You are on page 1of 5

KASANAYAN

A. Tuklas-dunong

Ipaliwanag ang mga kahulugan ng mga sumusnod na susing salita.

MAGSURI
- Ang ibig-sabihin ng salitang magsuri, ay isang kilos nang paghahanap, pagkilatis at
pagtingin sa isang partikular na bagay sa mas malalim at mas sistematikong paraan.

PAKSA
- Ang isang paksa ay tumutukoy sa diwa o ideya na binigiyang pokus o atensyon ng may
akda.
-Ito ang pinakapangunahing pinag-uusapan sa isang ideya o akda.

LENGGUWAHE
-Ang lengguwahe ay ang ginagamit natin upang maintindihan natin ang mga sinasabi ng
ating kausap at ito din ay ginagamit sa pakikipag komunikasyon. Ang lengguwahe din ang simbolo
ng iyong pagkakakilanlan.

DISKURSO
-Ayon sa diksunaryo ang ibigsabihin nang diskurso ay ang pagsusulat at pagsasalita na may
katagalan o kahabaan. Ito rin ay nangangahulugan na isang pormal na paraan ( sa pamamagitan
nang pakikipagtalastasan, pakikipagusap o anumang paraan nang pagpapahayag nang mga ideya)
nang pagtatalakay sa mga iba't ibang paksa.

-Si Webster (1974) ay may iba’t ibang depinisyon para sa terminong ito. Ayon sa kanya, ang
diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong
isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad
halimbawa ng disertasyon. Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag
ng ideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa
komunikasyon.

NAGLALARAWAN
-Ang naglalarawan ay isang paraan ng pang araw-araw na pagpapahayag na dapat nating
matutunan. Ang nag-lalarawan ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang
malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig.
KOMPLIKADO
-Ang salitang komplikado ay ang pagiging hindi madali at masalimuot ng isang bagay,
pangyayari o mga proseso.

NAGPAPALIWANAG
-Ito ay pagbibigay ng mas malalim na pagpapakahulugan o pagbibigay eksplasyon o
analisa upang mas maintindihan ang paksa o ideya.

OBHETIBO
-Ito ay tumutukoy sa tunguhin, inaasam o bagay na hinahanagad nan ais makuha o
mangyari.

MABISA
-Ito ay tumutukoy sa pagiging epektibo ng isang bagay o pangyayari. Halimbawa, Ang
nagbabagong mga kalagayan at bagong mga teoriya sa mga larangan ng paggawi ng tao at siyensiya
ay kumumbinsi sa marami na ang dating mga pamantayan ay hindi na mabisa.

PAGLALAHAD
-Ang paglalahad ay tinatawag din bilang ekspositori. Ito ay ang pagpapahayag o
pagbibigay ng mga kaalaman, kabatiran o kuro-kuro. Sa pamamagitan nito ay naibabahagi ng tao ang
kanyang ideya, damdamin, hangarin, paniniwala, at kuro-kuro patungkol sa mga pangyayari, bagay,
lugar o tao. Ang paglalahad ay dapat malinaw, may katiyakan, at may kaugnayan ang lahat ng bahagi ng
talata. Ito ay may wastong pagpapaliwanag sa pagtatalakay.

SENSITIBO
-Ang kasingkahulugan ng sensitibo ay pagiging maramdamin. Kung bibigyan pa ito nang
malalim na pagpapakahulugan, ito ay tumutukoy sa paksa,ideya, o pangyayari na hindi madaling pag-
usapan.

PAGSANGGUNI
-Ang pagsangguni ay isang kilos na naglalayong humingi ng tulong (kadalasang
impormasyon) mula sa isang bagay o tao.

- Ang mga impormasyon o tao na pinagkuhaan ngdetalye ay tinatawag na sanggunian.

DYORNAL
-Ang dyornal ay isang uri ng sulatin kung saan ipinapahayag dito ang pang-araw-araw na
tala ng aktibidad ng isang tao o personal na kalikasan.

DEPINISYON
-Ang depinisyon ay tumutukoy sa mga kahulugan ng mga salita.
NAHIHIKAYAT
-Ito ay tumutukoy sa gawain kung saan sinusubukang kuhain ang atensyon ng tao.

AKADEMIKO
-Ang akademiko ay tumutukoy sa edukasyon,pagiging iskolar, o pag-aaral na nagbibigay
pokus sa pagsulat, pagbasa at pag-aaral sa mga praktikal o teknikal na paksa.

PANGANGATUWIRAN

-Ito ay isang uri ng pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang


ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap. Layunin nitong hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang kanilang paniniwala o panukala sa pamamagitan ng makatuwirang pagpapahayag.

PAMANAHONG PAPEL

-Tinukoy ito ng Merriam-Webster bilang "isang pangunahing nakasulat na takdang aralin sa


isang kinatawan ng kurso ng paaralan o kolehiyo ng nakamit ng mag-aaral sa isang term".

ASPEKTO NG PANDIWA

-Ang aspekto ng pandiwa ay naglalarawan kung kailan naganap,nagaganap o magaganap


ang kilos. Ito ay may 4 na aspekto na binubuo ng perpektibo, imperpektibo, kontemplatibo, at
perpektibong katatapos.

WALANG PATUMANGGA

-Ang ibig sabihin ng parirala na ito ay walang hunos-dili o hindi pagdadalawang-isip. Ang
salitang “patumangga” ay nangangahulugang “pagbibigay ng atensyon o pagsasa-alang-alang”.

