You are on page 1of 41

Republic of the Philippines

Davao Oriental State University


A University of Excellence, Innovation and Inclusion
Institute of Education and Teacher Training
Guang-guang, Dahican, City of Mati, Davao Oriental

PANGŪSÍP AW PAGSÚSÓN NG VARAYTI NG WIKANG MANDAYA SA


HILAGA AT TIMOG NG MUNISIPALIDAD NG CARAGA, DABAW
ORYENTAL

Isang kwalitatibong pananaliksik na ipinasa kay


Raymund M. Pasion, Ph. D.

Bilang bahagi ng pangangailangan sa Asignaturang


Fili 111: Barayti at Baryasyon ng Wika

Abregana, Katherine V.
Balilahon, Myla G.
Bautista, Ariel
Galanida, June Rey E.
Maynoson, Amalia Rose
Paring, Roman John B.
Todara, Mary Mae J.

Mayo 2022
TALAAN NG NILALAMAN

Tsapter I Introduksyon 1
Paglalahad ng Suliranin 3
Kahalagahan ng Pag-aaral 4
Saklaw at Delimitasyon ng 5
Pag-aaral
Limitasyon ng Pag-aaral 5
Depinasyon ng mga Termino 5

Tsapter II Mga Kaugnay na Pag-Aaral at 7


Literatura
Kaugnay na Pag-aaral 7
Kaugnay na Literatura 8
Batayang Teoretikal 9
Batayang Konseptwal 10

Tsapter III Metodolohiya 11


Lugar ng Pag-aaral 11
Mga Impormante 12
Pangangalap ng mga Datos 12
Pag-aayos ng mga Datos 13
Pag-aanalisa ng mga datos 13

Tsapter IV Presentasyon, Analisis, at 14


Interpretasyon ng mga Datos
Paglalahad ng mga Resulta ng 14
Pag-aaral
Tsapter V Buod, Kongklusyon, at 21
Rekomendasyon
Buod 21
Kongklusyon 21
Rekomendasyon 23

Sanggunian 25
Apendiks 27
TSAPTER I

Introduksyon

Ang ating wika ay nagkakaiba, ito ay pinaniniwalaan ng mga linggwistika

na tinatawag na heterogenous. Dahil dito, nabuo ang tinatawag na varayti ng wika.

Sa pagdaan ng panahon at sa patuloy na pagbabago ng mundo, nagiging

espesyalisado na ang tungkulin ng tao. Kasabay na rin dito ang pagbabago ng

karanasan, kultura at pati na rin ang wika na nakakaapekto sa pagiging indibdwal

at sa ating lipunang ginagalawan. Ang pagbabagong ito ay maaaring kaganapang

panloob at panlabas ng pisikal na kaganapan na makapagdudulot ng pagbabago sa

kasaysayan, kultura, at wika mismo. Nagbubunsod din ito ng malaking impak sa

tao dahil sa kanyang pangangailangang umakma sa paligid.

Ayon kay Constantino (2006) na matatagpuan sa pag-aaral ni Luden L.

Baterina, ang varayti ng wika ay nag-uugat sa pagkakaiba-iba ng mga grupong

indibidwal, maging ang lokasyon, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Dagdag

pa niya, ang pagkakaroon ng varayti ay nasa ilalim ng larang ng pag-aaral ng wika

na sosyolinggwistika ayon sa pinagbatayan ng pagiging heterogenous ng wika.

Ang Mandaya ay matatagpuan sa probinsya ng Davao Oriental ng

Mindanao. Mayroon silang sariling kultura, panitikan, paniniwala, at tradisyon.

Ang tawag din sa kanilang wika na matatagpuan sa Caraga, Davao Oriental ay

Mandaya na nabibilang sa 110 katutubo ng Pilipinas. Ang katagang Mandaya ay

hango sa salitang “man” (tao) at “daya” (itaas na bahagi o itaas na bahagi ng ilog),
dahil rin dito, ang mga Mandaya ay tinatawag na inhabitants of the uplands (NCIP,

2012).

Ang munisipalidad Caraga sa probinsya ng Davao Oriental ay matatagpuan

274 kilometro (158 mi) mula sa Davao City, ang rehiyonal na sentro ng Rehiyon

XI, at 84 kilometro (52 mi) mula sa Mati, ang kabiserang bayan ng lalawigan ng

Davao Oriental sa isla ng Mindanao. Ito ay nasa kahabaan ng silangang baybayin

ng lalawigang ito na nakahango sa karagatang Pasipiko. Ito ay napapahangganan

sa hilaga ng munisipalidad ng Baganga sa Timog ng munisipalidad ng Manay, sa

kanluran ng munisipalidad ng New Bataan, Compostela Valley Province at sa

silangan ng karagatang Pasipiko. Ang Pusan Point ng barangay Santiago ay

pinakasilangang punto ng Pilipinas.

Ang baybayin ng munisipalidad ng Caraga ay dinadaanan ng dalawang ilog:

Caraga River sa Timog at Manurigao River Sa Hilaga. Ito ay binubuo ng

labimpitung (17) barangay: Alvan, Caningag, Lamiawan, Manorigao, Mercedes,

Palma Gil, Pichon, Poblacion, San Antonio, San Jose, San Luis, San Miguel, San

Pedro, San Fe, Santiago, at P.M. Sobrecarey.

Sa pag-aaral na ito, susuriin ang varayti ng wikang Mandaya sa Hilaga at

Timog ng bahagi ng munisipalidad ng Caraga, Dabaw Oryental. Mahalagang pag-

aralan ang ganitong paksa upang magamit na basehan sa pagsusuri sa pagkakaiba

ng mga termino sa Hilaga at Timog na bahagi ng nasabing munisipalidad. Bukod

dito, masusuri rin dahilan at epekto ng pagkakaroon ng varyasyon sa magkaibang

bahagi ng Caraga, Davao Oriental. Gayundin ang mapangalagaan ang kanilang


mga terminong kultural at tradisyong pinaniniwalaan na maaari ding makatulong

sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Bilang bahagi ng mamamayang Filipino, ang

mailarawan ang kahalagahan ng kanilang mga wikain (bilang repositoryo) ay isang

hakbang upang makilala at lalong mapahalagahan ang kanilang etnikong pangkat.

