You are on page 1of 27

 Paano maiwawaksi sa buhay ng tao

ang tatlong mukha ng kasamaan-


ang kasakiman, galit, at
kamangmangan sa batas ng
sandaigdigan.
TATLONG MUKHA NG
KASAMAAN
Tanong
 Ano-ano ang tatlong mukha ng kasamaang
binanggit sa seleksiyon? Isa-isahin ang mga
ito?
 Ano naman ang tatlong bagay na hindi
maiiwasan sa buhay ng sinumang tao? Sang-
ayon ka ba sa mga ito?
 Ano ang iyong pananaw tungkol sa limang
katangian ng nilalang mula nang siya ay
isinilang na nabanggit sa seleksiyon? Alin sa
mga ito ang masasabi mong taglay mo?
 Ano ang gagawin mo o plano mo
kapag dumating ka na sa mga
nasabing panahon

 Bakit tila naging napakalayo ng


agwat ng mayaman at mahirap sa
lipunan? Ano raw ang pangunahing
dahilan ng pagkagahaman ng isang
nilalang?
Pangangatwiran
 Ang pangangatwiran ay isang
uri ng pagpapahayag na ang
pangunahing layunin ay
magptunay ng katotohanan at
pinaniniwalaan at ipatanggap
ang katotohanang iyon sa
nakikinig o bumabasa.
 Ang isang nangangatwiran ay dapat
magtaglay ng sapat na kaalaman
tungkol sa paksang
pingangatwiranan. Kailangang ang
katwiran ay nakabatay sa katotohanan
upang ito ay makahikayat at makaakit
nang hindi namimilit. I
Mga dapat isaalang-alang
 Malalim na kaalaman at
pagkaunawa sa paksang
ipagmamatuwid
 Dapat maging maliwanag at tiyak
ang pagmamatuwid.
 May sapat na katwiran at
katibayang makapagpapatunay sa
pagmamatuwid
 Dapat may kaugnayan sa paksa
ang katibayan at katwiran upang
makapaghikayat
 Pairalin ang pagsasaalang-alang,
katarungan, at bukas na kaisipan
sa pagpapahayag
Mga Hakbang sa Paghahanda sa
Pakikipagdebate
 Pangangalap ng datos
ito ang mga katotohanang
gagamitin sa pagmamatuwid at
kinukuha ang mga ito sa
napapanahong aklat, sanggunian,
magasin, at pahayagan.
2. Ang Dagli
 Ito ay balangkas ng inihandang
mga katwiran. Sa ibang salita,
ito’y pinaikling pakikipagdebate.
Mayroon itong simula, katawan,
at wakas.
3. Pagtatanong
 Bahagi ng pagdedebate ang pagtatanong.
A. Magtanong lamang ng mga tanong na ang
sagot ay oo o hindi.
B. Huwag payagang magtanong ang kalaban
kung ikaw ay nagtatanong. Maaaksaya ang
iyong oras ng pagtatanong.
C. Kung lumalabag sa alintuntunin ng
pagtatanong ang isa sa kanila, dapat
ipaalam sa tagapangasiwa ng pagdedebate
4. Panunuligsa
 May panunuligsa (rebuttal) din sa
debate. Narito naman ang mga dapat
tandaan sa panunuligsa.
a. Ilahad ang mga mali sa katwiran ng
kalaban.
b. Ipaalam ang walang katotohanang
sinabi ng kalaban.
c. Ipaliwanag ang kahinaan ng
katibayan ng kalaban
d. Ipaalam kung labas sa buod ang
katwiran o katibayan ng kalaban.
e. Magtapos sa pagbuod ng
sariling katwiran at katibayan.
Ang mga Pang-ugnay at mga
Pahayag na Ginagamit sa
Pagbibigay ng Sariling Pananaw
1. Pang-angkop

ito ay ang mga katagang nag-


uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan. Ito ay nagpapaganda
lamang ng mga pariralang
pinaggagamitan. May dalawang uri ng
pang-angkop.
 Ang pang-angkop na (na) ay
ginagamit kapag ang unang
salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa (n).
 Hindi ito isinusulat nang
nakadikit sa unang salita.
Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito
ng salita at ng panuring.
 Hal: Mapagmahal na tao

 Kapag ang unang salita naman ay


nagtatapos sa titik n, tinatanggal o
kinakaltas ang n at ikinakabit ang (–
ng).
 Hal: huwarang mamamayan
 Ang pang-angkop na (–ng) ay
ginagamit kung ang unang salita ay
nagtatapos sa mga patinig.
Ikinakabit ito sa unang salita.
 hal.: Mabuti + ng nilalang
PANG-UKOL
 Ito ay kataga/salitang nag-
uugnay sa isang pangngalan sa
iba pang mga salita sa
pangungusap. Narito ang mga
kataga/pariralang malimit na
gamiting pang-ukol.
Sa Ng
Kay/kina alinsunod
Laban sa/kay sa/kay
Hinggil sa/kay Ayon sa/ kay
Para sa/kay Ukol sa/kay
Tungkol sa/kay
PANGATNIG
 Tawag sa mga kataga/salitang
nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala, o sugnay. Narito ang
iba’t ibang uri ng pangatnig.
At Ni Kung Kaya Maging
Man Saka sino dili kaya Gayundi
Kung alin Sa halip Subalit Siya rin n
Kung Datapwat Bagaman Bagkus Kung
gayon Maliban O Kung saan
Habang Kapag Pati Sana Samantal
Kundi Kasi Sakali Palibhasa a
Sapgkat Anupa Kung Sa Sa bagay
Sanhi ng kaya madaling Pagkat
samaktu salita Dahil sa
wid
 Ito’y mga gabay sa pag-ugnay ng
mabisang gamit sa pagbibigay ng
sariling pananaw. Sa pagbibigay ng
sariling pananaw ay maaaring
banggitin o magpahayag batay sa
sariling damdamin, paniniwala,
ideya, kaisipan, o nararanasan. Ang
ganitong pahayag ay makikilala sa
paraan ng pagkakalahad ng
nagsasalita o nagsusulat.
 Kung ako ang tatanungin
nakikita kong…
 Sa ganang akin…
 Para sa akin…
 Palibhasa’y nararanasan ko
kaya masasabi kong…
 Anupa’t ang pananaw ko sa
bagay na iyan ay …
 Alinsunod sa… naniniwala ako
 Lubos ang aking paniniwala sa …
 Sa bagay na iyan masasabi
kong…
 Sumulat ng talata gamit ang mga
Pang-ugnay sa pagbibigay ng
sariling pananaw.

 Paksa: TATLONG MUKHA NG


KASAMAAN.

You might also like