You are on page 1of 12

Aralin 5

TEKSTONG
PERSUWEYSIB
#PagPag

Instr. Edrele C. Manayan


KAL-Kagawaran ng Filipinolohiya
Matapos ang aralin, inaasahan ang mga
mag-aaral na:
Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng
tekstong persuweysib;
Nasusuri ang iba't ibang uri ng tekstong persuweysib
Nakapaglilista ng mga uri ng tekstong persuweysib
Nakapagsusuri ng mga katangian ng tekstong
persuweysib;
Nakasusulat ng isang tekstong persuweysib
ANO ANG TEKSTONG
NANGHIHIKAYAT O
PERSUWEYSIB?
Isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang
kumbinsihin ang mga mambabasa na
sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang
isyu.
Ang manunulat ay naglalahad ng iba't ibang
impormasyon at katotohanan upang
suportahan ang isang opinyon gamit ang
argumentatibong estilo ng pagsulat.
Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat
magpahayag ng mga personal at walang
batayang opinyon ang isang manunulat. Sa
halip ay gumamit ang manunulat ng mga
pagpapatunay mula sa mga siyentipikong
pag-aaral at pagsusuri.
TEKSTONG Sa ilang pagkakataon, inilalahad ng manunulat

PERSUWEYSIB ang mga impormasyon sa dalawang panig ng


argumento.
Nakaasa sa argumentatibong tipo ng
pagpapahayag ang tekstong persuweysib, ngunit
sa halip na magpakita lamang ng mga argumento,
layon nitong sumang-ayon ang mambabasa at
mapakilos ito tungo sa isang layunin.
May ilang uri ng tekstong persuweysib na
nangungumbinsi sa mga mambabasa kung paano
mag-isip o kumilos hinggil sa isang tiyak na
usapin.
HALIMBAWA NG
TEKSTONG
PERSUWEYSIB Sa panghihikayat ng mga
gumagawa ng iskrip sa
patalastas, layunin nilang bilhin
ng mamimili ang produkto o
serbisyong ibinebenta.
HALIMBAWA NG
TEKSTONG
PERSUWEYSIB Layunin naman ng mga politikal
na kampanya na iboto ang
isang tiyak na partido o
kandidato.
ISANG BAHAGI NG SIPI MULA SA LIHAM NA IPINADALA NG DEPARTAMENTO NG FILIPINO
SA ADMINISTRASYON NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (UST) HINGGIL SA
PAGDARAGDAG NG KURSONG FILIPINO SA BASIC EDUCATION CURRICULUM (BEC)

Dahil ito ay HINDI pag-uulit, bagkus ay lalong pagpapaunlad ng


mga asignatura sa Grade 11 at Grade 12.Sa mga asignaturang ito,
lilinangin ang mga kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral
sa pagsasalin at pananaliksik sa Filipino na mahalaga sa mga
tatahakin nilang disiplina. Mahalaga ang mga kakayahang
nabanggit, bagay na pinatutunayan ng napakaraming mag-
aaral ng edukasyon, nursing, medisina, nutrisyon, siyensya,
pagsasabatas, agham panlipunan, humanidades, literatura at
iba pa, na lumalapit sa mga guro sa Filipino upang magpatulong
sa pagsasalin tuwing gumagawa ng thesis at pag-aaral sa kani-
kanilang disiplina lalo na kung ito ay community-based o
nangangailangang makisalamuha sa karaniwang mamamayan.
ISANG BAHAGI NG SIPI MULA SA LIHAM NA IPINADALA NG DEPARTAMENTO NG FILIPINO
SA ADMINISTRASYON NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (UST) HINGGIL SA
PAGDARAGDAG NG KURSONG FILIPINO SA BASIC EDUCATION CURRICULUM (BEC)

Dahil pagtalima ito sa itinatadhana ng Konstitusyong 1987 ng


Pilipinas. Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon,
kailangang "puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo
sa sistemang pang-edukasyon."
MAKIKITA MULA SA HALIMBAWANG BINASA NA ANG ISANG
TEKSTO NG PERSUWEYSIB AY NAGLALAMAN NG
SUMUSUNOD:

KAALAMAN SA MGA MALALIM NA


MALALIM NA POSIBLENG PAGKAUNAWA SA
PANANALIKSIK PANINIWALA NG DALAWANG PANIG
MGA MAMBABASA NG ISYU
MALALIM NA
PANANALIKSIK
kailangang alam ng isang manunulat ang
pasikot-sikot ng isyung tatalakayin sa
pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito.
Hindi sapat na sabihing tama ang isang
paninindigan kung walang tiyak na mga
datos na susuporta rito. Ang paggamit ng
mabibigat na ebidensya at husay ng
paglalahad nito ang pinaka-esensya ng
isang tekstong persuweysib.
KAALAMAN SA
MGA POSIBLENG
PANINIWALA NG
MGA MAMBABASA
Kailangang mulat at maalam ang
manunulat ng tekstong persuweysib sa
iba't ibang laganap na persepsiyon at
paniniwala tungkol sa isang isyu.
Sinisimulan ng isang manunulat ang
argumento mula sa paniniwalang ito. Kung
mahusay na masasagot ang mga maling
persepsiyon na ito, matitiyak ang
pagpayag at pagpanig ng mambabasa sa
paniniwala ng manunulat.
MALALIM NA
PAGKAUNAWA SA
DALAWANG PANIG
NG ISYU
ito ay upang epektibong masagot ang
laganap na paniniwala ng mambabasa.

You might also like