Magsisilbi rin itong hanguan ng mayamang karanasan, kultura, at kasaysayan ng

bansa lalo na ang Mandaya sa Hilaga at Timog na bahagi ng munisipalidad ng

Caraga.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong higit na maunawaan ang varayti ng

wikang Mandaya sa Hilaga at Timog ng munisipalidad ng Caraga, Dabaw Oryental

sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga terminong Mandaya, pagsuri sa mga dahilan

at epekto ng paglaganap ng varayting mayroon dito. Sa pagsasakatuparan ng

layunin, pagsusumikapang hanapan ng kasagutan ang sumusunod na mga

katanungan:

1. Ano-ano ang mga terminong Mandaya na ginagamit sa Hilaga at Timog na

bahagi ng munisipalidad ng Caraga, Dabaw Oryental batay sa:

1.1 Varyasyong Leksikal

1.2 Varyasyong Heograpikal

1.3 Varyasyong Ponolohikal

2. Ano-ano ang dahilan ng pagkakaroon ng varayti ng wikang Mandaya sa:

2.1 Hilagang Caraga


2.2 Timog Caraga

3. Ano-ano ang epekto ng pagkakaroon ng dalawang varayti sa munisipalidad

ng Caraga, Dabaw Oryental?

Kahalagahan ng Pag-aaral

National Commission for Culture and the Arts. Ang resulta sa pag-aaral na ito

ay makatutulong sa pagpreserba at pagpapayabong ng varayti ng wikang Mandaya

ng Hilaga at Timog na bahagi ng Caraga, Dabaw Oryental sapagkat walang

masyadong pananaliksik na naisagawa tungkol sa nasabing dominanteng wika na

ginagamit sa pakikipagtalastasan sa munisipalidad.

Lipunan. Ang resulta sa pananaliksik na ito ay makatutulong sa lipunan na mas

makilala at maunawaan ang varayti ng wikang Mandaya sa Hilaga at Timog ng

Caraga, Dabaw Oryental sa pakikipagtalastasan. Ito ang magsisilbing batayan na

mayroong pagkakaiba sa terminong ginagamit ng magkaibang bahagi ng nasabing

munisipalidad.

Mga Guro sa Wika. Ang bunga ng pananaliksik na ito ay makatutulong sa patuloy

na paglinang o pagpapalalim ng kanyang kaalaman sa wika at pagtuturo nito. Ang

pananaliksik na ito ay maaari nilang gamitin sa pagtuturo ng mga varayti ng wikang

Mandaya.

Mga Mag-aaral sa Filipino. Malalaman at mauunawaan ng mga mag-aaral ang

mga varayti ng wikang Mandaya sa Hilaga at Timog na bahagi ng munisipalidad

ng Caraga, Dabaw Oryental. Masusuri rin ang dahilan at epekto ng paglaganap ng


dalawang varayti sa nasabing munisipalidad. Maaari nila itong maging batayan sa

kanilang isasagawang pananaliksik tungkol sa wika na ginagamit sa lipunan.

Mga Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik

sa pagbuo ng mas malawak pa na pananaliksik tungkol sa varayti ng wikang

Mandaya mayroon ang munisipalidad ng Caraga, Dabaw Oryental.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral


Ang pananaliksik ay isinagawa sa munisipalidad ng Caraga, probinsya ng
Dabaw Oryental. Ang mga impormante sa isinagawang pag-aaral ay ang mga
Mandaya na naninirahan sa nasabing munisipalidad. Ang bawat partisipante ng
pananaliksik na ito ay dapat nasa apatnapung (40) taong gulang pataas at
naninirahan sa nasabing lugar na hindi bababa sa sampung (10) taon upang
magkaroon ng sapat na batayan at kredibilidad sa mga datos na makalap.

Limitasyon ng Pag-aaral
Ang inaasahang limitasyon sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik

ay ang kaukulang panahon bago matapos ang pag-aaral. Dagdag pa rito, inaasahan

din ng mga mananaliksik ang magiging tugon ng mga partisipante sa isinagawang

pag-aaral. Kabilang dito ang kanilang pagiging tapat sa paglahad at pagbigay ng

mga impormasyon, ang kanilang interes at kooperasyon.

Depinisyon ng mga Termino


Varyasyon ng Wika. Ang varyasyon ay ang pagkakaiba-iba sa pagbigkas, gramar,

o pagpili ng salita sa loob ng wika. Ang varyasyon sa wika ay maaaring may


kaugnayan sa rehiyon, sa uring sosyal at/o sa uri ng edukasyon, o sa digri ng

formalidad ng isang sitwasyon na pinaggagamitan ng wika

Varyasyong Heograpikal. Sa kondisyong heyograpikal ng mga tagapagsalita ay

pumapasok dito ang pagkakaiba sa tono, vokabularyo at sa gramar ng wikang

Mandaya na ginagamit ng mga mamamayan sa Caraga, Dabaw Oryental.

Varyasyong Leksikal. Nagkakaroon ng varyasyong leksikal sa mga wikang

Mandaya ng munisipalidad ng Caraga, Dabaw Oryental batay sa mga salitang

magkaiba ang anyo ngunit pareho ang kahulugang taglay ng mga ito. May

magkatulad rin ang anyo at parehong kahulugan sa tatlong wikain at ang

varyasyong may pareho sa dalawang wikain ngunit naiiba sa isa.

Varyasyong Ponolohikal. Nasa bigkas at tunog ng salita ang pagkakaiba na

karaniwang naibubulalas ng mga tao sa Caraga, Dabaw Oryental.

Wikang Mandaya. Ang wikang Mandaya ay isang wikang Austronesyo na

sinasalita sa Mindanao, Pilipinas partikular sa Caraga, Dabaw Oryental.

Caraga, Davao Oriental. Ang munisipalidad Caraga sa probinsya ng Davao

Oriental ay matatagpuan 274 kilometro (158 mi) mula sa Davao City, ang rehiyonal

na sentro ng Rehiyon XI, at 84 kilometro (52 mi) mula sa Mati, ang kabiserang

bayan ng lalawigan ng Davao Oriental sa isla ng Mindanao.


