You are on page 1of 80

MODYUL 6:

PANANALIKSIK
INIHANDA NI: DR. MARIA AGNES Q. IFURUNG
PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay maingat at walang kinikilingang
pagsisiyasat sa isang suliranin/paksa batay hanggat maaari
sa mailahad na katotohanan at kinapapalooban ng mahusay
na pagkilala at pagbibigay kahulugan sa mga data na
nakalap.
MGA KATANGIAN
NG PANANALIKSIK
v Ang pananaliksik ay pangangalap ng bagong kaalaman o
datos mula sa pangunahing sources
v Ang pananaliksik ay madalubhasa, sistematiko at tiyak na
pagsisiyasat.
v Ang pananaliksik ay makatwiran, obhektibo at gumagamit ng lahat ng
posibleng pagsubok upang matiyak ang katumpakan ng datos na nakalap
at pamamaraang ginamit.
v Ang pananaliksik ay pagsisikap na makatipon ng maraming datos
hanggat maaari, gayunpaman, ito’y matiyaga at hindi nagmamadali.
v Ang pananaliksik ay maingat na itinatala at inuulat.
LAYUNIN NG
PANANALIKSIK
v Upang maging malaya ang pagtatamo ng bagong kaalaman
v Upang maging panimula sa malayang pag-aaral.
v Upang mamulat sa indikatibong pag-iisip at aghaming
pamamaraan.
v Upang malinang ang makatwirang ugali at pananaw sa pag-
uusisa.
KATANGIAN NG
MABUTING
PAMAMARAAN
MAKATWIRAN ANGKOP AT MALINAW AT
SAPAT TIYAK
MGA PARAAN NG
PANANALIKSIK
DESKRIPTIB HISTORIKAL

EXERIMENTAL PILOSOPIKAL

PROGNOSTIK SOSYOLOHIKAL

MALIKHAIN SALIKSIK SA
PAGGAWA NG
KURIKULUM
DESKRIPTIB
paghahanap ng katotohanan ng mga sapat na pagpapakahulugan.
Sa paraang ito, ang mga data ay maingat na tumutukoy naman sa
sumusuri. Ang mga facts na makalap ay maaaring may central
tendensi ng deviyeyson o koreleysyon (central tendency of
deviation or correlation). Ang isang ulat ay hindi maaaring
tawaging pananaliksik kung ito ay hindi bibigyan ng kaukulang
interpretasyon.
NAHAHATI SA IBA’T IBANG ANYO ANG DESKRIPTIB NA
PANANALIKSIK
1. Sarbey

ang maayos na pagtatangka na suriin, bigyan ng kahulugan at iulat


sa kasalukuyang kabuuan ang isang institusyong panlipunan, grupo o
isang saklaw nito. Layunin nito na tipunin ang inuri, nilahat at
bigyan kahulugan ang data para maging gabay sa hinaharap.
2. Pagpapatuloy (continuity research)

dahil sa kakapusan sa pananalapi, kagamitan, oras o lakas, ang


pag-aaral sa isang sistema ay tinutuloy sa pamamagitan ng
tuwirang pag-oobserba at pagsusuri sa development ng isang
bagay sa loob ng mahabang panahon.
3. Aral – kaso (case study)

ang ganap na pagsusuri at pag-uulat ng katayuan ng isang


tinutukoy na individwal na may konsiderasyon sa bawat yugto ng
kanyang kabuuang pagkatao.

