You are on page 1of 20

Paghahambing

WIKA
Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap
ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong nakaraang buwan.
Kapansin-pansin din ang tubig na umaalon sa dagat na
maituturing kong kasinlinaw ng kristal. Di- gasino mang
maingay dito, wala man ang ingay na matagal ko nang
kinagisnan, alam kong masasanay rin ako. Naalala ko tuloy ang
pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako.
Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na
kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang buhangin
doon.
Sanggunian: K12 Teacher’s Guide
Tanong:
ANALISIS

Nakatulong ba ang mga salitang may


salungguhit upang mabisang maipabatid ang
mabisang paglalarawan ng isang bagay?
Anong bahagi ng panalita ang mga salitang may
salungguhit?
Paghahambing
Isang paraan ng paglalahad. Ito ay
nakatutulong sa pagbibigay linaw sa
isang paksa sa pamamagitan ng
paglalahad ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang bagay na
pinaghahambing
Pahambing na Magkatulad
ginagamit ito kung ang dalawang
pinaghahambing ay may patas na
katangian. Ginagamitan ito ng mga
panlaping kasing, sing, magsing,
magkasing o kaya ay ang mga salitang
gaya, tulad, paris, kapwa at pareho.
Halimbawa

Parehong mahusay gumuhit ang dalawa


kong kaklase.
Pahambing na di-
Magkatulad
Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay
may magkaibang katangian.May dalawang
uri ito:
A.Pasahol
B. Palamang
Pasahol
kung ang pinaghahambing ay
mas maliit,gumagamit ito ng
mga salitang, di-gaano, di-
lubha o di-gasino.
Halimbawa

Di gaanong masipag mag-aral si


Nathan kaya mababa ang markang
nakuha.
Palamang
kung ang hinahambing ay mas
malaki o nakahihigit sa
pinaghahambingan, gumagamit ito
ng mga salitang higit, labis at di-
hamak.
Bilugan ang paghahambing na ginamit sa
pangungusap. Isulat sa patlang kung anong uri
ito ng paghahambing.
________ 1. Ang buhay noon ay mas simple
kumpara sa komplikadong buhay ngayon.
________ 2. Higit na mahaba ang oras ng pag-
aaral ngayon sa paaaralan kumpara sa dati.
________ 3. Magsimbait kami ng aking nanay,
sabi ng aking lola.
________ 4. Di gaanong marunong
magtrabaho sa bahay ang kabataan
ngayon kung ihahambing sa kabataan
noon
________ 5. Parehong maganda ang
aking nanay at lola dahil magkamukha
sila
Ang 2 uri sa antas ng
ng pagsu- katangian ng
Pagha-
hambing
suri ng dalawang tao o
Ay bagay.
Makatut
utulong
Piliin kung anong uri ng
paghahambing ang ginamit sa
pangungusap..
1. Higit na mas masaya ang MWF iskedyul
kaysa araw-araw na may pasok.
A. Paghahambing na di- magkatulad
B. Paghahambing na magkatulad
C. Palamang
D. Pasahol
2. Magsingganda ang ginawang tula nina Liza at Luz.

A. Paghahambing na magkatulad
B. Paghahambing na di-magkatulad
C. Pasahol
D. Palamang
3. Di- gasinong malaki ang baon ko ngayon
kaysa kahapon
a. Paghahambing na di-magkatulad
b. Palamang
c. Pasahol
d. Paghahambing na magkatulad
4. Di- hamak na malinis ang paligid
ngayon kaysa noon.
a.Paghahambing na magkatulad
b.Pasahol
c.Paghahambing na di-magkatulad
d.palamang
5. Ang aming guro sa Grado 6 at 7
ay parehong magaling magturo.
a.Paghahambing na magkatulad
b.Paghahambing na di-magkatulad
c.Pasahol
d.Palamang
TAKDANG-ARALIN
Bumuo ng mga karunungang
bayan ( bugtong, salawikain,
kasabihan), gamitan ito ng
paghahambing

You might also like