You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Kidapawan City Division
J.P. Laurel Corner Quirino Street, Kidapawan City

Paaralan JUAN L. GANTUANGCO SAT Baitang 9

Guro REZYL DIANNE N. PORRAS Asignatura Araling


Panlipunan

Petsa/Oras February 19, 2024 Markahan IKA-TATLO

7:30-8:30-Dalton, 8:30-9:30-
Pasteur

I – Layunin Nakikilala ang mga Pamamaraan sa pagsukat ng Gross


National Income.

A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga


pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya
bilang kabahagi sa pagppapabuti ng pamumuhay ng
kapwa.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga


pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman
tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang
kaunlaran

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng
(Isulat ang code ng bawat
pambansang produkto AP9MAK-IIIb-4
kasanayan}

II. NILALAMAN Ikatlong Markahan: MAKROEKONOMIKS


Paksa: Mga Paraan ng Pagsukat ng GNI

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng


Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pahina. 274-277
Pang-Mag-aaral

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang
Projector/Laptop, Manila Paper, Pentel Pen
Pangturo

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang REMEMBER ME!


aralin o pagsisimula ng
bagong aralin Ano ang kaibahan ng GDP at GNI?

B. Paghahabi sa layunin ng Ipapabasa ng guro ang layunin sa klase


aralin
C. Pag-uugnay ng mga May ipapakitang larawan ang guro, susuriin ng mga
halimbawa sa bagong mag-aaral kung ano ang ipinapahiwatig ng larawang ito
aralin at dudugtungan nila ang pangungusap na:

ANG EKONOMIYA NG PILIPINANAS AY ____________

D. Pagtalakay ng bagong MGA PAMAMARAAN NG PAGSUKAT NG GNI


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
May tatlong pamamaraan sa pagskukat ng GNI ayon kina
Villegas at Abola (1992), ito ang:

1. Pamamaraan batay sa gastos (Expenditure Approach)


2. Pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksiyon
(Income Approach)
3. Pamamaraan batay sa pinagmulang industriya
(Industrial Origin Approach)

1. PARAAN BATAY SA PAGGASTA (EXPENDITURE


APPROACH)

- Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na


sector: sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at
panlabas na sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat
sektor ay ang sumusunod:

a. Gastusing personal (C) – lahat ng gastusin ng mga


mamamayan ay kasama rito.

b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – gastos ng mga


bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na
materyales para sa produksiyon, sahod ng manggagawa at
iba pa.

c. Gastusin ng pamahalaan (G) – gastusin ng pamahalaan


sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba
pang gastusin nito.

d. Gastusin ng panlabas na sector (X-M) – makukuha ito


kung ibinabawas ang iniluluwas o export sa inaangkat o
import.

e. Statistical Discrepancy (SD) – ang anumang


kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman
kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga
transaksiyong hindi sapat ang mapagkunan ng datos o
impormasyon.
f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) – tinatawag
ding Net Primary Income, makukuha ito kapag ibinawas ang
gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos
ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.

FORMULA:

GNI = C + I + G + (X-M) + SD + NFIFA

Hal.

2. PARAAN BATAY SA PINAGMULANG INDUSTRIYA


(INDUSTRIAL ORIGIN/VALUE ADDED)

- Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat


ang Gross Domestic Product kung pagsasamahin ang
kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing
vindustriya sa bansa.
- Kinapalooban ito ng sektor ng agrikultura, industriya, at
serbisyo.

