You are on page 1of 13

Ang Opinyon at Katuwiran sa

Balagtasan
ano ang
balagtasan?
Ang Balagtasan ay isang uri ng patulang
pagtatalo tungkol sa isang paksa.
Karaniwan itong isinasagawa sa
tanghalan. Ang mga makata o
mambibigkas na nagsisiganap ay
nagtatagisan ng mga katuwiran sa
matulain at masining na pamamaraan.
Francisco Baltazar
“Ama ng Panulaang
Tagalog”
Tinawag na Balagtasan ang unang
patulang pagtatalo na ginanap sa
bulwagan ng Instituto de Mujeres
noong Abril 6, 1924 bilang parangal
kay Francisco Baltazar na siyang
kinikilalang “Ama ng Panulaang
Tagalog”.
Ang Balagtasan ay binubuo ng dalawang panig.
Ang isa ay sang-ayon .
Ang isa ay hindi sang-ayon .

Lakambini Lakandiwa

Hangarin ng bawat panig na mapaniwala ang katalo at ang tagapakinig sa


kanyang pangangatwirang inilalahad. Samakatwid, dapat gumamit ang
mga makata ng mga salitang tiyak na malinaw upang ang kanilang mga
pangangatwiran ay ganap na maunawaan. Dapat din silang magbigay ng
mga patunay na makatotohanan kaya’t nararapat lang na ang bawat panig
ay may sapat na kaalaman sa paksang pagtatalunan upang maging handa
sa pagtugon sa anumang pag-uusig ng kalaban tungkol sa paksang
pinagtatalunan.
Opinyon at
Katuwiran
Opinyo Katuwira
n n
Ang Opinyon ay palagay ng Samantalang ang
isang tao. Ito ay personal Katuwiran naman ay
niyang pahayag na ayon pagbibigay ng dahilan sa
lamang sa kanyang sariling isang bagay na
pananaw. Ito ay maaaring pinaninindigan ng isang
pagsalungat o pagsang-ayon. tao.
A.Paggamit ng Talahanayan
iba’t ibang Nakalahad dito ang mga opinyon tungkol sa kabutihan at di-

paraan ng
kabutihang dulot ng nagtatalong bagay batay sa nabanggit na mga
impormasyon.

pagibibigay ng
Aklat tablet
opinyon at Mabuting dulot Di-mabuting dulot Mabuting dulot Di-mabuting dulot

katuwiran sa
paksa ng
balagtasan
b.Pagpupuno ng Graphic
iba’t ibang Organizer
-Nabanggit dito ang mga pangangatwiran kung ano ang mas nakahihigit sa

paraan ng
dalawang nagtatalo sa binasang balagtasan,

pagibibigay ng
opinyon at
katuwiran sa
paksa ng
balagtasan
c.Paggamit ng Ilustrasyon o larawan
iba’t ibang -Mas malinaw kung may aktwal na nakikita para mas mabigyang katuwiran
at opinyon kung ano ang paksang pinagtatalunan.

paraan ng
pagibibigay ng
opinyon at
katuwiran sa
paksa ng
balagtasan
d.Pagsulat na Patalata
iba’t ibang Mababasa dito ang mas mahaba at mas malawak na opinyon at
pangangatwiran ng isang tao batay sa sariling karanasan sa paksang
pinagtatalunan

paraan ng
pagibibigay ng
opinyon at
katuwiran sa
paksa ng
balagtasan
PAGSANG-AYON AT PAGSALUNGAT SA
ISANG ARGUMENTO
tekstong
ARGUMENTATIV
Isa sa layunin ng tekstong ARGUMENTATIV ay ang hikayatin ng may-akda
ang mambabasang tanggapin ang kanyang paninindigan sa isyu.

Ang nilalaman nito ay ang isyu, ang paninindigan ng may-akda, ang kanyang
mga argumentong sumusuporta sa kanyang posisyon.

Ito ang isang espesyal na uri ng tekstong PERSWEYSIV na


gumagamit ng katuwirang lohikal.
Ang tekstong argumentativ ay kaugnay ng pagiging inter-aktibo ng tao sa
pagbibigay ng sariling opinyon o reaksyon hinggil sa kanyang naranasan,
nakita o napanood, narinig at nabasa.
Mga Pahayag na Panang-ayon
Ang mga salita at pahayag na Sang-ayon ako, Tama, Iyan ang nararapat, Pareho tayo
ng iniisip, Ganyan din ang palagay ko, Oo, Opo, Oho, Tunay Talaga, Sadyang,
Totoo at iba pa ay halimbawa ng pagsang-ayon

halimbawa
1.Opo, nangangailangan ng gabay ng magulang ang mga mag-
aaral, lalo ngayong panahon ng pandemya.
2.Oo, panghahawakan ko ang iyong pangakong magbabalik ka.
3.Tunay na kaibig-ibig ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino
4.Sadyang kakaiba ang ugali ng kababaihang Pilipino.
5.Talagang hindi mapasusubalian ang pagiging matulungin ng mga
Ilokano lalo na sa panahon ng kagipitan.
Mga Pahayag na Pangsalungat
Sa pagpapahayag ng pagtutol gumagamit ng mga Pang-abay na
Pananggi. Ito ay ang mga Pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o
pagbabawal tulad ng hindi/di, huwag, ayaw, wala at iba pa.
Maari ring gumamit ng mga sumusunod: Hindi ako sang-ayon,
Mabuti sana ngunit, Ikinalulungkot ko ngunit, Nauunawaan kita subalit at
iba pa.
halimbawa
1. Hindi ako makapapayag na tapak-tapakan nila ang aking dignidad.
2. Ayaw na niyang palaging maging mahirap kayat nagsusumikap siya sa pag-
aaral.
3. Ikinalulungkot ko ngunit hindi na naming naisalba ang buhay ng inyong
ama.
4. Nauunawaan kita subalit kailangan nating sumunod sa batas.
5. Huwag mong ipagkait ang karapatan na makita ng ama ang kanyang
anak

You might also like