You are on page 1of 34

MODYUL 4: MGA

KASANAYAN SA
AKADEMIKONG
PAGBASA
INIHANDA NI: DR. MARIA AGNES Q. IFURUNG
A. Pagkuha ng
Pangunahing Ideya
PAKSANG PANGUGUSAP
sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya.
ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad sa isang teksto.
kadalasa’y makikita ito sa unang talata at huling talata ng
tekstong ekspository.
01
Pantulong o Suportang detalye
mga mahahalagang kaisipan o susing salita na may
kaugnayan sa paksang pangungusap.
tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang
pangungusap.
ito ang batayan ng paksang pangungusap batay sa kung
ano ang layunin ng teksto.
02
B. Pagtukoy sa
Layunin ng Teksto
tumutukoy ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari
ng isang awtor sa kanyang mambabasa.
makikita ito sa mga salitang ginagamit sa teksto at sa paraan ng
pagka-organisa nito.
may mga tekstong may layuning manlibang, manghikayat at iba
pa.
C. Pagtiyak sa
Damdamin, Tono at
Pananaw ng Teksto
sa pamamagitan ng mga tiyak na salitang ginamit ng awtor, maaring
matiyak kung ano ang damdamin, tono at pananaw ng teksto.

PANANAW NG TEKSTO
DAMDAMIN NG TEKSTO TONO NG TEKSTO
tumutukoy
tumutukoy sa kung ano ang tumutukoy sa saloobin ng sa punto de bistang ginamit ng
naging saloobin ng awtor sa paksang awtor sa teksto.
mambabasa sa binasang kanyang tinatalakay.
teksto. ginagamit ang panghalip tulad ng:
maaring ito ay masaya, ako, ko, akin, natin (unang
maaring saya, tuwa, lungkot, malungkot, seryoso, panauhan).
Ikaw, ka, mo, iyo, ninyo
takot, galit, at iba pa. mapagbiro, mapangutya at
(ikalawang panauhan)
iba pa. Siya, niya, kanya, kanila
(ikatlong panauhan)
D. Pagkilala sa
Pagkakaiba ng Opinyon at
Katotohanan
KATOTOHANAN
ito ay ang mga paktwal na kaisipan o pahayag na
hindi na mapasusubalian at samakatwid ay tinatanggap na ang
lahat. Ang KATOTOHANAN ay totoong pangyayari. Ang
mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang
sinusuportahan ng pinagkunan. Bihira itong magbago mula sa
isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala bilang pananda tulad ng:
Batay sa
Resulta ng
Pinatutunayan ng
Pinatutunayan ni
Sang - ayon sa
Mula kay
Tinutukoy na
Mababasa na
Tandaan na ang KATOTOHANAN ay tumutukoy sa mga totoong
pangyayari, may mga basehan at kalakip na mga impormasyon
o katibayan na nangyari nga.

May mga katotohanang hindi natin matanggap, ngunit wala


naman tayong magawa, gaya ng “HINDI KA NA NIYA MAHAL”.
Ang tangi na lang nating gawin ay tanggapin ito nang maluwag
sa dibdib. Maging aral na lang din ito sa atin.
HALIMBAWA
Nagbuga ng abo ang Bulkang Taal noong Enero 12,
2020. Marami ang nawalan ng tirahan at ari-arian dahil
sa pangyayari. Muli rin namang lumaganap ang
bayanihan, pagkakaisa, pagtutulungan at damayan.
OPINYON
ito ay pahayag ng isang tao hinggil sa isang paksa batay sa
kanyang paniniwala at prinsipyo.
Ang OPINYON ay sariling pahayag lamang. Ang opinyon ay
tumutukoy sa kuro-kuro, paniniwala at mga palagay mo sa
isang bagay o pangyayari, mga ideya na hindi mo alam kung
minsan makakasama ba o makabubuti, makakatulong ba o
hindi.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng:
Sa aking palagay
Sa nakikita ko
Sa pakiwari ko
Kung ako ang tatanungin
Para sa akin
Sa ganang akin, atbp.
MGA DAPAT ISAALANG - ALANG SA
PAGBIBIGAY NG OPINYON