4. Job Activity

dito ay masusing sinusuri ang mga trabaho at aktiviti


ng isang individwal.
5. Aklat o dokumento

dito ang iba’t ibang materyales na matatagpuan sa aklatan ang


ginagamit ng mananaliksik.
HISTORIKAL

binibigyan pakahulugan ang nakaraang kalakaran o trend


ng pag-uugali o kaganapan.
EXPERIMENTAL
dinaraan sa masusi at kontroladong pagsubok ang isang bagay o
pangyayari, at maingat na tinatala ang bawat pagbabago,
pangyayario development ng isang bagay. Maaaring isagawa ang
experiment sa laboratory o sa isang
natural environment.
PILOSOPIKAL
tungkulin ng pananaliksik na ito ay tukuyin ang pinakamataas na
pagpapahalaga ng isang pananaw na batay sa kagalingang panlahat,
upang magbigay ng kaalaman tungkol sa pamamaraan at teknik ng
pagmamatwid pilosopikal.
PROGNOSTIK
tumutukoy sa anumang aghaming pananaliksik na ang pangunahing layunin ay
mahulaan ang hinaharap na tunguhin ng bagay na sinisiyasat upang ang di-
maiwasang bagay na dapat maganap ay matalinong mapigilan, batay sa kaalaman
tungkol sa sinusuring trend ng kadalasan (occurrence) sa tiyak na piling panahon.
Ang isang nainam na halimbawa nito ay ang pagsasaliksik na ginagawa ng
PHILVOCS sa mga pagsabog ng bulkan.
SOSYOLOHIKAL
sinisiyasat dito ang institusyong sosyal sa layuning mabigyan sila sa
mga rekomendasyon para sa kanilang kapakanan. Ang mga
institusyong ito ay ang pamilya, simbahan, paaralan, pamahalaan,
atbp.
MALIKHAIN
gumagamit ng maligoy at masisilong lapit sa pagsusuri ng
karanasan ng tao. Sinusuri nito ang kagandahan ng isang bagay
batay sa pamantayan ng tao. Ang pakay nito ay astetiko, gayundin
ang katotohanan. Nilalayon nito na lumikha ng astetikong
pagpapahalaga.
SALIKSIK SA PAGGAWA NG
KURIKULUM
ginagamit upang piliin ang mas mainam na paraan at teknik sa
pagtuturo.
THESIS
Batid nating lahat na ang thesis ay isang kahingian sa maraming
kurso ( lalo na sa mga kursong gradwado) kayamarapat lamang
na pag- ukulan natin ng pansin ang kahulugan ng thesis. Narito
ang pakahulugang binanggit ni Aquino sa kanyang aklat.
A thesis may be defined as the report of scholar upon some piece of
research which he has completed. It is the culmination of a devious
process for investigation to the insertion of the final footnote. Many
elements are involved, and each offers the possibility of raising or
lowering the quality of the product. Most important of all in determining
the character of the result, however, are the fundamental aims of the
writer which should be an undeviating search for truth, and original in
substance.
TATLONG SALIK NG SALITANG
ISKOLAR
v Tumutukoy sa isang taong mapagsaliksik sa katotohanan.
v Tumutukoy sa isang taong gumagamit ng aghaming
pamamaraan ng pagsisiyasat.
v Tumutukoy sa isang taong nag-ambag o nag-aambag ng
makabuluhang kaalaman.
SA PAG-UNAWA SA SALITANG THESIS DAPAT
ISAALANG-ALANG ANG MGA SUMUSUNOD

