You are on page 1of 3

LAS – 10 -16 – QUARTER 2 – Filipino 9

Paggamit ng Iba’t Ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin

May mga pagkakataong gusto nating ipahayag ang ating mga nararamdaman o
damdamin, kaya humahanap tayo ng mga paraan kung paano ito sasabihin o ipakita sa
mga taong nakapaligid sa atin.
Sa araling ito, pag-aralan natin ang iba’t ibang ekspresyon na nagpapahayag ng
damdamin. Ang emosyon o damdamin ng isang tao na hindi magagawa ng pisikal kundi
ng mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang
indibidwal. May iba’t ibang ekspresyon tayong ginagamit na nagpapahayag ng layon o
damdamin. Halimbawa:

1. Kung ako ikaw, ano kaya kung, mas, higit na, siguradong makabubuting, inaakala
kong, mas - ito mga ekspresyong ginagamit sa pangungusap sa pagpapayo at/ o
pagmumungkahi.

2. Halika, gusto mong sumang-ayon, puwede ka ba, inaanyayahan- ito ang mga
ekspresyong ginagamit sa pangungusap sa pag-anyaya o pag-imbita/ panghikayat.

3. Lagot ka sa akin, pupulutin ka sa kangkungan- ito ang mga ekspresyong ginagamit sa


pangungusap sa pagbabala na maaaring may kasamang pananakot (mahalaga ang
intonasyon sa pahayag)

4. Mag-ingat kayo, tingnan ang tinatahak- ito ang mga ekspresyon na ginagamit sa
pangungusap sa pagbabalang may kasamang pag-aalala (may kasamang inilalarawang
sitwasyon)

5. Pangako, sumpa man, itaga mo sa bato – ito ang mga ekspresyong ginagamit sa
pangungusap sa panunumpa at/ o pangangako.

6. Tama, ganyan din ang aking palagay, mali, wala, ikinalulungkot ko ngunit – ito ang mga
ekspresyong ginagamit sa pangungusap sa pagsang-ayon o pagsalungat.
Ang paggamit ng mga pangungusap na padamdam at maikling sambitla ay nakatutulong
upang maipahayag ng isang tao ang kaniyang damdamin o emosyon. Kaya nararapat
lamang na isipin at timbangin muna ang mga salitang gagamitin o binitiwan.

TALUMPATI (SANAYSAY)

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinabatid sa


pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin
nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala.
PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING SALOOBIN O OPINYON
1. Makinig sa sinabi ng kausap para mailahad mo ang iyong opinyon.
2. Kung sakaling magkasalungat kayo ng opinyon, huwag pilitin ang kausap na sumang-
ayon sa iyong pananaw.
3. Ilahad ang iyong opinyon sa maayos na paraan. Huwag magtaas ng boses sa iyong
kausap.
4. Ang iyong pahayag ay nakabase sa katotohanan o mayroong suporta na datos.
5. Gumamit ng mga salita na angkop sa okasyon.

Pagpapahayag ng Sariling Pananaw Tungkol sa Napapanahong Isyu sa Talumpati


Bilang tao, likas na sa atin ang makipag-usap sa ating kapwa araw-araw mapasimbahan,
paaralan, palengke o bahay man. Sa mga pagkakataong ito, hindi natin maiiwasan ang
makapagbigay ng sariling pananaw/opinyon sa isang bagay.
Sa paglalahad ng isang sariling opinyon o pananaw ay kailangan na maayos ka kung
makipag-usap. Igalang ang kapwa kung hindi ka sumasang-ayon sa kaniyang mga
pananaw. Huwag mong pagtaasan ng boses na parang nagagalit ka. Mas mabuting
makinig sa iyong kausap upang maipahayag mo rin ang iyong mga saring opinyon o
pananaw ng maliwanag.
 Narito ang ilang pahayag sa pagbibigay ng sariling opinyon o pananaw
- Sa aking palagay…
- Sa tingin ko ay …
- Para sa akin…
- Ang paniniwala ko ay…
- Ayon sa nabasa kong datos…
- Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil…

Halimbawa:
Sa aking palagay, hindi siya ang pumatay at napagbintangan lamang siya

Para sa akin, masama ang magbintang lalo na kung wala kang patunay.
Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil nakita ko ang totoong may
sala.
 Mga pahayag sa pagbibigay ng matatag na opinyon
- Buong igting kong sinusuportahan ang…
- Kumbinsido akong…
- Lubos kong pinaniniwalaan…
- Labis akong naninindigan na…

 Mga pahayag sa pagbibigay ng neutral na opinyon


- Kung ako ang tatanungin…
- Kung hindi ako nagkakamali…
- Sa aking palagay…
- Sa tingin ko…
- Sa totoo lang…
- Sa aking pananaw…

Halimbawa:
Kung ako ang tatanungin mas mabuting umalis na lang siya kesa
manatiling bulag sa mga nangyayari.
Sa aking palagay mas maganda ang kulay asul kaysa kulay berde.
Sa totoo lang ay hindi talaga ako nagagandahan sa mga disenyong
kaniyang ipinakita.”

Pagsulat ng Isang Argumento Hinggil sa Napapanahong Isyu sa Lipunan


Ang tekstong Argumentatibo na naglalayon ding kumbinsihin ang mambabasa ay hindi
lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat, ngunit batay din ito sa datos o
impormasyong inilatag ng manunulat. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi. Una, ang paksa at
isyung pinapanigan, pangalawa, ang paglalahad ng tatlong patunay na susupurta sa isyu o
argumento. Ikatlo, ang pagbibigay-diin sa iyong punto at pagbanggit na muli ng iyong panig.
Sa pagsulat ng isang argumento, maaari mong gamitin ang sumusunod na mga pang-ugnay
upang maipakita ang koneksiyon ng mga ideang inilalahad: Una- para sa unang patunay
Ikalawa- para sa ikalawang patunay Para sa mga kasunod ayon sa digri ng pagpapatunay
Karagadagan dito/doon
Higit pa rito/ roon Lalo’t higit Para sa pagbibigay daan sa mga nagsasalungatang pahayag na
gagamiting patunay Ngunit Bagamat Datapwat Subalit Para sa pagtatapos o konklusyon ng
argumento > Sa pagbubuod > Sa kabuoan > Samakatwid > Bilang konklusyon > Sa
pagtatapos > Bilang paglalagom
Mahalaga ang maayos at lohikal na paghahanay ng mga kaisipan sa pagsulat ng Tekstong
Argumentatibo. Nakatutulong din ang mga pang-ugnay upang maipakita ang koneksiyon ng
mga ideang inilalahad.

You might also like