You are on page 1of 8

Balagtasan

Ang balagtasan ay isang uri ng patulang pagtatalo tungkol sa isang paksa. Karaniwan itong
ginaganap sa ibabaw ng tanghalan. Ang mga makata o mambibigkas na nagsisiganap ay nagtatagisan ng
mga katwiran sa matulain at masining na pamamaraan. Tinawag na Balagtasan ang unang patulang
pagtatalo na ginanap sa bulwagan ng Instituto de Mujeres noong Abril 6, 1924 bilang parangal kay
Francisco Balagtas na siyang kinikilalang "Ama ng Panulaang Tagalog".

Ang balagtasan ay binubuo ng dalawang panig. Ang isa ay sang-ayon at ang isa naman ay hindi
sang-ayon sa paksang pinagtatalunan. Sa pagtatalo ng dalawang panig ay may isang namamagitan sa
kanila na kung tawagin ay lakandiwa. Hangarin ng bawat panig na mapaniwala ang katalo at ang mga
tagapakinig sa kanyang pangangatwirang inilalahad. Samakatwid, dapat gumamit ang mga makata ng mga
salitang tiyak at malinaw upang ang kanilang mga pangangatwiran ay ganap na maunawaan. Dapat din
silang magbigay ng mga patunay na makatotohanan kaya't nararapat lang na ang bawat panig ay may
sapat na kaalaman sa paksang pinagtatalunan upang maging handa sa pagtugon sa anumang pag-uusig
ng kalaban tungkol sa paksang pinagtatalunan.

Mga Elemento ng Balagtasan


Ang balagtasan, tulad ng ibang akdang pampanitikan ay nagtataglay ng mahahalagang elemento.
Ang bawat isa sa mga elementong ito'y nararapat malinang nang husto sa kabuoan ng akda upang higit
itong mapahalagahan ng mga mambabasa o manonood. Ang mga elemento ng balagtasan ay ang
sumusunod:

 Tauhan
 Pinagkaugalian
 Paksa/Isyung Pagtatalunan
 Mensahe/Mahalagang Kaisipan

A. Mga Tauhan ng Balagtasan


Lakandiwa

Ito ang makatang namamagitan sa dalawang panig na nagtatagisan ng mga katwiran sa matulain
at masining na pamamaraan. Ang lakandiwa ang kalimitang nagsisimula ng balagtasan sa
pamamagitan ng pagpapakilala sa mga pangkat na magtatalo at gayundin sa paglalahad sa madla ng
paksang pagtatalunan.

Mambabalagtas

Mga makata o mambabalagtas ang tawag sa panig na nagtatalo sa balagtasan kung saan ang isa
ay sang-ayon at ang isa naman ay sa panig ng di sang-ayon sa paksang pinagtatalunan. Hangarin ng
bawat panig na mapaniwala ang katalo at ang mga tagapakinig sa kanyang pangangatwirang
inilalahad. Samakatwid, dapat gumamit ang mga mambabalagtas ng mga salitang tiyak at malinaw
upang ang kanilang mga pangangatwiran ay ganap na maunawaan. Dapat din silang magbigay ng mga
patunay na makatotohanan kaya't nararapat na ang bawat panig ay may sapat na kaalaman sa
paksang pinagtatalunan upang maging handa sa pagtugon sa ano mang pag-uusisa ng kalaban tungkol
sa paksang pinagtatalunan.

Ang balagtasan ay may dalawang panig na nagtatalo at ang bawat panig ay maaaring gampanan
ng isa, dalawa, o tatlong kalahok na mambabalagtas o makata, depende sa kagustuhan at
pagkakasunduan ng mga naghahanda ng balagtasan. May kani-kaniyang oras ng pagtindig ang bawat
panig kaya may unang tindig sa panig ng sang-ayon at di sang-ayon, may ikalawa, ikatlo, at ikaapat
depende kung gaano kahaba ang balagtasan.

Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mambabalagtas:

1. Marunong at sanay tumindig sa harap ng madla


2. May magandang kaasalan sa pakikipagtalo, hindi pikon
3. May pagsasaalang-alang at pitagan sa kanyang katalo, sa lakandiwa, at sa mga nakikinig.

Mga Manonood

Ang mga manonood ay ang mga tagapakinig na minsa'y sila ring nagbibigay ng hatol sa mga narinig
na paglalahad ng mga katwiran ng magkabilang panig.

