You are on page 1of 13

GAWAIN 1: SA AKING PALAGAY

PANUTO: GAMIT ANG


GRAPIKONG PRESENTASYON,
MAGTALA NG IYONG
SARILING KAALAMAN O
OPINYON TUNGKOL SA
SALITANG PERSUWEYSIB.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
Persuweysib ang tawag sa isang
gawaing naglalayong manghikayat sa
mga mambabasa o taga-pakinig.
KAHULUGA ay isang uri ng di-piksiyon na pagsulat
N NG upang kumbinsihin ang mga mambabasa
TEKSTONG na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa
isang isyu. Ang manunulat ay naglalahad
PERSUWEYS ng iba’t ibang impormasyon at
IB katotohanan upang suportahan ang isang
opinyon gamit ang argumentatibong
estilo ng pagsulat.
LAYUNIN NG TEKSTONG
PERSUWEYSIB

Sa ilang pagkakataon, inilalahad ng


Nakaasa sa argumentatibong tipo ng manunulat ang mga impormasyon sa
pagpapahayag ang tekstong dalawang panig ng argumento. Ginagawa
persuweysib, ngunit sa halip na ito upang bigyan ng pagkakataon ang mga
magpakita lamang ng mga argumento, mambabasa na pag-isipan ang dalawang
layon nitong sumang-ayon ang panig, at upang agad na masagot ng
mambabasa at mapakilos ito tungo sa manunulat ang mga posibleng argumento
isang layunin. na lilitaw sa isip ng mambabasa habang
inuunawa ang teksto.
LAYUNIN NG TEKSTONG
PERSUWEYSIB

Halimbawa sa panghihikayat ng mga gumagawa ng iskrip sa


patalastas, layunin nilang bilhin ng mamimili ang produkto o
serbisyong ibinibenta. Layunin naman ng mga politikal na kampanya
na iboto ang isang tiyak na partido o kandidato. Sa ilang
pagkakataon, inilalahad ng manunulat ang mga impormasyon sa
dalawang panig ng argumento. Ginagawa ito upang bigyan ng
pagkakataon ang mga mambabasa na pag-isipan ang dalawang panig,
at upang agad na masagot ng manunulat ang mga posibleng argumento
na lilitaw sa isip ng mambabasa habang inuunawa ang teksto.
NILALAMAN NG TEKSTONG PERSUWEYSIB

1. MALALIM NA PANANALIKSIK. Kailangang alam ng isang


manunulat ang pasikot-sikot ng isyung tatalakayin sa pamamagitan
ng pananaliksik tungkol dito. Hindi sapat na sabihing tama ang
isang paninindigan kung walang tiyak na mga datos na susuporta
rito. Madalas na nauuwi sa emosyonal na panghihikayat ang
pagsusulat ng tekstong persuweysib. Bagama’t maaaring isalaysay
ng manunulat ang isang personal at empirical na karanasan,
mahalaga pa ring magpakita ng pananaliksik na maiuugnay at
maaaring magpaliwanag nito. Ang paggamit ng mabibigat na
ebidensiya at husay ng paglalahad nito ang pinaka-esensya ng isang
tekstong persuweysib.
NILALAMAN NG TEKSTONG PERSUWEYSIB

2. KAALAMAN SA POSIBLENG PANINIWALA


NG MAMBABASA. Kailangang mulat at maalam ang
manunulat ng tekstong persuweysib sa iba’t ibang
laganap na persepsiyon at paniniwala tungkol sa isyu.
Sinisimulan ng isang manunulat ang argumento mula sa
mga paniniwalang ito. Kung mahusay na masasagot ang
mga maling persepsiyon na ito, matitiyak ang pagpayag
at pagpanig ng mambabasa sa paniniwala ng manunulat.
NILALAMAN NG TEKSTONG PERSUWEYSIB

3. MALALIM NA PAGKAUNAWA SA
DALAWANG PANIG NG ISYU. Ito ay
upang epektibong masagot ang laganap na
paniniwala ng mga mambabasa. Kailangang
makitang nauunawaan ng manunulat ang
kabuoang konteksto at pinagmumulan ng
isyu.
ELEMENTO NG TEKSTONG PERSUWEYSIB

Ayon kay Aristotle …


1. Ethos- ang imahe,
reputasyon o karakter ng
manunulat o taga-pagsalita.
ELEMENTO NG TEKSTONG PERSUWEYSIB

2.Logos- ang opinyon o lohikal


na pagmamatuwid ng manunulat
o tagapagsalita.
3. Pathos- emosyon ng
manunulat o tagapagsalita
GAWAIN 6: LIKHAYAT
Panuto: Lumikha ng isang poster-slogan na
nanghihikayat sa mga tao na huwag
isawalang bahala ang nangyayaring
pandemic sa ating bansa. Isaaalang-alang
ang rubrik sa pagtataya ng lilikhaing poster-
slogan. Ilagay sa isang buong malinis na
papel.
RUBRIK SA PAGTATAYA
Kaugnayan sa Paksa- 10
Pagkamalikhain- 5
Kalinisan- 5
Gramatika- 5
Kabuuan- 25

You might also like