You are on page 1of 43

BALAGTASAN

LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ako ay inaasahang:
a. nasasagot ang mga tanong tungkol,sa
tekstong binasa;
b. naipapaliwanag ang papel na
ginampanan ng bawat kalahok sa
balagtasan; at
c. nakabubuo ng makabuluhang tanong
batay sa napakinggan
BALAGTASAN?
BALAGTASAN
isang uri ng patulang pagtatalo tungkol
sa isang paksa.
tagisan ng katwiran sa matulain at
masining na pamamaraan
unang patulang pagtatalo na ginanap sa
bulwagan ng Instituto de Mujeres noong
Abril 6, 1924- parangal kay Francisco
Balagtas( Ama ng Panulaang Tagalog)
Paano naiiba ang
balagtasan sa
isang karaniwang
pagtatalo o
debate
Sino- sino ang
mahahalagang
tauhang
bumubuo sa
balagtasan?
BALAGTASAN
SANG- LAKANDIWA
HINDI
AYON SANG-
AYON
MGA
ELEMENTO NG
BALAGTASAN
MGA ELEMENTO NG
BALAGTASAN

TAUHAN
PINAGKAUGALIAN
PAKSA/ ISYUNG PAGTATALUNAN

MENSAHE/ MAHALAGANG KAISIPAN


Kung ikaw ay bibigyan
ng pagkakataong
lumahok sa isang
balagtasan, aling
tauhan ang nais mong
gampanan? Bakit?
MGA TAUHAN NG
BALAGTASAN

LAKANDIWA
• makatang namamagitan sa dalawang panig na
nagtatagisan ng mga katwiran;
• nagsisimula ng balagtasan;at
• naglalahad ng paksang pagtatalunan
MGA TAUHAN NG
BALAGTASAN

MAKATA/ MAMBABALAGTAS
• tawag sa panig na nagtatalo sa balagtasan –
sang-ayon at di- sang-ayon
• layuning mapaniwala ang katalo at ang
tagapakinig sa pangangatirang inilahad
MGA TAUHAN NG
BALAGTASAN
MAKATA/ MAMBABALAGTAS
gumamit ng salitang tiyak at malinaw
magbigay ng makatotohanang patunay
sapat na kaalaman sa paksang pinagtatalunan
panig- maaaring gampanan ng 1 o mahigit pang kalahok na
makata
may kani-kaniyang oras ng pagtindig
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN
NG ISANG MAMBABALAGTAS

1. Marunong at sana’y tumindig sa harap ng madla.


2. May magandang kaasalan sa pakikipagtalo, hindi
pikon
3. May pagsaalang-alang at pitagan sa kanyang
katalo, sa lakandiwa, at sa mga nakikinig
MGA TAUHAN NG
BALAGTASAN

MGA MANONOOD
• mga tagapakinig na minsa’y nagbibigay
ng hatol sa mga narinig na paglalahad ng
mga katwiran ng magkabilang panig
Bakit mahalagang
taglayin ng
balagtasan ang
mga katangian ng
tradisyonal na
tulang Pilipino?
PINAGKAUGALIAN

• taglay ng balagtasan ang katangian ng tulang


Pilipino:
sukat tugma

indayog
PINAGKAUGALIAN

TUGMA
• pag-iisang tunog ng mga huling
pantig sa huling salita ng bawat
taludtod ng balagtasan
PINAGKAUGALIAN

SUKAT
• bilang ng pantig sa bawat
taludtod
PINAGKAUGALIAN

INDAYOG
• sining ng pagbigkas na siyang
nagbibigay-kariktan sa balagtasan na
umaakit sa tagapakinig
• kinaiba sa karaniwang pagdedebate
o pagtatalo
Ano ang kalimitang
paksang
pinagtatalunan sa
balagtasan? ?
PAKSANG
PAGTATALUNAN

pinakatema o isyung pagtatalunan ng


mambabalagtas
kalimitang napapanahong isyu na nagdudulot ng
malaking katanungan sa mga mamamayan
tiyak
PAKSANG
PAGTATALUNAN

Kalimitang paksa na pinagtatalunan sa balagtasan


ay may kinalaman sa:

politika ekonomiya kultura


pag-ibig kalikasan lipunan
edukasyon karaniwang bagay
MENSAHE O
MAHALAGANG KAISIPAN

isa sa mahalagang elemento ng balagtasan


nagpapabatid sa madla ng mga isyung
dapat pag-isipan ng mamamayan
MENSAHE O
MAHALAGANG KAISIPAN

Upang malinaw na maihatid ang mensahe


at damdamin, may mga bagay na dapat
isaalang-alang:
galaw
kumpas
ekspresyon ng mukha
PAGSANG-AYON AT
PAGSALUNGAT SA
PAGPAPAHAYAG NG
OPINYON
Pahayag sa Pagsang-ayon

• nangangahulugan ng pagtanggap,
pagpayag, pakikiisa o pakikibagay
sa isang pahayag o ideya
• pang-abay na panang-ayon ang
ginagamit
PAHAYAG SA PAGSANG-
AYON
Pang- abay na panang-ayon
• bilib ako sa iyong sinabi na…
• ganoon nga…
• sang-ayon ako…
• sige…
• kaisa mo ako sa bahaging iyan..
PAHAYAG SA PAGSANG-
AYON
PANG- ABAY NA PANANG-AYON
 maasahan mo ako riyan…
 iyan din ang palagay ko…
 iyan ay nararapat…
 totoong…
 lubos akong nananalig
 oo…
 talagang kailangan….
 tama ang sinabi mo…
 tunay na…
PAHAYAG SA
PAGSALUNGAT
- nangangahulugan ng pagtanggi,
pagtiwalas, pagtutol, pagkontra sa
isang pahayag o ideya
- pang-abay na pananggi ang
ginagamit
PAHAYAG SA
PAGSALUNGAT
Pagsalungat ng lubusan
• ayaw ko ang pahayag na…
• hindi ako naniniwala riyan…
• hindi ako sang-ayon dahil…
• hindi ko matatanggap ang iyong sinabi …
• hindi tayo magkasundo…
PAHAYAG SA
PAGSALUNGAT
Pagsalungat ng lubusan
• hindi totoong…
• huwag kang…
• ikinalulungkot ko…
• maling-mali talaga ang iyong…
• sumasalunagt ako sa…
PAGSANG-AYON PAGSALUNGAT
Lubos akong nananalig sa sinabi
mong maganda ng buhay rito sa
mundo
Ayaw kong maniwala sa mga
taong nagsasabing higit na
maganda ang buhay ngayon kaysa
noon
Hindi totoo ang paniniwalang
iyan, napakahirap ang mabuhay
sa mundo
Talaga palang may mga taong
negatibo ang pananaw sa buhay.
Huwag natin silang tularan.
Maling-mali ang kanyang
tinuran.Walang katotohanan
ang pahayag na iyan.
Kaisa ako ng lahat sa mga
pagbabagong nais nilang
mangyari sa mundo.
Hindi ko matanggap ang mga
pagbabagong magdudulot ng
kasiraan sa ating pag-uugali at
kultura
Maling-mali talaga ang mga
pagbabago kung ito’y hindi
makabubuti sa lahat.
Ganoon din ang nais kong
sabihin sa kanyang tinuran
Totoong kailangan ng
pagbabago kaya’t gawin natin
ito sa tamang paraan.

You might also like