B. Pinagkaugalian
Gaya rin ng ibang tula, taglay rin ng balagtasan ang mga katangian ng tulang Pilipino: tugma, sukat,
at indayog. Tugma ang tawag sa pag-iisang tunog ng mga huling pantig sa huling salita ng bawat
taludtod ng balagtasan. Sukat naman ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. At indayog
naman ang sining ng pagbigkas na siyang nagbibigay-kariktan sa balagtasan na siyang umaakit sa mga
tagapakinig. Hindi magiging maganda ang balagtasan kung hindi ito bibigkasin nang may indayog. Ito
ang ikinaiiba nito sa karaniwang pagtatalo (may sukat at tugma (poetic)) o debate (walang sukat o
tugma).

C. Paksang Pagtatalunan
Ito ang pinakatema o isyung pagtatalunan ng mga mambabalagtas. Kalimitang ito ay mga
napapanahong isyung nagdudulot ng malalaking katanungan sa mga mamamayan. Kinakailangang
ang tema ng balagtasan ay maging tiyak upang sa gayon ay malimitahan ang sakop at lawak ng
paksang pagtatalunan. Ang kalimitang paksain o isyung pinagtatalunan sa balagtasan ay mga paksang
may kinalaman sa politika, ekonomiya, kultura, pag-ibig, kalikasan, lipunan, edukasyon, at maging mga
karaniwang bagay. Ilan sa mga halimbawa ng paksa ay ang sumusunod:
 Paksang may kinalaman sa politika – "Sino Ba ang Higit na Nakatutulong sa Pag-unlad ng Bansa
—Mamamayan o Pamahalaan?"
 Paksang may kinalaman sa kultura – "Dapat Ba o Di dapat Uliranin ang mga Katangiang Pilipino?"
 Paksang may kinalaman sa ekonomiya/kultura – "Dapat Ba o Hindi Dapat Magtrabaho sa Ibang
Bansa ang mga Kababaihan?"

D. Mensahe o Mahalagang Kaisipan


Isa pa sa mahahalagang elemento ng balagtasan ay ang paghahatid nito ng malinaw na mensahe
sa mga nakikinig. Ang balagtasan ay di lamang isang uri ng libangan kundi ito ay mainam ding paraan
upang maipabatid sa madla ang mga napapanahong isyung dapat pag-isipan ng mga mamamayan.
Upang malinaw na maihatid ang mensaheng nais iwan sa mga nakikinig o manonood, may
mahalagang tungkuling ginagampanan ang galaw, kumpas, at ekspresyon ng mukha sa pagpaparating
ng damdaming nais ipadama ng mambibigkas sa kanyang mga tagapakinig.

Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon


Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o pagsang-ayon. Bawat isa ay
may kani-kanyang opinyong dapat nating igalang o irespeto ito man ay pabor sa atin o hindi. Kailangan
maging magalang at malumanay sa pagbibigay ng ating mga opinyon upang maiwasan ang makapanakit
ng damdamin. Pag-aralan sa ibaba ang mga hudyat na ginagamit sa pagsalungat at pagsang-ayon sa
pagpapahayag ng opinyon.

1. Pahayag sa Pagsang-ayon — Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa


o pakikibagay sa isang pahayag o ideya. Ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit sa
pagsang-ayon ay kabilang sa pang-abay na panang-ayon gaya ng...

• Bilib ako sa iyong sinasabing… • Sang-ayon ako…


• Ganoon nga… • Sige…
• Kaisa mo ako sa bahaging iyan… • Lubos akong nananalig…
• Maaasahan mo ako riyan… • Oo…
• Iyan din ang palagay ko… • Talagang kailangan…
• Iyan ay nararapat… • Tama ang sinabi mo…
• Totoong… • Tunay na…

2. Pahayag sa Pagsalungat — Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas,


pagtutol, pag kontra sa isang pahayag o ideya. Ang mga pang-abay na pananggi ay ginagamit
sa pagpapahayag na ito.

Sa pagsalungat nang lubusan ginagamit ang sumusunod:

• Ayaw ko ang pahayag na... • Hindi totoong...