1. Ang paghahanap ng katotohanan ay kinapapalooban ng hangaring


makuha ang lahat ng maaaring makalap na katibayan, tiyak at mapili
sa paghawak ng mga katibayan at imparsyal na pananaw.
2. Ang iskolar ay hindi nagsasayang ng pagod sa pagkuha ng lahat
ng makabuluhang kaalaman kaakibat ng kanyang suliranin ng paksa.
3. Nanging ibabaw sa pananaliksik ng iskolar ang pagiging tiyak,
hangarin na maisakatuparan ang pinakamainam na paraan sa
ebalwasyon ng mga data.
4. Sa pangangalapat paglalahad ng mgakatibayan, ang mga iskolar ay
nangangailangan ng ibayong pag-iingat upang masiguro ang kawastuhan
ng obserbasyon o pagtatala na kailangang matatag sa bawat
paninindigan.
5. Ang iskolar ay natatangi sa pag-iwas na ipagkamali ang opinyon
(lalo na ang sa kanya) sa katotohanan. Masusi niyang sinasaliksik ang
bawat opinyon upang makita kung sa anong batayan, kung mayroon
man, ito nakasalalay.
6. Sa pagsusulat, maingat ang iskolar sa paghaharap ng mambabasa
ng mga sapat na katibayan, na anumang kanyang tinutukoy ay isang
di- mapapasubaliang katotohanan.
7. Matapat ang pagsalig ng iskolar sa mga otorisadong kinauukulan
upang mapatibay ang kanyang konklusyon.
8. Imparsyal ang iskolar at malinaw ang pagiging objektibo ng
kanyang pananaw na syang dahilan ng kanyang pagpapahalaga sa
katotohanan. Hindi niya layunin na patunayan ang isang bagay,
kundi ang tumuklas ng isang bagay.
ORIHINALIDAD
Isa sa mahalagang katangian ng thesis ay ang orihinalidad. Ang
orihinalidad ay nasasabing kinapapalooban ng pagtuklas o
pagsusuri sa mga bagong data sa pamamagitan ng luma o
makabagong paraan ng pananaliksik, o ang pagsasaayos ng
lumang facts sa mga makabagong teknik.
ANG PAKSA O SULIRANIN
Ang makapagsagawa ng pananaliksik, dapat magkaroon muna
ng isang paksa o suliranin na siyang pakay ng pagsasaliksik.
Ang pagtukoy sa paksa/suliranin ang pangunahing hakbang ng
anumang proyektong kinapapalooban ng aghaming lapit sa
pananaliksik.
PAGTUKOY SA PAKSA O SULIRANIN
Ang pagtukoy sa paksa/suliranin ang pinakamatagal na proseso sa
pananaliksik. Dahil dito, may tendensi ang mananaliksik na
magmadali. Hindi kinakailangang magmadali sa pagtukoy sa
paksa/suliranin dahil kadalasan ang pagmamadali ay nagbubunga ng
maling proyekto at kawalan ng direksyon.
PAGLALAHAD NG PAKSA/SULIRANIN
Ang pamagat ng thesis o report ay tumutukoy sa paksa o tiyak na
larangang susuriin. Ito ay nagbibigay ng malinaw na larawan kung
saan nauukol ang pag-aaral. Sa paglalahad ng paksa dapat
iwasan ang ganitong pahayag “Isang Pag-aaral kung Paano.”
Ang pananaliksik ay hindi naghahangad na patunayan ang
isang bagay. Ito ay naghahanap ng walang kinikilingang
katugunan. Dapat din iwasan ang mga sumusunod sa
paglalahad ng pamagat.
1. Pagtatala ng malawak na saklaw ng pag-aaral.
2. Napakakitid namang saklaw ng pag-aaral na dumating sa
puntong wala nang halagang panthesis para ipagpatuloy.
3. Paggamit ng di-aghamin, maligoy, matalinhaga, madamdamin o
retorikang salita na may himig pagkiling waring nagbibigay diin sa
hindi pa naprosesong data o may himig na naglalahad ng
karanasan o kuro-kuro.
Ang paglalahad ng paksa/suliranin ay kadalasang nilalagay sa
pambungad na kabanata, hanggat maaari ay sa unahang
talata. Ito ay maaaring nasa anyong patanong o pasalaysay.
Ang paglalahad ng paksa ay kinakailangang tiyak, malinaw at
wasto.
PAGPILI NG PAMAMARAANG
DAPAT GAMITIN

