You are on page 1of 2

Ano ang pangatnig?

Tinatawag na pangatnig ang mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala sa kapwa
parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan sa loob ng pangungusap. Ang
pangatnig ay ginagamit din sa mga pangungusap na tambalan, hugnayan at langkapan.

Ito ay nahahati sa dalawang pangkat :

1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit.

(o, ni, maging, at, t, ngunit, kundi) - pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay

Halimbawa:

Nakakuha ako ng tubig at tinapay.

Nakatulog akot nakapahinga.

Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan ka na lamang?

(ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) - pangatnig na panalungat; sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang
ipinahahayag ng nauuna.

Halimbawa:

Matalino si Villar subalit maraming isyung naglalabasan kaugnay sa kanya.

Mabait siya pero istrikto.

2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.

(kung, kapag, pag)

Halimbawa:

Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo na kasintalino niya.

(dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala ng sanhi o dahilan

Halimbawa:

Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa ilang politiko, palibhasa malapit na naman ang eleksyon.

(kaya, kung gayon, sana) - pangatnig na panlinaw

Halimbawa:

Wala raw siyang kasalanan kaya humarap pa rin siya sa media.


27 comments:

You might also like