• Hindi ako naniniwala riyan... • Huwag kang...
• Hindi ako sang-ayon dahil... • Ikinalulungkot ko…
• Hindi ko matatanggap ang iyong sinabi... • Maling-mali talaga ang iyong…
• Hindi tayo magkasundo… • Sumasalungat ako sa…
Pandiwa (Verb)
 ay salitang nagbibigay-buhay sa pangungusap dahil nagsasaad ito ng kilos o galaw ng isang tao,
hayop, o bagay.
 Binubuo ito ng salitang-ugat at mga panlapi.
o Panlapi: na, ma, nag, mag, um, in, at hin
o Halimbawa: umiyak
 Salitang ugat: iyak
 Panlapi: um
 Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng:
 kilos, aksiyon, o gawa
 Halimbawa: kumain, mag-aral, bigyan, malinis
 proseso o pangyayaring karaniwang sadya, di sadya, likas o di likas
 Halimbawa: masunog, bumagyo, kumidlat, umulan, natabunan, naaksidente
 karanasan o damdamin
 Halimbawa: matuwa, sumaya, magmahal, nilamig, nainitan, yumabang

May dalawang pangkalahatang anyo ang pandiwa. Maaaring binubuo lamang ito ng
salitang-ugat na karaniwang ginagamit sa pag-uutos.

Halimbawa: Alis! Takbo!


Lakad! Upo.

Maaari din itong binubuo ng salitang-ugat + panlapi na tinatawag na panlaping makadiwa


gaya ng sumusunod:

-um- (lumindol, tumingala) mag- (magsalita, magtatawa)


um- (umiling, umalis) -in (mahalin, sabihin)
-an/-han (pakuan, gandahan) i- (isulat, itago)
magpaka- (magpakabuti, ma- (malinis, maluto)
magpakasaya)
magsi- (magsiawit, maki- (makipulot, makisama)
magsitulog)

-um- – gitlapi, gitlapi mag- – unlapi, unlapi


um- – unlapi, unlapi -in – hulapi, hulapi
-an/-han – hulapi, hulapi i- – unlapi, unlapi
magpaka- – unlapi, unlapi ma- – unlapi, unlapi
magsi- – unlapi, unlapi maki- – unlapi, unlapi
Pandiwa at Aspekto Nito
Ang mga pandiwa sa Filipino ay nababanghay ayon sa aspekto at hindi ayon sa panahunan. Ang aspekto
ay katangian ng pandiwang nagsasaad kung kailan nangyari, nangyayari, mangyayari o isasagawa pa
lamang ang kilos.

1. Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.
 Aspektong Katatapos – Nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pandiwa.
Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at pag-uulit sa unang pantig
ng isang salita. Ito ay nasa ilalim din ng aspektong perpektibo.
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – Ito ay nagsasaad na ang inumpisahang kilos ay patuloy
pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – Ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa
lamang.

Halimbawa:

Perpektibong
Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
Katatapos
nilikha kalilikha nililikha lilikhain
tumayo katatayo tumatayo tatayo
sinabi kasasabi sinasabi sasabihin
nag-alaga kaaalaga nag-aalaga mag-aalaga

1. Ngunit bago ko tawagin ang titindig na makata,


Ako muna'y magpapayo sa dalawang manunula;
Hindi baling pag-apuyin ang katwira't talinghaga,
Dapwa't huwag magbibitiw ng katagang walang wawa.
 Walang kabuluhan.
2. Naririyan ang lansanga't paaralang nakatayo
Na pag-asa ng eskwelang di mabilang nating bunso;
Kaya iyan ay inisip at sinikap na mabuo
Upang itong lahi natin na mulala'y mapaanyo.
 Lahing walang alam at mapabuti.
3. Nababagbag ang damdamin kapag aking iniisip
Ang dalitang binabata ng maraming anakpawis;
Ang sanlaksang ama't inang gumagawang nasa init,
Sa hirap din nauuwi ang kanilang pagsasakit.
 Mga taong mahihirap.
4. Inawit din ng katagis ang lansangan at gusali
Na Salapi ang ginamit nang itindig at mayari;
Ay gayundin itong bunsong supling nitong ating lahi,
Di ba't kaya nag-aaral ay sa hangad mapatangi?
 Mga bata o kabataan.
5. Baka bukas-makalawa'y sa away ka mapasuong,
Tiyak namang lalapit ka sa isa kong manananggol...
Itong ating pagtatalo ay luminaw na rin ngayon,
Sa Dunong din ang hawak mo kapag ikaw'y nililindol!
 Kapag mahirap ang problema o suliranin.

