You are on page 1of 72

PUBLIC SPEAKING ANXIETY TUNGO SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO

NG MGA NAGTATALUMPATI

MARIEL T. MOMO

Tesis Manuskrito na Ipinasa sa Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham


Pamantasan ng Katimugang Mindanao - Kampus sa Lungsod
ng Kidapawan Sudapin, Lungsod ng Kidapawan, Bilang
Pagtupad sa isa sa mga Kahingian sa Kursong

BATSILYER NG SEKUNDARYANG EDUKASYON


(Filipino)

OKTUBRE 2023

i
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- KIDAPAWAN CITY CAMPUS
Sudapin, Kidapawan City, North Cotabato
APPROVAL SHEET OF THESIS MANUSCRIPT

COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES

Name: MARIEL T. MOMO Degree Sought: BSE


Major: FILIPINO
Thesis PUBLIC SPEAKING ANXIETY TUNGO SA PAGGAMIT NG WIKANG
Title: FILIPINO NG MGA NAGTATALUMPATI

APPROVED BY THE GUIDANCE COMMITTEE

ALGIN MAE A. LAGANG, MAEd MAGNO M. GONZALES JR, MAEd


Junior Adviser Adviser

Date Date

MA. KARYSA F. GARCIA, MBA JEANNE Y. AURE, EdD


College Research Coordinator Dean

Date Date

CARMEE LYN B. PAYLANGCO, MST RONIELYN F. PINSOY, EdD


Research Head Chancellor

Date Date

PANEL:

JO-ANN D. SANTOS, MALT CHRISTINE MAE A. SOLIVAS, LPT


Member Member

Date Date

JEANNE Y. AURE, EdD


Committee Chairperson

Date

RAMIL B. PURUGGANAN, PhD


Director for Research and Extension Services

Date
Study No.:
Index No.:
Recorded by:

ii
PAGHAHANDOG

Ang pag-aaral na ito ay buong-pusong inihahandog ng mananaliksik sa mga

taong nagbigay suporta, inspirasyon, at pagtitiwala sa kaniya na maisagawa at

matapos ang tesis na ito;

Sa kaniyang mahal na mga magulang;

G. Robelito B. Momo

Gng. Thelma T. Momo

Sa kaniyang kapatid na si Cristine T. Momo;

Sa kaniyang mga tiyahin na lubos ang suporta;

Gng. Evangeline, Gng. Celia, Gng. Mariafe at

Bb. Rea Mae sa kaniyang mga lolo at lola na sina G. Rodolfo at Gng. Rene

Momo, G. Joselito at Gng. Candida Torrentira.

Gayundin sa kaniyang mga pinsan, Kenneth, Daryl, Aladin at mga

kaibigan na sina Paul Justine, Kenny Dave, Jhonamie, Genevieve, at Michelle

Joyce na naging mga katuwang ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral

na ito.

Sa kaniyang tagapayo na si Bb. Algin Mae A. Lagang na siyang naging

gabay at nag-ambag ng kaalaman upang mapagtagumpayan ang lahat ng ito.

Sa huli ngunit pinakamahalaga, ang Poong Maykapal na Siyang nagbigay

ng karunungan at lakas sa mananaliksik upang malampasan ang mga hadlang

na kinakaharap habang isinasagawa ito.

M.T.M

iii
PASASALAMAT

Ipinaaabot ng mananaliksik ang taos-pusong pasasalamat sa

sumusunod na mga taong tumulong, walang sawang sumuporta, at nag-ambag

ng karunungan upang maisagawa at matapos ang pag-aaral na ito.

Dr. Ronielyn F. Pinsoy, Tsanselor ng Pamantasan ng Katimugang

Mindanao-Kampus sa Lungsod ng Kidapawan, sa pagpapahintulot na

maisagawa ang pag-aaral na ito at pagsuporta sa mga mananaliksik sa kanilang

mga adhikain;

Dr. Jeanne Y. Aure, Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at

Agham na siya ring tagapangulo ng lupon ng tagasuri, sa kaniyang bukal sa

damdaming pagtulong at pagbibigay suhestyon sa mga dapat isagawa upang

maging maayos ang resultang papel na ito;

Dr. Ramil B. Purugganan, Direktor ng Research and Extension Services,

sa kaniyang pagtanggap at pagbibigay-halaga sa pananaliksik na ito;

Bb. Ma. Karysa F. Garcia, na siyang College Research Coordinator sa

kaniyang pakikipag-ugnayan hinggil sa mga impormasyong dapat malaman ng

mga mananaliksik;

G. Magno M. Gonzales Jr. MAEd at Bb. Algin Mae A. Lagang MAEd,

ang tagapayo ng mananaliksik, na kailanman ay hindi nagsawang gumabay,

magbigay ng payo at magmungkahi, bagkus ay tumulong nang buong-puso at

sinagot ang lahat ng katanungan at paglilinaw ng mananaliksik upang mapunan

ang lahat ng pagkukulang sa pag-aaral na ito.

iv
Prop. Jo-Ann D. Santos at Bb. Christine Mae A. Soliva, mga miyembro

ng lupon ng tagasuri sa kanilang pagbibigay ng suhestyon at pagtatama na

siyang naging gabay ng mananaliksik upang maging maayos ang daloy ng

kaniyang papel.

G. Robelito B. Momo at Gng. Thelma T. Momo, mga magulang ng

mananaliksik, sa kanilang walang sawang pagsuporta, paggabay, at

pagmamahal na ipinamalas lalong lalo na sa pagbayad ng mga gastusin sa

pagsasagawa ng pananaliksik na ito.

Higit sa lahat, sa mahabaging Poong Maykapal sa Kaniyang

pagbibigaylakas, karunungan, giya, at mga biyaya sa mananaliksing kapatid,

mga tiyahin, mga kaibigan, at iba pang mga guro at persona na naging

inspirasyon at sandigan ng mananaliksik na naging daan upang maisagawa niya

at mapagtagumpayan ang pag-aaral na ito. Ang lahat ng papuri at pasasalamat

ay iniaalay sa Kaniya.

MARIEL T. MOMO
Mananaliksik

v
ABSTRAK

MOMO, MARIEL, TORRENTIRA. 2023. PUBLIC SPEAKING ANXIETY TUNGO


SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO NG MGA NAGTATALUMPATI.
BSE Tesis. Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham, Pamantasan ng
Katimugang Mindanao - Kampus sa Lungsod ng Kidapawan Sudapin,
Lungsod ng Kidapawan. 60pp.

Tagapayo: MAGNO M. GONZALES JR. MAEd


ALGIN MAE L. A. LAGANG, MAEd

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang antas ng


paggamit sa wikang Filipino ng mga nagtatalumpati, matukoy ang salik sa public
speaking anxiety ng mga mag-aaral sa tuntunin ng self-confidence at fear of
negative evaluation at matukoy ang kaugnayan ng public speaking anxiety ng
mga mag-aaral sa tuntunin ng self-confidence at fear of negative evaluation sa
paggamit ng wikang Filipino na mag-aaral mula sa Pamantasan ng Katimugang
Mindanao Lungsod ng Kidapawan sa ikalawang taon sa kursong Batsilyer sa
Sekundaryang Edukasyon medyor sa Filipino sa Taong panuruan. Gumamit ang
mananaliksik ng korelasyunal na pamamaraan, random sampling ang ginamit sa
pangangalap ng respondente na tatlumput-walo. Ang nakalap na datos ay
binilang, itinala, sinuri at binigyan ng interpretasyon upang matukoy ang mga
salik ng public speaking anxiety na nakaaapekto sa paggamit ng wikang Filipino
ng mga mag-aaral. Ang estadistikang ginamit sa pag-aaral ay spearman’s rho.
Ang kabuuang sagot ng mag-aaral antas ng paggamit ng wikang Filipino ay may
mode na apat na may deskriptib balyu na sumasang-ayon. Ang kabuuang sagot
naman sa tiwala sa sarili ng mga mag-aaral tungo sa paggamit ng wikang
Filipino at takot sa negatibong ebalwasyon tungo sa paggamit ng wikang Filipino
ay may mode na lima (5) at deskriptib balyu na lubos na sumasang-ayon. Batay
sa resulta ang public speaking anxiety ay walang mahalagang kaugnayan sa
paggamit ng wikang Filipino.

Mga susing salita: Public Speaking Anxiety, wikang Filipino, Pagtatalumpati

vi
TALAAN NG NILALAMAN

PAUNANG DAHON Pahina

Pamagat na Pahina i

Dahon ng Pagpapatibay ii

Paghahandog iii

Pasasalamat iv

Abstrak vi

Talaan ng Nilalaman vii

Talaan ng Talahanayan ix

Talaan ng Apendises x

INTRODUKSYON 1

Layunin ng Pag-aaral 2

Kahalagahan ng Pag-aaral 3

Saklaw at Delimitasyon 3

Mga Terminolohiyang Ginamit 4

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA 5

Public Speaking Anxiety 5

Self-Confidence 7

Fear of Negative Evaluation 10

Paggamit ng Wikang Filipino 12

Konseptuwal na Balangkas 17

Pangunahing Palagay 18

METODOLOHIYA 19

vii
Disenyo ng Pag-aaral 19

Lokal ng Pag-aaral 19

Ang mga Respondente 19

Instrumento ng Pananaliksik 20

Pamamaraan sa Pagpili ng Sampol 20

Pamamaraan ng Pangalap ng Datos 21

Estadistikang Ginamit 21

RESULTA AT DISKUSYON 23

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON 43

Buod 43

Konklusyon 44

Rekomendasyon 45

TALASANGGUNIAN 46

APENDISES 50

viii
TALAAN NG TALAHANAYAN

Talahanayan Pamagat Pahina

1 Antas sa paggamit ng wikang Filipino 29

2 Self-confidence ng mga mag-aaral tungo sa 35


paggamit ng wikang Filipino

3 Takot sa Negatibong EbalwasyonTungo sa 40


paggamit ng Wikang Filipino

4 Kaugnayan ng public speaking anxiety sa mga 42


tuntunin ng self-confidence at fear of negative
evaluation sa paggamit ng wikang Filipino

ix
TALAAN NG APENDISES

Apendises Pamagat Pahina

A Liham Pahintulot 51

B Talatanungan 52

C Research Ethics Information Sheet (REIS) 55

D Ethics Participant Consent Form (EPCF) 58

E Certification of Statistician 59

F Curriculum Vitae 60

x
1

INTRODUKSYON

Sa pagtatalumpati, maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang upang

maging mahusay at mabisa ang pagkakalahad o presenta sa madla. Kabilang

dito ang public speaking anxiety, ito ay pagkabalisa sa tuwing nagsasalita sa

harap ng maraming tao. Ito rin ay maaring makaapekto sa kakayahan at talino na

maaring magdulot ng hindi tamang pagkakaintindi o pagtugon sa mga

katanungan at hindi pagpapakita ng tamang emosyon sa tamang oras. Ayon kay

McCroskey's (1978) ang public speaking anxiety ay lebel ng takot ng isang

indibidwal na naiaangkla o may kinalaman sa komunikasyon sa ibang tao.

Napag-alaman sa pag-aaral ni Hasibuan at Irzawati (2020) na ang

speaking anxiety ay kadalasang nararanasan ng parehong guro at estudyante at

wala silang sapat na kaalaman upang panghawakan ang ganitong problema.

Ang kanilang pag-aaral ay nagpakita ng mahalagang kaugnayan sa speaking

anxiety at speaking performance. Iminungkahi na ang mga gawain katulad ng

self-reflection ay makatutulong upang matugunan at mabawasan ang speaking

anxiety sapagkat ang aktibidad na ito ay makatutulong upang maresulba ang

mga problema at matukoy ang kalakasan at kahinaan, at upang madebelop ang

kanilang komunikasyon.

Ipinakita ng kasalukuyang pananaliksik na ang pagkabalisa sa pagsasalita

sa publiko ay isang pangkaraniwang pangyayari na maaaring makaapekto sa

pagiging epektibo at pagganap ng komunikasyon ng mga nagsasalita. Ang mga

nabanggit sa unahan ay ilan lamang sa dahilan na maaaring maging suliranin sa


2

public speaking anxiety tungo sa paggamit ng wikang Filipino ng mga

nagtatalumpati at siyang nagtulak sa mananaliksik na alamin at tukuyin kung

may mahalagang kaugnayan ba ang public speaking anxiety sa paggamit ng

Wikang Filipino sa pagtatalumpati. Napatunayan ito sa pananaliksik ni Espina

(2015), na mas malinaw at mas epektibo ang pagpapakita ng emosyon ng mga

nagsasalita na gumagamit ng wikang Filipino kumpara sa mga nagsasalita ng

wikang Ingles. Ipinakita rin ng pag-aaral na ang pagpapakita ng emosyon ay

mahalagang bahagi ng public speaking dahil ito ay nakakatulong sa mga

tagapakinig na maunawaan ang mensahe ng nagsasalita.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang public speaking anxiety

tungo sa paggamit ng wikang Filipino ng mga nagtatalumpati. Ang sumusunod

ay mga tiyak na layunin na nais ng manananaliksik na mabigyang tugon:

1. Matukoy ang antas ng paggamit sa wikang Filipino ng mga

nagtatalumpati.