TSAPTER II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Inilalahad sa bahaging ito ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura na may

kaugnayan sa paksang napili ng mga mananaliksik.

Kaugnay na Pag-aaral

Ang bansang Pilipinas ay nahahati sa ibat ibang pulo at bawat lugar sa bansa

ay mayroong ibat ibang wikang sinasalita. Ayon sa Ethnologue: Languages of the

World (Online Version) mayroong 181 na wika ang Pilipinas ngunit apat sa mga

ito ay extinct o patay na dahil wala nang tagapagsalita nito. Katulad ng ibang pulo

ng Pilipinas ang Mindanao ay napabilang sa ibat ibang heograpikal na anyo tulad

ng kapatagan, kabundukan at maaaring napalibutan ng lawa o ilog. Ang heograpikal

na anyo ng isang lugar ang isa sa mga salik sa pagkakaroon ng varyasyon ng wikang

Mandaya sa munisipalidad ng Caraga, Davao Oriental.

Kaugnay nito ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Pasion (2015) sa kanyang

pananaliksik na ang pagkakaroon ng varyasyong linggwistikal sa wikang Mandaya

sa mga lugar ng Caraga at iba pang tatlo nitong karating-lugar ay dulot ng mga

sumusunod: heograpikal, sikolohikal at sosyolohikal.

Ayon naman kina Barzan and Heydari (2019) “Regional variation is only

one of many possible types of differences among speakers of the same

language…regional dialects are only one of linguistic variation.” Ang pagkakaroon

ng varyasyon ng wikang mandaya ay dulot ng mga taong nagsasalita nito maaaring


dahil sa katayuan nito sa buhay, seks, gender, sosyolohikal at heograpikal na

aspekto. Ngunit ang varyasyong ito ay natural lamang na nangyayari sa isang

komunidad upang matugunan ang pangangailangan ng komunikasyon. Subalit ang

wika ay hindi lamang umiiral sa tagapagsalita dahil umiiral lamang ito sa loob ng

isang kolektibo (Saussure na nasa Constantino, 2002).

Kaugnay na Literatura

Ang heograpikal na katangian ng isang lugar ay maaaring maging salik sa

pagkakaroon ng ibat ibang varyasyon ng wika. Ayon sa pag-aaral ni Pasion (2015)

tungkol sa Morpolohikal na Varyasyon sa Wikang Mandaya ng Davao Oriental,

lumabas sa kanyang pag-aaral na hindi lamang heograpikal na katangian ang naging

salik sa pagkakaroon ng varyasyong Mandaya kundi pati na rin ang aspektong

sosyolohikal. Ang lungsod ng Caraga partikular na sa hilagang bahagi ng lungsod

kagaya ng mga sumusunod na lugar: Palma Gil, Pichon, Lamiawan, San Antonio,

San Luis, Manorigao, Sta. Fe, Alvar at Poblacion. Ang mga lugar na nabanggit ay

tinitirhan ng mga taong nagsasalita ng puro Mandaya sa pang araw-araw nilang

pakikipagkapuwa na matatagpuan sa paanan ng bundok. Walang hadlang ang

pakikipag-usap sa nasabing lugar sapagkat lahat ng taong naninirahan doon ay

nakakaintindi at nakakapagsalita ng wikang Mandaya. Sa kabilang dako naman sa

timog na bahagi ng Caraga: San Jose, Don Leon Balante, P.M. Sobrecarey,

Mercedes, San Miguel, Camingag, Santiago at San Pedro. Ang mga nasabing lugar

ay kadalasan matatagpuan sa kapatagan.


Bilang pagsang-ayon pag-aaral ni Thurlow (2004:120) isang

makatotohanan sa linggwistika na ang wika ay nagbabago dahil sa sitwasyong

heograpikal, sosyal o maging sa istayl ng ispiker. Sa pag-aaral nina Conrad at Biber

(2001) walang isang taong may iisang paraan lamang ng pagsasalita sa lahat ng

pagkakataon. Ibig sabihin, kahit pa man ang isang tao ay naninirahan sa isang lugar

hindi natin masasabing pare-pareho lamang ang wikang kanilang ginagamit o kung

pareho man ay kakikitaan pa rin ito ng kaibahan sa paraan ng pagpapahayag at

pagsasalita. Ito ay nakadepende sa pangangailangan ng tao sa kinabibilangan

nitong lugar.

Batayang Teoretikal

Ang tao ang siyang bumubuo sa lipunan. Ang wika ay patuloy na umiiral at

umuunlad batay sa mga taong gumagamit nito ito ang maaaring magmanipula sa

pagpapayabong ng isang wika. Ang pagbabagong nagaganap tulad ng pagkaroon

ng isang varyasyon ng wika ay naaayon sa pangyayari ng lipunan. Kaugnay nito

ang teoryang Sosyolinggwistika ay ang ideya ng pagiging heterogeneous ng wika

(Constantino, 2002 p.20).

Ayon kay Sapir (1921, p. 192) “Ang wika’y tulad ng kultura ito ay bihirang

maging tapat para sa sarili nito. Ang pangangailangan sa pakikitungo nito ang

nagdadala sa ispiker ng isang wika tungo sa direkta at di-direktang pagtatagpo ng

mga kalapit ng mga domenanteng kultural na wika.” Ayon naman sa pag-aaral ni

Poplock (1993) na siyang ginamit din sa pag-aaral ni Pasion (2015) sa kanyang


pag-aaral, ang teoryang ito ay nakatuon sa pagsusuri sa gramatikal na estruktura ng

wika sa magkakaugnay na diskurso at pag-alam ng dahilan sa bago-bagong porma

at gamit ng isang wika sa ibat ibang sitwasyon. Inaalam dito ang padron o patern

ng paggamit at hindi lamang ang pag-iral nito sa isang komunidad.