Tukuyin ang mga salitang nagbigay-pahiwatig sa salitang nakadiin sa pangungusap. Salungguhitan ang
iyong sagot.

1. Matayog ang isipan ng isang taong may mataas na pangarap sa buhay.


2. Ang isang taong mahinahon ay banayad magsalita.
3. Nagpupumilit manalasa ang makata para puksain ang kalaban.
4. Maraming itinatago ang mapagkubli sa damdamin.
5. Nagkainitan ang magkalaban bunga ng kanilang nag-aapoy na katwiran.
6. Natatalos niya ang nalalaman ng kanyang katunggali kaya't hindi siya nahirapang ipagtanggol ang
kanyang panig.
7. Nagahol siya sa oras kaya't nagkulang na rin siya ng pagmamatuwid sa kanyang kalaban.
8. Nagmistulang mulala ang binata dahil sa kanyang pagkatulala sa narinig na balita.

Magbigay ng hinuha sa kung ano ang ibig sabihin ng mga taludtod na hinango sa akdang binasa.

1. Maging iyang minimithing pag-aaral mo, katalo,


Pag wala kang gugugulin ay hindi ka matututo.
 Mahirap mag-aral kung walang perang panggastos.
2. Kahit na nga mayroon kang kayamanang limpak-limpak,
Pag wala kang karunungan ay marami ang pipintas.
 Ang mayayamang mahina ang ulo ay kapintas-pintas.
3. Kung mayroong manlilinlang na nanggaling sa katoto,
Palagay ko ay nagbuhat sa Dunong mong naging tuso!
 Kung may taong naloloko, ito ay bunga ng mga mapanlamang at tusong matatalino.
4. At kung sila'y (mga bayani ng lahing Pilipino) nanatili sa mahabang
kamangmangan, Baka tayo hanggang ngayon ay wala pang kasarinlan!
 Kung nanatiling walang kaalaman ang ating mga bayani ay maaaring sakop pa rin tayo
ng mga dayuhan sa kasalukuyan.
5. Kahit na nga siksikin mo ng pagkain ang palibot,
Pag wala kang ibibili'y mabubusog ka sa humos;
 Walang halaga ang maraming pagkain kung walang pambili.
Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng check (✓) kung ito'y nagpapahayag ng pagsang-ayon o ekis
(☓) kung pagsalungat.

✓ 1.Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito sa mundo.
☓ 2.Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay ngayon kaysa noon.
☓ 3.Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo.
☓ 4.Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag natin silang tularan.
☓ 5.Maling-mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.
✓ 6.Kaisa ako ng lahat sa mga pagbabagong nais nilang mangyari sa mundo.
☓ 7.Hindi ko matatanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa ating pag-uugali at
kultura.
☓ 8. Maling-mali talaga ang mga pagbabago kung ito'y hindi makabubuti sa lahat.
✓ 9. Ganoon din ang nais kong sabihin sa kanyang tinuran.
✓ 10. Totoong kailangan ng pagbabago kaya't gawin natin ito sa tamang paraan.

Siya ay isa sa mga kinikilalang pinakamahusay na manunulat na Pilipino.

Perpektibo: Imperpektibo: Kontemplatibo:


kinilalang kinikilalang kinikilalanganin

Nagtaguyod siya ng mga samahan ng manunulat gaya ng Aklatang Bayan at Ilaw at Panitik.

Perpektibo: Imperpektibo: Kontemplatibo:


nagtaguyod nagtataguyod magtataguyod

Ginagamit niya ang husay na pagsulat upang maipakitang mahuhusay ang mga Pilipino.

Perpektibo: Imperpektibo: Kontemplatibo:


ginamit ginagamit gagamitin

Ikaw, paano mo maipapakita sa iyong sarili ang husay at galing ng mga Pilipino?

Perpektibo: Imperpektibo: Kontemplatibo:


ipapakita maipapakita maipakikita

Gagawin mo ba ang lahat ng iyong makakaya para sa sarili at bansa?


Perpektibo: Imperpektibo: Kontemplatibo:
ginawa ginagawa gagawin

You might also like