2. Matukoy ang salik sa public speaking anxiety ng mga mag-aaral sa

mga tuntunin ng self-confidence at fear of negative evaluation.

3. Matukoy ang kaugnayan ng public speaking anxiety sa mga tuntunin

ng self-confidence at fear of negative evaluation sa paggamit ng

wikang Filipino.
3

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mananaliksik na makatutulong at magiging makabuluhan

ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral, madadagdagan ang kanilang kumpyansa sa sarili lalo

na sa pagsasalita sa harap ng maraming tao gamit ang wikang Filipino.

Mauunawaan nila kung ano kanilang dapat linangin sa kanilang sarili upang mas

maging magaling at matatas sa pagsasalita ng Filipino.

Sa mga guro, magiging gabay ito upang mas matutukan ang kakayahan

ng mga mag-aaral sa pagsasalita sa harap ng maraming tao ng sa ganon ay

mas malinang pa nila ang pananaw ng mga estudyante sa public speaking

anxiety tungo sa paggamit ng wikang Filipino ng nagtatalumpati.

Sa mga susunod na mananaliksik, magiging batayan ito sa pagsagawa

ng mga kaugnay na pag-aaral. Ang mga salik na nakapaloob sa pananaliksik na

ito ay maaari pa nilang lawakan o laliman upang matugunan ang iba pang mga

katanungan na hindi saklaw ng papel na ito.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa public speaking anxiety tungo sa

paggamit ng wikang Filipino ng nagtatalumpati, saklaw ng pananaliksik na ito

ang mga estudyante sa ikalawang taon na kumuha ng kursong Batsilyer ng

Sekundaryang Edukasyon (BSE) Medyor sa Filipino na nasa nag-aaral sa

Pamantasan ng Katimugang Mindanao - Kampus sa Lungsod ng Kidapawan.


4

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na nasa unang taon na

kumukuha ng medyor sa Filipino sa ikalawang semestre 2022-2023, sa Kolehiyo

ng Edukasyon Sining at Agham sa Katimugang Mindanao – Kampus sa Lungsod

ng Kidapawan.

Depinisyon ng mga Terminolohiyang Ginamit

Ang mga sumusunod na salitang ginamit ay binigyang-katuturan para sa

ikalilinaw ng pang-unawa ng sinomang babasa nito.

Pagtatalumpati – ito ay tumutukoy sa ginawang performans ng mga estudyante

na siyang maging batayan sa pagkuha ng datos na kinakailangan sa

pag-aaral.

Paggamit ng Wikang Filipino – Ito ay tumutukoy sa ginamit na wika ng mga

mag-aaral.

Speaking Anxiety – Kahirapan sa pagsasalita na nararanasan ng mag-aaral sa

ikalawang taon sa medyor ng Filipino.


5

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga kaugnay na literatura at pag-

aaral na isinaalang-alang ng mananaliksik sa pagpapalakas ng kahalagahan ng

kasalukuyang pag aaral.

Public Speaking Anxiety

Ipinaliwanag ni Toth (2017), na ang public speaking anxiety ay

nagsasanhi ng pagkabalisa at lubos na pag-aalala ito ay kakulangan sa

kumpyansa sa pagsasalita. Dahil sa negatibong feedback ang mga mag-aaral ay

nawawalan ng ganang ipahayag ang saloobin at mawalan ng kumpyansa sa

pagsasalita ng pangalawang wika.

Ayon kay Jee (2016), ang mga mag-aaral na may mataas na kakayahan

ng paggamit ng wika ay may mataas ding antas ng anxiety. Upang mabawasan

ang antas ng speaking anxiety, ang kognitibong modipikasyon at pagsasanay ay

nakasanlig mismo sa mga guro (Raja, 2017).

Batay kay Pontillas (2020), ang popsispeak ay napatunayang epektibong

estratehiya sa pagbawas ng public speaking anxiety at pagpapaunlad ng

kahusayan sa oral na komunikasyon ng mga estudyante. Ang pagpili ng mga

estudyante ng public speaking course ay nakadepende sa kung gaano sila

kakomportable tuwing sila ay nagsasalita sa harap ng mga tagapakinig (Marsh,

2017).
6

Ang kasanayan sa pagsasalita ay ginagamit ng isang tao sa pang araw-

araw na nakikipag-usap. Nagiging dalubhasa ang mga mag-aaral dahil paulit-ulit

itong ginagamit ng maraming beses ngunit hindi maiwasan ang pagkakaroon ng

kaba na siyang dahilan sa paglabas ng tinatawag na public speaking anxiety

(Celik at Yavuz, 2015).

Ang pag-aaral na isinagawa ni Espina (2015) na may pamagat na The

Use of Language in Delivering Emotions in Public Speaking: A Comparative

Study between English and Filipino Language, napatunayan niya na mas

malinaw at mas epektibo ang pagpapakita ng emosyon ng mga nagsasalita na

gumagamit ng wikang Filipino kumpara sa mga nagsasalita ng wikang Ingles.

Ipinakita rin ng pag-aaral na ang pagpapakita ng emosyon ay mahalagang

bahagi ng public speaking dahil ito ay nakakatulong sa mga tagapakinig na

maunawaan ang mensahe ng nagsasalita.

Natuklasan sa pag-aaral ni Diamante et al., (2018) na pinamagatang The

Effect of Using the Filipino Language in Public Speaking on Cultural Value

Orientation and Speech Anxiety na naglalayong malaman ang epekto ng

paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng talumpati sa pagpapahalaga sa

sariling kultura ng mga nagsasalita at sa kanilang antas ng anxiety sa

pagpapahayag sa harap ng publiko. Ipinakita ng resulta ng pag-aaral na ang

pagpapahalaga sa sariling kultura ay nagbibigay ng positibong epekto sa antas

ng confidence at nakababawas ng anxiety sa mga nagsasalita.

Nilinaw nina Bautista at Manapat (2017) sa kanilang pag-aaral na may

pamagat na The Effect of Using the Filipino Language in Public Speaking on


7

Public Speaking Anxiety na ang paggamit ng wikang Filipino ay nagdulot ng

pagkakaroon ng mas mababang antas ng anxiety sa mga nagtatalumpati. Ibig

sabihin may kahalagahan ang paggamit ng Filipino bilang wika sa pagpapababa

ng public speaking anxiety.

Self-Confidence

Sa isinagawang pag-aaral ni Akbari at Sahibzada (2020) ay napag-

alaman niya na kapag mababa ang antas ng self-confidence ng mga mag-aaral

sa paggamit ng wikang Filipino ay mahina rin ang kanilang kaalaman sa balarila.

Bukod pa rito, sinabi rin niya na ang mababang self-confidence sa paggamit ng

wika ay isang hadlang sa pag-unlad ng kakayahang pangwika.

Napatunayan nina Derryberry at Reed (2002) na ang sariling ulat ng

pagkokontrol ng pansin ay nagpapakita ng kakayahan sa pagganap sa isang

obhetibong gawain ng pagkokontrol ng pansin mas maaring malampasan ng

mga indibidwal na may mataas na antas ng pag-aalala ang nais ng kanilang

pansin para sa nakakabahalang impormasyon sa isang gawain na dot-probe sa

abot-kaya nila ring iniulat na mataas ang antas ng kanilang pag-kokontrol ng

pansin. Nagbigay rin ng ebidensya sina Peers at Lawrence (2009) na ang mga

sariling ulat tungkol sa pagkokontrol ng pansin ay nagpapakita ng pag-predict sa

obhetibong pag-ganap sa isang mabilis na sunod-sunod na pagpapakita ng mga

visual na pampasagabal.
8

Lumabas sa pag-aaral ni Arocena (2019) tungkol sa pagpapahayag ng

mga mag-aaral sa Filipino, natuklasan niya na ang mga mag-aaral na may

mataas na antas ng self-confidence ay mas magaling sa paggamit ng Filipino at

mas malawak ang kanilang bokabularyo kaysa sa mga mag-aaral na may

mababang antas ng self-confidence. Kaya mahalaga para sa mga

nagtatalumpati na magkaroon ng mataas na self-confidence upang maipahayag

nila ng maayos ang kanilang mensahe sa pamamagitan ng Wikang Filipino.

Ayon nina Nadiah, et al. (2019) na ang kakulangan sa self-confidence ay

nagpapahirap sa mga estudyante sa pagsasalita dahil sa kanilang negatibong

pag iisip, kakulangan sa paghahanda, kakulangan sa bokabularyo at abilidad.

Napansin din na ang self-confidence ay may malaking impluwensiya sa

pagkatuto at performans ng mga estudyante sa klase.

Ayon kay Juneja (2011), ang mga auditory distractions na nagmumula sa

paligid ng kapaligiran sa trabaho ay maaaring magdulot ng pinsala sa isang

taong nagsasalita.

Sa pagsusuri ni Gurler (2015) napag alaman niyang mayroong istatistikal

na makabuluhang ugnayan ang self-confidence at kakayahan sa pagsasalita.

Malaki ang epekto ng self-confidence sa pagsasalita ng bawat estudyanteng

nagnanais na maisakatuparan ang mga gustong ipahiwatig sa iba hindi lang para

sa kanilang sarili, nailahad niyang ang problema sa pagsasalita ay

mapagtagumpayan sa pamamagitan ng pagbuo ng katatamtamang antas ng

self-confidence sa bawat indibidwal.


9

Ayon kay Nikitina (2011) maraming dahilan upang mawalan ng interes

ang tagapakinig. Isa rito ang paggamit ng monotonong boses na siyang

nagpapawala ng atensyon ng tagapakinig na maaaring maghatid ng antok sa

iilan dahil sa walang buhay na pagpapahayag, walang emosyon at nakakabagot

ito.

Sa pag-aaral ni Malik (2014) sa kakayahang akademiko at self-confidence

ng mga mag-aaral sa sekundarya, napag-alaman na mas mataas ang lebel na

self-confidence ng mga babae kumpara sa self-confidence ng mga lalaki.

Naisaad niya rin dito na nakadepende sa kung paano gampanan ng mga

estudyante ang kanilang responsabilidad bilang mag-aaral.

Batay kay Martin et al., (2018) ang pagkakaroon ng pakiramdam na

binabantayan sila ng iba ay nagpapaalala ng kanila ng pagiging walang tiwala sa

sarili at hindi makakapagperform nang maayos sa klase dahil sa kabang

idinudulot nito. Kahit sa maliit na grupo, mas kinakabahan ang mga mag-aaral

dahil sa takot na mabigyan ng negatibong pag-evaluate ng kanilang mga

kasamahan.

Lumabas din sa pag-aaral ni Lone (2021), ang kakulangan ng self-

confidence hinggil sa pag-aaral ay nagdudulot ng pag-aalinlangan sa mga

kakayahan ng isang mag-aaral. Ayon pa dito may posibilidad na iwasan ng isang

mag-aaral ang makikipagsapalaran sa mga mahihirap o mabibigat na gawain

kagaya na lamang ng pag-uulat sa harapan, mas pipiliin nilang manahimik sa

isang tabi at hayaan ang kagrupong gumawa nito.


10

Ayon sa pag-aaral nina Meadow at Alibali (2013), natuklasan na ang mga

galaw ng mga tagapagsalita kapag sila ay nagsasalita ay bahagi ng

komunikasyon at maaaring magamit sa maraming paraan. Sumasalamin ang

galaw sa mga saloobin ng mga tagapagsalita, madalas ang kanilang di-

pinasasalitang mga saloobin, at maaaring magamit bilang bintana tungo sa

kognisyon.

Ayon Kay Webster (2014), isang distraction ay isang bagay na

nagpapahirap para sa isang tao na mag-isip o maglaan ng atensyon. Ang

salitang distraction ay may negatibong konotasyon sapagkat karaniwang iniisip

ito bilang nakakasira sa pagsasalita sa harap ng maraming tao.

Takot sa Negatibong Ebalwasyon

Sa pag-aaral nina Torres at Turner (2016), ang anxiety ng isang tao ay

pagkalula tungkol sa isang paparating na sitwasyon, natatakot silang makinig sa

mga puna ng guro patungkol sa kanilang ginawang pagtatalumpati.

