You are on page 1of 24

Batayang Kaalaman sa Mapanuring

Pagbasa

“ Huwag kang magbasa, gaya ng


mga bata, upang libangin ang
sarili, o gaya ng mga matatayog
ang pangarap, upang matuto.
Magbasa ka upang mabuhay”
Gustave Flaubert
Kahulugan ng Pagbasa

Kaalamang Ponemiko

Pag-aaral ng Ponolohiya

Katatasan

Bokabolaryo

komprehensyon
Kaalamang Ponemiko

Kapag nagbabasa tayo, nagsisimula tayo sa


pagbabasa ng bawat unit ng isang salita. Ito ang
ponemiko. Ang ponemiko ay syang nagsasaad ng tunog
ng bawat unit ng mga salita upang mas maintindihan at
lubos na maunawaan ang kahulugan ng mga salita.
Dapat ang isang mambabasa ay may kaalaman ng
tamang ponemiko ng isang salita.
Pag-aaral ng Ponolohiya

Pagkatapos, binibigay ngatin ng kabuuang tunog


ang salita. Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng
wika na nagbibigay kahulugan sa pagbigkas ng salita o
nagbibigay ng ng pagbabago sa kahulugan ng mga
salita ay tinatawag na ponolohiya.
Katatasan

Dapat ang mambabasa at alam ang katatasan ng


salita dahil ito ang nagbibigay tulay sa pagitan ng
rekognasyon at komprehensyon ng salita. Ito a\y
kailangan up\ang mabigyang kahulugan ang salita.
Bokabolaryo

Hindi sapat alam ng mambabasa ang tamang


pagbasa at katatasan ng salita, mahalaga rin ang ano
ang kahulugan ng salita. Ang kahulugan ng salita ang
siyang nagbibigay mensahe sa iyong gustong
ipahiwatig.
Komprehensyon

Walang saysay ang mensahe kung wala naming


nakakaunawa nito. Kailangan ng mambabasa na may
interaksyon rin sa salita. Ang komprehensyon ng salita
ang siyang nagbibigay ng kabuuang kahulugan at
pagiiintindi ng iyong mensahe. Walang saysay ang mga
nakaraang proseso kung walang nakakaunawa or
komprehensyon sa salita. Kailangan may koneksyon tayo
sa ating binabasa upang mapaabot ang mensahe.
PAGBASA

Isang proseso ng pagbuo ng


kahulugan mula sa mga nakasulat na
teksto.
-ANDERSON ET. AL (1985) sa aklat
na Becoming a Nations of Readers
PAGBASA
Tiniyak nina Wixson et al. (1987) ang isang
proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa
pamamagitan ng interaksiyon ng:
1. Imbak o umiiral nang kaalaman ng
mambabasa;
2. Impormasyong ibinibigay ng tekstong
binabasa
3. Konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa
pagbasa
PAGBASA
 Isang kompleks na kognitibong proseso sa
pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo
upang makakuha at makabuo ng kahulugan.

 Ang proseso ng pagbasa ay nangangailangan


ng patuloy na pagsasanay, pagpapaunlad at
pagpipino ng kasanayan.
INTENSIBO EKSTENSIBO
May kinalaman sa pagbasa
May kinalaman sa masinsin
ng masaklaw at
at malalim na pagbasa
maramihang materyales
Maghahatid sa
Itinuturing na pinakahuli o
mambabasa tungo sa
dulong bahagi sa proseso
pinkadulong proseso
Intensibo (Douglas Brown(1994))

Pagsusuri sa kaanyuang gramatikal,


panandang diskurso at iba pang detalye sa
esktraktura

Isang gawaing gumagamit ng


estratehiyang ZOOM LENS o ng malapitan
at malalimang pagbasa sa isang akda.
Intensibo (Long at Richards(1987))

Detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa


pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng
isang guroking paano ito susuriin.

Madalas na tinatawag na “Narrow


reading”, sapagkat piling babasahin
lamang ang hinggil sa isang paksa ang
pinagtutuunan ng pansin.
Ekstensibo
Ayon kay brown (1994), isinasagawa ito
upang makakuha ng pangkalahatang pag-
unawa sa maraming bilang ng teksto.
Dagdag pa nina Long at Richards (1987), ito
ay nagaganap kapag ang mga babasahig
kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase
o itinakda sa anomang asignatura.

Layunin nito ang pangkalahatang ideya ng


teksto.
Ekstensibo

Ayon kay Stephen Krashen (1995) sa pagaaral


niyang “ Free Voluntary Reading: Linguistic and
Affective Arguments and Some New
Applications” na nasa second language
acquisition: Theory and Pedagogy nina Eckman
et. Al ang malaya at boluntaryong pag-basa ay
maaring maging tulay tungo sa mas mataas na
kakayahang komunikatibo at akademiko sa
wika.
Top Ten Principles for Teaching Extensive
Reading ( Richard Day at Julian Bamford, 2002)
1. Angkop ang materyales sa kakayahang
panglinggwastika ( bokabolaryo at gramatika) ng
mga mag-aaral.
2. Mayroong magamit
Pagkilala sa Opinyon o Katotohanan

 KATOTOHANAN – mga pahayag na maaring


mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng
empirical na karanasan, pananaliksik, o
pangkalahatang kaalaman o impormasyon.

 OPINYON – pahayag na nagpakita ng preperensiya o


ideya batay sa personal na paniniwala ng isang tao
HALIMBAWA:

 Si Pangulong Benigno Aquino III ang kasalukuyang


pangulo ng Republika ng Pilipinas.

 Para sa akin, si Pangulong Benigno Aquino III lamang


ang kaisa- isang pangulo na sumugpo sa korupsiyon
sa goberyerno ng Pilipinas.
Tukuyin kung Katotohanan o
Opinyon ang pahayag.
1. Si Benigno Aquino III ang nag-iisang pangulo na
sumugpo sa suliranin ng korapsyon.
2. Sa tingin, ko may malaking panangutan sa insidente
sa Mamasapano si Pangulong Aquino.
3. Napakahusay ng pagganap ni Eugene Domingo sa
Pelikulang “Babae sa Septic Tank”.
4. Pinak-guwapong artista si Piolo Pascual.
5. Napatunayang nagnakaw ng kaban ng bayan ang
dating Pangulong Joseph Estrada.
Pagtukoy sa Layunin, Pananaw at
Damdamin ng Teksto
 LAYUNIN – tumutukoy sa nais iparating at motibo ng
manunulat sa teksto.

 PANANAW- pagtukoy kung ano ang preperensiya ng


manunulat sa teksto.

 DAMDAMIN-naman ay ang ipapahiwatag na


pakiramdam ng manunulat.
Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak at
Rebyu
 Paraphrase- tumutukoy sa muling pagpapahayag ng
ideya ng may akda sa ibang pamamaraan at
pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa
mambabasa.
 Abstrak- buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng
isang komprehensiya o anomang pag-aaral sa isang
tiyak na disiplina o larangan.
 Rebyu- isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang
layunin ay suruin ang isang aklat batay sa nilalaman,
estilo, at anyo ng pagkasulat nito.

You might also like