You are on page 1of 2

Tekstong Persuweysib

by: Joshua Khevin S. Galero

PERSUWEYSIB

 Isang uri ng di-piksiyon na pagsusulat.

 Kinukumbinsi ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa


isang isyu.

 Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan


upang suportahan ang isang opinyon gamit ang isang argumentatibong estilo
ng pagsusulat.

Ano ang hindi dapat?

 Sa pagsulat ng tekstong ito. HINDI DAPAT magpahayag ng mga PERSONAL at


WALANG BATAYANG OPINYON.

Ano ang dapat?

 Gumamit dapat ang manunulat ng mga PAGPAPATUNAY MULA SA


SIYENTIPIKONG PAG-AARAL AT PAGSUSURI.

 Mas matibay ito upang mapaniwala ang mambabasa sa talas at katumpakan ng


panghihikayat ng manunulat

Isang halimbawa ng tekstong persuweysib

“Sipi mula sa Liham na Ipinadala ng Departamento ng Filipino sa Administrasyon ng


Unibersidad ng Santo Tomas (UST) Hinggil sa Pagdaragdag ng Kursong Filipino sa
Basic Education Curriculum (BEC)”
Pp. 62-64

Nilalaman ng isang tekstong persuweysib

 Malalim na pananaliksik.

 Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa.

 Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu.

Malalim na pananaliksik

 Kailangang alam ng isang manunulat ang pasikot-sikot ng isyung tatalakayin


sa pamamagitan ng pananaliksik.
 Hindi sapat na sabihing tama ang isang paninindigan kung walang tiyak na mga
datos na suporta rito.

Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga


mambabasa

 Kailangang mulat at maalam ang manunulat ng tekstong persuweysib sa iba’t


ibang laganap na persepsiyon at paniniwala sa isyu.

Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu

 Ito ay upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng mga


mambabasa.

 Halimbawa: Sa binasang Sipi, makikitang naunawaan ng manunulat ang


kabuuang konteksto at pinagmulan ng polisya ng pagtatanggal ng kursong
Filipino

QUIZ
1.) Ito ay Isang uri ng di-piksiyon na pagsusulat.
2-4.) Ano ang tatlong nilalaman ng isang tekstong
persuweysib?
5.) Ano ang dapat ilagay o isulat sa Tekstong Persuweysib?
6.) Ito ay isa sa nilalaman ng tekstong persuweysib kung saan
Kailangang alam ng isang manunulat ang pasikot-sikot ng
isyung tatalakayin sa pamamagitan ng?
7.) Ito ay isa sa nilalaman ng tekstong persuweysib kung saan
Ito ay upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng
mga mambabasa.
8.) Ito ay isa sa nilalaman ng tekstong persuweysib kung saan
Kailangang mulat at maalam ang manunulat ng tekstong
persuweysib sa iba’t ibang laganap na persepsiyon at
paniniwala sa isyu.
9-10.) Ano ang dalawang HINDI dapat ilagay o isulat sa
Tekstong Persuweysib?
11-15.) (In your own words) ano ang tekstong persuweysib?

You might also like