Nakakaramdam din sila ng pag-aalala tungkol sa epekto at iba pang pananaw

kung sila ay nagkamali. Marami sa mga mag aaral na nakakaranas ng anxiety na

nagpapakita ng malawak na hanay ng mga negatibong pag-uugali at sintomas.

Halimbawa, maaaring iwasan ng mga naturang estudyante ang mga takdang-

aralin sa klase at gayundin ang pag-iwas sa direktang pakikipatalastasan.

Ayon Kay Tasnimi (2009) sinabi nito na ang pagkakamali ay hindi dapat

makita bilang isang negative evaluation. Dapat itong ituring na isang positibong
11

aspekto sa pag unlad ng wikang ginagamit lalo na sa pakikipagtalastasan sa

harap ng maraming tao at nagbibigay rason upang maitama ang pagkakamali.

Ang negative evaluation ay nagsasanhi ng isang anxiety speaking na

nagiging dahilan ng pagkatakot ng mga mag-aaral na magsalita sa klase. Kapag

natatakot silang magsalita, nahihirapan silang bumuo ng katatasan na

kinakailangan upang mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa pagsasalita ng

wikang Filipino (Lucas et al., 2011).

Sa pag-aaral nina Bugayong at Ibojo (2023) kinatatakutan nila ang

kahihiyan na dulot ng pagkakamali sa harap ng publiko, lalo na kung ito ay may

kasamang masasakit na komento mula sa mga manonood.

Sa pag-aaral nina Kumar et al., (2015) lumabas na kapag ang mga

indibidwal ay may fear of negative evaluation nagpapakita ito ng hindi

magandang social performance sa mga social situation. Ito ay nagiging sanhi ng

negatibong pagtingin sa kanila ng mga tagamasid. Kapag ang mga tao ay may

negatibong nararamdaman tungkol sa ibang tao at, ang takot sa pag-aalala na

kung ano iniisip ng iba tungkol sayo subalit sinasabi nila sa kanilang sarili na

wala silang kaugnayan sa taong iyon, ang paniniwalang ito ang siyang

nagdudulot ng negatibong nararamdaman na nagiging sanhi ng social rejection

na ating nasasaksihan.

Ang pag-aaral nina Cetin et al., (2014) ay nagpapakita ang fear of

receiving negative criticism ay may kaugnayan sa academic risk behavior.

Napag-alaman na kapag mataas ang lebel ng takot sa pagkakamali ay

nakapagpababa rin ng antas ng academic risk.


12

Sila ay lalong natatakot kung sila ay pagtatawanan, ng iba dahil sa

kanilang performance. Gaya ng karamihan sa mga tao na natatakot gumawa ng

pagkakamali dahil sa takot na baka sila ay tawanan at ituring na kakaiba ng iba

(Jones, 2000).

Ayon sa pag-aaral ni De Gruyter (2009) ang takot na pagtawanan ng iba

ay tinatawag na gelotophobia, kung saan natatakot ang tao pagtawanan ng iba

habang nagsasalita na siyang nagdudulot ng negatibong epekto. Palagi nilang

iniisip na sa tuwing sila ay nagsasalita pinatatawanan din siya ng tagapakinig

nito.

Sa pag-aaral nina Grieve et al. (2021) napansin nila na ang takot ng mga

mag-aaral sa pagsasalita sa harap ng maraming tao lalo na pagnakikita Niya ang

pagkunot ng kanilang mga noo at nagbibigay ng ebidensya ng kabuuang

negatibong epekto nito sa kanilang karanasan sa higher education.

Ayon kay Lawtie (2004), maaaring maapektuhan ang mga problema sa

pagsasalita ng emosyonal na kalagayan ng isang tao. Madalas mas malinaw ang

pagsasalita kapag ang isang tao ay may kumpiyansa at kalmado, at ito ay isa sa

mga pinakamahalagang salik na dapat isaalang-alang kapag nakikipag-ugnayan

sa mga taong may mga problema sa pagsasalita.

Paggamit ng Wikang Filipino

Ang wikang Filipino ay napakamahalaga dahil ito ay ginagamit sa pang

araw-araw na pakikipag-usap. Bilang isang kabataan hindi dapat ito ikahiya

bagkus ay gamitin pa at payabungin (Gutierrez, 2017).


13

Wika ang ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa

kapwa, napakahalaga ng mga ito sa buhay ng isang tao. Sa lahat ng aspekto ng

buhay napakahalaga ang pakikipagtalastasan, sapagkat ito ang dahilan kung

bakit tayo nagkakaunawaan at nagpapalit-palitan ng ibat ibang ideya. Bahagi nito

ang apat (4) na komponent: gramatika, sosyolingwistik, strategic at diskorsal

(Heramia, 2017).

Ipinahayag nina Agbones et. al (2016) na ang wika ay mahalaga at

kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa

pakikipag-komunikasyon, pakikipaguugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat

isa. Ito rin ang naging daan upang tayo ay magkaunawaan.

Sa pag-aaral ni Valdez (2019), ang wika ay midyum ng

pakikipagkomunikasyon sa pasalita man o pasulat sapagkat ito ay maituturing na

tagapagdala ng ideya. Ginagamit ito sa pagpapahayag ng kaisipan, ideya, kuru-

kuro, saloobin at damdamin kaya ang mabisang pakikipagkomunikasyon ay

sadyang mahalaga para sa lahat. Ang panahon ay binabago ng oras at ang

kaalaman sa mabisang pakikipagkomunikasyon ay nararapat lamang na

sumulong upang higit na maging epektibong maiparating at maipaunawa saating

kapwa ang ating kaisipan at ideya.

Ayon kay Mallabo (2014), may kadahilanan din kung bakit ginagamit natin

ang sariling wika, isa na dito ay mas madaling maintindihan at maisaisip ang

mga leksyong itinuturong mga guro, napapadali nito ang proseso ng pag-aaral,

mas nakakarelax, mas nakakabuhay, masigla at impormal ang diskusyon, mas

komportableng gamitin ang wikang Filipino, mas nakikilahok hindi naiilang ang
14

mga estudyante kaya nawawala ang hadlang o mga balakid ng komunikasyon,

walang limitasyon sa mga ideya, nagagamit ang mga natututunan sa pang-araw-

araw na buhay at napapagana ang pag-iisip ng estudyante.

Sa isang banda, ang sitwasyon ng wika ay maaaring unawain sa iba’t

ibang antas at manipestasyon. May pangangailangan na mapalitaw ang tiyak na

konteksto hinggil sa kung paano ginagamit, at sa kung ano ang gamit ng isang

partikular na wika. Bagaman ang ganitong tunguhin ay maaaring magawa sa

pamamagitan ng obserbasyon lamang. Isinasaalang-alang dito ang indibidwal na

impormasyon, kanilang relasyon sa isa’t isa, at uri ng wika na kanilang ginagamit

sa komunikasyon (Baym, 1995).

Ayon kay De Leon (2020) ang Filipino sa kasalukuyan ay isang wikang

dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at

sa iba pang mga wika sapagkat ito ay isang bansang multilingguwal.

Sa matagal na panahon, ang kasanayan sa pagsasalita ay isang

pagsubok sa ginawang pagtuturo ng mga guro. Dito nasusukat ang kakayahan

ng mga guro sa tungkuling maturuan ang mga mag-aaral sa mabuting

pakikipagtalastasan o makipag-unawaan sa kaniyang kapwa. Ito ay resulta ng

sunud-sunod at binabalangkas ng mga aralin mula sa pagpapayaman ng

talasalitaan hanggang sa malikhaing pagsasalita (Tanawan, 2002).

Sa akda ni J (2019), malinaw na ang wika ay isang mahalagang

kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang ideya at damdamin ng isang

tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi
15

ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang

kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan.

Ayon kay Timbreza (w.p.) ang mismong karanasan na rin ng mga

Filipino ang siyang nakapagpapatunay na ang pagpapaunlad ng sariling wika ay

sa pamamagitan ng paggamit lamang nito. Habang ginagamit ito ay lalo namang

yumayabong at lumalawak ang kanyang talasalitaan. Habang sinisikap na

maipahayag ang bagong karanasang pag-iisip sa sariling wika, makatutuklas,

makabubuo at makalilikha ng mga bagong kataga na siyang kakatawan sa mga

bagong diwang angat sa mga karanasang pag-iisip kaya nabuhay at lumalago

ang wika sa pamamagitan ng pag-aaroga, pagdidilig at pagsusumikap na gamitin

ito.

Ipinaliwanag ni Mabanglo (2016) sa kanyang pag-aaral na

napakahalagang bigyang-diin ang paggamit ng wikang Filipino sapagkat ito ang

unang basihan sa pagsukat ng kaalaman sa wika. Naimungkahi niyang dapat

pagdaanan ng mga guro sa pagsusuri upang malaman ang kanilang kakayahan

sa paggamit ng wikang Filipino at maging modelo para sa mga mag-aaral.

Sa pag-aaral naman nina Tanongan et al., (2016) ay nagpakita na ang

wikang Filipino ay lubos na pinahahalagahan ng mga dayuhan sa paghahatid o

pagbabahagi ng kanilang mga kaisipan at pag-unawa. Nagiging daan ito upang

magkaroon ng pagpapalitan ng mga mensahe ng dalawang magkaibang lahi.

Ang wika ang isa sa pinakamahalagang bagay na tinatangkilik ng mga

mamamayan upang umunlad ang buong bansa.


16

Ipinakita ni Espina (2015) na mayroong kaibahan sa paraan ng

pagpapakita ng emosyon sa pagitan ng mga nagsasalita na gumagamit ng

wikang Filipino at mga nagsasalita ng wikang Ingles. Mas epektibo ang

pagpapakita ng emosyon sa wikang Filipino dahil ito ay mayaman sa mga

salitang may malalim na kahulugan at maaring magdulot ng mas malalim na pag-

unawa at pakikipag-ugnayan sa mga tagapakinig. Sa pangkalahatan, ang pag-

aaral na ito ay nagpakita ng kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa

public speaking, lalo na sa pagpapakita ng emosyon upang mas maiparating ng

maayos ang tunay na damdamin ng nagsasalita sa kanyang mga tagapakinig.

Napatunayan na ang paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng

talumpati ay may positibong epekto sa pagpapahalaga sa sariling kultura ng mga

nagsasalita. Natuklasan nila na ang pagpapahalaga sa sariling kultura ay

nagdulot ng mas mataas na kumpiyansa sa mga nagsasalita at mas mababang

antas ng anxiety sa pagpapahayag sa harap ng publiko. Sa pangkalahatan, ang

mga resulta ng pag-aaral na ito ay nagpapakita na ang paggamit ng Filipino

bilang wika ng talumpati ay maaaring magdulot ng positibong epekto sa mga

nagsasalita sa kanilang antas ng kumpiyansa at anxiety.

Ayon kay Del Rosario (2019), mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino

bilang midyum sa pagtuturo ng bawat paksa ng aralin upang lubos na

maunawaan ng mag-aaral. Sinabi rin nito na hindi lamang ito midyum sa

pagtuturo kundi pati na rin sa pagkatuto ng mga mag-aaral.


17

Mga Salik ng Public Speaking

Ang mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng anxiety sa pagsasalita sa

harap ng publiko dahil sa iba't ibang dahilan, may dalawang salik ng anxiety at

external anxiety, ang internal anxiety tulad ng kaba, kakulangan ng tiwala sa

sarili, takot, at kawalan ng motibasyon na siyang nagiging sanhi sa pagkalito ng

mga mag-aaral kapag sila ay nagpeperform ng talumpati sa harap ng maraming

tao. Ayon Kay (Coelho & Balaban, 2015; Panayiotou et al., 2017) ang mga mag-

aaral ay natatakot na mahusgahan at batikusin ng iba kapag nagbibigay sila ng

talumpati sa publiko. Dagdag pa ang kakulangan ng motibasyon na may

malaking epekto sa pagtatalumpati sapagkat ito ay nagbibigay direksiyon at

layunin sa pagsasalita na maaaring maging inspirasyon ng tagapagsalita

(Ilyosova, 2020;Nahak et al, 2020; Prachanant, 2012; Putra, 2018). Bukod dito,

ang anxiety sa pagsasalita sa publiko ay malapit na kaugnay ng iba pang uri ng

pang-aalala tulad ng hindi magandang pisikal na anyo, hindi pagkakaayon sa

mga pangyayari at estado sa lipunan, pagtanggi mula sa lokal na awtoridad,

hindi malinaw na sanhi, at pang-aalala sa inaasam-asam na pangyayari (Rossi &

Seiler, 1989).