FORMULA:

GNI = Agrikultura + Industriya + Paglilingkod + NFIFA


= GDP + NFIFA

Hal.
3.PARAAN BATAY SA KITA (INCOME
APPROACH)

a. Sahod ng mga manggagawa – sahod na


ibinabayad sa sambahayan mula sa mga bahay
kalakal at pamahalaan.
b. Net Operating Surplus – tinubo ng mga
korporasyong pribado at pag-aari at pinatatakbo ng
pampamahalaan at iba pang mga negosyo.
c. Depresasyon – pagbaba ng halaga ng yamang
pisikal bunga ng pagkaluma bunga ng tuloy tuloy
na paggamit paglipas ng panahon.
d. Di-tuwirang buwis – subsidiya
1. Di-tuwirang buwis – kabilang ditto ang sales tax,
custom duties, lisensya at iba pang di-tuwirang
buwis.
2.Subsidiya – salaping binabalikat at binabayaran
ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit
na produkto o serbisyo. Isang halimbawa nito ang
pag-ako ng pamahalaan sa ilang bahagi ng bayarin
ng mga sumasakay sa Light Rail Transit.

GNI = EC + EI + CI + G
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng IKAW NAMAN!
bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative Sa ginawa ninyo kanina, ano ang bakita mahalagang
Assessment) malaman ang o masukat ng isang bansa ang Gross
National Income? At bakit mahalaga ito sa ekonomiya?

G. Paglalapat ng aralin sa Bilang isang mag-aaral, ano ang napansin mo sa


pang-araw araw na ekonomiya ng ating bansa? Ano ang maiaambag mo para
pamumuhay mas lumago ito?
H. Paglalahat ng Aralin Anong mga salik ang ginagamit sa pagkuha ng Gross
National Income (GNI) ng isang bansa?

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin at piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang pangunahing kontribusyon ng Gross National


Income (GNI) sa pag-unlad ng ekonomiya?

a) Naglalarawan ng kabuuang produksyon ng isang bansa

b) Sumusukat ng kabuuang kita ng isang bansa

c) Tumutukoy sa halaga ng mga produkto at serbisyo na


ginawa ng isang bansa

d) Lahat ng nabanggit

2. Paano natutukoy ang GNI ng isang bansa?


a) Sa pamamagitan ng pagkuha ng halaga ng lahat ng
produksyon ng mga kumpanya
b) Sa pamamagitan ng pag-suma ng kabuuang kita ng mga
mamamayan at negosyo ng isang bansa
c) Sa pagsubok sa halaga ng lahat ng kalakal na iniluluwas
at inaangkat ng isang bansa
d) Sa pamamagitan ng pagsusuri sa halaga ng lahat ng
serbisyong ibinibigay ng gobyerno

3. Ano ang kahalagahan ng pagsukat ng GNI sa ekonomiya


ng isang bansa?
a) Nagbibigay ng impormasyon sa kabuuang kita ng isang
bansa
b) Tumutulong sa pagtukoy ng mga potensyal na pag-unlad
at pangangailangan ng ekonomiya
c) Naglalarawan ng antas ng kalakalan at produksyon ng
isang bansa
d) Lahat ng nabanggit

4. Anong klaseng transaksyon ang hindi kasama sa


pagkuha ng GNI ng isang bansa?
a) Paggastos ng mga mamamayan sa mga lokal na
produkto
b) Pagbebenta ng isang kompanya ng kanilang produkto sa
ibang bansa
c) Pag-aangkat ng mga kalakal mula sa ibang bansa
d) Pagbabayad ng gobyerno ng kanilang mga utang

5. Ano ang maaaring maging epekto sa GNI ng isang bansa


kapag may mga kumpanya itong nagsimula ng operasyon
sa ibang bansa?
a) Pagtaas ng GNI dahil sa dagdag na kita mula sa
dayuhang negosyo
b) Pagbaba ng GNI dahil sa paglipat ng kita sa ibang bansa
c) Walang epekto sa GNI dahil ito ay nasa loob ng bansa pa
rin
d) Pagtaas ng GNI dahil sa pagtaas ng kalidad ng produkto

J. Takdang Aralin
Magsaliksik kung ano ang iba’t ibang uri ng GNP/GNI at
isulat sa inyong kwaderno.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial?Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ng aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Iniwasto ni: Sir Rowell C. Dalen Petsa:__________________

You might also like