Matapos matukoy at pagpasyahan ang paksa,


ang susunod na hakbang ay ang pagpili ng
paraang dapat gamitin sa pagsasagawa ng
pananaliksik. Dapat pag-ukulan ng pansin ang
mga sumusunod na pagpili ng pamamaraang
dapat gamitin:
1. Dapat makatwiran ang pamamaraan.
2. Dapat angkop ang pamamaraan at sapat upang
tugunin ang suliranin.
3. Kailangang pangatwiranan ng nagsasaliksik ang
napiling pamamaraan ay malinaw at tiyak.
4. Dapat maipaliwanag ng husto ang pamamaraang napili.
5. Kinakailangang tiyakin ng mananaliksik na alam niya
ang mga kahinaan ng pamamaraang ginamit nang sa
gayon ay maiwasan ang mga kahinaang ito.
PAGHAHANDA NG BALANGKAS NG
SALIKSIK
Isang mahalagang kahingian sa pagsasagawa ng pananaliksik ang
paggawa ng balangkas. Minsan, ang balangkas ay tinatawag ding
disenyo o agendum. Ano pa man ang itawag dito pangunahing layunin
ng balangkas na gabayan ang mananaliksik. Dahil dito, mahalagang
mabatid ng mga mag-aaral na ang paghahanda ng balangkas ay isang
mahalagang hakbang sa pagsasaliksik.
AYON KAY AQUINO, ANG PINAKAMAINAM NA BALANGKAS AY ANG
KAY JOHN BEST. NARITO ANG JOHN BEST’S AGENDUM:
1. Paglalahad ng paksa/suliranin sa anyong patanong o pasalaysay.
2. Kahalagahan ng suliranin
3. Pagbibigay kahulugan, palagay at limitasyon
4. Tala ng kaugnay na panitikan
5. Isang maingat at detalyadong pagsusuri sa panukalang paraan ng pananaliksik.
6. Taning (time schedule). Kinakailangan ito upang mapangasiwaan ng
mananaliksik ang kanyang oras at mga kagamitan sa mabisang paraan.
ANG PANGANGALAP NG DATA
Sa unang pananaliksik kinakailangan ang data na maging batayan ng pagsusuri at
interpretasyon. Ang mananaliksik ay hindi magtatagumpay kung wala ang mga ito:
1. Talatanungan (questionnaire)
2. Pagmamasid (observation)
3. Panayam (interview)
4. Pangkaisipang Pagsubok (Psychological test)
5. Paggamit ng Aklatan
6. Pag-uuri at Pagsusuri ng mga Data
7. Interprasyon ng Data
1. TALATANUNGAN (QUESTIONNAIRE)
Isang nakasulat at mainam na binalak na mga katanungan, kaugnay ng isang paksa at
may nakalaang puwang para sa sasagot. Para matiyak na ang talatanungan ay mabisang
instrumento sa pangangalap ng data, dapat tumalima ang mananaliksik sa mga
sumusunod na simulain sa pagbuo ng talatanungan:
a. Ito’y kinakailangang may suporta ng paaralan, institusyon o ng individual na may
hangad sa tagumpay nito.
b. Dapat matapat na maipabatid sa sasagot ang layunin ng pag-aaral.
c. Dapat mainam ang pagkakabuo at abot ng pang-unawa ang sagot sa mga tanong.