External anxiety tulad ng grammatical error, hirap sa bokabularyo,

kaibigan, at preparasyon ito ay panlabas na salik na nagdaragdag sa pag-aalala

ng mga mag-aaral. Ayon nina Rayani et al., (2016) ang paghihirap sa oaggamit

ng mga bokabularyo ay sanhi ng kahirapan sa pag-aaral ng wika na dahilan sa

pagdudulot ng kaba kung kaya ay nakakaapekto ito sa mga mag-aaral ng

nagsasagawa ng talumpati. Bukod dito, nakakakaba rin ang preparasyon dahil


18

ito ay nagbibigay presyon at kaba sa maraming paraan. Ito ay maaaring dahil sa

takot na magsalita sa harap,presyon na hindi maperpekto ang pagganap, at kaba

sa posibleng reaksiyon ng tagapakinig (Pahargyan, 2021).


19

Konseptwal na Balangkas

Ang talaguhitan 1 sa ibaba ay nagpapakita ng konseptwal na balangkas ng

pag-aaral. Ang public speaking anxiety ay malayang baryabol. Samantala, ang

di-malayang baryabol naman ang paggamit ng wikang Filipino ng nagtatalumpati.

malayang baryabol di-malayang baryabol

Public Speaking
Anxiety Paggamit ng Wikang
•Self-confidence Filipino
•Fear of making mistake

Talaguhitan 1. Konseptwal na balangkas


20

Pangunahing Palagay

H₀₁: Walang mahalagang kaugnayan ang public speaking anxiety tungo sa

paggamit ng wikang Filipino ng nagtatalumpati.


21

METODOLOHIYA

Inilahad sa kabanatang ito ang disenyo ng pag-aaral, lokal ng pag-aaral,

ang mga respondente, instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos,

pamamaraan sa pagpili ng sampol, pamamaraan sa pangangalap ng datos,

estadistikang ginamit, pagsusuri at pag-aanalisa ng mga nakalap na datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang nasabing pag-aaral ay gumamit ng kwantitatib na pamamaraan, ito ay

isang korelasyonal na disenyo upang matukoy ang public speaking anxiety at

kaugnayan nito sa paggamit ng wikang Filipino ng nagtatalumpati. Ayon kay

Adedoyin (2020) ang kwantitatibong pananaliksik ay isang proseso ng

pangongolekta ng estadistikang datos.

Lokal ng Pag-aaral

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao

- Kampus sa Lungsod ng Kidapawan na matatagpuan sa Sudapin, lungsod ng

Kidapawan City.

Respondente ng Pag-aaral

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa

kolehiyo na kumuha ng kursong Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon ng


22

Pamantasan ng Katimugang Mindanao - Kampus sa Lungsod ng Kidapawan na

nasa ikalawang taon na kumuha ng medyor sa Filipino taong 2023. Simple

Random sampling ang ginamit ng mananaliksik upang mapili ang mga

respondente na binigyan ng talatanungan na kanilang sinagutan.

Instrumentong Ginamit

Gumawa at gumamit ang mananaliksik ng sarbey kwestyuner na

naglalaman ng tatlumpung (30) tanong sa kabuuan na may sampung (10) tanong

bawat baryabol. Ang talatanungan ay kinapapalooban ng mga tanong na may

ugnayan sa public speaking anxiety tungo sa paggamit ng wikang Filipino ng

nagtatalumpati. Naglagay ang mananaliksik ng 5 points-likert scale pagpipilian

upang masagutan ang talatanungan. Kung saan ito ay may deskripsyong lubos

na sumasang-ayon, sumasang-ayon, neutral, hindi sumasang-ayon, at hindi

lubos sumasang-ayon.

Pamamaraan sa Pagpili ng Sampol

Ang pamamaraan sa pagpili ng sampol na ginamit sa pag-aaral na ito ay

simple random sampling. Ito ay isang paraan upang makakalap ng impormasyon

sa lahat ng miyembro ng isang populasyon. Ayon kay Singh (2003) ang simple

random sampling ay pinakamadali at pinakakaraniwang paraan sa pagpili ng

sample, kung saan ang sample ay pumili mula sa isang yunit papunta sa isa

pang yunit na may parehong probabilidad ang bawat isa.


23

Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Bago ibinahagi ang talatanungan sa mga respondente ay kinakailangan

na gumawa ang mananaliksik ng liham pahintulot at humingi ng pag-apruba sa

dekana sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao - Lungsod ng Kidapawan

upang makapagsimula sa pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng

pagsagot ng ng mga respondente sa sarbey kwestyuner na naglalaman ng

tatlumpung (30) tanong sa kabuuan at sampung (10) tanong bawat baryabol.

Pagkatapos maaprubahan ang mananaliksik ay nagsagawa na ng sarbey sa

kanyang respondente na mula sa ikalawang taon na mag-aaral sa kursong

batsilyer sa sekundaryang edukasyon medyor sa Filipino. Ang mananaliksik ang

sumukat, sinuri, at inaanalisa ang mga datos na nalilikom upang matukoy ang

kalalabasan ng pag-aaral.

Estadistikang Ginamit

Spearman rho, frequency count, percentage distribution, at mode ang

estadistikang ginamit ng mananaliksik upang masiguro ang kalidad at

kawastohan ng resulta.

Ang Spearman rho correlation coefficient ay deskriptibong estadistika. Ibig

sabihin, binubuod nito ang katangian ng mga datos. Partikular nitong nilalarawan

lakas at direksiyon ng kaugnayan, linear sa pagitan ng dalawang kwalitatibong

baryabol (Turney, 2022).


24

Ang frequency count naman ay isang paraan sa pagbilang ng tiyak na

aytem sa isang kategorya ng isang (Gall & Borg, 2014).

Habang ang percentage distribution naman ay tumutukoy sa porsyento ng

mga kategorya sa mabibilang na sampol (Pallant, 2016). At ang panghuli ay

mode.
25

RESULTA AT DISKUSYON

Ang bahaging ito ay naglalaman ng resulta at diskusyon ng pag-aaral

batay sa nakuhang resulta ng datos na nakalap ng mananaliksik mula sa mga

respondente na siyang ipinasuri gamit ang estadistika.

Antas sa Paggamit ng Wikang Filipino

Ang talahanayan 1 ay naglalahad ng resulta ng sarbey tungkol sa Antas

ng paggamit ng wikang Filipino. Ito ay may pangkalahatang mode na 4 at

deskripsyong Sumasang-ayon. Ang pagsang-ayon ng mga respondente sa mga

pahayag ay nagpapahiwatig ng mas mabisang gamitin ang wikang Filipino lalo

na sa pagpapalaganap ng kultura at edukasyon, higit na naiintindihan ng mga

mag-aaral ang wikang Filipino kaysa sa wikang Ingles. Sa pamamagitan ng

paggamit nito ay nagbibigay daan para sa mas makabuluhang komunikasyon at

may mabisang pag-unlad sa mga kasanayang pang-akademiko. Sa isang

banda, ang sitwasyon ng wika ay maaaring unawain sa iba’t ibang antas at

manipestasyon. May pangangailangan na mapalitaw ang tiyak na konteksto

hinggil sa kung paano ginagamit, at sa kung ano ang gamit ng isang partikular na

wika. Bagaman ang ganitong tunguhin ay maaaring magawa sa pamamagitan ng

obserbasyon lamang. Isinasaalang-alang dito ang indibidwal na impormasyon,

kanilang relasyon sa isa’t isa at uri ng wika na kanilang ginagamit sa

komunikasyon (Baym, 1995).


26

Sa talatanungan 1 may mga pahayag na mayroong magkaparehas ang

mode kung saan makikita rito na pito (7) mula sa sampu (10) na mga pahayag

ang lubos na sinang-ayunan ng mga respondente. Ang pahayag na “Malaya

kong ginagamit ang wikang Filipino sa pasalita man o pasulat” ay lubos na

sinang-ayunan at may mode na lima (5). Nangangahulugan lamang ito na mas

madali sa mga mag-aaral ang paggamit ng wikang Filipino sa pagsasalita at

pagsusulat sapagkat mas maraming ideya ang kanilang naiisip kapag Filipino

ang wikang kanilang ginagamit. Ang wikang Filipino rin ang nagbibigay-daan

upang maipahayag ang kanilang sarili nang malaya at makapangyarihan na

siyang nagpapalakas ng kanilang kakayahan sa pakikipag-ugnayan. Sa pag-

aaral ni Valdez (2019) ang wika ay midyum ng pakikipagkomunikasyon sa

pasalita man o pasulat sapagkat ito ay maituturing na tagapagdala ng ideya.

Ginagamit ito sa pagpapahayag ng kaisipan, ideya, kuro-kuro, saloobin at

damdamin kaya ang mabisang pakikipagkomunikasyon ay sadyang mahalaga

para sa lahat. Ang panahon ay binabago ng oras at angkaalaman sa mabisang

pakikipagkomunikasyon ay nararapat lamang nasumulong upang higit na maging

epektibong maiparating at maipaunawa saating kapwa ang ating kaisipan at

ideya.

Lubos na sinang-ayunan ng mga respondente ang pahayag na “Ang

paggamit ng wikang Filipino ay isa sa mga salik na nagpapaunlad ng wika” na

may 5 na mode. Nangangahulugan ito na ang mga respondente ay naniniwala

na ang paggamit mismo ng wikang Filipino ang siyang makakapagpapaunlad ng

wika. Dahil kapag ginagamit ang wika ay mas nabubuhay ito at nagiging
27

intelektwalisado. Ang wikang Filipino ay isa sa yaman ng kultura ng Pilipinas sa

pamamagitan ng palagiang paggamit sa komunikasyon, edukasyon, at kultura ay

nagiging mas makulay at makabuluhan ito. Gayundin ay may malaki itong tulong

sa lipunan at kultura ng bansa. Ipinahayag ni Gutierrez (2017) na ang wika ang

pinakamahalagang bagay na tinatangkilik ng mga mamamayan upang umunlad

ang wika sa buong bansa.

Ang pahayag na “Naibabahagi ko sa iba ang aking kaalaman sa wikang

Filipino” na may 5 na mode. Batay sa naging kasagutan ng mga respondente

naibabahagi nila ang kanilang kaalaman sa wikang Filpino, tulad na lamang sa

pagpapalaganap kaalaman sa pamamagitan ng pagtuturo o pagbabahagi ng

kanilang kaalaman, ikaw ay nagiging instrumento nila sa edukasyon at

pagbibigay impormasyon para sa iba.

Ang pahayag na “Ginagamit ko ang wikang Filipino kapag nagsasalita

ako sa harap ng tao” na may mode na 4 at deskripsyong sumasang-ayon.

Nangangahulugan lamang na mas madaling maipahayag ang mga kaisipan at

damdamin ng mas nauunawaan ito ng karamihan na siyang nagdadala ng

kahulugan, koneksiyon, at pagpapaunlad sa aspeto ng komunikasyon at kultura.

Madalas na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ang wikang Filipino kapag ang

nag-uusap ay magkaiba ang nakasanayang wikang ginagamit. Sa pamamagitan

ng wikang Filipino, nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang bawat Pilipino kahit

na mayroong ibat ibang wika ng bawat isla sa buong bansa kagaya ng Bisaya at

Kapampangan nagkakaintindihan ang bawat isa kapag ang ginagamit na wikang

pansalita ay Filipino. Ayon kina Agbones et. al (2016), na ang wika ay mahalaga
28

at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa

pakikipag-komunikasyon, pakikipaguugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat

isa. Ito rin ang naging daan upang tayo ay nagkakaunawaan at mas madaling

magkaintindihan

Ang pahayag na “Ginagamit ko ang wikang Filipino bilang midyum sa

pagkatuto” ay may mode na apat (4) na may deskripsyong sumasang-ayon. Ibig

sabihin, nakikita ng mga respondente na ang paggamit ng wikang Filipino ay

isang paraan o midyum sa pagkatuto. Marahil mas lubos silang natututo kung

ginagamit nila ay wikang pambansa sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman.

Ayon kay Del Rosario (2019) mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino bilang

midyum sa pagtuturo ng bawat paksa ng aralin upang lubos na maunawaan ng

mag-aaral. Sinabi rin nito na hindi lamang ito midyum sa pagtuturo kundi pati na

rin sa pagkatutu ng mga mag-aaral. Ayon kay Mallabo (2014), may mga

kadahilanan din kung bakit ginagamit natin ang sariling wika, isa na rito ay mas

madaling maintindihan at maisaisip ang mga leksyong itinuturong mga guro,

napapadali nito ang proseso ng pag-aaral, mas nakakarelaks, mas buhay,

masigla at impormal ang diskasyon, mas komportableng gamitin ang wikang

Filipino, mas nagpapartisipeyt at hindi naiilang ang mga estudyante kaya

nawawala ang hadlang o mga balakid ng komunikasyon, walang limitasyon sa

mga ideya, naiaaplay ang mga natututuhan sa pang-araw-araw na buhay at

naiistimulate ang pag-iisip ng estudyante.

