You are on page 1of 15

Magandang umaga!

Inihanda ni: BB. Anzel anne g. dusong


Mga layunin
Mauunawaan ang mga pamantayan sa
01 pagsulat ng tekstong argumentatibo.

Natutukoy ang kahulugan, uri at layunin at


02 katangian ng tekstong argumentatibo.

Nakakasulat ng isang maayos at masusing


03 tekstong argumentatibo.
Panuto: Depensahan ang pahayag sa loob ng tatlumpong
segundo.
Gumamit ng pruweba o ibidensya kung maaari.

ABORSYON
Tekstong argumentatibo

Ito ay isang uri ng teksto na nangangailangan


ipagtanggol ng isang manunulat ang posisyon sa
isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga
ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay
na mga literature at mga pag-aaral.
Halimbawa:

Sinasabing magkakaroon ng brownout, pero ayaw


nilang maniwala sayo, kaya ipinakita mo sa kanila ang
memo ng isang impormasyon na nangangahulagan na
ito ay nanggaling sa anteco para mapatunayang tama
ang iyong sinasabi
Dalawang Pangangatwiran ng Tekstong
Argumentatibo

Pasaklaw Pabuod
- Layunin nitong makabuo ng partikular
- Ayon kay Trochin (2002), pasaklaw rin ang
na kongklusyon sa tulong ng isang
pangangatwiran kung nagsisimula ito sa opinion na pumapanig o kabilang sa
pangkalahatan patungo sa tiyak o detelyado. pangkalahatang katotohanan.
• Subjective generalization
• Probable generalization
• Categorical generalization
Dalawang Elemento ng Tekstong Argumentatibo

Proposisyon Argumento
Ito ay ang paksang pagtatalunan. Isang Ito ay ang paglalatag ng mga dahilan
bagay na pinagkakasunduan bago ilahad at ebidensya upang maging
ang katwiran ng bawat panig makatwiran ang isang panig
Halimbawa:
Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-
aaral ang multilingual education kaysa
sa bilingual education
Katangian ng mahusay at nilalaman ng
tekstong argumentatibo
1.Mahalaga at napapanahong paksa
2.Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng
teksto.
3.Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
4.Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga talatang naglalaman ng mga
ebidensya ng argumento.
5.Matibay na ebidensya.
Mga maling pangangatwiran
1. Argumentatum Ad Hominem/ Argumento laban sa karakter
- Ito ay ang pangangatwiran kung saan umaatake sa personal na karakter o katayuan ng
kalaban at hindi sa isyung tinatalakay.
Hal.
Bakit nyo paniniwalaan si Berto, siya nga ay hindi marunong magbasa.
2. Argumentatum Ad Baculum/ Paggamit ng puwersa
- Ito ay pangagatwiran na gumagamit ng pwerso o awtoridad.
Hal.
Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita. Wala kang karapatang sabihin iyan
3. Argumentatum Ad Misericordiam
- Ito ay uri ng pangangatwiran kung saan gumagamit ng awa at pagkampi ng mga
mambabasa o tagapakinig.
Hal.
Kailangan nating tulungan ang pamilya ni Joaquin, dahil wala silang makakain.
Mga maling pangangatwiran
4. Non-Sequitor (batay sa dami ng naniniwala sa argumento)
- Sa wikang ingles ito ay “It doesn’t follow”. Pagbibigay ito ng konklusyon sa
kabila ng mga walang kaugnayang batayan.
Hal.
Ang santol ay hindi namumunga ng mangga. Masamang pamilya ang
pinagmulan niya.
5. Ignorated Elenchi
- Ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usaping berbarya. Ito ay kilala sa
ingles na circular reasoning o paliguy-ligoy kaya walang patutunguhan.
Hal.
Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipapaliwanag
ng aking maybahay. Tiyak ko naming paniniwalaan ninyo siya sapagkat magging
mabuti siyang ina sa aking mga anak.
6. Maling Panglalahat
- Ito ay ang mga pangangatwiran kung saan nagbibigay ng isang konklusyong
sumasaklaw sa pangkalahatan
Mga maling pangangatwiran
Hal.
Ang artistang ito ay tiwala. Ang artista naming iyon ay mananakaw. Huwag na nating
iboto ang mga artista!
7. Maling paghahambing
- Ang uri ng pangangatwiran na ito ay karaniwang tinatawag na usapang lasing sapagkat
mayroon panghambingan ngunit hindi naman sumasala sa matinong konklusyon.
Hal.
Bakit ninyo ako ipapakulong? Kung kayo nga ay hindi nakukulong!
8. Dilemma
- Ito ay uri ng maling pangangatwiran na nabibigay lamang ng dalawang opsyon o
pagpipilian na para bang iyon lamang at wala ng iba pang alternitibo.
Hal.
Upang hindi ka mapahiya nararapat sa ating argumento, ganito na lamang ang gawin
mo: huwag kanang pumunta o kaya ay magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng iyong pag-
urong.
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Paano mangalap ng mga ebidensiya?
2. Kailan maituturing na totoo ang isang pangangatwiran?
3. Ano-ano ang mga katangian ng mabisang tekstong
nangangatwiran?
4. Paano mapalakas ang mga pangangatwirang
pinapanigan?
Takdang aralin!
Basahin ang tekstong prosidyural.
Magkakaroon ng graded recitation sa
susunod na pagkikita sa klase.
Maraming salamat!

You might also like