You are on page 1of 1

Isa sa pangunahing layunin ng pagbasa ang linangin ang kasanayan ng mga estudyante sa epektibong pagtukoy sa mga

impormasyon, ideya, at kosepto na nakapaloob sa mga teksto na maaaring magamit niya sa kabutihan at kaunlaran. Upang
matamo ang kahusayang ito, ang mga estudyante ay kailangang magkaroon ng mga kasanayan sa pagbasa tulad ng
sumusunod

1.3.1 PAG-UURI NG MGA IDEYA AT DETALYE


Makatutulong dito nang malaki ang kaalaman sa
1. Paksang pangungusap (topic sentence)
 ay ang pangunahing paksa o diwa ng isang pamgumgusap.
 Nadalas, ito ay nasa simula pa lamang kaya malalaman na agad na ito ang pinakadiwa ng paksang
pinag uusapan. O matatagpuan sa huling bahagi ng teksto na ginagamit bilang implikasyon.
 Makilala ito sa pamamagitan sa pagtanong sa sarili:” tungkol saan ba ang teksto?” “Ano-anong
impormasyon ba ang tinatalakay ng manunulat, at ilang mga impormasyon ba ang mayroon.
2. Suportang detalye (supporting details)
 Aang bumubuo sa katawan o nilalaman ng talata at nagbibigay ng karagdagang kaalaman o
pagpapalawig sa ideya ng paksang pangungusap.
 Samakatwid, ang suportang detalye ay ang batayanng paksang pangungusap batay sa kung ano ang
layunin ng teksto.
1.3.2 PAGTUKOY SA LAYUNIN NG TEKSTO
 Mahalagang malaman na mambabasa ang layunin ng tekstong binabasa. Tumutukoy ang layunin ng
teksto sa kung ano ang nais mangyari ng awtor sa kanyang mambabasa.
 Mahihinuha ito sa mga salitang ginamit sa teksto na may layuning manlibang, manghikayat, mang-aliw,
magbigay ng opinyon, magpaliwanag o magbigay ng impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala o
prinsipyo, magtanggol, mangaral at iba pa.
 tandaan lamang na may tekstong may dalawa o higit pang layunin. Halimbawa, may mga tekstong
nagbibigay ng impormasyon habang nanghihikayat.
1.3.3 PAGTIYAK SA DAMDAMIN, TONO AT PANANAW NG TEKSTO
Sa pamamagitan ng mga tiyak na salitang ginagamit ng awtor ng isang teksto, maaaring matiyak kung
ano ang damdamin, tono at pananaw sa teksto.

1. Ang DAMDAMIN ng teksto ay tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binasang
teksto. Samakatwid, maaari itong saya/tuwa, lungkot, takot, galit, pagkabahala at iba pa.
2. Ang TONO naman ay tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatakay. Kung gayon,
maaaring ito ay masaya, malungkot, seryoso, mapagbiro, mapangutya at iba pa.
3. Ang PANANAW naman ay tumutukoy sa punto de vistang (POINT OF VIEW) ginamit ng awtor sa teksto.
Makikita ito sa pamamagitan ng mga panghalip na kanyang ginamit.
a) UNANG PANAUHAN ang pananaw kung gumamit ng mga panghalip na ako, ko, akin, kita, tayo,
natin, atin, kami, namin at amin.
b) IKALAWANG PANAUHAN ang pananaw kung gumamit ng ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo at
inyo.
c) IKATLONG PANAUHAN naman kung ang ginamit na mga panghalip ay siya, niya, kanya, sila,
nila at kanila.
1.3.4 PAGKILALA SA PAGKAKAIBA NG OPINYON AT KATOTOHANAN
Mahalagang makilatis ng sinumang mambabasa ang opinyon at katotohanan

a) Opinyon – Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero
puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina
sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.
b) Katotohanan – ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na
totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar.

You might also like