Nakakuha ng mode na 4 ang pahayag na “May kasanayan ako sa

paggamit ng wikang Filipino” na may deskripsyong sumasang-ayon. Sanay ang


29

mga respondente na gumamit ng wikang Filipino at ito ay may malaking tulong

sa kanila sa pagsasalita, pagsulat at pakikipagtalastasan. Ang kasanayan sa

pagsasalita ay isang mabisang paraan upang matamo ang matagumpay na

pagtuturo. Sa matagal na panahon, ang kasanayan sa pagsasalita ay isang

pagsubok sa ginawang pagtuturo ng mga guro. Dito nasusukat ang kakayahan

ng mga guro sa tungkuling maturuan ang mga mag-aaral sa mabuting

pakikipagtalastasan o makipag-unawaan sa kaniyang kapwa. Ito ay kawakasan

ng sunud-sunod at binabalangkas ng mga aralin mula sa pagpapayaman ng

talasalitaan hanggang sa malikhaing pagsasalita (Tanawan, 2002)

Sinang-ayunan ng mga respondente ang pahayag na “Malinaw at

naiintindihan ko ang patnubay ng guro paggamit ng wikang Filipino” na may apat

(4) na mode. May sapat na pag-unawa ang mga respondente sa patnubay o

instraksyon ng guro sa loob ng silid aralan at sa talakayan. Mas madaling

maiintindihan ng mga mag-aaral ang mga sinasabi ng guro kapag Filipino ang

ginamit nitong salita.

Ang pahayag na “Mas madali kong maintindihan ang leksiyon sa

pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino” ay sinang-ayunan ng mga mag-

aaral na may 4 na mode. Nangangahulugan lamang ito na mabilis maunawaan

ng mga respondente ang leksiyon sa tulong ng wikang Filipino. Sa pamamagitan

ng paggamit ng wikang Filipino, sinang-ayunan ng mga mag-aaral na ang

paggamit ng wikang Filipino bilang panturo ay mas madali nila itong

maintindihan. Para kay Mallabo (2018) ang paggamit ng wikang Filipino bilang
30

midyum sa pagtuturo ay nakakatulong upang mas higit na maintindihan at

mabigyang halaga ng mga mag-aaral ang wikang Filipino.

Sa pahayag na “Wikang Filipino ang naging daan upang

magkakaintindihan kami ay aking kausap” na may 4 na mode sa diskripsyong

sumasang-ayon ang mga mag-aaral sapagkat mas nagkauunawaan ang bawat

isa kung Filipino ang ating gagamitin nagpapahiwatig din ito na sa tulong ng

wikang Filipino ay nagkakaunawaan ang mga respondente sapagkat ang wikang

ito ang nakasanayan na nila. Sa akda ni J (2019) Malinaw na ang wika ay isang

mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob

na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-

usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan,

makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan.

Ang pahayag na “Ginagamit ko ang wikang Filipino sa pakikipag-usap

upang mas yumabong pa ito” na may 4 na mode at deskripsyong sumasang-

ayon. Batay sa naging kasagutan ng mga respondente, ginagamit nila ang

wikang pambansa upang mas yumabong at mapaunlad pa ito. Dahil kapag

ginamit sa pakikipagtalastasan ang wikang Filipino mas nagiging makabuluhan

at intelektwalisado ito. Ayon kay De Leon (2020) ang Pilipinas sa kasalukuyan

ay isang wikang dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga

wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika sapagkat ito ay isang bansang

multilingguwal.
31

Talahanayan 1. Antas sa Paggamit ng Wikang Filipino

Mga Pahayag Mode Deskripsyon


1. Malaya kong ginagamit ang wikang Filipino sa 5 Lubos na
pasalita man o pasulat. sumasang-ayon
2. Ang paggamit ng wikang Filipino ay isa sa 5 Lubos na
mga salik na nagpapaunlad ng wika. sumasang-ayon
3. Naibabahagi ko sa iba ang aking kaalaman 5 Lubos na
sa wikang Filipino. sumasang-ayon
4. Ginagamit ko ang wikang Filipino kapag 4 Sumasang-ayon
nagsasalita ako sa harap ng tao.
5. Ginagamit ko ang wikang Filipino bilang 4 Sumasang-ayon
midyum sa pagkatuto.
6. May kasanayan ako sa paggamit ng wikang 4 Sumasang-ayon
Filipino.
7. Malinaw at naiintindihan ko ang patnubay ng 4 Sumasang-ayon
guro sa paggamit ng wikang Filipino.
8. Mas madali kong maintindihan ang leksiyon 4 Sumasang-ayon
sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
Filipino.
9. Wikang Filipino ang naging daan upang 4 Sumasang-ayon
magkakaintindihan kami ay aking kausap.
10. Ginagamit ko ang wikang Filipino sa 4 Sumasang-ayon
pakikipag-usap upang mas yumabong pa ito.
General Mode 4 Sumasang-ayon

Leyenda:

Iskeyl Deskripsyon Interpretasyon

5 Lubos na sumasang-ayon Lubos na nakakaapekto ang


ang pahayag sa mag-aaral
4 Sumasang-ayon Nakakaapekto ang pahayag sa
mag-aaral
3 Neutral Nakaaapekto o hindi
nakaaapekto
2 Hindi sumasang-ayon Hindi nakakaapekto ang
32

pahayag sa mag-aaral
1 Lubos na hindi sumasang-ayon Lubos na hindi nakakaapekto
ang pahayag sa mag-aaral

Self-confidence ng mga mag-aaral tungo sa paggamit ng wikang Filipino

Sa talahanayan 2.1 makikita ang self-confidence ng mga mag-aaral tungo

sa paggamit ng wikang Filipino na may pangkalahatang mode na 5 na may

deskripsyong lubos na sumasang-ayon. Nangangahulugang ang mga

respondente ay may mababang self-confidence na siyang nakaaapekto sa

kanilang akademikong performans. Ayon sa pag-aaral nina Nadiah et al., (2019),

ang kakulangan sa self-confidence ay nagpapahirap sa mga estudyante sa

pagsasalita dahil sa kanilang negatibong pag iisip, kakulangan sa paghahanda,

kakulangan sa bokabularyo at abilidad. Napansin din na ang self-confidence ay

may malaking impluwensiya sa pagkatuto at performans ng mga estudyante sa

klase.

Makikita rito na halos lahat ng pahayag ay may mode na 5 na kung saan

ito ay may deskripsyon na lubos na sumasang-ayon. Ang pahayag na “Madalas

kong nakakalimutan ang ideyang nais kong sabihin” ay lubos na sinang-ayunan

ng mga respondente na madalas nilang makalimutan ang ideyang nais nilang

ibahagi. Nagpapakita ito na maaaring sila ay kinakabahan o talagang

makakalimutin.

Sa pahayag na “Kinakabahan ako tuwing nagsasalita ako sa harapan” na

may 5 na mode at deskripsyon na lubos na sumasang-ayon. Ibig sabihin, ang

mga respondente ay nakadamdam ng kaba kapag nasa harap na sila ng


33

maraming tao. Nababahala ang karamihan na respondente kapag sila ay

nagsasalita sa harap ng maraming tao madali silang mawala sa pagsasalita.

Batay kay Rafek (2013) ang pagkakaroon ng pakiramdam na binabantayan sila

ng iba ay nagpapaalala ng kanila ng pagiging walang tiwala sa sarili at hindi

makakapag-perform nang maayos sa klase dahil sa kabang idinudulot nito. Kahit

sa maliit na grupo, mas kinakabahan ang mga mag-aaral dahil sa takot na

mabigyan ng negatibong pag-evaluate ng kanilang mga kasamahan.

Ang pahayag na “Hindi ko maiwasan na galawin ang aking kamay kapag

nagtatalumpati” na lubos na sinang-ayunan ng mga mag-aaral na may 5 na

mode. Nangangahulugan lamang ito na sa tuwing nagtatalumpati ang mga

respondente ay hindi nila maiwasan ang mga nakagawiang kilos tulad ng

pagkumpas ng kamay kahit saan, pagpadyak ng paa at iba pa habang

nagsasalita sa harap ng maraming tao na marahil ay dahil sa kaba o takot. Ayon

sa pag-aaral ni Meadow at Alibali Natuklasan na ang mga gesto ng mga

tagapagsalita kapag sila'y nagsasalita ay bahagi ng komunikasyon at maaaring

magamit sa maraming paraan. Sumasalamin ang galaw sa mga saloobin ng mga

tagapagsalita, madalas ang kanilang di-pinasasalitang mga saloobin, at

maaaring magamit bilang bintana tungo sa kognisyon.

Lubos na sumasang-ayon ang mag-aaral sa pahayag na “Bumababa ang

aking kumpiyansa sa sarili kapag nakikita kong walang nakikinig” na may 5 mode

nangangahulugan lamang na ang mga respondente ay kakikitaan ng pagbaba ng

kumpyansa sa sarili sa panahon na napapansin nilang walang nakikinig o

nagbibigay interes sa kanila. Ayon kay Nikitina (2011) maraming dahilan upang
34

mawalan ng interes ang tagapakinig isa rito ang paggamit ng monotonong boses

na siyang nagpapawala ng atensyon ng tagapakinig na maaaring maghatid ng

antok sa iilan dahil sa walang buhay na pagpapahayag, walang emosyon at

nakababagot ito.

Sa pahayag na “Mas komportable akong magtanghal sa loob ng klase

kaysa sa entablado” ay may mode na 5 at deskripsyong lubos na sumasang-

ayon. Ibig sabihin ang mga respondente ay nagiging komportable kapag ang

kaharap lamang nito ay ang kanyang mga kaklase kapag siya ay nagtatanghal o

nagtatalumpati mas marami ang iyong maipahayag na ideya lalo na at kakilala

mo ang iyong mga tagapakinig.

Lubos na sinang-ayunan ng mag-aaral ang pahayag na “Madali akong

nagagambala ng mga bagay sa aking paligid” at “Madalas natutuon ang aking

atensiyon sa dingding o kisame” na may mode na 5 at deskripsyong lubos na

sumasang-ayon. Nagpapahiwatig lamang ito na ang mga respondente ay may

kakulangan sa pagiging produktibo o kaya ay nawawala sila konsentrasyon na

siysng dahilan sa madaling paggambala sa paligid. Ayon Kay Webster (2014),

isang distraction ay isang bagay na nagpapahirap para sa isang tao na mag-isip

o maglaan ng atensyon. Ang salitang distraction ay may negatibong konotasyon

sapagkat karaniwang iniisip ito bilang nakakasira sa pagsasalita sa harap ng

maraming tao. Ayon kay Juneja (2011), ang mga auditory distractions na

nagmumula sa paligid ng kapaligiran sa trabaho ay maaaring magdulot ng

pinsala sa isang taong nagsasalita.


35

Ang pahayag na “Madalas akong gumagamit ng filler words tulad ng

“aaahh” o “uhmm” kapag nagtatalumpati” ay may 4 na mode at deskripsyong

sumasang-ayon. Batay sa naging kasagutan ng mga respondente ay

nakapagbibigay sila ng impresyon na hindi tiyak o naaayon para sa ginagawang

pagtatalumpati na maaaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa

pakikipagtalastasan ng maayos. sinang-ayunan ng mga mag-aaral na kung saan

hindi ito maiwasan lalo na kapag kinakabahan ang isang mag-aaral. Ayon sa

pag-aaral Erten (2014) ang hindi pangkaraniwang bagay na ito ay karaniwang

tinatawag na tagapuno kung saan ang isang tao inihinto ang kanilang

pagsasalita upang isipin kung ano ang nais nilang sabihin madalas na ginagamit

ng mga tao ang uh, er, um, ah, ehm, o mga katulad na expression.

Sinang-ayunan ng mga respondente ang pahayag na “Madalas akong

umiwas ng tingin sa aking tagapakinig” na may mode na apat (4) at deskripsyong

sumasang-ayon. Ang bawat isa ay may magkakaibang antas pagdating sa

pakikipag-ugnay sa mata ay maaari ding sanhi ng pagkamahiyain o kawalan ng

kumpiyansa. Sa pag-aaral nina brooks at Wilson (2014) maraming mag-aaral

ang nakikitaan ng mababang tiwala sa sarili ukol sa pagtingin ng direkta sa mata

ng kausap o tagapakinig. Ngunit napakahalaga na makipag-ugnay sa publiko

gamit ang pagtingin ng daritso sa mata sa kahit anumang uri ng pagtatanghal

mapasalita man o sign language.