Suriing mabuti ang mga pangyayari bago ka humusga


upang maiwasan mo na ikaw ay makasakit ng
damdamin ng iba.
01
Isipin muna ang mga salitang bibitawan dahil baka ito
ay magdulot pa ng hindi maganda at maging sanhi pa
ng kaguluhan.
02
Maging matalino sa pagbibigay ng opinyon, sapagkat
nakasalalay ang iyong pagkatao. Huhusgahan ka ng
mga taong nakikinig o nakakakita sa iyo.
HALIMBAWA
Walang disiplina ang mga Filipino, kaya malaki ang problema ng

bansa sa basura.

Sa aking palagay, dapat parusahan ang sino mang mahulihang


nagtatapon ng kahit balat ng kendi sa kalsada. Sa tingin ko,

matatakot na ang iba kapag may naparusahan na.


E. Paghihinuha
at Paghula
ang isang mahusay na mambabasa ay may binubuong
mga tanong sa kanyang isipan bago magbasa, habang
nagbabasa at maging matapos magbasa. Mga
katanungan iyo ding sinasagot sa iyong pagbabasa.
PANGHIHINUHA
ito ay tinatawag din interferencing. Ito ay tumutukoy sa
kakayahang tukuyin ang isang bagay sa hindi pa alam batay sa
ilang clues.

PAGHULA
ito ay tinatawag ding prediksyon. Ito ay angkop na gamitin sa
pagbabasa ng mga kwento at nobela.
ANO ANG PINAGKAIBA NG DALAWA?

PAGHIHINUHA
PAGHUHULA
INFERENCING is using the
information in the text and what you PREDICTION is a statement about

know to figure out something in the the future. It’s a guess, sometimes

text that author didn’t tell you. based on facts or evidence, but not

(Merriam’s Dictionary, 2015) always. (Vocabulary.com, 2015)


PAGHIHINUHA
PAGHUHULA
Ano ang gagawin ni
Ang paggamit sa
Raul? Pagbibigyan kaya niya ang
pamagat ay isang halimbawa ng
samo ng tinig? Ang sagot sa mga
paghihinuha.
tanong na ito ay isang halimbawa ng
paghuhula.
F. Pagbuo
ng Lagom at Konklusyon
LAGOM
ang pinaka payak at pinaka maikling anyo ng diskurso
batay sa binasang teksto taglay ang pinaka diwa ng
binasa.
Ano nga ba ang lagom o buod?
Ito ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin.
Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang
kabuuang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o
akda. Bukod sa nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha
ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang
kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa
ng paglalagom.
Natutuhan ang pagtitimbang- timbang ng mga
kaisipang nakapaloob sa binabasa.
Tandaan: Sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy
ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda.

01
Natutuhan niyang magsuri ng nilalaman ng kaniyang
binabasa. Natutukoy niya kung alin sa mga kaisipan o
mga detalye ang dapat bigyan ng malalim na pansin sa
pagsusulat ng lagom.
02
Nahuhubog ang kasanayan ng mga mag-aaral sa
pagsulat particular ang tamang paghahabi ng mga
pangungusap. Mahalaga na mailahad ito nang malinaw
hindi maligoy o paulit-ulit.

03
Nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng
bokabularyo. Sa pagsulat ng lagom, importanteng
makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng
tekstong binubuod.
04
Ang kasanayang ito ay nagiging kapaki-pakinabang sa
mga mag-aaral, ito rin ay nakatutulong nang malaki sa
larangan ng edukasyon, negosyo at propesyon.
G. KONKLUSYON
Tumutukoy sa mga implikasyong hinango sa binasa o
kaya ay ang mga bagay na napatunayan.

You might also like