Batayang Konseptwal

Mahalagang malaman ang mga salik na nakakaapekto sa pagkakaroon ng

varyasyon ng wikang Mandaya partikular na sa lungsod ng Caraga na siyang lugar

na napili ng mga mananaliksik na isagawa ang kanilang pag-aaral. Mahalagang

pag-aralan din ang heograpikal na katangian ng isang lugar. Makikita ang biswal

na presentasyon sa ibaba na ang lungsod ng Caraga ay nahahati sa dalawa: ang

Hilaga at Timog ng Caraga at bawat bahagi nito ay kinasasangkutan ng ibat ibang

barangay na nabanggit sa itaas. Nilalayon ng mga mananaliksik na malaman ang

dahilan ng pagkakaroon ng varyasyong leksikal at heograpikal. Sa pag-aaral na ito

ay mahalagang malaman ang ibat ibang dahilan at epekto ng pagkakaroon ng

varasyong mandaya.

Varayti ng Wikang Mandaya

Hilagang Caraga • Varyasyong Leksikal Timog ng Caraga


• Varyasong Heograpikal
• Varyasyong Ponolohikal

Dahilan at epekto ng
pagkakaroon ng varayting
Mandaya
TSAPTER III
METODOLOHIYA
Ayon sa pagpapakahulugan, ang disenyo ng pananaliksik ay ang kabuuang

estratehiya o paraan na pinili ng mga mananaliksik nang mapagsama-sama lahat ng

bahagi at proseso ng pananaliksik sa isang maayos at lohikal na paraan. Sa pag-

aaral na ito, ang disenyo ng pananaliksik na ginamit ng mga mananaliksik ay ang

kwalitatibo. Ayon sa kahulugan ng kwalitatibo, ito ay kinapalooban at

kinabibilangan ng mga uri ng pagsisiyasat na may layuning intindihin at unawain

ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao sa malalimang paraan. Kaugnay nito,

pinapatnubayan ang disenyong ito ng isang paniniwala na ang pag-uugali ng isang

tao ay palaging nakaayon sa reyalidad ng lipunan katulad ng kultura, institusyon,

at ugnayang pantao na hindi maaaring masukat o mabilang.

Pagdating naman sa pamamaraan ng pananaliksik, ginamit ng mga

mananaliksik ang deskriptibo na pamamaraan. Ang deskriptibo na pamamaraan ay

may layuning maipakita ang isang tunay at totoong larawan ng kasalukuyang

kalagayan ng mga bagay-bagay. Sa pamamagitan nito, mas madaling makakalap

ang mga mananaliksik ng mga datos at impormasyon mula sa mga partisipante o

impormante.

Lugar ng Pag-aaral

Ang napiling lugar na pag-aaralan para sa pananaliksik na ito ay ang

munisipalidad ng Caraga, probinsya ng Davao Oriental. Ito ay dahil sa gustong

matukoy at maunawaan ng mga mananaliksik kung ano ang varyasyon sa wikang


Mandaya sa Hilaga at Timog na bahagi ng nasabing munisipalidad, dahilan ng

paglaganap ng at sa kung ano ang makabuluhang dulot nito sa kanilang

pakikipagtalastasan sa isa’t isa.

Mga Impormante

Ang impormante ng pananaliksik na ito ay ang mga piling indibidwal mula

sa munisipalidad ng Caraga sakop sa probinsiya ng Davao Oriental. Ang mga

kasangkot na respondente sa pananaliksik na ito ay kusang nakilahok at humingi

ng pahintulot upang isagawa ang pag-aaral. Ang nasabing impormante ay nahati sa

dalawang bahagi ang hilaga at timog ng Caraga. Ang mananaliksik ay kumuha ng

tig-sasampung indibidwal sa dalawang lugar na nabanggit sampung (10)

impormate na galing Timog ng Caraga at sampu (10) naman sa hilaga ng Caraga.

Ang pananaliksik na ito ay mayroong sumatotal na dalampung (20) repondente.

Pangalap ng mga Datos

Sa pangangalap ng mga datos, ang ginamit ng mga mananaliksik na paraan

ay ang intervyu o pakikipanayam. Sa pagpapatupad ng intervyu, ang mga

mananaliksik ay naghanda ng mga talatanungan bilang gabay sa pangangalap ng

mga datos at impormasyon mula sa mga impormante. Bukod dito, ang mga

mananaliksik ay maghahanda din ng mga gamit pang-rekord tulad ng notebook,

bolpen, o kaya naman ang kanilang mga android phone upang itala ang mga sagot

ng mga impormante sa isingawang intervyu. Subalit, bunga ng paglaganap ng

pandemya, ang mga mananaliksik ay gumamit ng google meet, messenger chat, at


text sa pakikipanayam sa iilang impormante upang mapanatili ang pangkalusugang

kaligtasan. Gayunpaman, inaasahan na ang kredibilidad at bisa ng mga datos ay

hindi maaapektuhan.

Pag-aayos ng mga Datos


Sa pag-aayos ng mga datos, gumamit ang mga mananaliksik ng talahanayan

upang ito ay maging organisado at madaling gawan ng interpretasyon. Bukod dito,

ang mga datos isinaayos ayon sa mga katanungan na makikita sa Tsapter 1.

Pag-aanalisa ng mga datos


Sa pag-aanalisa ng mga datos gumamit ang mga mananaliksik ng

deskriptibong pagsusuri o pamamaraan. Masusing pag-aanalisa ang ginawa ng mga

mananaliksik sa pagtala ng mga impormasyon. Ito’y sinisikap ng mga mananaliksik

na magiging tapat at may sapat na batayan ang ginawang pag-aanalisa sa mga datos

at impormasyon.
TSAPTER IV

PRESENTASYON, ANALISIS, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang bahaging ito ay naglalaman ng resulta ng pag-aaral alinsunod sa nakalap

na datos mula sa obserbasyon ng mga mananaliksik. Ito ay binubuo ng mga

leksikal, heograpikal at sosyolohikal na varyasyon na lipon ng mga salita.

Paglalahad ng mga Resulta ng Pag-aaral

A. VARYASYONG LEKSIKAL
a. Mga salitang magkaiba ang anyo
Ang hilaga at katimogang bahagi ng lugar ng Caraga na siyang kilalang

gumagamit ng Wikang Mandaya ay mayroong iba’t ibang katawagan sa mga iilang

salita na kani-kanilang naibubulalas at sinasalita sa pang-araw-araw na

pamumuhay. Ito ay ang mga lipon ng salita na karaniwang ginagamit nila sa

pakikipagkomunikasyon na mapakikinggan at mapapansin araw-araw.