Ang pahayag na “Nagagambala ako sa pagsasalita kapag may nakatitig

sa akin” na may apat (4) mode at deskripsyon na sumasang-ayon. Napatunayan

ni Derryberry at Reed (2002) na ang sariling ulat ng pagkokontrol ng pansin ay


36

nagpapakita ng kakayahan sa pagganap sa isang obhetibong gawain ng pag-

kokontrol ng pansin mas maaring malampasan ng mga indibidwal na may

mataas na antas ng pag-aalala ang nais ng kanilang pansin para sa

nakababahalang impormasyon sa isang gawain na dot-probe sa abot-kaya nila

ring iniulat na mataas ang antas ng kanilang pag-kokontrol ng pansin. Nagbigay

rin ng ebidensya sina Peers at Lawrence (2009) na ang mga sariling ulat tungkol

sa pagkokontrol ng pansin ay nagpapakita ng pag-predict sa obhetibong pag-

ganap sa isang mabilis na sunod-sunod na pagpapakita ng mga biswal na

pampasagabal.

Fear of Negative Evaluation Tungo sa paggamit ng Wikang Filipino

Sa talahanayan 2 makikita ang takot sa negatibong ebalwasyon ng mga

mag-aaral tungo sa paggamit ng wikang Filipino. Ito ay pagkabahala o kaba ng

isang tao sa paggamit ng wikang Filipino sa kanyang pag-aaral lalo na kung may

takot siya na mabigyan ng negatibong pagsusuri o hindi magandang feedback.

Ayon kina Lucas et al, (2011), ang negative evaluation ay takot na humahantong

sa isang anxiety speaking na nagiging dahilan ng pagkatakot ng mga mag-aaral

na magsalita sa klase. Kapag natatakot silang magsalita, nahihirapan silang

bumuo ng katatasan na kinakailangan upang mapabuti ang kanilang mga

kasanayan sa pagsasalita ng wikang Filipino.

Makikita rito na lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral sa pahayag

na “Natatakot akong pagtawanan ng ibang estudyante habang nagsasalita” at

“Takot akong pagtawanan ang paraan ng aking pagsasalita” na parehong may

mode na 5 at deskripsyong lubos na sumasang-ayon. Ibig sabihin, ang mga


37

respondente ay nakadarama ng takot na pagtawanan kung sila ay nagsasalita sa

harap. Marahil dahil hindi sila sanay na nagsasalita o nagtatalumpati at hindi nila

kabisado ang kanilang sasabihin. Ayon sa pag-aaral ni Walter de Gruyter (2009)

ang takot na pagtawanan ng iba ay tinatawag na gelotophobia kung saan

natatakot silang pagtawanan ng iba habang nagsasalita na siyang nagdudulot ng

negatibong epekto palagi nilang iniisip na sa tuwing sila ay nagsasalita

pinatatawanan din siya ng tagapakinig nito.

Sa pahayag na “Takot akong marinig ang kanilang puna sa akin” na may

mode na 5 at deskripsyong lubos na sumasang-ayon ng mga mag-aaral.

Ipinapakita lamang nito na ang mga respondente ay hindi sanay makatanggap o

makarinig ng puna o komento mula sa mga guro na siyang nagiging dahilan sa

pagkakaroon ng takot sa negatibong ebalwasyon. Sinabi sa pag-aaral nina

Torres at Turner (2016), ang anxiety ng isang tao ay pagkalula tungkol sa isang

paparating na sitwasyon, natatakot silang makinig sa mga puna ng guro

patungkol sa kanilang ginawang pagtatalumpati. Nakakaramdam din sila ng pag-

aalala tungkol sa epekto at iba pang pananaw kung sila ay nagkamali. Marami sa

mga mag aaral na nakakaranas ng anxiety na nagpapakita ng malawak na

hanay ng mga negatibong pag-uugali at sintomas.

Ang “Natatakot akong makita ng iba ang aking pagkakamali habang

nagsasalita” na pahayag ay may mode na 5 at deskripsyong Lubos na sumang-

ayon. Nangangahulugan lamang ito na ang mga respondente ay natatakot na

magkamali at makita ng iba dahil ito ay may epekto sa kanilang kumpyansa sa

sarili at performans. Sa pag-aaral nina Bugayong at Ibojo (2023) kinakakatakutan


38

nila ang kahihiyan na dulot ng pagkakamali sa harap ng publiko, lalo na kung ito

ay may kasamang masasakit na komento mula sa mga manonood. Ang pag-

aaral nina Cetin, Ilhan at YIlmaz (2014) ay nagpapakita ang fear of receive

negative criticism ay may kaugnayan sa academic risk behavior. Napag-alaman

na kapag mataas ang lebel nag takot sa pagkakamali ay nakapagpababa ng

antas nag academic risk.

Lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral sa pahayag na “Kapag

may kausap ako, nag-aalala ako kung ano ang iniisip nila tungkol sa akin” na

may mode na lima (5). Ang mga mag-aaral ay nag-aalala sa kung ano ang iniisip

ng kanilang kausap. Sa pag-aaral nina Kumar et al., (2015) Kapag ang mga

indibidwal ay may fear of negative evaluation nagpapakita ito ng hindi

magandang social performance sa mga social situation, ito ay nagiging sanhi ng

negatibong pagtingin sa kanila ng mga tagamasid. Kapag ang mga tao ay may

negatibong nararamdaman tungkol sa ibang tao at, ang takot sa pag-aalala na

kung ano iniisip ng iba tungkol sayo subalit sinasabi nila sa kanilang sarili na

wala silang kaugnayan sa taong iyon, ang paniniwalang ito ang siyang

nagdudulot ng negatibong nararamdaman na nagiging sanhi ng social rejection

na ating nasasaksihan.

Ang “Takot akong makitang kumukunot ang noo ng aking guro kapag

ako'y nagsasalita sa harapan” na pahayag ay may limang (5) mode. Lubos na

sumasang-ayon ang mga mag-aaral na takot sila na makitang kumunot ang noo

ng guro habang nagsasalita sa harapan. Sa pag-aaral nina Grieve et al. (2021)

Ang resulta ng survey na ito ay ang pagkiilala ng mga partikular na takot ng mga
39

mag-aaral sa pagsasalita sa harap ng maraming tao lalo na pagnakikita Niya ang

pagkunot ng kanilang mga noo at nagbibigay ng ebidensya ng kabuuang

negatibong epekto nito sa kanilang karanasan sa higher education.

Sa pahayag na “Mas lalo akong nagkakamali kapag nararamdaman ko na

may tumatawa habang nagsasalita” na may mode na lima (5) at deskripsyong

lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral sapagkat nadaragdagan ang

kanilang kaba kung kaya sila ay nagkakamali kapag may nakita silang tumatawa

habang sila ay nagsasalita. Sila'y lalo na natatakot kung sila'y pagtatawanan, ng

iba dahil sa kanilang performans, gaya ng karamihan sa mga tao na natatakot

gumawa ng pagkakamali dahil sa takot na baka sila'y tawanan at ituring na

kakaiba ng iba (Jones, 2000).

Lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral sa pahayag na

“Nadadagdagan ang aking kaba kapag may maling salita o kataga akong

nabibigkas” na may mode na lima (5) lubos silang sumasang-ayon sa pag-

aakalang pagtatawanan o makatanggap ng hindi magandang pidbak mula sa

guro at kaklase.

Nakakuha ng apat (4) na mode ang pahayag na “Madalas akong nag-

aalala na may masabi o magawang maling bagay kapag nagsasalita” kung saan

sumasang-ayon ang mga mag-aaral na madalas silang nag-aalala na may

masabi o makagawa ng mali habang nagsasalita. Ayon kay Lawtie (2004),

maaring maapektohan ang mga problema sa pagsasalita ng emosyonal na

kalagayan ng isang tao. Madalas mas malinaw ang pagsasalita kapag ang isang

tao ay may kumpiyansa at relaxed, at ito ay isa sa mga pinakamahalagang faktor


40

na dapat isaalang-alang kapag nakikipag-ugnayan sa mga taong may mga

problema sa pagsasalita.

Talahanayan 2. Self-confidence ng mga Mag-aaral Tungo sa Paggamit ng


Wikang Filipino.

Pahayag Mode Deskrisyon


1. Madalas kong nakakalimutan ang 5 Lubos na sumasang-
ideyang nais kong sabihin. ayon
2. Kinakabahan ako tuwing nagsasalita 5 Lubos na sumasang-
ako sa harapan. ayon
3. Hindi ko maiwasan na galawin ang 5 Lubos na sumasang-
aking kamay kapag nagtatalumpati. ayon
4. Bumababa ang aking kumpiyansa sa 5 Lubos na sumasang-
sarili kapag nakikita kong walang ayon
nakikinig.
5. Mas komportable akong magtanghal 5 Lubos na sumasang-
sa loob ng klase kaysa sa entablado. ayon
6. Madali akong nagagambala ng mga 5 Lubos na sumasang-
bagay sa aking paligid. ayon
7. Madalas natutuon ang aking 5 Lubos na sumasang-
atensiyon sa dingding o kisame. ayon
8. Madalas akong gumagamit ng filler 4 Sumasang-ayon
words tulad ng “aaahh” o “uhmm” kapag
nagtatalumpati
9. Madalas akong umiiwas ng tingin sa 4 Sumasang-ayon
aking tagapakinig.
10. Nagagambala ako sa pagsasalita 4 Sumasang-ayon
kapag may nakatitig sa akin.
General Mode 5 Lubos na sumasang-
ayon

Talahanayan 2.2 Takot sa Negatibong Ebalwasyon Tungo sa Paggamit ng


Wikang Filipino.

Pahayag Mode Deskripsyon


Natatakot akong pagtawanan ng ibang 5 Lubos na sumasang-
estudyante habang nagsasalita. ayon
Takot akong marinig ang kanilang puna sa 5 Lubos na sumasang-
41

akin. ayon
Natatakot akong makita ng iba ang aking 5 Lubos na sumasang-
pagkakamali habang nagsasalita. ayon
Kapag may kausap ako, nag-aalala ako 5 Lubos naSumasang-
kung ano ang iniisip nila tungkol sa akin. ayon
Takot akong pagtawanan ang paraan ng 5 Lubos na sumasang-
aking pagsasalita. ayon
Takot akong makitang kumukunot ang noo 5 Lubos na sumasang-
ng aking guro kapag ako'y nagsasalita sa ayon
harapan.
Mas lalo akong nagkakamali kapag 5 Lubos na sumasang-
nararamdaman ko na may tumatawa ayon
habang nagsasalita.
Nadadagdagan ang aking kaba kapag may 5 Lubos na sumasang-
maling salita o kataga akong nabibigkas. ayon
Takot akong tumingin sa mata nang direkta 5 Lubos na sumasang-
sa aking guro at kaklase ayon
Madalas akong nag-aalala na may masabi o 4 sumasang-ayon
magawang maling bagay kapag nagsasalita.
General Mode 5 Lubos na sumasang-
ayon

Leyenda:

Iskeyl Deskripsyon Interpretasyon

5 Lubos na sumasang-ayon Lubos na nakakaapekto ang ang


pahayag sa mag-aaral
4 Sumasang-ayon Nakakaapekto ang pahayag sa
mag-aaral
3 Neutral Nakaaapekto o hindi nakaaapekto

2 Hindi sumasang-ayon Hindi nakakaapekto ang pahayag


sa mag-aaral
1 Lubos na hindi sumasang-ayon Lubos na hindi nakakaapekto ang
pahayag sa mag-aaral
42

Kaugnayan ng public speaking anxiety sa mga tuntunin ng self-confidence

at fear of negative evaluation sa paggamit ng wikang Filipino

Makikita sa talahanayan 3 ang ugnayan ng antas sa paggamit ng wikang

Filipino at sa public speaking anxiety sa tuntunin ng self confidence ito ay may p-

value na .896 > 0.05 level of significance, ito ay nangangahulugang walang

mahalagang ugnayan ang antas sa paggamit ng wikang Filipino sa self

confidence ito ay may desisyon na Do not reject Ho.

At ang fear of negative evaluation na may p-value na .545 > 0.05 level of

significance, ito ay nangangahulugang Walang mahalagang ugnayan ang antas

sa paggamit ng wikang Filipino sa fear of negative evaluation na may desisyon

na Do not reject Ho.

Bagaman nagpapakita na mataas ang epekto ng public speaking anxiety

sa paggamit ng wikang Filipino para sa mga mag-aaral, maaaring wala o mahina

ang kaugnayan ng public speaking anxiety sa paggamit ng wikang Filipino. Ang

resulta ay nagpapahiwatig na ang public speaking anxiety at paggamit ng wikang

Filipino ay hindi magkaugnay at ito ay sinuportahan kina Kamridah et al., (2015)

na natuklasan na ang public speaking anxiety ay hindi nauugnay sa paggamit ng

wikang Filipino sa kasanayan ng mga mag-aaral. Ibig sabihin kahit na ang mga

mag-aaral ay may mataas na public speaking anxiety hindi ito

nangangahulugang sila ay hindi na rin magaling sa paggamit ng wikang Filipino.


