You are on page 1of 17

Ang 

katotohanan ay isang
pahayag na nagsasaad ng ideya o
pangyayaring napatunayan at
tanggap ng lahat na totoo at hindi
mapapasubalian kahit sa ibang
lugar. Hindi ito nagbabago at
maaaring patunayan ang
pagkamakatotohanan.
Ang opinyon naman ay isang
pananaw ng isang tao o pangkat na
maaaring totoo pero puwedeng
pasubalian ng iba. Ito rin ay isang
paniniwala na mas malakas pa sa
impresyon, mas mahina sa positibong
kaalaman na batay sa obserbasyon at
eksperimento.
Sa pagpapahayag ng katotohanan at
opinyon, maaaring gumamit ng mga
sumusunod na pananda:
Katotohanan – batay sa resulta,
pinatutunayan ni, mula kay, sang-ayon
sa, tinutukoy ng, mababasa sa…
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of Education,
unti-unti ng nababawasan ang mga out-of
school youth.

2. Mababasa sa naging resulta ng


pananaliksik ng mga ekonomista na unti-
unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.
Opinyon – sa aking palagay, sa tingin
ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung
ako ang tatanungin, para sa akin, sa
ganang akin
Halimbawa:
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa
magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa. 
2. Sa aking palagay, mas payapa ang
buhay ng isang tao na may takot sa
Diyos.
Pag-aaral ng kasaysayan
ng mga salita kung paano
nag-iiba ang anyo at ibig
sabihin paglipas ng
panahon.
Paraan ng
Pinagmulan ng
Salita
Pagsasama ng mga salita
Salita na nabuo sa
pamamagitan ng
pagsasama ng dalawa o
higit pang mga salita.
Halimbawa
teledyaryo- mula sa pinagsamang
salita na telebisyon at dyaryo.
talasanggunian- mula sa
pinagsamang salita na tala at
sanggunian.
pamangkin- para namang akin
Hiram na salita
Ito ay mga banyagang salita o
galing sa ibang wika at kultura
ngunit, inaangkop ang salita para
sa lokal at pangkaraniwang paraan
ng pananalita.
Halimbawa
Apir- up hear
Kompyuter (Computer)
Iskor (Score)
Titser (Teacher)
Keyk (Cake)
Morpolohikal na Pinagmulan
Nagpapakita ito ng paglilihis
mula sa ugat ng salita. Tumutukoy sa
pag-aaral sa pagbabago ng anyo at
istruktura ng mga salita. Posible na
malayo na ang kahulugan nito sa
orihinal na salita.
Halimbawa
mawala- mawara (waray)
kumain-nakain (Tagalog-
Batangas)
kumain- makaon (Aklan)
Onomatopoeia

Naglalarawan sa
pinagmulan ng salita
batay sa tunog nito.
Halimbawa
twit, twit, twit — huni ng ibon
aw, aw, aw- (aso)

You might also like