Talahanayan 1. Mga salitang magkaiba ang anyo

Blg. Dayalektong Mandaya sa Caraga Filipino

Hilaga-Caraga Timog-Caraga

1 mail’lan makatol’l makati

2 mabal’long masamok maingay

3 da:to ngadto doon/roon

4 nyana unan ano

5 maal’la mahalang maanghang

6 manawa tatagbiyay maliit


7 diin wain saan

8 tul’lo tudlo daliri

9 upodan ibanan samahan

10 yulagyo yulayas lumayas

11 yamabuwang yamatiaw nababaliw

12 gyugol’long pyanamastasan pinagsasamantalahan

13 magbabagon mananambal manggagamot

14 padul’lug pasingod papunta

15 al’lo hao gamit na pambayo

16 magaāl-laa magtudlo magturo

17 amol’la amoda kagaya ng/katulad ng

18 yamal’lup yuhunong huminto

19 ungod huna-huna isipan/isip

20 katumos kabakakan kasinungalingan

21 yatagaykol’l imikul’l nagtatawanan

22 tuub lungag butas

23 yanggasang yanuskig natutuyo

24 magkido magdaya mag-ingat

25 uyoyon iiyakon sumisigaw

26 Ul’labang wabang hipon

27 Tyolisok ituyok inikot


batang niyog na
28 Byol'longan patungsan itayanim pa lang

29 Yagal'long yabako tatanda na


30 Sinima isupa nginunguya

B. VARYASYONG HEOGRAPIKAL

Ang talahanayan na makikita sa itaas ay nagpapakita ng pagbabago ng mga

terminolohiya na tumutukoy sa isang bagay sang-ayon sa katawagan ng mga

mamamayan na nakatira sa dalawang bahagi ng lugar, ang Hilaga at Timog.

Mapapansin na ang salita sa wikang Mandaya na mail’lan sa hilagang bahagi

nito ay tinatawag naman na “makatol’l” sa katimogang bahagi ng Caraga na ang

ibig sabihin sa wikang Filipino na ay “makati”.

Bukod dito, makikita naman na ang salitang “mabal’long” bilang katawagan

ng mga taga-Hilaga ay “masamok” naman sa mga taga-Timog ng Caraga na ang

ibig sabihin sa Filipino ay “maingay”.

Sa kabilang dako naman, ang katawagan na “da:toʰ” sa bandang hilaga ng

Caraga ay “ngadto” naman sa Timog na bahagi sa Caraga na ang ibig

ipagpakahulugan sa wikang Filipino ay “doon/roon”.

Samantala, ang salitang “maal’la” naman sa Hilaga ng Caraga ay “maalang”

naman sa Timog ng Caraga ang termino nito na ang ibig sabihin ay “maanghang”

sa wikang Filipino.

Higit sa rito, ang terminong “nyana” na sinasalita ng mga mamamayan na

nakatira sa Hilaga ay “unan” naman ito sa mga taga-Timog ng Caraga na ang ibig

sabihin ay “ano” sa wikang Filipino.


C. VARYASYONG PONOLOHIKAL

Pagbabagong Morpoponemiko
Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang tawag sa anumang

pagbabago na nagaganap sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa

impluwensya ng kapaligiran. Ang tinatawag na kapaligiran ay tumutukoy sa mga

katabing ponemang maaring makaimpluwensya upang magbago ang anyo ng isang

morpema. Kung kaya, sa Wikang Mandaya ay may mga salitang nagpapalitan ng

ponema at nagyayari na pagkakaltas ng ponema na napagtuonan ng pansin sa pag-

aaral na ito. Pag-aralan ang mga sumusunod na halimbawa.

a. Pagpapalit ng ponema

Ang pagpapalit ng ponema na makikita sa mga nakalahad na salita sa

wikang Mandaya ay nangyari hindi dahil sa impluwensya ng katabi na ponema

bagkos ito ay nakabatay at binuo sa mismong lugar na pinagmulan ng mga salitang

ito.

Ang ponemang /l-l/ sa hilagang bahagi ng Caraga ay napapalitan ng /w/ sa

karatig-pook na nasasakupan ng Caraga, ang Timog. Ang mga mamamayan sa

hilagang bahagi ng Caraga na mula sa iba’t ibang pook o nayon ay palaging

nabibigkas ang /l-l/ sa bawat salita na kanilang sinasabi na kung saan ay sa halip na

/l-l/ ay naging /w/ ito sa katimogang bahagi naman ng Caraga dahil ito ang

kinamulatan at nakasanayan na paraan ng pagbigkas.


Talahanayan 2. Ang ponemang /l-l/ → /w/

Dayalektong Mandaya sa Caraga Filipino


Blg. Hilaga-Caraga Timog-Caraga
sal’lod sawod igib
1.
bal’lud bawud alon
2.
bul’lad buwad bilad
3.
al’lon awon mayroon
4.
kul’law kuwaw parang/baka
5.
pyapal’lo pyapawo pinalo/palo
6.
yabal’los yabawos gumanti
7.
kal’lot kawot kalmot
8.
tul’la tuwa tinola
9.
katomabal’l katombaw sili
10.
malal’lum malawum malalim
11.
gal’lo gawo sana
12.
dul’law duwaw luyang dilaw
13.
sal’lom sawom sumisid
14.
al’lo awo hamog
15.

b. Pagkakaltas ng ponema

Ang pagkakaltas ng ponema ay tumutukoy sa pagkawala ng isang o higit

pang ponema sa isang salita ng dayalektong Mandaya sa hilaga at timog na bahagi

ng bayan ng Caraga. Nangyayari ang pagkakaltas sa isang partikular na salita sa

unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat sa sa kabila ng pagkakaroon at pagkawala


ng panlapi bilang pandugtong sa salitang-ugat. Kung kaya, minabuting inilahad ng

mga mananaliksik ang grupo ng mga salita upang mas mapadali ang pag-intindi ng

naturang kaso ng pagkakaltas gayong wala itong batayan kung paano nagaganap

ang naturang.