43

Talahanayan 3. Kaugnayan ng public speaking anxiety sa mga tuntunin ng


self-confidence at fear of negative evaluation sa paggamit ng wikang
Filipino

Variables Spearman’s P – Value Decision Interpretation


Rho Value

Do not Walang
reject mahalagang
Antas &
Pair 1 -.048 .896 Ho. kaugnayan.
SelfConfidence

Pair 2 Do not Walang


reject mahalagang
Antas &
.218 .545 Ho. kaugnayan.
FearofNegative

**Significant at 0.05
44

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa bahaging ito makikita ang buod ng pag-aaral, komklusyon at

rekomendasyon ng mananaliksik.

Buod

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang antas ng paggamit sa

wikang Filipino ng mga nagtatalumpati, matukoy ang salik sa public speaking

anxiety ng mga mag-aaral sa mga tuntunin ng self-confidence at fear of negative

evaluation, at matukoy ang kaugnayan ng public speaking anxiety sa paggamit

ng wikang Filipino.

Ang pag-aaral na ito ay deskriptibong korelasyonal na pagsusuri ng mga

datos. Random sampling kung saan ito ay isang paraan upang makakalap ng

impormasyon sa lahat ng miyembro ng isang populasyon. May kabuuang

tatlumpot walo (38) na mga kalahok na ikalawang taon sa kursong Batsilyer ng

Sekundaryang Edukasyon medyor sa Filipino ng Pamantasan ng Katimugang

Mindanao Kampus sa Lungsod ng Kidapawan.

Una, nagbigay ng liham ang mananaliksik sa dekana ng koleheyo ng

edukasyon sining at agham ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao Kampus

sa Lungsod ng Kidapawan at pagkatapos na maaprubahan ito ay nagbigay na ng

katanungan ang mananaliksik sa mga respondente.

Pagkatapos na nalikom at naanalisa ang mga datos, makikita sa

talahanayan 1 na sumasang-ayon ang mga respondente ang mga pahayag dahil


45

nakakuha ito ng kabuuang mode na apat (4) na may deskripsyong “sumasang-

ayon”. Makikita rin sa talahanayan 2.1 at 2.2 na may mode na lima (5) at

dekripsyon na “lubos na sumasang-ayon” ng mga respondente na sa pahayag

na may kaugnayan ang tiwala sa sarili at takot sa negatibong ebalwasyon sa

paggamit ng wikang Filipino ng mga nagtatalumpati sapagkat lubos na sinang-

ayunan ng mga respondente ang lahat ng pahayag ukol sa mga ito. Napapaloob

sa resulta ng pag-aaral na kikita sa talahanayan 3 na walang mahalagang

kaugnayan ang antas ng paggamit sa wikang Filipino sa tiwala sa sarili at takot

sa negatibong ebalwasyon ng mga nagtatalumpati. Ipinakita sa resulta na

tinanggap ang pangunahing palagay (Ho) sapagkat ang resulta ng datos ay may

p-value na .896 at .545 na mas malaki sa 0.05 na level of significance.

Konklusyon

Matapos ang masusing pananaliksik sa pamamagitan ng mga nakalap na

datos ang mananaliksik ay nakabuo ng mga konklusyon na ang mag-aaral mula

sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao lungsod ng Kidapawan na nasa

ikalawang taon sa Batsilyer Sekundaryang Edukasyon medyor sa Filipino ay may

mataas na antas pagdating sa paggamit ng wikang Filipino.

Samantala ang self confidence at fear of negative evaluation ay ilan

lamang sa mga dahilan kung saan nakaaapekto sa kanilang kakayahan sa

paggamit ng wikang Filipino. Batay sa naging resulta walang mahalagang

kaugnayang ang public speaking anxiety sa paggamit ng wikang Filipino ng mga

nagtatalumpati.
46

Rekomendasyon

Sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik ang mga

sumusunod:

1. Maaaring gawing kalahok sa pag-aaral ang mga hindi medyor sa Filipino na

sumali sa patimpalak sa talumpati na gumamit ng wikang Filipino.

2. Dahil may mataas na antas ang paggamit ng wikang Filipino ng mga mag-

aaral. Iminumungkahi na laliman pa at pag-ibayuhin ang paggamit nito lalo

na sa larangan pang-edukasyon at propesyunal.

3. Inirerekomenda na palakasin pa ang kumpyansa sa sarili upang makasabay

sa bugso ng pakikipagtalastasan at komunikasyon.

4. Maaaring dagdagan ang bilang ng kalahok sa susunod na pananaliksik.


47

TALASANGGUNIAN

Adedoyin, O. (2020). _Quantitative_Research_Method


https://www.researchgate.net/publication/340594619

Arocena, M.A. (2019). Self-confidence and L2 proficiency in the expression of


Filipino among international students. Language Testing in Asia, 9(3), 1-
14. doi: 10.1186/s40468-019-0084-4

Asis, F. P. (2016). Kakayahang gramatika sa Filipino ng mga mag-aaral ng


kolehiyo. Unpublished undergraduate thesis, Polytechnic University of the
Philippines, Manila

Angelia & Listyani. (2019). Freshmen’s anxiety in an intensive listening class: A


qualitative study. Educational Research and Reviews, 14(12), 443-457.
doi: https://doi.org/10.5897/ERR2018.3624

Blood E., G.W. Blood, I.M. Blood, K. Maloney, C. Meyer, C.D. (2007). Qualls
Anxiety levels in adolescents who stutter. Journal of Communication
Disorders, 40, 452–469

Bodie, G. D. (2010). A racing heart, rattling knees, and ruminative thoughts:


Defining, explaining, and treating public speaking anxiety. Communication
Education, 59(1), 70–105. https://doi.org/10.1080/03634520903443849

Canales and Swainhttps://www.ipl.org/essay/Comunicative-Competence-Theory-


FJSC3TD42AG

Dar, M. F. & Khan, I. (2014). Oral Communication Apprehension Among


Undergraduate Engineering Students in Pakistan. Journal of Education
and Social Sciences, 2(2), 144–153.
https://geistscience.com/JESS/issue2-14/Article4/JESS1402104.pdf

Dawood, E., Hind Al Ghadeer, R. M., Almutary, N., & Alenezi, B. (2016).
Relationship between test anxiety and academic achievment among
undergraduate nursing students. Journal of Education and Practice, 7(2),
57-65. https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1089777.pdf

De Leon (2020) Ernesto Constantino and the Filipino Language:Intellectual


Biography of a Pillar of Linguistics and Language Planning in the
Philippines December 2020, pp. 1–21 De La Salle University, Manila
48

Dumadag, C. M. L., & Llanto, L. G. (2018). Language proficiency and self-


confidence of Filipino college students in using English and Filipino.
Journal of Language and Education, 4(2), 68-79.

Espina, M.G.T. (2015). The Use of Language in Delivering Emotions in Public


Speaking: A Comparative Study between English and Filipino Languages.
Lyceum of the Philippines University - Laguna.

Ganesh Kumar J1*, Athilakshmi R1, Maharishi R1, Maya R2 (2015) Relationship
between Fear of Negative Evaluation and Anxiety. The International
Journal of Indian Psychology ISSN 2348-5396 (e) | ISSN: 2349-3429 (p)
Volume 3, Issue 1, No.6, DIP: C03100V3I12015 http://www.ijip.in | October
– December, 2015 .

Grieve, R., Woodley, J., Hunt, S. E., & McKay, A. (2021) Student Fears of Oral
Presentations and Public Speaking in Higher Education: A Qualitative
Survey. Journal of Further and Higher Education, Vol 45(9), pp 1281-
1293.Retrieved from https://doi.org/10.1080/0309877X.2021.1948509

Jee, M. J. (2016). Exploring Korean heritage language learners’ anxiety: “we are
not afraid of Korean!” Journal of Multilingual and Multicultural
Development, 37(1), 56–74.

Jones, J.F. (2004). A cultural context for language anxiety.EA (English Australia)
J.21(2):30-29

Kamridah1, Abdul Hakim Yassi2, Burhanuddin Arafah3, Nasmilah Imran (2015)


Correlation between Level of Anxiety and Public Speaking Performance
through Systematic Learning Approach in Foreign Language Journal of
Science and Research (IJSR) ISSN (Online): 2319-7064 Index Copernicus
Value (2015): 78.96 | Impact Factor (2015): 6.391 DOI:
10.21275/ART20161991

Lar, M. A. A., & Maulina, M. (2021). STUDENTS’SELF-CONFIDENCE IN


SPEAKING FOR A LIVE PRESENTATION: A LITERATURE REVIEW.
Klasikal: Journal of Education, Language Teaching and Science, 3(3), 88-
95

Lee, J. (2015). COnnquer Grammar, Singapore Asia Publisher Ptc.Ltd.

Maclellan, E. (2014). How might teachers enable learner self-confidence? A


review study. Educational Review, 66(1), 59-74.

Magpile, J. M., & Cabrera, J. M. (2019). Developing language proficiency and


self-confidence: A case study of a Filipino college student. Language
Teaching Research, 23(2), 227-245.
49

Marsh, Sh. (2017). Online vs. Traditional Classroom: An Examination of Public


Speaking Anxiety in Community College Students. (PhD Dissertation,
Graduate Faculty of Auburn University, Alabama).

Merriam-Webster, n.d. Web. 15 Mar. 2013. "Distraction." Merriam-Webster.com.


Retrieved from <http://www.merriam-webster.com/dictionary/distraction>.

Nazarova, G. P., & Umurova, K. H. (2016). Self-confidence and its importance in


learning languages. International scientific journal, (4 (2)), 47-49

Nadiah, N. (2019). The students’ self-confidence in public speaking. Elite


Journal, 1(1), 1-12.

Pontillas, M. S. D. (2020). Reducing the public speaking anxiety of ESL college


students through popsispeak. 3L, Language, Linguistics, Literature, 26(1).
https://scholar.google.com/scholar?
start=10&q=public+speaking+anxiety+in+language+usage+&hl=en&as_sdt
=0,5

Raja, F. (2017). Anxiety level in students of public speaking: Causes and


remedies. Journal of Education and Educational Development, 4(1), 94–
110. https://doi.org/10.22555/joeed.v4i1.1001

Setiawan, T., & Sulhan, M. (2021). THE EFFECTS OF STUDENT’S SELF


CONFIDENCE AND VOCABULARY MASTERY TOWARDS SPEAKING
SKILL. INFERENCE: Journal of English Language Teaching, 4(1), 46-53.

Shamsuddin, W. N. F. W., Lee, N. W., Abdullah, A. N., & Heng, C. S. (2021).


Public Speaking Anxiety or English Language Anxiety?. International
Journal of Advanced Research in Education and Society, 3(2), 58-65.
https://scholar.google.com/scholar?
q=related:hpOkCxBoqH8J:scholar.google.com/
&scioq=public+speaking+anxiety+in+language+usage+&hl=en&as_sdt=0,
5#d=gs_qabs&t=1682347609492&u=%23p%3DhpOkCxBoqH8J

Singh, S. (2003). Simple random sampling. In advanced sampling theory with


applications (pp. 71-136). Springer, Dordrecht.

Sulastiani. (2017). Students’ perception toward Psychological Problems faced in


Public Speaking Class of English Department. Muhammadiyah University
of Makassar

Torres, K. M., & Turner, J. E. (2016). Students’ foreign language anxiety and self-
efficacy beliefs across different levels of university foreign language
coursework. Journal of Spanish Language Teaching, 3(1), 57–73.
https://doi.org/10.1080/23247797.2016.1163101
50

Toth, Z. (2017). Exploring the relationship between anxiety and advanced


Hungarian EFL learners’ communication experiences in the target
language: A study of high- vs low- anxiety learners. In G. Christina, D.
Mark and D. Jean-Marc (Eds.), New insight into language anxiety: Theory,
Research and Educational Implications (pp: 156-174). Second Language
Acquisition. Bristol, England: Multilingual Matters.
51

APENDESIS
52
Apendiks A
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- KIDAPAWAN CITY CAMPUS
Sudapin, Kidapawan City, North Cotabato

Agosto, 2023

DR. JEANNE Y. AURE


Dekana, CEAS
Sudapin, Lungsod ng Kidapawan

Ma’am:

Mapagpalang araw!

