You are on page 1of 2

TEKSTONG ARGUMENTO- ito ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng

manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na
karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan,at resulta ng empirikal na
pananaliksik.
Ang empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipanayam, sarbey at eksperimentasyon.
MGA ELEMENTO NG PANGANGATWIRAN
1. PROPOSISYON -ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ang isang bagay na
pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig.
Halimbawa: Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan.
2. ARGUMENTO- ito ay ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang
isang panig.
KATANGIAN AT NILALAMAN NG MAHUSAY NA TEKSTONG ARGUMENTATIBO
1. Mahalaga at napapanahong paksa
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento.
5. Matibay na ebidensiya para sa argumento
HAKBANG SA PAGSULAT NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO
1. Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo.
2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong paninindigan at ano ang mga dahilan mo sa
pagpanig dito.
3. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong posisyon.
4. Gumawa ng borador(draft)
TEKSTONG PERSWAYSIB

 Isang uri ng dipiksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa
manunulat hinggilsa isang isyu.
 ito ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang paniniwala at
pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig.
 Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa
eleksiyon at pagrerekrut para sa isang samahan o networking.

Layunin sa Pagsulat ng Tekstong Persuweysib

 Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.


 Makapagpabago ng takbo ng isip ng mambabasa.
 Makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba.
 Hinihikayat ang mambabasang tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto

Tatlong Paraan ng Panghihikayat o Pangungubimsi

ETHOS
 Tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat.
 Kinakailangan makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may
malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat.
PATHOS

 Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.


 Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa ay isang epektibong
paraan upang makumbinsi sila.
LOGOS

 Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.


 Kinakailangan mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga
impormasyon at datos na kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto ang siyang
dapat paniwalaan.
 “Ad hominem fallacy”

You might also like