Talahanayan 3. Pagkakaltas ng ponema


Diyalektong Mandaya sa Caraga Filipino
Blg. Hilaga-Caraga Timog-Caraga
kaan ka’n kain
1.
tul’log tug tulog
2.
tamal’lug yamaug nahulog
3.
maubol’l maubo maaso/umaaso
4.
wal’la wa wala
5.
ul’lod ud uodhipon
6.
dul’lum dum gabi
7.
bal’lay bay bahay
8.
yamatingal’la yamatinga nagulat
9.
yusul’lod yusod pumasok
10.

D. IMPLIKASYON NG PAGBABAGO

Ang lungsod ng Caraga ay kilala bilang isa sa mga Indigenous People Group

(IP) na matatagpuan sa probinsiya ng Davao Oriental. Ang lungsod ng Caraga ay

may kakaibang heograpikal na anyo at katangian. Ang mga taga-kapatagan ay

nakatira sa Timog na bahagi ng Caraga na malayang nakikipagkapwa sa kapwa

taga-kapatagan. Habang ang mga Mandaya na nakatira sa kabundukan ay


matatagpuan sa Hilagang bahagi ng Caraga. Lumilitaw sa pag-aaral na ito na ang

sitwasyong heograpikal ng Caraga ang isa sa mga salik kung bakit nagkaroon ng

ibat ibang varyasyon ang wikang Mandaya sa lungsod ng Caraga.


TSAPTER V
BUOD, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Buod
Ang pananaliksik na ito ay masusing pinag-aralan ang Varayti at Varyasyon

ng Wikang Mandaya sa kontekstong leksikal, heograpikal, at ponolohikal batay sa

pang-araw-araw na pamumuhay ng mga taga-roon. Ito ay naglalayong

maisasakatuparan ang terminong malimit na gamitin ng mga taga-Caraga na

napapabilang sa dalawang bahagi ng lugar: Hilaga at Timog at ang nakapekto sa

pagkaakaroon at pag-usbong ng pagkakaiba-iba sa paraan ng pananalita, tono, diin,

at pagabigkas. Kung kaya, ang pag-aaral na ito ay deskriptibong inilalahad ang

pangangalap ng impormasyon at datos ukol sa layunin ng pag-aaral. Natuklasan sa

kwalitatibong pag-aaral na ito umuusbong ng pagkakaiba ng pananalita sa pagitan

ng Hilaga at Timog na bahagi ng Caraga na binubuo ng mga maliit na nayon kung

saan partikular na ginagamit at pinangalagaan ang naturang wika. Ang pananaliksik

ay nagsasaad na bagaman mayroong iisang wika ang munisipalidad ng Caraga ay

nagkakaroon pa rin ng pagkakaiba ang pananalita ng isang lugar.

Kongklusyon
Tunay ngang mayroong ibat ibang varyasyon ang isang wika. Tulad na

lamang ng wikang Mandaya ito ang wikang ginagamit ng mga taga-Caraga ngunit

kahit ito ang wikang kanilang gamit kakikitaan pa rin ng pagkakaiba ang estruktura

ng salitang kanilang ginagamit. Makikita ang resulta sa talahanayan 1, ang

dayalektong gamit ng mga taga-Caraga. Mapapansin sa talahanayan na may mga


magkakaibang salita na mula Timog at Hilagang Caraga ngunit pareho lamang ang

kahulugan nito kung isasalin sa wikang Filipino. Sa madaling salita may mga

terminong naiiba ang baybay at bigkas ngunit pareho lamang ang

pagpapakahulugan. Kung titingnan ng mabuti ang resulta sa talahanayan 1 ay

kakikitaan ng varyasyon ng wikang Mandaya. Sa talahanayan 2, makikita ang anyo

ng mga salita na nagmula sa dalawang lugar ng Caraga sa Timog at Hilagang bahagi

ng lungsod. Makikita sa talahanayan 2, ang pagkakaltas ng mga letra sa isang salita.

Makikitang dalawang letra o baryabol ang malayang nagpapalitan ang /l-I/→/w/.

Halimbawa sa Hilagang bahagi ng Caraga ang salitang bal’lud ay magiging bawud

sa Timog ng Caraga may pagkaltas sa letrang /l/ at napalitan ng letrang /w/.

Samantala makikita sa talahanayan 3, ang pagkaltas ng ponema hindi lamang

gitnang bahagi ng salita kundi pati rin sa hulihan. Ang mga pagbabagong

nagaganap sa ponema ng mga salita sa Timog at Hilagang bahagi ng Caraga ay

resulta sa magkahiwalay na lokasyon. Masasabing ang mga salitang ginagamit ng

mga taga-Timog ng Caraga ay magkaiba sa mga salitang ginamit sa Hilagang

bahagi ng Caraga. Kaya’t dito umusbong ang bagong varyasyon ng wikang

Mandaya. Talagang ang wikang Mandaya ay patuloy na umuunlad at sumasabay sa

pagbabagong nagaganap sa lipunan. Ayon nga kay Benales, et al. (2007), isa sa

mga katangian ng wika ay kakikitaan ng pagiging daynamiko.


Rekomendasyon

Kaugnay sa natuklasang resulta ng pag-aaral at nabuong konklusyon, ang

papel na pananaliksik ay lubos na iminumungkahi at inirerekomenda sa mga

sumusunod:

National Commission for Culture and the Arts. Panatilihin ang pagpreserba at

pagpapayabong ng varayti ng wikang Mandaya ng Hilaga at Timog na bahagi ng

Caraga, Dabaw Oryental sapagkat malaki ang papel na ginagampanan nito sa

kultura, pamumuhay, at pagkakakilanlan ng mga katutubong Mandaya.

Lipunan. Kilalanin at unawain nang mabuti ang varayti ng wikang Mandaya sa

Hilaga at Timog ng Caraga, Dabaw Oryental sa pakikipagtalastasan sapagkat ito

ang nagsisilbing batayan na mayroong pagkakaiba sa terminong ginagamit ng

magkaibang bahagi ng nasabing munisipalidad.