Ang may lagda ay mag-aaral sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao, Kampus


sa Lungsod ng Kidapawan na nasa ikatlong taon ng Batsilyer ng Sekundaryang
Edukasyon medyor sa Filipino at gumagawa ng pananaliksik na pinamagatang
“PUBLIC SPEAKING ANXIETY TUNGO SA PAGGAMIT NG WIKANG
FILIPINO NG MGA NAGTATALUMPATI”.

Kaugnay po nito, siya ay humihiling sa inyong butihing tanggapan na


pahintulutang makapangalap ng datos sa mga mag-aaral na nasa ikalawang
taon na kumukuha ng BSE-Filipino.

Ang inyong positibong tugon ay makatutulong sa ikatatagumpay ng nasabing


pag-aaral.
Maraming salamat po at pagpalain nawa kayo ng Panginoon.

Lubos na gumagalang,

MARIEL T. MOMO
Mananaliksik

Pinatotohanan ni:

ALGIN MAE A. LAGANG


Tagapayo

Pinagtibay ni:

DR. JEANNE Y. AURE


53

Dekana, CEAS
Apendiks B
Republika ng Pilipinas
PAMANTASAN NG KATIMUGANG MINDANAO -
KAMPUS SA LUNGSOD NG KIDAPAWAN
Sudapin, Lungsod ng Kidapawan, North Cotabato

Sarbey Kwestyuner

Sarbey tungkol sa salik sa public speaking anxiety tungo sa paggamit ng


wikang Filipino ng nagtatalumpati. Nilalayon nito na matukoy ang kaugnayan
public speaking anxiety tungo sa paggamit ng wikang Filipino ng nagtatalumpati.
Ang nakalap na datos ay gagamitin lamang upang masakatuparan ang mga
layunin sa nasagawang pag-aaral.

Pangalan
(Optional):_________________________________________________
Taon: _____________________

Legend Deskripsyon
5- Lubos na sumasang-ayon
4- Sumasang-ayon
3- Neutral
2- Hindi sumasang-ayon
1- Lubos na hindi sumasang-ayon

Talatanungan 1. Antas ng Paggamit ng Wikang Filipino ng mga mag-aaral.


Mga tanong 5 4 3 2 1

1. Ginagamit ko ang wikang Filipino kapag nagsasalita ako


sa harap ng tao.
2. Malaya kong ginagamit ang wikang Filipino sa pasalita
man o pasulat.
3. Ginagamit ko ang wikang Filipino bilang midyum sa
pagkatuto.
4. May kasanayan ako sa paggamit ng wikang Filipino.

5. Malinaw at naiintindihan ko ang patnubay ng guro


paggamit ng wikang Filipino.
6. Ang paggamit ng wikang Filipino ay isa sa mga salik na
nagpapaunlad ng wika.
7. Mas madali kong maintindihan ang leksiyon sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino.
54

8. Wikang Filipino ang naging daan upang


magkakaintindihan kami ay aking kausap.
9. Naibabahagi ko sa iba ang aking kaalaman sa wikang
Filipino.
10 Ginagamit ko ang wikang Filipino sa pakikipag-usap
upang mas yumabong pa ito.
.

Talatanungan 2.1. Tiwala sa sarili ng mga mag-aaral tungo sa paggamit ng


wikang Filipino.
Mga Tanong 5 4 3 2 1

1. Madalas akong gumagamit ng filler words tulad ng


“aaahh” o “uhmm” kapag nagtatalumpati.
2. Madalas akong umiwas ng tingin sa aking
tagapakinig.
3. Madalas kung nakakalimutan ang ideyang nais
kung sabihin.
4. Kinakabahan ako tuwing nagsasalita ako sa
harapan.
5. Hindi ko maiwasan na galawin ang aking kamay
kapag nagtatalumpati.
6. Bumababa ang aking kumpiyansa sa sarili kapag
nakikita kung walang nakikinig.
7. Nagagambala ako sa pagsasalita kapag may
nakatitig sa akin.
8. Mas komportable akong magtanghal sa loob ng
klase kaysa sa entablado.
9. Madali akong nagagambala ng mga bagay sa
aking paligid.
10. Madalas natutuon ang aking atensiyon sa
dingding o kisame.

Talatanungan 2.2. Takot sa Negatibong Ebalwasyon Tungo sa paggamit ng


Wikang Filipino
Mga tanong 5 4 3 2 1
1. Natatakot akong pagtawanan ng ibang estudyante
habang nagsasalita.
2. Takot akong marinig ang kanilang puna sa akin.
3. Natatakot akong makita ng iba ang aking
pagkakamali habang nagsasalita.
4. Madalas akong nag-aalala na may masabi o
55

magawang maling bagay kapag nagsasalita.


5. Kapag may kausap ako, nag-aalala ako kung ano
ang iniisip nila tungkol sa akin.
6. Takot akong pagtawanan ang paraan ng aking
pagsasalita.
7. Takot akong makitang kumukunot ang noo ng aking
guro kapag ako'y nagsasalita sa harapan.
8. Mas lalo akong nagkakamali kapag nararamdaman
ko na may tumatawa habang nagsasalita.
9. Nadadagdagan ang aking kaba kapag may maling
salita o kataga akong nabibigkas.
10. Takot akong tumingin sa mata ng direkta sa aking
guro at kaklase.
56

Apendiks C
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO-KIDAPAWAN CITY CAMPUS
Sudapin, Kidapawan City, North Cotabato

Research Ethics Information Sheet (REIS) Control No:

Information Sheet for PUBLIC SPEAKING ANXIETY TUNGO SA WIKANG


FILIPINO NG MGA NAGTATALUMPATI
Name of the Researcher(s) MARIEL T. MOMO
Course: BATSILYER NG SEKUNDARYANG EDUKASYON
Major: FILIPINO
Institution: UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO - KIDAPAWAN CITY
CAMPUS
School Year: 2022-2023

INTRODUCTION

You are invited to participate in a research study conducted by Mariel T. Momo,


at the University of Southern Mindanao-Kidapawan City Campus, because your
expertise is fitted in my study.

Your participation in my study is completely voluntary. Please take your time


reading the information below, and you are free to ask questions about anything
you do not understand, before deciding to participate or not.

If you decide to participate, you will be asked and required to sign this
Information Sheet. You will also be given a copy of the Ethics Participant
Consent Form (REC – Form 002).

PURPOSE OF THE STUDY


Ninanais ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng paggamit ng wikang
Filipino at salik ng public speaking anxiety sa tuntunin ng self-confidence at
fear of negative evaluation at ang kaugnayan nito sa wikang Filipino.

STUDY PROCEDURES
Isasagawa ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng pagbibigay
ng sarbey kwestyuner sa mga respondente na mag-aaral na nagsagawa ng
pagtatalumpati. Sinuri, at inaanalisa ang mga datos na nalilikom upang
matukoy ang kalalabasan ng pag-aaral. Maaring tumanggi ang
mananalumpati kapag sila ay hindi komportable sa gagawing pag-aaral.
57

POTENTIAL RISKS AND DISCOMFORTS


Sa pangangalap ng datos+, maaaring makadama ng hindi komportableng
saglit ang mga partisipante kung kaya’t sila ay bibigyan nang sapat na
panahon sa pagsagot ng katanungan at paglalaanan ng komportableng
espasyo upang hindi sila mailang.

POTENTIAL BENEFITS TO PARTICIPANTS AND/OR TO SOCIETY


Sa mga mananalumpating respondente sa pag-aaral na ito,
makakatulong ito upang makakuha ng impormasyon, kamalayan at
karagdagang kaalaman ukol sa antas sa paggamit ng wikang Filipino sa
pagtatalumpati at salik ng public speaking anxiety sa tuntunin ng self
confidence at fear of negative evaluation. Magagamit din ito sa susunod na
pananaliksik bilang gabay at kaugnay na pag-aaral.

CONFIDENTIALITY
Ang pagkakakilanlan ng mga partisipante ay mananatiling tago at tatalima
sa Data Privacy Act of 2012. Sa kabilang banda, upang maging maayos ang
pagpapaliwanag ng makukuhang datos ay gagamitan ng koda ang mga
partisipante bilang pagkakakilanlan.

PARTICIPATION AND WITHDRAWAL


ang pagkakakilanlan ng mga respondente ay mananatiling nakatago
at magiging pribado. Ang mga kalahok ay may kamalayan na sila ay
magiging bahagi ng pag-aaral na ito. Sila ay kusang pumayag na maging
respondente at malaya rin silang tumanggi sa gawaing pag-aaral.

INVESTIGATOR’S CONTACT INFORMATION


Ang impormasyon ng mananaliksik tulad ng cellphone number,
Gmail at facebook ay ibibigay sakaling may mga katanungang nais
ipahayag ang respondente.

Mobile number: 09389614524


Email address: mtmomo@usm.edu.ph
Facebook/ Messenger: Mariel T. Momo
58

RIGHTS OF RESEARCH PARTICIPANT


Isa sa mga karapatan ng mga partisipante ay magtanong o humingi ng
kalinawan sa mga bagay na may kinalaman sa isinasagawang pag-aaral o
panayam. Karapatan niya rin ang tumanggi sa paglahok kung ito ay labag sa
kaniyang kalooban o may malalim na rason sa pagtanggi.

RESEARCH PARTICIPANT’S CONSENT

I have carefully read and understand the information provided above. I have
been given an opportunity to ask questions at any point. I am satisfied with my
answers to the questions, and I agree to participate in this study. I received a soft
copy of this form and the Participant Consent Form. I can withdraw my consent
at any time and discontinue participation without giving any reasons and penalty
or any consequences from the researcher.

Signature above Printed Name of Participant Date Signed

To be accomplished by the Researcher who is obtaining Participant Consent:


I have explained well my research to the participant and answered all of his/her
questions. I believed that he/she understands the information stipulated in this
document and freely give consents to participate.

MARIEL T. MOMO August 7, 2023


Name of Researcher Obtaining Consent Date Signed

USMKCC-RES-F-023-RO1
59

Apendiks D
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO-KIDAPAWAN CITY CAMPUS
Sudapin, Kidapawan City, North Cotabato

Ethics Participant Consent Form (EPCF)

TITLE OF RESEARCH STUDY: PUBLIC SPEAKING ANXIETY TUNGO SA WIKANG


FILIPINO NG MGA NAGTATALUMPATI
Control No.

Name of the Researcher/s: MARIEL T. MOMO


Institution: UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO - KIDAPAWAN CITY CAMPUS
Address: CARMEN NORTH COTABATO
Contact Number: 09639682824

Please answer the following questions by checking the box that applies
YES NO
I have personally read the Information Sheet for this study and had fully
understood the details as explained by the researcher.
My questions about the study have been answered scholarly by the
researcher and I understand that in any point I can ask further questions.
I understand that as a participant of the study, I am free to withdraw within
the time limits specified in the Information Sheet of the study without
specifying reason for my withdrawal or decline to answer questions in the
study without any consequences from the researcher.
I agree that as a participant of the study, I am required to provide
information to the researcher under the conditions of confidentiality specified
in the Information Sheet.
I am willing to participate in the study under the conditions specified in the
Information Sheet.
I am giving consent to the information gathered for the purpose of this
research study provided that anonymity shall be implemented to evade my
identity.

Signature of Participant:
Date:

Name of Participant:

Contact Number:

Address:

*Note: Please keep your copy of the Participant Consent Form and the Information
Sheet together.
60

Apendiks E
61

Apendiks F
CURRICULUM VITAE

PERSONAL DATA
Name: MARIEL T. MOMO
Date of Birth: September 06, 2001
Place of Birth: Ranzo, Carmen, North Cotabato
Gender: Female
Address: Carmen North Cotabato
Father: Robelito B. Momo
Mother: Thelma T. Momo
Siblings: Christine T. Momo

EDUCATIONAL ATTAINMENT
Elementary: Carmen Central Elementary School
2006-2012
Secondary: Carmen National High School
2012-2016
Carmen Senior High School
2016-2018
Tertiary: University of Southern Mindanao - Kidapawan
City Campus
2019- Present

ORGANIZATION, SEMINAR AND TRAININGS


Carmen Central Drum and Bugle Corps
Majorette/Lyrist
Elementary School
2008 - 2012

Academic Awardee
2011-2012

Carmen National High Drum and Bugle Corps


Lyrist
School
2015 - 2017

Academic Awardee
2012-2016
62

University of Southern Samahan ng Kabataang Makabansa


Member
Mindanao - Kidapawan
2019 - present
City Campus

AWARDS:
CCES Academic Awardee
SY: 2007-2012
CNHS Academic Awardee
SY: 2012-2016

PINATOTOHANAN AT INIWASTO NI:

MARIEL T. MOMO
mtmomo@usm.edu.ph
09639682824

You might also like