldé
dumí gabí
butó damó pasó
Maragsa
Binibigkas ito ng mabilis. Ang kaibahan lamang ay may impit o
pasarang tunog ito sa hulihan.
Ang sagisag o tuldik ng diin ay pakupya (^).

halimbawa:
likhâ pasâ
ngitî balî
pasô upô
Maraming Salamat sa
Pakikinig :)

You might also like