MAHALAGANG EBIDENSIYA

-Ang salitang “ebidensiya” ay tumutukoy sa mga patunay na sumusuporta sa paksa, ideya,


pangyayari at iba pa upang bigyang katibayan ang mga ito.

MAGSURI NG IMPORMASYON

-Ito ay tumutukoy sa pangangalap ng mga impormasyon o datos mula sa iba’t ibang


sanggunian.

PAGHAHANAY NG MGA IMPORMASYON

-Sa ganitong paraan, mas lalong naiintindihan ng mananaliksik ang mga nakalap na
impormasyon. Naglalayon itong mapadali ang pananaliksik upang hindi rin maguluhan ang mambabasa.
AMERIKANISASYON NG ISANG PILIPINO
(REAKSYON)

Isang magandang komentaryo ang ibinahagi ng may-akda. Layunin nito na


mapukaw ang kaisipan ng mga Pilipino sa neo-kolonyalismong nagaganap sa ating bansa.
Hangad ng awtor na isulong ang de-amerikanisasyon sa pamamagitan ng paggamit ng ating
sariling katutubong wika. Sumasang-ayon ako sa pahayag ng awtor na ang bunga ng mga sakit
sa lipunan ay mula sa pagtanggap ng ideyolohiyang “amerikanisasyon ng isang Pilipino”.

Ang panukala ng may-akda ay pinagtibay sa pamamagitan ng pagbibigay ng


isang halimbawa. Ginamit niyang isang halimbawa ang isang batang Pilipino na lumaki sa
paggamit ng banyagang salita. Kapag kinakausap nila ang kanilang anak ay sa pasalitang Ingles
at kapag kinakausap naman ng magulang ang kanilang alila ay sa wikang katutubo. Hangad ng
magulang na maging bihasa ang kanilang anak sa pagamit ng Ingles ngunit ang ideyolohiyang ito
ay bumuo sa kaisipan ng bata na ang paggamit ng wikang katutubo ay para sa mga alila lamang.
Sa pangyayaring ito, makikita natin ang umiiral na diskriminisasyon sa dalawang wika. Ang
kaisipang ito ay tumatak hanggang sa kanyang paglaki na naging sanhi sa hindi niya pagtangkilik
sa sariling bayan na kanyang kinalakhan. Ayon sa paglalarawan ng may-akda na kaawa-awa ang
ating bansa dahil maging sa wika,edukasyon o political man ay naiimpluwensiyahan pa rin tayo
ng dayuhang bansa. Walang patumanggang inilahad ng may akda na habang tayo ay ginagatas
ng dayuhang bansa ay nanatili pa rin tayong manggaya at bayang walang bait sa sarili.

Sa aking palagay, tama ang pangangatuwiran ng awtor na dapat ilunsad ang


de-amerikanisasyon sa bansa. Sa kasalukuyang panahon, ang paggamit ng Ingles ay
mailalarawan sa mga mayayamang tao at ang wikang katutubo naman ay sa desenteng
mamayang Pilipino. Ang bansang Japan ay may sariling wika at sila ay nakapokus lamang sa
kinalakhang wika. Marahil ito ang naging susi upang mabilis na umunlad ang kanilang bansa.
Ang mga Pilipino ay nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng edukasyon base sa akda. Maaari
natin itong gamitin upang mas mapalawig pa ang ating sariling wika. Bilang isang mamamayang
Pilipino, dapat nating bigyan nang pagpapahala at importansya ang ating sariling wikang
katutubo.
K-12 PROGRAMANG PANG-EDUKASYON

Ang K-12 Kurikulum ay naisakatuparan noong 2012-2013 sa ilalim ng


pamamahala ni President Aquino. Ang Pilipinas na lamang ang hindi nagpapatupad ng
ganitong sistema ng edukasyon. Ito ang dahilan kaya nahuhuli ang kalidad ng edukasyon
ng Pilipinas kumpara sa mga dayuhang banda. Ang sistema ng edukasyon na ito ay
inaanyayahan ang lahat ng bata na pumasok ng kindergarten at magkakaroon ng junior
high at senior high sa lahat ng paaralan. Mula sa 10 year Basic Education Curriculum ay
binago nila ito sa K-12 Curriculum ayon sa Republic Act 1033 o Enhanced Basic
Education 2013. Ayon kay President Aquino na, “By signing this bill into law, we are not
just adding two years of additional learning for our students; we are making certain that
the coming generations are empowered to strengthen the very fabric of our society, as
well as our economy”. Ayon kay Pres. Aquino, hindi nila ito dinagdagan upang dumami
ang taon ng pag-aaral ng estudyante bagkus inaasahan ng presidente na ito ang susi
upang umunlad ang ating bansa kung mabibigyan ng magandang kalidad na edukasyon
ang mga mag-aaral. Naglalayon din ang programang ito na mahanda ang mag-aaral sa
mga trabaho o kursong ninanais nila sa kolehiyo pagkatapos nilang mag-highschool. May
mga mamamayan ang sumang-ayon at hindi sumang-ayon sa pag-implementa nito.
Ganoon pa man ay para rin ito sa kapakanan ng bawat Pilipino. Ito na ang panahon
upang pahalagahan at bigyan natin ng importansya ang kalidad ng ating edukasyon. Ito
na ang hakbang upang paunlarin natin ang ating bansa at hindi ang mga dayuhan.

You might also like