You are on page 1of 1

TEKSTONG PERSUWEYSIB : PAANO KITA MAHIHIKAYAT

Ang tekstong persuwaysib ay isang uri ng dipisiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon
sa manunulat hinggil sa isang isyu. Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan upang
suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat.
Makikita mula sa halimbawang binasa na ang isang tekstong persuweysib ay naglalaman ng sumusunod:

 Malalim na pananaliksik. Kailangang alam ng isang manunulat ang pasikot-sikot ng isyung tatalakayin sa
pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito. Hindi sapat na sabihing tama ang isang paninindigan kung walang tiyak
na mga datos na susuporta rito. Madalas na nauuwi sa emosyonal na panghihikayat ang pagsusulat ng tekstong
pesuweysib. Bagama’t maaari ng isalaysay ng manunulat ang isang personal at empirikal na karanasan, mahalaga
pa ring magpakita ng pananaliksik na ebidensiya at husay ng paglalahad nito ang pinaka-esensya ng isang tekstong
persuweysib.
 Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa. Kailangang malut at maalam ang manunulat ng
tekstong persuweysib sa iba’t ibang laganap ang argumento mula sa mga paniniwalang ito. Kung mahusay na
masasagot ang mga maling persepsiyon na ito, matitiyak ang pagpayag at pagpanig ng mambabasa sa paniniwala
ng manunulat.
 Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu. Ito ay upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala
ng mga mambabasa. Halimbawa, sa binasang sipi, makikitang nauunawaan ng manunulat ang kabuuang konteksto
at pinagmumulan ng polisiya ng pagtatanggal ng kursong Filipino. Gayundin, isa-isang nasasagot ang mga isyu na
ibinunga ng polisiya.

You might also like