You are on page 1of 4

Wastong Pagbigkas na May Damdamin

Ang tula ay likhang isip ng makata. Naipahahayag niya ang kaniyang diwa at damdamin sa pamamagitan
ng mga piling-piling salita. Nabibigyang buhay ang tula sa pamamagitan ng pagbigkas ng bawat salita o
bawat bahagi nang may wastong damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mabilis, o marahan ang
pagbigkas ng tula ayon sa damdaming ibig ipahayag ng makata.

Ang himno ay tula o awit nang papuri sa isang tao, lugar o bagay. Magandang bigkasin ito ng wasto,
may wastong diin, intonasyon at damdamin.

 Bigkasin ang bawat taludtod ng tula nang may wastong paglilipon ng mga salita.
 Bigakasin ang tula nang may wastong damdamin ayon sa pagkakasulat ng makata.
 Bigyang-pansin ang pagbibigay kahulugan sa bawat taludtod; sa bawat saknong.
 Ang himno ay naipalabas ng teatrong pabasa kung saan ang damdamin ng binabasa ay
naihahatid sa panonood sa pamamagitan ng paiba-ibang tono ng boses. Walang kilos o galaw sa
teatrong pabasa sapagkat hawak ng kasali ng folder ng tekstong binabasa. Nasa tono,
intonasyon, at damdamin ang ikagaganda ng gawaing ito.

Pagsunod sa Panuto
Isang palantandaang naunawaan ng bumabasa ang isang kuwento ay sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga panutong kaugnay ng binasa. Ang mga panuto ay kaugnay ng mga direksyon,
instruksiyon, o paliwanag tungkol sa pagsasagawa ng nakalahad na sitwasyon.

Kayarian ng mga Salita


Mayaman ang wikang Filipino. Ang isang salita ay nababago ang anyo at kahulugan. Ang mga
salita ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi. May mga inuulit at mayroon ding tambalan.
Halimbawa:

Salita Payak na Salita Kahulugan


araw salitang-ugat hindi gabi
maaraw maylaping ma mainit ang sikat ng araw
araw-araw Inuulit pang-abay na pamanahon
madaling-araw Tambalan pagkatapos ng hating gabi,
bago sumikat ang araw
Ang Pangungusap at mga Uri Ayon sa Gamit

 Ginagamit ang lipon ng mga salita sa pagsasabi o pagpapahayag ng ating iniisip sa pasalita o
pasulat man. Ang lipon ng mga salita ay maaaring pangungusap, parirala, o sugnay.
 Ang pangungusap ay iisahing salita o lipon ng mga salita na nagbibigay ng buong diwa.
Halimbawa: Alis! Aalis na ako.
 Ang parirala ay lipon ng mga salita na hindi buo ang diwang ipinahahayag.
Halimbawa: Iwan sa isang tabi.
 Ang sugnay ay lipon ng mga salita na may simuno at panaguri na maaring buo o hindi buo ang
diwang ipinahahayag.
Halimbawa: hannggang sa gumaling nang bumuti na ang kalagayan
 Ayon sa gamit ang pangungusap ay maaring pasalaysay, patanong, pautos/pakiusap,
at .pangungusap.
 Pasalaysay – nagsasalaysay at may bantas na tuldok ( . ) sa hulihan.
Halimbawa: May mabuting kalooban ang Samaritano.
 Patanong ang pangungusap kung nagtatanong. Ginagamitan ito ng tandang pananong ( ? )
Halimbawa: Sino ang tumulong sa lalaki?
 Pautos ang pangungusap kung nag-uutos; pakiusap kung nakikiusap at ginagamitan ng paki,
maari, puwede, Tuldok ( . ) ang bantas na ginagamit sa hulihan

Pagbubuo ng Salita Mula sa Mahabang Salita


Makabubuo ng maliliit na salita mula sa mahabang salita. Ito ay nakatutulong sa pagpapalawak
ng talasalitaan. Upang madaling makabuo ng mga salita, simulang humanap ng mga salita sa
kaliwa patungo sa kanan.
Halimbawa:
kinasasabikan ina kina
sabik asa
nasa sasa

pang-abay – Bukas ang dating ng bisita.