Mga Guro sa Wika. Panatilihin ang paglinang at pagpapalalim ng kaalaman sa

wika at pagtuturo nito partikular varayti ng wikang Mandaya upang magkaroon ng

kamalayan ang mga mag-aaral ukol sa nasabing wika.

Mga Mag-aaral sa Filipino. Pagyabungin ang mga kabatiran ng wikang Mandaya

at masusing pag-aralan ang mga dahilan at epekto ng varayti ng wikang Mandaya

sa Hilaga at Timog na bahagi ng munisipalidad ng Caraga, Dabaw Oryental.

Sa mga sumusunod na mananaliksik. Higit na palawakin ang pagbuo ng isang

pananaliksik hinggil sa varayti ng wikang Mandaya sapagkat ang naturang paksa


ay lubos na magagamit ng mga nagpapakadalubhasa sa wika at sa mga susunod

pang henerasyon.
Sanggunian

Baterna, L. (2017). Varyasyong Leksikal ng mga Wikang Bagobo-Tagabawa,


Giangan at Obo-Manobo ng Lungsod ng Davao. Pukos sa Dimensyong
Heograpikal. Vol. 7, 2016-2017. Hinalaw noong Mayo 3, 2022 mula sa
https://www.msuiit.edu.ph/academics/colleges/Cass/research/langkit/2017/
Article%204.pdf

Bernales, R. et al. (2007). Akademikong Filipino tungo sa epektibong


komunikasyon. Batayan at sanayang aklat sa Filipino 1, antas tersyarya,
binagong edisyon. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc. Hinalaw
noong Mayo 5, 2022

Coupland, N. (2007). Style: Language Variation and Identity. Cambridge:


Cambridge University Press. Hinalaw noong Mayo 5, 2022

NCIP (National Commission on Indigenous Peoples). 2012. Online. Nobyembre


25, 2021. Hinalaw noong Abril 30, 2022 mula sa http://www.ncip.gov.ph

Pasion, R. (2014). Varyasyong Leksikal sa mga Dayalektong Mandaya. Asia


Pacific Journal of Multidisciplinary Research. PISSN 2350-7756| E-ISSN
2350-8442. Volume 2, No. 6. December 2014. Hinalaw noong Mayo 5, 2022
mula sa https://oaji.net/articles/2014/1543-1418707.pdf

Pasion, R. M. (2014). Morpolohikal na Varyasyon sa Wikang Mandaya ng Davao


Oriental, Asia Pacific Journal of Education, Arts and Sciences, 1(5), 129-
135. Hinalaw noong Mayo 4, 2022

Pasion R.M. (2015). Yang Pagbul’lók-bul’lok: Varyasyon ng Wikang Mandaya sa


ilang munisipalidad ng Davao Oriental, Asia Pacific Journal of
Multidisciplinary Research, 3 (2). Hinalaw noong Mayo 6, 2022
Poplack, S. (1993). Variation Theory and Language Contact. In Preston, D.R. (Ed.),
American Dialect Research (pp. 251). Philadelphia: John Benjamin B.V.
Hinalaw noong Mayo 5, 2022

Rellin, T. (2021). Ang papel ng wika sa gitna ng mga wika sa bansa. Academia.
Hinalaw noong Mayo 3, 2022 mula sa https://www.academia.edu/28337728/

Towns and City- Davao Oriental Official Website. (ND). Provincial Government
of Davao Oriental, Capitol Hill, City of Mati, Province of Davao Oriental,
8200 Philippines. pgodavaooriental@gmail.com. Hinalaw noong Mayo 3,
2022 mula sa https://davaooriental.gov.ph/tourism-4/Towns-and-city/

WARBLETONCOUNCIL. PANITIKAN: PINAGMULAN, KATANGIAN, URI,


PAG-ANDAR AT KLASIKO - AGHAM (warbletoncouncil.org). Hinalaw
noong Mayo 5, 2022
APENDIKS
Liham Pahintulot Para Sa Mga Respondente

Mahal naming mga Impormante,

Pagbati!
Kami po ay mga mag- aaral ng Davao Oriental State University. Kasalukuyang
nagpapakadalubhasa sa larangan ng Filipino. Bilang bahagi ng pangangailangan ng
Asignaturang Fili 111: Barayti at Baryasyon ng Wika, kami po gumagawa ng
pananaliksik sa ngayon na umiikot sa paksang “Pangūsíp aw Pagsúsón ng Varayti
ng Wikang Mandaya sa Hilaga at Timog ng Munisipalidad ng Caraga, Dabaw
Oryental”.

Ang pag- aaral na aming kasalukuyang ginagawa ay nangangailangan ng mga


respondent para sa isang onlayn interbyu at kayo po ang nais naming kapanayamin.
Nais naming marinig at maisatitik ang inyong mga ginintuang kaalaman pagdating
sa pukos naming paksa. Sana po ay inyong mapaunlakan ang aming
hiling/imbetasyon.

Maraming salamat po sa inyong suporta. Pagpalain po kayo ng ating mahal na May-


likha.

Lubos na gumagalang,
Katherine V. Abregana
Myla G. Balilahon
Ariel Bautista
June Rey E. Galanida
Amalia Rose R. Maynoson
Roman John B. Paring
Mary Mae J. Todara
Mananaliksik
Mayo 10, 2022
HON. RICAN T. CALIG-ONAN
IPMR- Caraga
Rehiyon Onse
Caraga, Davao Oriental

Mahal na IPMR Calig-onan,

Pagbati!

Kami po ay mga mag-aaral ng Davao Oriental State University na kumuha ng


kursong Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino. Sa
kasalukuyan po ay nagsasagawa kami ng isang konseptong papel para sa aming
asignaturang FILI 111: Varayti at Varyasyon ng Wika na may pamagat na
PANGŪSÍP AW PAGSÚSÓN NG VARAYTI NG WIKANG MANDAYA SA HILAGA
AT TIMOG NG MUNISIPALIDAD NG CARAGA, DABAW ORYENTAL. Kaugnay
nito, magalang po kaming humihingi ng pahintulot upang kumuha ng mga datos sa
inyong lugar ngayong Mayo 10, 2022, ganap na alas dyes ng umaga. Hihingiin po
namin ang inyong kaalaman hinggil sa paksang aming bibigyan ng tuon para sa
isasagawa naming konseptong papel. Naniniwala po kami na ang inyong malawak
na kaalaman at talino bilang isang Indigenous People Mandatory Representative ng
Munisipalidad ng Caraga ay makatutulong nang malaki sa amin upang
matagumpay naming matamo ang mga layunin ng aming papel.

