You are on page 1of 20

Modyul 5: Mga

Batayang Kaalaman
sa Pagsulat
Inihanda ni: Dr. Maria Agnes Q. Ifurung
KAHULUGAN AT
KAHALAGAHAN
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,simbulo at
ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang
kanyang/kanilang kaisipan.

Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa


iba’t ibang layunin. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang
kamay at mata. Mental na aktibiti rin ito sapagkat hindi maaaring hindi
gamitin ang utak sa pagsusulat.

Hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pagsuong sa gawaing ito ay


mangangailangan ng puspusang mental at konsiderableng antas ng
kaaalamang teknikal at pagkamalikhain.
MGA LAYUNIN SA
PAGSULAT
Kapwa isang gawaing personal at sosyal ang pagsulat. Personal
na gawain ito kung ang pagsulat ay ginamit para sa layuning
ekspresibo o sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama. Sosyal na
gawain naman ang pagsulat kung ito ay ginagamit para sa
layuning panlipunan o kung ito ay nagsasangkot ng
pakikipag-ugnay sa iba pang tao sa lipunan. Ang layuning ito ay
tinatawag ding transaksyonal.
URI NG LAYUNIN SA PAGSULAT

1. IMPORMATIB NA PAGSULAT (Expository Writing)


ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.
Ang mismong pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa
teksto.
2. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT (Persuasive Writing)

ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang


katuwiran, opinion o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang mga
mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor nito.
3. MALIKHAING PAGSULAT
ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng
maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na
akda. Ang pokus dito ay ang manunulat mismo. Wika nga ni Arrogante
(2000), ang malikhaing pagsulat ay isang pagtuklas sa kakayahang
pasulat ng sarili (o ng manunulat) tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal.
LOHIKAL NA
PANGANGATUWIRAN
May dalawang panlahat na kategorya ang lohikal na pangangatuwiran:

Ang Pabuod na Pangangatuwiran ay nagsisimula sa maliliit na halimbawa o kaya’y


sa mga particular na bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na
tuntunin, kaisipan, o konsepto.

Ang Pasaklaw na Pangangatuwiran ay nagsisimula naman sa panlahat na tuntunin,


konsepto o ideya na sinusundan ng mga partikular na bagay na sumusuporta o
nagpapatotoo sa inilahad sa una.
Ang ganitong pangangatuwiran ay madalas na gumagamit ng silohismo tulad ng mga
sumusunod.

TIYAKANG SILOHISMO

Pangunahing Premis: Lahat ng Katoliko ay Kristiyano.

Pangalawang Premis: Si Juan ay Katoliko

Kongklusyon: Si Juan ay Kristiyano.


KONDISYONAL NA SILOHISMO

Pangunahing Premis: Kung si Juan ay isang mabuting Kristiyano, siya ay pupunta sa langit.

Pangalawang Premis: Si Juan ay isang mabuting Kristiyano.

Kongklusyon: Si Juan ay pupunta sa langit.


PASAKALING SILOHISMO

Pangunahing Premis: Kung masama kang Kristiyano, hindi ka makararating sa langit.

Pangalawang Premis: Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano.

Kongklusyon: Makararating si Pedro sa langit.


MGA PAMILIANG SILOHISMO

Pangunahing Premis: Alin sa dalawa, si Jose ay Kristiyano o Muslim.

Pangalawang Premis: Si Jose ay hindi Muslim.

Kongklusyon: Si Jose ay Kristiyano.


MGA URI NG
PAGSULAT
Ang mga ito ang itinuturing na mga batayan at mahahalagang dahilan kung bakit
nagsusulat ang isang tao.

1. AKADEMIKO. Ang akademikong pagsulat ay maaaring maging kritikal na


sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel, tesis o
disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektuwal na pagsulat dahil layunin
nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
2. TEKNIKAL. Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga
kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan,
maging ng manunulat mismo. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring
makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin. Malawak
itong uri ng pagsulat at saklaw nito ang iba pang sub-kategorya tulad ng pagsulat
ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal.
3. JOURNALISTIC. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang
ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita,
editorial, kolum, lathalain at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o
magasin.

4. REPERENSYAL. Reperensyal ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng


iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang
manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na
maaaring sa paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa sino mang mambabasa
na nagnanais na mag-refer sa reperens na tinutukoy. Dahil nga reperensyal ang layunin
nito, samakatuwid, ang paggawa ng bibliograpiya, indeks at maging ang pagtatala ng
mga impormasyon sa note cards ay maihahanay sa ilalim ng uring ito.
5. PROPESYONAL. Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na
propesyon. Bagama’t propesyonal nga, itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang
paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili ng mga mag-aaral. Maituturing na
halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis, investigative report ng mga
imbestigador, mga legal forms, briefs at pleadings ng mga abugado at legal researchers
at medical report at patient’s journal ng mga doctor at narses.
6. MALIKHAIN. Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon
ng manunulat, bagama’t maaaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat.
Layunin din nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin
ng mga mambabasa. Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura. Samakatuwid,
ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at malikhaing sanaysay ay
maihahanay sa ilalim ng uring ito. Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma, tayutay,
simbolismo, pahiwatig at iba pang creative devices ang mga akda sa uring ito.

You might also like