You are on page 1of 1

Ang Maralitang Kababaihan

ni Lilia Nacario
Sa panahon ngayon, maraming kababaihan ang di pa bukas ang isip at
marami pa ang pinagsasamantalahan.
Marami ang kadahilanan. Una, wala silang panahon sa paglahok sa pag-
aaral na ibinibigay dahil pangunahing iniisip nila kung paano mapakain sa bawat
araw ang kanyang pamilya. Ang usapin pa rin ay kahirapan. Mapalalahok lang sa
pag-aaral ang mga maralitang kababaihan kung sila’y kumpleto ng
pangangailangan.
Hanggang ngayon, sila ay nananatili pa rin sa tradisyunal na sistema – na
pag ikaw ay babae, wala kang karapatang ipagtanggol ang sarili. Pag babae ka,
pailalim ka sa lalaki. Pag babae ka, alipin ka, at iiyak na lang sa isang tabi. Dapat
mabago ang ganitong tradisyunal na sistema.
Dahil dito, napakahalaga ng papel ng organisasyon sa pagmumulat sa
mga maralitang kababaihan ng kanilang karapatan. Dapat na maorganisa at
mapalawak ang bilang ng maralitang kababaihang mulat sa karapatan upang
maging pundasyon sa poagbabago ng sistema.
Ano ang mga dapat gawin? Dapat magbukas ng bawat bahagi o lawak
ang oryentasyon hinggil sa karapatan ng kababaihan. Dapat na ayusin, talakayin
at ipagmalaki ang modyul hinggil sa kanilang karapatan.
Dapat mamulat din ang mga lalaki, ‘pagkat di lang sila ang may boses.
Kailangang pantay ang karapatan ng babae at lalaki. Dapat sa isang
organisasyon na tiyakin na ang lahat ng kababaihan ay maorganisa sa kanilang
karapatan.
Sanggunian: panitikangmaralita.blogspot.com.

You might also like