Inaasahan po namin ang inyong positibong tugon sa aming kahilingan. Tanggapin


po ninyo ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong kabutihang loob.

Lubos na gumagalang,

Katherine V. Abregana
Myla G. Balilahon
Arial B. Bautista
June Rey Galanida
Amalia Rose Maynoson
Roman John B. Paring
Mary Mae Todara
Mayo 10, 2022

Dir. NORMA M. GONOS


Exe. Dir. ng Apo Governance in Indigenous Leadership Academy
Rehiyon Onse Caraga, Davao Oriental

Mahal na Direktor,

Pagbati! Kami po ay mga mag-aaral ng Davao Oriental State University na kumuha


ng kursong Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino. Sa
kasalukuyan po ay nagsasagawa kami ng isang pananaliksik para sa aming
asignaturang FILI 111: Varayti at Varyasyon ng Wika na may pamagat na
PANGŪSÍP AW PAGSÚSÓN NG VARAYTI NG WIKANG MANDAYA SA HILAGA
AT TIMOG NG MUNISIPALIDAD NG CARAGA, DABAW ORYENTAL. Kaugnay
nito, magalang po kaming humihingi ng kopya ng mga literaturang Mandaya—
kasabihan, bugton, tula, at maikling kuwento. Sisiguraduhin po ng aming pangkat
na ang kopya ay mananatiling gagamitin lamang sa pananaliksik at hindi po sa ano
pang pansariling kagustuhan. Hihingin po namin ang inyong kaalaman hinggil sa
paksang aming bibigyan ng tuon para sa isasagawa naming pananaliksik.
Naniniwala po kami na ang inyong malawak na kaalaman at talino bilang isang
Indigenous People ng Bayan ng Caraga ay makatutulong nang malaki sa amin
upang matagumpay naming matamo ang mga layunin ng aming isinagawang pag-
aaral. Ang pananaliksik po na ito ay bahagi ng pangangailangan ng nabanggit na
asignatura upang makapagpatuloy po kami sa bagongantas ng aming pag-aaral.
Inaasahan po namin ang inyong positibong tugon sa aming kahilingan. Tanggapin
po ninyo ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong kabutihang loob.

Lubos na gumagalang,

Katherine V. Abregana
Myla G. Balilahon
Ariel B. Bautista
June Rey Galanida
Amalia Rose Maynoson
Roman John B. Paring
Mary Mae Todara
Nabatid ni:

Raymund M. Pasion Ph. D.


Guro sa Pananaliksik
DOKUMENTASYON
MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Katherine V. Abregana

Kasarian: Babae

Kapanganakan: September 18, 2000

Estadong sibil: Single

Mga magulang: Roy Abregana at Flordeliza Abregana

Tirahan: Maputi, Banaybanay, Davao Oriental

Relihiyon: Roman Catholic

Edukasyon

Kolehiyo: Davao Oriental State University

Nasa ikatlong taon sa kursong Batsilyer ng

Pansekundaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino


Pangalan: Myla G. Balilahon

Kasarian: Babae

Kapanganakan: Marso 23, 2000

Estadong sibil: Single

Mga magulang: Amado C. Balilahon. at Yolanda G. Balilahon

Tirahan: Palma Gil, Caraga Davao Oriental

Relihiyon: Roman Catholic

Edukasyon

Kolehiyo: Davao Oriental State University

Nasa ikatlong taon sa kursong Batsilyer ng

Pansekundaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino


Pangalan: Ariel B. Bautista

Kasarian: Lalaki

Kapanganakan: Mati City, Davao Oriental

Estadong sibil: Single

Mga magulang: Arnilyn B. Bautista at Edgar Q. Bautista

Tirahan: Purok Waling-waling Lower Salazar Brgy. Central Mati


City, Davao Oriental

Relihiyon: Roman Catholic

Edukasyon

Kolehiyo: Davao Oriental State University

Nasa ikatlong taon sa kursong Batsilyer ng

Pansekundaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino


Pangalan: June Rey Galanida

Kasarian: Lalaki

Kapanganakan: June 7, 2000

Estadong sibil: Single

Mga magulang: Raul Paring at Juliet Paring

Tirahan: Bato-bato, San Isidro

Relihiyon: Roman Catholic

Edukasyon

Kolehiyo: Davao Oriental State University

Nasa ikatlong taon sa kursong Batsilyer ng

Pansekundaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino


Pangalan: Amalia Rose R. Maynoson

Kasarian: Babae

Kapanganakan: Marso 14, 1998

Estadong sibil: Single

Mga magulang: Estrella R. Maynoson

Tirahan: Manay, Davao Oriental

Relihiyon: Roman Catholic

Edukasyon

Kolehiyo: Davao Oriental State University

Nasa ikatlong taon sa kursong Batsilyer ng

Pansekundaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino


Pangalan: Roman John B. Paring II

Kasarian: Lalake

Kapanganakan: Abril 23, 1987

Estadong sibil: Single

Mga magulang: Raul Paring at Juliet Paring

Tirahan: Panabo City

Relihiyon: Iglesia Ni Cristo

Edukasyon

Kolehiyo: Davao Oriental State University

Nasa ikatlong taon sa kursong Batsilyer ng

Pansekundaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino


Pangalan: Mary Mae J. Todara

Kasarian: Babae

Kapanganakan: Banaybanay, Davao Oriental

Estadong sibil: Single

Mga magulang: Ramil Todara Sr. at Lorna Todara

Tirahan: Purok 2, Poblacion, Banaybanay, Davao Oriental

Relihiyon: Roman Catholic

Edukasyon

Kolehiyo: Davao Oriental State University

Nasa ikatlong taon sa kursong Batsilyer ng

Pansekundaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino

You might also like