You are on page 1of 8

TEKSTONG

PERSWEYSIB
PRESENTED BY:
PARILLOS, MARRY-ANN T.
RABINO, LAIKA JANE C.
ANO ANG TEKSTONG PERSWEYSIB?

• Ito ay naglalayong manghikayat nang mambabasa sa


pamamagitan ng paglalahad ng mga opinion o paniniwala.
• Madalas ay napaghahalintulad ang persweysib at argumentatibo,
subalit ang dalawang ito ay may tiyak na kaibahan.
• Sa paraang persweysib, inilalahad agad ng awtor ang kaniyang
sariling pananaw at tinatangkang hikayatin ang mambabasa sa
pamamagitan ng paghahain ng argumento na nagpapatunay na
tama ang kaniyang pananaw.
KAAYUSAN NG TEKSTO

• Sa unang bahagi ng teksto, tinutukoy agad ang pananaw ng sumulat at


ang mga paraan upang mapatunayan ito.
• Inilalahad ang dahilang taliwas o kontra sa argumento. Ipinakikilala ang
mga pangunahing tunggali sa pananaw. Kakailanganin ang ebidensya
at dahilan upang ito ay mapangatawanan.
• Inilalahad ang dahilan ng argumento at sinusuportahan ito ng mga
pananaw, patunay, dahilan, at halimbawa.
• Sa huling bahagi o kongklusyon, tinatapos ito sa pamamagitan ng isang
makabuluhang pahayag o tanong na retorikal.
TATLONG SANGKAP NG PANGHIHIKAYAT AYON
KAY ARISTOTLE
ETHOS

• Tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat


• Dapat makumbinsi ng manunulat ang mambabasa na
malawak ang kanyang kaalaman at karanasan sa
isinusulat
• Dapat maisulat nang malinaw at wasto ang mga
impormasyon upang lumabas na hitik sa kaalaman at
mahusay ang sumulat.
LOGOS

• Tumutukoy sa paggamit ng lohika upang


makumbinsi ang mambabasa.
• Kailangan mapatunayan ng manunulat sa mga
mambabasa na batay sa impormasyon at dats
na kanyang inilatag ang kaniyang pananaw o
punto ang dapat paniwalaan.
PATHOS

• Gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang


mambabasa.
• Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay
madaling madala ng kanilang emosyon. Ang
paggamit ng kanilang paniniwala at pagpapahalaga
ay isang epektibong paraan sa pangungumbinsi.
ESTRUKTURA NG TEKSTONG PERSWEYSIB

• Magsimula sa paglalahad ng isyung tatalakayin


• Ilahad ang iyong panig ukol sa isyu
• Talakayin ang mga argumentong naghahain ng mga dahilan at
ebidensya sa katawan ng teksto
• Gumamit ng nakakahikayat na parirala
• Pag ugnayin ang mga teksto gamit ang mga kataga
• Magtapos sa isang pagbubuod.

You might also like