You are on page 1of 2

TEKSTONG NANGHIHIKAYAT (PERSWEYSIB)

TEKSTONG PERSWEYSIB
 Ang tekstong persweysib ay ginagamit ng isang may-akda upang kumbinsihin ang mga
mambabasa na tama o tiyak ang kaniyang isinulat.
 Naglalahad ang tekstong ito ng mga pahayag na nakaaakit at nakahihikayat sa
damdamin at isipan ng mga mambabasa sapagkat may sapat na ebidensiya o katibayan
sa paglalahad ng paksa.
 Layunin ng na maglalahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan at maipagtanggol
sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbisi ng mga mambabasa na
pumanig sa manunulat
Ang tono ng isang tekstong nanghihikayat ay maaaring:

 nangangaral  nalulungkot
 nagagalit  naghahamon
 nasisiyahan  natatakot
 nag-uuyam  nagpaparinig
 nambabatikos

Aristotle - naniniwala sa kahalagahan ng panghihikayat

TATLONG ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT


 Ethos - Kredibilidad o pagiging mapaniwalaan. Ito ay ang paggamit ng pangako, reputasyon, o
awtoridad ng nagsasalita upang makumbinsi ang mga tagapakinig.
 Pathos - Emosyonal na kumbinsyon. Ito ay ang paggamit ng damdamin at emosyon ng mga tagapakinig
upang makakuha ng suporta o reaksiyon sa isang isyu.
 Logos - Lojikal na paliwanag o argumento. Ito ay ang paggamit ng katwiran, datos, at katibayan upang
suportahan ang isang posisyon.

Mga Elemento sa Pagbuo ng isang Mahusay na Tekstong Nanghihikayat

1) Pagbuo ng mga makatotohanang kaisipan


2) Pagtukoy ng damdamin, saloobin na may kaugnayan sa interes ng mga mambabasa
3) Pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang may katotohanan at damdamin
4) Pagbuo at pagpahayag ng kongklusyon
5) Pagpapaniwala sa mambabasa na ang kongklusyon ay mula sa napagkasunduang katotohanan
6) Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Nanghihikayat
1) Piliin ang iyong posisyon. Aling mga bahagi ng isyu o problema ang nais mong isulat at anong posibleng
solusyon ang nais mong gawin? Alamin ang layunin ng iyong isusulat.
2) Pag-aralan ang iyong mga mambabasa. Alamin kung ang iyong mambabasa ay sasang -ayon sa lyo,
walang kiniklingan, o hindi sasang-ayon sa lyong posisyon.
3) Saliksikin ang iyong paksa. Ang mapanghikayat na teksto ay naglalahad ng tiyak at kongkretong
ebidensiya. Maaari kang pumunta sa aklatan o kapanayamin ang mga taong eksperto sa iyong paksa
4) Buuin mo ang iyong teksto. Alamin kung ano ang dapat mong isamang ebidensiya at ang
pagkakasunod-sunod ng mga ito. Kailangang isaalang-alang ang iyong layunin, mambabasa, at paksa

Sa pangkalahatang panuntunan sa pagsulat ng tekstong nanghihikayat, ang may-akda ay kailangang:


1) magkaroon ng isang matatag na opinyon na madaling matanggap ng mga mambabasa
2) simulan ang pagsulat ng teksto sa mapanghikayat na panimula upang bigyang -pansin ng mga
mambabasa
3) maglahad ng mga ebidensiya na susuporta sa isiniwalat na opinyon, at
4) pagtibayin ang pahayag sa kung ano ang nais na paniwalaan ng mga mambabasa.

Mga Katangian sa Tekstong Nanghihikayat (Persweysib)

 MAY PERSONAL NA KARANASAN


 SUMASAGOT SA ARGUMENTO
 MAY HUMOR O KATATAWANAN
 MAY HAMON
 MAY KATOTOHANAN AT MGA ESTADISTIKA
 MAY PANIMULA, KATAWAN, AT KONGKLUSYON

HALIMBAWA NG TEKSTONG NANGHIHIKAYAT:

Pagod ka na ba sa pag- aaral? Susuko ka nalang ba ng ganyan kadali? Isipin mo muna ang hirap at
sakripisyong ginawa ng magulang mo para ma tus-tusan ang pag aaral mo, ang supporta nila sa iyo. Kanilang
pagganyak para ikaw ay mag-aral, Sana'y pag isip isipan mo ang kanilang sakripisyo huwag ang sarili ang unahin.

Ikaw, Oo ikaw. Alam mo bang mahirap na nga kayo. Pinapahirapan mo pa ng sobra ang magulang mo, sana
man lang mag-ayos ka sa pag- aaral mo. lyan na nga lang ang maibibigay mo sa iyong mga magulang sa ngayon,
ang mapasaya sila. Marami ka namang mga pagganyak gaya nang parating sinasabi ng magulang natin na, ayusin
mo pag-aaral mo ha? para sa hinaharap hindi kana mahihirapan sa buhay mo.

You might also like