d. Kinakailangang may kabuluhang edukasyonal at mahalaga sa pagsisiyasat
ang mga tanong.
e. Dapat maikli ngunit malinaw ang mga tanong.
f. Halos lahat ng mga tanong ay dapat masagot sa maikling paraan, tulad ng
payak na paglalagay ng tsek sa isang kahon o braket.
g. Ang hinihinging impormasyon sa talatanungan ay hindi makukuha sa ibang
paraan.
h. Ang talatanungan ay kinakailangang nakaayos sa isang mechanical
form.
i. Ang pagbabalik o pangangalap ng talatanungan ay pagkatapos ng
makatwirang panahon.
j. Ang tanong ay dapat tumutukoy sa facts at hindi sa opinyon o
saloobin.
k. Lahat ng aspekto ng paksa ay dapat masaklaw nito.
2. PAGMAMASID (OBSERVATION)
Tinuturing na pinakatuwirang pangangalap ng impormasyon sa payak na pagkuha ng
data ang pagmamasid sa ugali, katangian, gawi, development atbp. Ang mainam na
pagmamasid ay may sumusunod na katangian:
a. Tiyak
b. Sistematik
c. Maaaring bilangin o sukatin (quantitative)
d. Ang resulta ay nakatala at hindi dapat isaulo lamang
e. Ang pagmamasid ay ginagawa sa ekspertong paraan
3. PANAYAM (INTERVIEW)
Pasalitang anyo ng talatanungan. Dito ang data ay kinukuha ng
personal. Kaya ang mga simulain ng mainam na talatanungan ay dapat
ding isaalang-alang dito. Ang isang kainaman nito kaysa sa
talatanungan, kapag mahusay ang nagsasagawa ng panayam, nakukuha
niya ang tiwala ng kinakapanayam kaya’t nakakakuha rin siya ng mga
lihim na impormasyon kung minsan.
4. PANGKAISIPANG PAGSUBOK
(PSYCHOLOGICAL TEST)
Isang paraan ng pagsubok sa isang aspeto ng pag-uugali ng tao. Nabibilang
ito o nasusukat sa iskor na nakamit sa pagsubok, at magagamit ang resulta
nito sa paghahambing sa pag- uugali ng dalawa o higit pang tao. Ilan sa
mga halimbawa nito ay ang mga pagsusulit sa paaralan.
5. PAGGAMIT NG AKLATAN
Ginagamit ng mananaliksik ang mga kagamitan sa aklatan tulad ng
mga aklat, magasin, artikulo, dokumento at iba pang akda na
kapakipakinabang sa pananaliksik.
6. PAG-UURI AT PAGSUSURI NG MGA
DATA
Matapos matipon ang mga data dapat itong iayos ayon sa uri o i-
classify ng may kaukulang pag-iingat. Gumamit ng tabyulesyon at
istatistiks kung kinakailangan. Pagkatapos, ang mga data ay
masusing susuriin.
7. INTERPRASYON NG DATA
Matapos matipon, mai-classify, matabyuleyt at masuri ang mga data,
binibigyan ito ng wastong pagpapakahulugan. Sa mga pananaliksik na
ginamitan ng istatistiks, ang tulong ng isang istatistisyan ay malaking
bagay.
TUNGKULIN AT
RESPONSIBILIDAD NG
MANANALIKSIK
KATANGIAN NG ISANG
MANANALIKSIK
Ang isang mananaliksik ay:

1. masigasig
2. masinop
3. masistema
4. mapamaraan
5. magaling magsiyasat
6. may pananagutan
RESPONSIBILIDAD NG
MANANALIKSIK
Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating
pananaliksik. May batas tayo na nagpaparusa sa tuwirang
pangongopya ng impormasyon na hindi kinikilala ang tunay na
sumulat nito. Tinatawag na plagiarism ang tuwirang pangongopya
ng mga impormasyon.
MGA BAHAGI NG
PANANALIKSIK
KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT
KALIGIRAN NITO
Panimula
Ito ay mababasa sa panimula ng presentasyon o paglalahad ng suliranin. Kabahagi ng
presentasyon ang kaligirang pangkasaysayan ng paksang napili. Nililinaw rin ang sanhi ng
pagpili ng paksa at ang kahalagahan nito. Binabanggit din sa bahaging ito ang saklaw ng
pag-aaral sa paksa. Tandaan nasa panimula ay mahalaga na maglagay ng mga pananaliksik
na natapos at nasubok na upang makita ng mambabasa na may sapat na pinagbabatayan at
ebidensya ang mananaliksik sa napiling pag-aaral.
Paglalahad ng Suliranin
Sa bahaging ito ng pananaliksik, inilalagay ang kahalagahan ng paksang
pag-aaralan gayundin ang kaligirang pangkasaysayan. Sa bahaging ito
rin inilalagay ang pangkahalatang suliranin. Itinatala ang mga tanong na
dapat na masagot ng pag-aaral.
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Tinalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung
ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya.
Binabanggit din kung sino ang makikinabang at ang posibleng implikasyon
ng pag-aaral na gagawin sa mga taong tinutukoy na makikinabang.
Batayang Konseptwal / Teoretikal
Ipinaliwanag ni Kerlinger (1973) na ang teoretikal o konseptwal na balangkas
na kailangan sa isang sulating pananaliksik ay tumutukoy sa set ng
magkakaugnay na konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa
sistematikong pananaw ng phenomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon
o kaugnayan ng mga baryabol sa paksang pag-aaralan.
Ilustrasyon I
Ang paradaym ay isang dayagramatikong Ipinakikita sa Ilustrasyon I ang mga Salik o Aspeto ng
representasyon ng batayang Pamumuhay ng Pamilya ng mga Kabataan sa Paaralang
Pambayan ng Maynila
konseptwal/teoretikal. Layunin ng
paradaym na mailarawan nang
maliwanag at sa lohikal na paraan ang
mensaheng nakapaloob sa batayang
konseptwal at teoretikal na sa isang
iglap o tingin lamang ay madaling
mabasa at maunawaan ang kabuuang
daloy ng pananaliksik dahil sa malinaw
na nakikita rito ang mga panguhanin at
mahahalagang baryabol at ang
kaugnayan nila sa isa’t isa.
Saklaw at Limitasyon
Inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito kung sino ang tagatugon na
gagamitin sa isasagawang pag-aaral, saan at kalian ito gagawin.
Ipinaliliwanag din ng mananaliksik ang limitasyon at hangganan ng kanyang
pag-aaral.
Kahulugan ng mga Katawagan
Ang pagbibigay ng kahulugan ay may dalawang paraan. Ayon kina Sevilla at iba
pa (1992), ang isa ay tinatawag na konseptwal na pagpapakahulugan na
matatagpuan sa mga diksyonaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal na
kahulugan ng salita o grupo ng mga salita na nauunawaan ng maraming tao.
Tinatawag namang operasyonal (operational) na pagpapakahulugan ang ikalawang
paraan.
KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA
LITERATURA AT PAG-AARAL
Isa sa mahalagang bahagi ng pananaliksik ang pag-aaral sa mga kaugnay
na literatura. Ditoginagawa ang paghahanap ng mga aklat, journal,
magazine, tesis, disertasyon at iba pang sanggunian na magagamit na
batayan sa pagsusuri ng mga teoryang. Nakatutulong ang mga kaugnay na
literature sa pagpaplano ng paksang pag- aaralan.
May iba’t ibang sistema sa pag-aayos ng mga kaugnay na literatura. Ang
ibang mananaliksik ay gustong kronolohikal ang pagkakaayos ng mga ito.
Ang iba naman ay inihihiwalay ang lokal na sanggunian sa mga dayuhang
sanggunian o kaya’y nakabukod ang mga tesis at disertasyon sa mga
aklat.
a. Banyagang Literatura
b. Lokal na Literatura
c. Banyagang Pag-aaral
d. Lokal na Pag-aaral
KABANATA 3: PAMAMARAAN
Ipinapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo o metodolohiya sa
pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan, historical o kaya’y
eksperimental. Ipinapakita rin dito ang paraan ng pagkuha ng datos gaya ng
pagbuo ng talatanungan, pagsasagawa ng sarbey, pagmamasid o case study.
Nakapaloob sa bahaging ito kung sino ang target na populasyon at ang mga
gagamiting tagatugon sa paksang sinisiyasat, gayundin ang uri ng estadistika na
angkop sa paksa.
KABANATA 4: PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT
INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng pananaliksik. Makikita ang
paglalahad ng mga datos, paraan ng pagsusuri nito at pagbibigay ng
interpretasyon. Inilalatag din sa bahaging ito ang paggamit ng
talahanayan at mga grap sa pagpapakita ng datos.
KABANATA 5: PAGLALAGOM, KONGKLUSYON
AT REKOMENDASYON
Hindi lahat ng ginawa sa pananaliksik ay isinasama sa bahaging ito.
Pinipili lamang ang mahalagang bahagi na punto ng pag-aaral at
inilalahad ang kongklusyon sa pag-aaral na ginawa. Sa madaling salita,
ang buod ay dapat na maglaman lamang ng pinakamahalagang bahagi
ng pananaliksik.
Sa kabilang banda, dapat na maipakita ng mananaliksik ang kaibahan ng
pagbibigay ng resulta sa pagbibigay ng kongklusyon. Kinukuha ang kongklusyon
sa buod ng resulata ng pananaliksik at iniuugnay ito sa tanong/hypothesis na
sinisiyasat o inimbestigahan.
Ipinapahayag sa rekomendasyon ang mga obserbasyon sa ginawang pag- aaral
at nagbibigay ng mga mungkahi ang mananaliksik na maaaring gawin pa ng
ibang mananaliksik sa paksa o porsyon ng pananaliksik na maaaring ipagpatuloy
na hindi nagawa dahil sa limitasyon ng pag-aaral.
MGA HAKBANG AT
KASANAYAN SA
PANANALIKSIK
Pagpili at Paglilimita ng Paksa
Ayon kina Atienza sa kanilang aklat na Tektbuk sa Komunikasyon 11
at iba pa, mahalaga na sa simula pa lamang ay limitahan na ang
napiling paksa upang hindi maging masyadong masaklaw ang pag-
aaral at pagtalakay na gagawin ditto. Narito ang ilang batayan sa
paglilimita ng paksa:
1. Panahon - Dapat na maging malinaw sa mananaliksik ang saklaw
ng panahon ng pag-aaral sa paksang napili. Isaisip na ito’y
matatapos sa loob ng isang semester. Humingi ng payo sa
propesor o tagapayo kung nahihirapang limitahan ang paksa.
2. Edad - Isaalang-alang kung ano ang edad ng populasyon o
tagatugon na gagamit sa paksang pag-aaralan upang magkaroon
ng direksyon at maging obhetibo ang resulta ng pananaliksik.
3. Kasarian - Mahalaga ito dahil nakaaapekto sa resulta ng pananaliksik
ang kasarian ng tagatugon kaya kailangang matiyak ang mga kasarian
ng populasyong gagamitin sa isasagawang pag-aaral.
4. Pangkat na kinabibilangan - Tukuyin ang pangkat na kinabibilangan ng
iyong populasyon kung ito ba ay estudyante, propesyunal, bata,
matanda, walang hanapbuhay, may hanapbuhay at ang kalagayang
pang-ekonomiko ng mga taong pagtutuunan ng pansin sa pag-aaral.
5. Anyo / Uri - Kung pananaliksik pampanitikan, kailangang tukuyin ang
uri o genre na susuriin sa pag-aaral. Maaari itong sanaysay, tula,
dula, nobela at iba pa. Para sa pananaliksik sa ibang disiplina,
maaaring ito ay ang kalagayang panlipunan, estruktura at iba pa.
6. Perspektibo - Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang pagtingin o pananaw sa
paksang pag- aaralan. Tinitiyak dito kung hanggang saan lamang ang
punto o perspektibo ng pag- aaral na gagawin.
7. Lugar - Binabanggit din ang lugar o pook na napiling gamiting sa
pananaliksik. Halimbawa, maaaring pag-aralan ang partikular na
kultura ng isang pook. Dapat puntahan ang lugar na gagamitin sa
pag-aaral upang magmasid at mapatunayan ang konsepto o teorya
na pinag-aaralan.
PAGGAMIT NG IBA’T
IBANG SISTEMA NG
DOKUMENTASYON
Ang mga estilong APA at MLA sa Pagdodokumento
Ang dokumentasyon ay naglalayon na matuntunan ang
lahat ng mga pinaghanguang materyales na ginamit sa
pagbuo ng pananaliksik. Ito rin ang paraan ng pagbibigay
pagkilala sa mga ideya at sinabi ng iba. Sa akademya,
kadalasang ginagamit ang estilong Turabean, ang Modern
Language Association (MLA), at ang American
Psychological Association (APA).
Ang MLA ay isang pang-akademikong samahan ng mga
guro, mag-aaral, propesor, mananaliksik at iba pang
nagpapakadalubhasa sa larangan ng wika at literature
gamit ang iba’t ibang wika. Mula pa 1951, ang MLA ay
patuloy na naglalathala ng mga estilo sa dokumentasyon
ng mga gabay sa paggamit ng MLA sa MLA Handbook
for Writers of Research Papers (199), samantalang,
makikita sa Internet ang mga pinakabagong bersyon nito.
Ang Turabian ay ginagamit ng mga mag-aaral sa kolehiyo at
gradwado sa paggawa ng pang-akademikong pananaliksik.
Ginagamit ditto ang tradisyunal na tala/bibliograpiya na
ginagamit ng mga nag-aaral sa humanidades at ang author-
date/referente na ginagamit naman ng mga
nagpapakadalubhasa sa social at natural sciences. Kilala rin
ang Turabean sa paggamit ng footnote at endnote. Para sa
komprehensibong gabay na maaaring sumangguni sa Kate L.
Turabian’s A Manual for Writers of Term Papers, Thesis and
Dissertation, 6th ed.

You might also like