pandiwa - Nag-aaral si Seth araw-araw.
panghalip - Siya ba ang kapatid mo?
pawatas - Maglaro na tayo.
 Ang payak na simuno at payak na panaguri ay tiyak na salitang kumakatawan sa paksa at
panaguri. Hindi kasama ang mga panuring sa mga payak na simuno at payak na panaguri.
 Ang simuno at panaguri ay maaring higit sa isa. Tinatawag itong tambalan.
Halimbawa: Magkapatid sina Fe at Ed. Mababait at masisipag sila.
 Dalawa ang kaayusan ng pangungusap batay sa kung aling bahagi ang nauna. Kapag nauna ang
panaguri sa simuno, karaniwan ang ayos. Di-karaniwan kung una ang simuno. May panandang
ay ang di-karaniwang ayos.
Halimbawa:
Karaniwan – Masipag mag-aral(panaguri) si Moses(simuno).
Di-karaniwan – Si Moses(panaguri)ay masipag mag-aral(panag-uri).
Ay – pananda sa di-karaniwang ayos ng pangungusap

Ang mga pangungusap ay maiuuri sa kayarian. Ito ang:


 Payak – May isang diwang ipinahahayag na tinatawag na malayang sugnay o sugnay na nakapag-
iisa.
Halimbawa: Kinupkop ni Marcela M. Agoncillo ang mga Pilipinong pumunta sa Hongkong.
 Tambalan – Higit sa isang idea inilalahad. Ang mga pangungusap ay pinag-uugnay ng pangatnig
na at, o, at ngunit.
Halimbawa: Ipinaglaban ni Don Felipe ang mga Pilipino at ito ay sinuportahan ni Marcela.
 Hugnayan – Binubuo ng higit sa dalawa ang ideya ng Malaya at pantulong na sugnay.
Ginagamitan ito ng pag-uugnay na kaya, kung, kapag, dahil, upang, nang, at iba pa.
Halimbawa: Kina Don Felipe panandaliang tumigil si Heneral Emelio Aguinaldo nang pumunta
siya sa Hongkong.

Paghinuha sa Damdamin ng Tauhan sa Kuwento


Ang paghinuha ay mataas na antas ng pag-iisip kaysa pagtukoy lamang ng detalye na nasa
teksto. Sa paghinuha, wala sa teksto ang sagot kundi ipinahihiwatig lamang. Ang pahiwatig
naman ay nasa loob din ng pangungusap at nasa paraan ng pagsasalita.
Halimbawa: Willie: Pito tayo kaya ք70.00 araw-araw.
Sa limang araw ay ք350.00
Hinuha: Mahusay sa Matematika si Willie.
Ang katangian at damdamin ng nagsasalita ay nabibigyang-hinuha sa kilos at pahayag ng
nagsasalita.

Mga Bahagi ng Pahayagan


Ang pahayagan ay mahalaga sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Ito ay naghahatid sa atin ng
mahalagang impormasyon tungkol sa kaganapan sa labas o loob man ng bansa.
Ang pahayagan ay may iba’t ibang bahagi.
1. Pangmukhang Pahina – Ito ang pinakaunang pahina. Dito mababasa ang
pinakamahalagang kaganapan sa bansa.
2. Pahinang Editoryal – Ito ang bahagi ng editor. Dito mababasa ang kaniyang opinion
o kuro-kuro tungkol sa napapanahong isyu.
3. Anunsyo Klasipikado – Ito ang pahina para sa paghahanap ng trabaho, pagbili ng
kagamitang pampamilya, lupa, makinarya, at iba pa.
4. Pahinang Tanging Lathalain – Nagtataglay ito ng mga tanging lathalain ukol sa mga
bagay-bagay na makatulong sa tao.
5. Paghinang Panlibangan – Katatagpuan ito ng mga balita tungkol sa libangan, laro,
palabas sa sinehan, tanghalan, at iba pa.
6. Pahinang Pampalakasan – Mga patimpalak, paligsahan, at iba pang gawaing kaugnay
ng palakasan ang nalalathala rito.
7. Pahinang Pangangalakal at Pananalapi – Mga balitang pinansyal, stock market, at
peso-dollar exchange rate ang taglay ng pahinang ito.

You might also like